maaaarlon19
maaaarlon19
tanikala
8 posts
🔗
Don't wanna be here? Send us removal request.
maaaarlon19 · 6 years ago
Text
Tumblr media
BAHARA
Binalasa ang baraha at umaasa na sa huli ay tayong dalawa
Susubukang sumugal hanggang ang puhunan ay wala na
Naglaan ng matagal na panahon ngunit di naglaon puso'y wala nang ipon
Naipon na pagmamahal na iyo lamang itinapon
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna, ngunit ako pa rin ay minalas
Dahil sa huli, ang inaasam mo pa rin ay ang alas
Binalasa ang baraha nang paulit-ulit
Pero sa huli ako pa rin ay ipinagpalit
Baraha nang baraha hanggang sa inabot na ng umaga
Nagbabakasakaling ikaw ay babalik pa
At natapos na naman ang buong araw
Pero ang pagmamahal ay patuloy pa ring umaapaw
0 notes
maaaarlon19 · 6 years ago
Text
Tumblr media
Ipinagdiwang ng aking kaibigan ang kanyang kaarawan dito sa isa sa mga matataas na gusali sa may Makati. Sobrang saya ng kanyang party kagabi; inuman, sayawan, at paglalaro ng mga card games ang aming ginawa. Eto ako ngayon, kakagising ko lang at napakasakit ng aking ulo. Napatingin ako sa aking cellphone; linggo na pala at wala pa akong nagagawang assignment na ipapasa para bukas. Hinintay ko lang ang aking mga kaibigan na magising para sabay-sabay na kami maghanda at umuwi. Naglalakad na ako sa may kabilang kalsada pauwi sa amin nang napansin ko na parang may handaan sa may kapitbahay namin. Hindi ko nalang ito pinansin dahil masakit pa rin ang aking ulo.
Pagkauwi ko sa bahay ay umupo muna ako at bigla akong napabalikwas sa aking inuupuan nang aking maalala ang mga takdang aralin na aking gagawin. Marami-rami nga pala iyon kaya agad ko nang kinuha ito sa aking bag. Tatlong assignment na sasagutan sa libro at isang babasahing kwento na pinaphotocopy namin. Inabot na pala ako ng alas-otso ng gabi kakasagot lang ng mga assignment na to sa sobrang hirap. Buti na nga lang at babasahin lang itong kwento na to.
Inumpisahan ko ang pagbabasa ng bandang alas-nwebe na dahil kumain muna ako.
Ang kwentong ito pala ay isang parang essay. Parang mga kathang-isip na pangyayari.
“Sa isang malayong probinsya, may mga kagimba-gimbal na mga pangyayari ang bumabalot dito. Tuwing gabi ay may mga bangkay na tumatayo mula sa kanilang mga libingan. Maski ang mga tao sa probinsyang iyon ay hindi rin alam kung anong dahilan nito. Gabi-gabi ay takot ang bumabalot sa kanilang tahanan. Nangangamba sila na baka ay atakihin sila ng mga bangkay na ito.
Mayroon ding nagsasabi na may nakikita silang mga puno na nagsasalita tuwing gabi. Pinag-uusapan nila yung mga bangkay na gumagala sa kanilang probinsya. May isang ale nga raw na naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang nakarinig na pinag-uusapan siya ng mga puno na ito. Iniisip ng mga puno kung bakit parang hindi nangangamba ang ale na nito habang naglalakad ng gabi sa kanilang probinsya gayong alam nya naman na may mga bangkay na gumagala dito. Agad daw kumaripas ng takbo ang ale ng marinig niya ang usapan ng mga puno.
May ilang mga matatanda rin na nagsasabi na nakakita naman sila ng isang usa na lumulutang sa hangin sa may bukiran. Kitang-kita raw ng ilang mga matatanda ito dahil pabalik na sana sila sa pagsasaka ng bigla nila itong napansin. Nagulat ang mga ito sa kanilang nakita dahil sino ba naming mag-iisip na kayang lumutang ng isang usa. Hanggang ngayon daw ay malinaw pa rin ito sa kanilang mga isipan na nakakita sila ng lumulutang na usa. Parang kagaya lang din ng sa aking paboritong libro, ang Harry Potter. May usa rin dun na lumilipad, pati na rin ibang mga hayop. Ang naaalala ko ay ito ang kanilang mga Patronus.
