luismiguel06
luismiguel06
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
luismiguel06 · 2 years ago
Text
Ang Masaganang Tanawin Sa Lugar ng Bicol
Tumblr media
Dito nag simula ang lahat Lubao to Sorsogon ang byahe dito. Grabe ang layo ng byahe, sumakay kami ng bus at ito'y umalis ng 8pm at nang makarating kami ng Sorsogon ay kinaumagahan na sakto sa tinatawag nilang "CROSSING". Kaya naman, kung ikaw ay mahina sa byahe damihan muna ang iyong supot.
Tumblr media
Ito ang tinatawag nilang "CROSSING" na kung saan pag dineretso mo ang byahe marating mo ang dulo ng Sorsogon. Kung ikaw naman ay naliko sa pakanan na direksyon ika'y mapupunta sa tinatawag nilang "Bayan Castilla". Ito'y simpleng pamayanan sa Sorsogon na kung saan maunlad ang pamumuhay marahil nadin sa likas na ganda at yaman ng kapaligiran.
Tumblr media
Nakasanayan na nga dito ng matatanda ang mag inom ng maaga kaya naman kapag gising mo at ikaw ay nalabas sa bakuran tiyak may makakasalubong kang inaakay, ganun paman likas pading masiyahin ang mga tao dito.
Tumblr media
Ito naman ang Pier na kung saan nag bababa ng milyong milyon na sako ng semento. Dito din isinasakay sa lugar na ito ang mga pam-pasaherong bus at itatawid naman ng roro sa kalipat na probinsya. Madalas mo din makikita dito ang mga sasakyang militar na pang dagat na kung saan ay nag mamasid o nag babantay ng karagatan.
Tumblr media
Ito ay ang Parola ang nag sisilbing ilaw sa dalampasigan ng Castilla. ito ay naitayo nung panahon pa ng mga hapon at nag silbing gabay ng mga taong tumatawid sa mga katabing bayan. Alam niyo ba na ang taga bukas nito kada gabi ay isang matanda na nakatira sa kalapit nitong posisyon?
Tumblr media
Ito ay tinatawag saamin na Baluko na kahawig ng tahong ngunit mas malaki siya kung ihahalintulad. Ito ay napakasarap lalo na kung ito ay ililuto sa pamamaraan ng mga taga bicol.
Tumblr media
Ito ay ang Rest Arra na kung saan naka hubog siya sa porma ng isang alimango. At ito ay nag sisilbing pahingahan ng mga turista na dumadayo upang makita ang magandang tanawin ng Sorsogon.
Tumblr media
Mayaman ang Sorsogon Bicol sa mga tradisyon na kakaiba. Marahil laman din ng mga ibang impormasyon na nag lalaman ng katatakutan itong lugar. Bagamat, isang linggo lang kami napunta sa lugar na ito marami akong natutunan at pahahalagahang bagay na hindi ko malilimutan. Maraming Salamat. At sana ay marami kayong natutunan sa bilang lakbay sanaysay ko sa probinsya ng aking lolo. Halina't samahan niyo uli ako sa aking mga susunod pang paglalakbay.
1 note · View note