Ako si Jenny, ngunit tawag saken ni inay ay Jin. 1991. two bros. Mechanical engineer. Pangarap ko maging piloto. Mahilig akong kumain pero hindi ako matakaw. Ako'y isang photographer (ilusyon ko).
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
I will not touch him anymore. I will not touch his hair..his ears…his fingers…his heart..i will now give up. I know he will not consider me..my love for him. I know he doesn’t need me. And it breaks me. Even though i need him… He needed someone else. And it really breaks me…please someone…save me…i don’t know now what really love means…was it really painful.. It does. It does.
0 notes
Text
Nasasanay na akong kumain mag isa sa labas. Dati rati hindi ako mapakali. Hindi ko kayang isubo nang diretso kinakain ko sa bunganga ko. Nanginginig kamay ko, pinagpapawisan kili kili ko, natutuyo lalamunan. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Magkamali lang ako ng galaw may biglang tatawa. Epekto parin ata iyon ng pagkaka bully sa akin noong elementary. Pero wag kayong maguilty. Hanggang ngayon gumagawa parin ako ng paraan upang maging komportable ako sa sarili ko at sa mundong ginagalawan ko. Naniniwala parin ako na hindi lahat ng tao sa paligid ko pagkakatuwaan ang kahinaan ko. Masaya pala mag isa.
2 notes
·
View notes
Text
They just love you because they believe you are perfect.
When you consider someone so special, opening your window to see through your life. Even trusting them with your own lies and darkest past. And then suddenly, they become strangers. Screw you.
They just love you because they believe you are perfect. That was not love. That was pure selfishness. They just want good for themselves. Nothing is perfect. And they want pure perfectness. They will get pure nothing.
0 notes
Text
4 am: bumangon, naligo. 5:30 am: pumila. *Ang haba ng pila. Pang anim na jeep kmi.* 6:30 am: nakasakay din! 7:30 am: nakarating ng town. Wala na service papuntang office. Late nanaman ako.
Pambihira. Kahit ang aga mo kung wala talagang masakyan, kung lahat na lang ng parte ng Baguio traffic. Baguio pa ba to?
1 note
·
View note
Text
Nag take ako ng examination kahapon sa ermita. Syempre gusto ko subukan yung field na tinapos ko.
2am: nakarating ako sa pasay via victory. Sinundo ako ni chris. Isang mabait na kaibigan na palaging iniisip e maliligaw ako.
3am: nakarating kami sa inuupahan niya. 2x2 na unit. May banig, unan, ilang maliliit na kabinet, files, lagayan ng labahan, tabo na may shampoo at sabon, gitara, at portable electric fan. Habang nagkwekwentuhan, ginuhit nia ang mapa patungong kompanya na inaapplyan ko. Aba, left handed.
6am: pagkatapos niyang pumasok sa trabaho niya, sumunod na din ako. Iniwan ko ang pasalubong kong lengua. Di ko kasi ugali nagbibigay ng pasalubong. Nahihiya ako kaya iniwan ko lang sa kama niya baka sakaling hindi na ako makakabalik dun. Sinundan ko ang mapa. Sumakay ng jeep patungong Kalaw St. At ika ng driver, “hindi ba kasama klase ninyo sa suspension?” Ano? “Ay Sir, mag aapply po ako ng trabaho.” Ibinaba ako sa kalaw st., gaya ng sa mapa. Nakita ko din ang NBI, medyo malaki pala. Nagtatanong din ako sa mga guards, naniniguradong nasa tamang direksyon nga ako. “Patingin ng mapa mo iha. Check ko kung tama.” Binigay ko. “Oo. Tama to iha.” Ang galing naman ni Chris. “Sumakay ka ng pedicab pag nasa dulo ka na. Para di mo na lakarin. 40 pesos lang yun.” “Sige po! Maraming salamat!” Nakita ko ang pedicab at sumakay. Ahh, malapit lang naman. Ibinaba ako sa Romualdez St. At siningil ako ng 150. “Ano po?! 50 na po inaabot ko o sobra na nga po yan.” “Napagod ako. 150 naman talaga. Ang layo ng pinuntahan natin.” Sa Sta. Mesa nga po mas malayo pa dito 30 pesos lang. Imposible yan manong. Niloloko niyo ako.” “Anong niloloko?” At akmang wala syang intensyon na ibaba ako, pilit na ibabalik ako sa pinanggalingan ko. Dahil sa inis ko, nanahimik akp at ibinigay ang 150. “Salamat po manong.” Ok lang yan. Yan lang ang madadanasan mong pinakamalaking pera. Walang yumayaman sa panloloko.
6:45am: nakarating ako sa Simon. Ayaw ako papasukin ng guard. Nagagalit si Chris sa phone. “Pumasok ka! Sabihin mo engineer ka! Baka akala niya Sales lady ka.” Ang ganda ko naman kung ganun? “Ayokong magpumilit. Baka ibuhos niya saken yung dala niyang kape.” Nag antay ako sa labas. Puro yosi na naamoy ko.
8am: Di ko na kaya maging scare crow. Nakatulog na din ako sa inuupuan ko. Papasok na talaga ako. Aba, iba na yung guard. “Sir pasensya na po. Pwede po bang maki c.r.? Di ko na po kaya.” “Ay sige po ma’am! Pasok po.” Hinatid pa ako sa restroom. Kakaiyak naman.
