lzlmrspg
lzlmrspg
5 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
lzlmrspg · 5 years ago
Text
Hi! It's been 4 years yung madramang posts ko. Now lang ako bumalik kasi nakita ko ung tumblr sa app store then bigla ko naalala na nagpost pala ako dati nito. Ayun binasa ko ulit ang weird pala basahin after 4 years hahaha. Ganun talaga pag nagmahal ka masyadong madrama. Anyways yung 2017 na last post ko nagkaroon ako ng boyfriend/asawa ko na ngayon 😁 3 years and 1 month na kami. May baby na rin kami. Maaga man ako nabuntis pero napaka right timing din dumating anak ko. Lahat nangyari sakin last year maganda. Kaya sobrang swerte ko sa anak ko sobrang mahal na mahal ko siya. Going strong parin relationship namin ng asawa ko. Simula nagkaanak kami dami kong natutunan although mahirap talaga sa umpisa kasi first time mom ako. Tas eto dumating yung postpartum depression hindi pala talaga biro yun. Lagi na ko irritable lalo na sa asawa ko na wala naman dahilan kung bat bigla ako naiirita sakanya. Puyat kasi ako minsan sa kakaalaga kay baby. Di ko rin maiwasan na nagkandahalo halo na lahat yung pagod at puyat. Umiiyak yung baby ko di ko pa maintindihan kung ano gusto niya di siya tumitigil sa kakaiyak. Bigla sumagi sa isip ko na gusto ko siyang saktan para manahimik lang pero sa other side ng utak ko mas nangingibabaw na wag na wag kong gagawin yun. Napipigilan ko pa pag tuwing naiisip ko yun. Sinasaktan ko na lang sarili ko para mapigilan kong gawin sakanya kasi wala pa naman kamuwang muwang anak ko. O kaya dinadaan ko na lang sa iyak lahat ng frustrations ko kasi nung wala pang 1 month si baby lakas mampressure mama ko pagdating sa pag aalaga kay baby. Siyempre di ko pa alam kung pano kasi dati di talaga ako malapitin sa mga bata kaya sobrang nangangapa ako. Haaay pero going 3months na baby ko. Hiling ko lang na wag maging sakitin anak ko at lagi syang healthy yun ang pinaka importante sakin. Yun lang 😁😁😁
0 notes
lzlmrspg · 8 years ago
Text
03/04/17
It's been a while tumblr since I posted here. Ngayon ko lang ulit nabasa yung mga post ko dito. Natatawa na lang ako kasi sobrang madrama pala ako noon. Ganun pala ako na-heart broken ang tanga haha. Lagpas 1 year na simula nagbreak kami pero may communication parin just like the old times pero ang pinaka iba lang ay wala na kaming label. Sabi nga ng mga kaibigan ko bat ako pumapayag sa ganung sitwasyon. Napatanong din ako sa sarili ko, di ko rin masagot. Syempre may konting kirot parin pero di na katulad dati na gabi-gabi umiiyak. Mas lalo ako nagiging strong. Since nagkaroon ako ng trabaho mas lalong nakatulong sa pagmo-move on ko. Na-divert na yung attention ko sa iba kasi may mga nakilala na ko. Pero syempre ayoko na magpadalos dalos kasi natatakot na ko magtake ng risk. Hindi ko alam kung ano talaga intensyon nila sakin na baka trip lang nila. Kung may darating man ngayong year na to ipu-push ko na.
0 notes
lzlmrspg · 10 years ago
Text
Merry Christmas!
Hey! Merry Christmas everyone :) lalo ka na. It seems like you don't care about me anymore. Para akong tanga nag aantay ng texts mo na baka sakali replayan mo ko. Hanggang dun na lang ba ko? Mag aantay ng walang kasiguraduhan? Wala ka na atang pake na nasasaktan na ko ngayon. Kasi hindi mo na ko tinatanong kung okay lang ba ako. Kaso wala. Walang paramdam. Magpaparamdam lang kung kailan mo gusto. Pero eto si tanga natutuwa pa rin sa pinaparamdam mo sakin. How could you manage that? Habang tayo pero nakikipag entertain ka sa iba. Disappointment ang nararamdaman ko sayo ngayon. Nasira mo yung tiwala ko. Akala ko hinding hindi mo magagawa sakin yun dahil nangyari na sa past mo. Nagmaling akala nanaman ako. How funny. You know what I hated the most about myself? Yung kayang kaya ninyo kong tiisin. Pero pag ako hinding hindi ko kayo kayang tiisin kasi mahalaga kayo or ka sakin. Kapag wala na kong pake o hindi na ko nagpaparamdam saka niyo pa ko papansinin. Fuck life.
0 notes
lzlmrspg · 10 years ago
Text
It hurts.
I don’t know why I’m getting through this freaking situation. Loving someone you love is the happiest moment in your life but sometimes it fucking hurts so much. Love is like a roller coaster. There’s a twist. There’s ups and down. When you survive that freaking roller coaster its really worth it.
Anyway, those 14 months being together is the most happiest in my life. Pero sa 14 months na iyon hindi biro ang pinagdaanan natin. Ang daming nangyari. Ang dami ding nagbago. Just like a few months, you changed. You’re not the same man I love anymore. Sobrang sakit na yung tipong ginagawa mo sakin dati, ginagawa mo na sa iba ngayon. Goodmorning&Goodnight texts/chat sobrang bihira na. Hindi katulad dati tuwing pag gising ko bumubungad sa phone ko yung texts mo. Noon pag gising ko palagi ako nakangiti. Pero ngayon gumigising na ko ng may lungkot sa labi. Sinanay mo ko sa lahat. Kaya ngayon hinahanap ko palagi sayo. When I’m starting to make drama, you always hate it. Kasi napapagod ka na. Ako rin naman napapagod na ko. Palagi na lang ako nagba-baka sakali na bumalik yung dating ikaw.
I appreciated all your efforts. Sa pagpunta mo palagi sa bahay, sobrang masaya na ko. Kasi kahit papaano may time ka sakin. Pero natatabunan parin yung sakit. Sakit na may gusto kang iba. Sakit na may kahati ako sa mundo mo. Sakit na hindi na ata ako nangunguna sa isip mo. At sakit na hindi rin ako kakulitan mo. Childish na kung childish pero masakit talaga.
Kapag mahal mo yung isang tao, magpaparaya ka na lang diba? Ayoko kasi yung nagmamahal ako eh may nagugustuhan ka palang iba. Ayoko ng kahati. Gusto ko ako lang. I’m loving you too much but I’m taking the risks right now. If that will happen, I’m gonna choose the right decision. For the sake of your happiness, I am letting you go, baby. Even if it hurts so much.
0 notes
lzlmrspg · 10 years ago
Photo
Tumblr media
2K notes · View notes