Text
Globalisasyon
- Ito ay ang pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo para makaikot ng malaya ang mga produkto at serbisyo ng bawat bansa.
Ang mga tanong ay:
Sa tingin mo ba ay maganda ang epekto ng globalisasyon?
- Para saakin, lahat ng bagay ay may parehong masama at magandang epekto. Ang magandang epekto nito ay may nakukuha/nabibigay ang mga bansa na nakakatulong para sa isa't isa at nakakaranas tayo/sila ng iba't ibang gamit na galing sa ibang bansa.
- Ang masamang epekto naman nito ay sa padami nang padami ang mga produktong napupunta saatin ay, nakakalimutan na ng iba ang mga produktong galing saatin.
Sa tingin mo, ano ang mangyayari sa ating bansa kung hindi tayo naabutan ng globalisasyon?
- Sa tingin ko ay madaming mami miss out ang Pilipinas pero madami din naman tayong masayang ginagawa dito kahit walang bakas ng mga produkto na galing sa ibang bansa.
1 note
·
View note
Text
Evaluation: Once Upon A Tune - Gary Granada
source: https://www.flickr.com/photos/debbieperezg/2931961766

Ito ay si Gary Granada, siya ay ang gumawa ng kantang “Once Upon A Tune,” at ang iba pang kanta niya ay may kinalaman sa politika. Onting kaalaman kay Gary ay siya’y lumaki na madaming trabaho para siya ay makatulong sa kaniyang mga magulang about sa pera.
Kaya ko nasabing may kinalaman sa politika ang kanta niyang “Once Upon A Tune,” ay dahil sa mga lyrics neto. Ako ay magbabanggit ng ilang stanza, upang matalakay kung ano ang ibigsabihin ng mga ito.
Pagtatalakay:
!TW: masasamang words xD
1.
Dahil gobyerno ang nagpasimula
Imbes mapabuti lalong lumala
Minsa'y iniisip ko, ano kaya
Mas mabuting may gobyerno o wala
Ito ang simula ng kanta. Self-explanatory naman itong stanza na ito, gobyerno dapat ang magiisip ng solusyon kapag may isyung nangyayari pero bakit sila pa yata mismo yung gumagawa ng problema? Kapag naman hindi sila nakagawa ng problema ay hindi nila binibigyang pansin ang mga problema ng bansa, kaya katulad ni Gary ay mapapaisip ka na lang den kung “Mas mabuting may gobyerno o wala.”
2.
Kandidatong bobo, lumipad sa langit
Di ko na nakita buhat nang ma-elect
Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista
Sa linyang “Di ko na nakita buhat nang ma-elect ,”Diba ang mga kandidato ay nagk-kompanya bago ang election, ang mga pinangakong gagawin at ang pinakitang bait ng kandidatong binoto ay nawawala once na na-elect na sila. At dahil dito ay mas gugustuhin pa ni Gary na bumoto ng isang artista kaysa sa mga kandidato.
3.
Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara
Katulad ng sinabi ko nung una sila’y nagbubulag-bulagan pag dating sa problema ng ating bansa. Ayaw nilang panindigan ang responsibilidad nila bilang gobyerno. Katulad nang simula ng pandemic, isinantabi ni President Duterte ang covid at wag daw natin katakutan ito dahil virus lang daw ito.
gobyerno:
4.
Gawa ng gawa ng proposal
Sanay na sanay sa refusal
Damidaming gusto, damidaming konsepto
Di pa nabuo ay mayron nang bago
Katulad uli ng sinabi ko kanina ay lahat ng pinapangako nila na kanilang gagawin bago mag election ay hindi na natupad. Kahit madami silang konsepto ay hindi nila magagawa lahat nang iyon dahil padami nga ng padami ang kanilang gusto. Kung mayroon man silang natupad ay wala naman itong natulungan. *ehem* white sand in manila bay *ehem*

REAKSYON KO SA KANTANG ITO:
Maganda itong kantang ito, I really like his braveness sa pagproduce nang kantang ito para matulungang buksan ang mga mata ng ibang tao or even ng mga bata.
KONKLUSYON:
Sa susunod na eleksiyon ay bumoto nang maayos para ‘di maulit ang mga pangyayari ngayon, paulit-ulit na ECQ, nakawan ng pondo, atibp. Ngayong naglockdown na ulit, dapat strikto sila ngayon sa mga palabas labas para di na uli dumami ang cases ng covid at nang makabalik na ulit tayo sa walang virus na kinakatakutan sa labas.
Yun lang at salamat sa pagbabasa hanggang dulo.
-Costales
0 notes
Quote
it's okay to fall, just don't fall apart
svt’s the8
「 lujille costales
ten - dalton 」

4 notes
·
View notes