Tumgik
luxxyee-blog · 6 years
Text
Isang Kritiko:
               ‘Di natin mapagkakakaila na tayo ay isa sa biktima ng mga pagsakop ng mga dayuhang bansa at naging dahilan ito ng pagkawala ng ating mga pagkakakilanlan. Sa bawat oras na lumipas ay nagkaroon tayo ng mga panahon para maibalik ang tunay na atin at maipakita natin na kahit tayo ay naangkin ng dayuhan ay kaya natin maibangon ang ating sariling kasarinlan. Sa mga sining na isa sa magandang halimbawa ng ating maipagmamalaki. Ang ating mga natatanging sining ay may taglay na kagandahan na kaya nating ipagmalaki. Tayo’y dapat magpasalamat sa mga natatangi nating mga tribo at grupo na patuloy na prinoprotektahan ang tunay nating reputasyon bilang isang mga Pilipino. Napanatili nila ang mga likas na ito at sa modernong panahon ngayon ay nadadagdagan ang gustong maibalik ang ating ginaginang mga sining at larawan. ‘Di rin natin maipagkakaila na sa ngayong panahon ay kapwa natin Pilipino ang naligaw na ng landas sa makabayang layuning ito. Ang isipan ng mga mamamayan ay patuloy na kinakain ng mabilis na globalisyasyon at kapitalismo sa ating bansa. Sa aking nakikita sa aking araw-araw na pamumuhay, may mga pagbabagong nagaganap na lubusang sumisira sa ating pagkakakilanlan. Bakit pa ba natin kailangan magbago para makilala? Sa totoo lang, walang masama sa malayang opinyon pero kailangan mo bang italiwas ang iyong pagkakakilanlan. Marami nga tayong mga pinagmamalaki pero bakit hindi ito ang maiambag sa ating kaalaman? Bakit puro makadayuhan ang ating mapanuring kapakanan? Maging malawak tayo sa ideya at pagiging orihinal at isang punto ito sa bilang makaakit. Mga Pilipino, gumising tayo, marami pa tayong dapat malaman sa ating kinagisnan na kung tutuusin at sa pag-aaral, mayroon tayong napakalawak na iskopa ng bansa. Hindi pa naman huli ang lahat. Gawin sana natin ang ating responsibilidad bilang makabansang Pilipino upang ‘di tayo maging isang probinsya ng ‘di rin natin inaasahan.  
1 note · View note