9am: pinag exam na ko. Ang daming papel. May sketch your house route pa sa last page. Habang nag eexam, nangungulit yung ibang manggagawa sabay lagay ng electric fan malapit saken. Ang babait nila. Gusto makipaglokohan. Maganda nga naman nagsasaya habang nagtratrabaho. 10am: pinaakyat ako para mag exam muli sa tablet. Medyo kalokohan. Pinagsosolve ako ng math problem within 8 seconds. Lord, di po ako nerd. I swear. 11:30am: kumain muna ako. Since naloko ako ng pedicab at nagpaloko naman ako, isang tinapay at orange soda ang pananghalian ko. 12:00: bumalik ako sa tambayan. Naglalaro sila ng chess. May magaling. May humihiling ng damath na lang. “Marunong ata si madam e! Siya ang next na lalaban!” “Hala?! Wala po kong taleny sa ganito, haha.” Sabay lapit sa table at inayos ang pieces. Mabagal po ko maglaro pasensya na po. Ang tagal ng laro. Syempre talo ako. Ang saya naman nila. 1:30pm: Ininterview ako ng mechanical engineer. Sinabon niya ang aking grades. Kinwestyon ang aking kaalaman. “Hahaha, tama po kayo.” Well, tama naman talaga siya. Hindi ko naman talaga alam ginagawa niya sa kompanya. “Ano?! Nagtuturo ka ng thermodynamics e bagsak mo ang thermo2?” Opo kasalanan ko po yan. “Pati Differential calculus mo kumakapit.” “Hahaha.” Wala naman na ko pinagsisisihan. Nag enjoy ata ako sobre noong college. “Dapat ganito ka, blah blah blah…” Natatawa na lang ako. Ayun, pinag antay ulit ako sa labas. 2pm: Pina akyat ako upang interviewhin muli. Ang weird, walang katapusang interview.
0 notes
Text
Color me.
Ahhh. Nasasanay na ako.. Nasasanay na akong maging romantic na walang substance. Filling each void that others have, pero habang tumatagal lumalaki butas ng pagkatao ko. Nawawalan na ako ng pakiramdam. Saya..lungkot..galit... ang tagal ko nang hindi nararamdaman. Nakikita ko balang araw lalamunin na ako ng kawalan. Every thing is starting to look gray. Sometimes, i can't even hear. Minsan..tinutulak ko na sarili ko. Kung hindi mo alam kung nasaan ka..huwag kang hihinto...jen..
0 notes
Conversation
Office 002
Sir butch: Sir John, have you already told Jenny about the DOs and DON'Ts in marriage?
Jin: *teka di pa ako kinakasal a!*
Sir JM: Just...don't.
Jin: O_o..*tindiii graah, hugot ba yan o wala na talaga ako karapatan?*
0 notes
Photo

Sir, let’s take picture! Why? I’ll show it to my father. Bola-bola. Why? Because I tell him everything. Liar. I’m shy.
0 notes
Text
Nabasa ko 'yun e. Di ko lang maalala kung saan. Mataas ang percentage na naaakit ang mga lalakeng naka fit na pants sa kapwa nila lalake. Wala akong ibedensya pero tumatak na talaga sa isip ko.
0 notes
Conversation
Office 001.
Yana: Hala! Lumalaki na bilbil ko!
Jin: Isa lang solusyon dyan.
Yana: Ano?
Jin: Magsuot ka ng maluwang na shirt.
Yana: Walang hiya ka talaga jini.
Tama naman. Di dapat tayo ang nag aadjust sa damit natin. Yung damit dapat nag aadjust para sa atin.
0 notes
Text
Today, i was offended by the Gospel. Looking forward for more. People criticize. I am not perfect, but my God is perfect.
0 notes
Text
I'll now stop looking after you. I will now give up. I will now stop letting my heart break. I will now stop letting my my self care for you. I will now give up for love. Enough. Im breaking. I'm dying.
0 notes
Text
Pure nothing.
When you consider someone so special, even opening a window of your own complicated life, just letting them see your naked lies and malicious past. And then suddenly they become strangers. Screw them. They just love you because they believe you are perfect. That was not love. That is pure selfishness. Nothing in this world is perfect. But they love perfection. They love pure nothing.
0 notes
Text
Gabi-gabi na lang. Ma..Pa...namimiss ko na po sigawan nyu..asaran..sabayang paghilik...away.. Sa totoo lang hanggang ngayon di ko lubos maisip na hahantong kayo sa ganito. Kapag naaalala ko "kayong dalawa" bigla na lang tumutulo luha ko.. Nababasag puso ko. Namimiss na kita Ma...ni hindi man lang kita makita o makausap...asan ka na...nagmakaawa ako na huwag ka nang umalis...umalis ka pa rin. Hanggang ngayon hinahantay parin kita. Di ba may pangarap pa tayong dalawa? Yung mga plano natin...mamimili tayo ng mga halaman pupunuin natin paligid ng bahay diba? Panatag ako dati rati 'pag andito ka sa bahay...Ngayon halos ayoko nang umuwi dahil kahit saang sulok naaalala kita. Di mo ba ako naaalala?Ma...kanino ko ikwekwento 'tong bago kong kalokohan?Namimiss na talaga kita...pakiramdam ko mamamatay na ako kakaisip kung babalik ka ba...tuwing nakikita ko muka mo sa isip ko..ramdam ko kung gaano kalaki butas ng buhay ko... Halos taon na, di parin ako sanay na wala ka..Ma. Papa, ayaw mo n ba talaga ayusin to?Wala na po bang pag-asa?Umaasa parin ako...
0 notes