Sabi naman ng ilang  mga palasimba sa probinsya na iyon ay may nakikita sila sa may gilid ng simbahan na isang bata. Isang bata raw na may kaibigang pusa, hindi lang ordinaryong pusa kundi nagsasalitang pusa. Palihim nilang sinundan ang bata para siguraduhin kung totoo baa ng kanilang nakita. Hindi sila nagkamali at nakita at narinig nila ang pusa na nagsasalita…” Hindi ko na tinapos yung pagbabasa ko. Napaka-ingay kasi nitong kapitbahay namin. Mga nagpaparty, nag-iinuman at nagvivideoke. Ang ingay nila kaya nabaling sa iba ang aking atensyon. Nagcellphone nalang muna ako at tsaka ko lang namalayan na lagpas hating-gabi na pala. Kaya pala ay medyo inaantok na rin ako habang binabasa ang kwentong ito. Mamaya sa byahe ko nalang tatapusin ang pagbabasa neto. Tutulog na muna ako.
0 notes
maaaarlon19 · 6 years ago
Text
Tumblr media
Naalala ko pa nung mga bata pa kami, mga laki kami sa lansangan. Mga batang hamog kung tawagin. Kaming dalawa lang halos laging magkasama sa pagkakalkal ng basura sa may malapit sa amin. Isang malaking tambak ng basura iyon, maraming mga pwedeng pangkalakal, pero kailangan mo talagang tiisin yung sobrang nakakasulasok na amoy ng lugar na yon. Napakabaho. Pero kasabay ng pag-akyat namin sa tambak na basura na iyon ay ang pag-angat din naming sa buhay. Mga naipilit namin makapagtapos ng pag-aaral kaya’t ngayo’y hindi na kami sa tambak ng basura umaakyat, sa building na kung saan kami nagtatrabaho. Dahil nga sa tagal na rin naming magkakila ay niligawan ko na siya. Matapos ang ilang buwan ay sinagot nya na rin ako. Lumipas ang ilang taon, manager na ako at manager na rin sya. Nagpropose na rin nga pala ako sa kanya at next year, magpapakasal na kami. Medyo malaki na rin naipon ko, may nabili na rin kaming bahay. Ang billis ng panahon, isang liggo nalang bago ang kasal. Okay naman lahat dahil magaling yung wedding planner na nakuha namin. Isang araw bago ang kasal, dumating na ang mga customized gowns at suits para saming dalawa at sa entourage. Napagdesisyunan din pala namin na sa Manila Cathedral ikasal at ang reception naman ay sa Manila Hotel. Maayos naman ang takbo ng araw na iyon. Excited. Nakakakaba. Pero nung gabing iyon ay parang kakaiba. Habang kumakain ako nasanggi ko yung cellphone ko, pagtingin ko’y basag na ang screen nito. Nag-alala ako dahil bakit ito nabasag. Pero wala akong ibang naisip kundi yun lang. Sa hotel na rin pala kami nagstay ngayon. Pero kagaya nga ng mga kasabihan diba, bawal daw magkita ang groom at bride isang araw bago ang kasal, kaya hindi kami nagkita ngayon. Sobrang excited na ako para sa kasal namin. Kinabukasan ay may package na dumating sa kwarto ko. Isang medyo maliit na package, galing sa kanya ito. Pagbukas ko nito, isang snowglobe ang laman nung package. Natuwa ako ng sobra dahil ito na ang araw na magiging mag-asawa na kami. Kabadong-kabado ako dahil may gimmick akong gagawin sa mismong kasal. Ako yung kakanta habang naglalakad siya. “Tenerife Sea” by Ed Sheeran yung kakantahin ko. Wala lang, naisip ko na sweet yun, kakantahan mo yung mapapangasawa mo habang naglalakad siya papalapit sayo. Kailangan ko na pala mag-asikaso ng sarili dahil eto na yung araw na pinakahihintay ko. Medyo maaga kami pumunta ng simabahan dahil may pa-wedding day photoshoot pa kasama yung entourage. Habang kinukuhaan kami ng mga litrato, may bigla akong nakita na itim na pusa na daan nang daan. Hindi ko na pinansin dahil baka pusa na sa may simabahan lang nakatira. Biglang sinabi ng kaibigan nya na parating na siya. Pumasok na kaming lahat at nag-ayos na. Sinara na rin yung pinto ng simbahan. Maya-maya’y binuksan na ang pinto, hindi ko alam kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. May isang magandang babae na naglalakad sa daan, daan patungo sa akin at paharap sa altar. Babaeng makakasama ko habangbuhay; makakasama ko rin hanggang sa pagtanda. Inumpisahan ko na rin ang gimmick kong pagkanta. Pangit ang boses ko pero lalo itong pumangit dahil nangingilid na ang aking luha. Ito ang isa sa mga pinakamasasayang araw ng buhay ko. At ngayon nga ay tapos na ang kasal; papunta na kami sa reception, sa Manila Hotel. Nagkita-kita kami ng aming mga kaibigan, kasama sa office, mga kaklase namin. Dahil nga ngayon nalang kami nagkita-kita ay nag-inuman kami. Party-party kami. Sobra akong nalasing kaya inaalalayan ako ng aking asawa aming kwarto ngayong gabi. Hindi pa naming ngayon plano maghoneymoon dahil napag-usapan namin na sa France kami maghohoneymoon kaya ngayon ay matutulog nalang muna kami. Madaling araw ay naalimpungatan ako. Tumayo ako sa kama at napamuni-muni. Napaupo ako sa upuan sa may lamesa. May Nakita akong isang lalaki na umiiyak sa harap ng salamin. Matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, pinagdaanan naming dalawa, ay nandito na kami ngayon sa ganitong kalagayan. Nakaahon na sa kahirapan, kaya nang bumili ng kahit anong gustong bilihin. Ni hindi ko nga ito naisip na ganito ang mangyayari. Naiiyak ako sa sobrang galak.
Kinabukasan ay medyo tinanghali na ako nagising. Gigisingin ko na rin ang aking magandang asawa. Paghawak ko sa kanya ay ang lamig nya. Ginigising ko na sya ngunit hindi kumikibo. Pinipilit ko sya gisingin ngunit hindi talaga sya nagigising. Tinignan ko na ang kanyang pulso at doon na ako nanghina. Wala na syang pulso kaya agad-agad akong humingi ng tulong. Nagsisisigaw ako sa labas ng hotel room; tinawagan ko na rin yung reception ng hotel para humingi ng tulong. May mga dumating din naman agad na tulong at maya-maya’y may ambulansya na. Pagdating naming sa ospital ay dineklara nilang patay na nga ito. Ang sabi pa na ang dahilan ng pagkamatay nito ay cardiac arrest. Nabanggit din ng doktor na anim na oras na itong walang pulso. Sobrang nakakapanlumo. Wala pa kaming isang araw na mag-asawa ngunit nagtapos agad ito. Napakasakit.
Matapos ang ilang araw, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na talaga ang babaeng pinakamamahal ko. Ngayon, may nakita na naman akong isang lalaki na umiiyak sa harap ng salamin, salamin ng kabaong kung nasaan ay mahimbing nakahimlay ang aking asawa.
Isa nalang ang ala-ala na mayroon ako sa kanya. Yung snow globe na binigay nya sa akin ilang oras bago kami ikasal. Siguro ngayon ay mahirap matanggap pero wala e, kailangan talagang tanggapin. Kailangang mabuhay kahit yung buhay mo’y ala-ala nalang.
0 notes
maaaarlon19 · 6 years ago
Text
Isulat mo ang iyong nakikita sa paligid. Isulat mo ang mga bagay na ramdam mong hindi lang ikaw ang nakakarinig. Dahil sa pagsusulat, napalaya ni Dr. Jose Rizal ang Pilipinas mula sa mga espanyol. Ikaw ba kapag nagsulat ka, ano ang mapapalaya mo? Ang sarili mo o ang bayan mo mula sa mga taong may kapangyarihan at nasa trono? Tatapusin mo ba ang iyong nasimulan o hanggang doon nalang at iyong iiwan?
Utos ng Hari, Doon Po Sa Amin, at Mga Kuwentong Kapos. Tatlong kwento na gawa ni Jun Cruz Reyes na sumasalamin sa tunay na buhay ng mga ordinaryong mga tao. Mga taong sumasabak sa hirap ng bhay. Mga taong patuloy pa ring lumalaban.
Utos ng Hari. Si Jojo ay isang halimbawa ng mag-aaral ibinababa ng iba. Isa rin syang halimbawa ng injustice sa iskwelahan. Madalas sa mga palabas lang sa tv ito nakikita pero pati pala sa mga kwento. Kung sino ang mayaman sila ang may second chance; kung sino ang mahirap sila ang maghihirap. Siya rin ay isang halimbawa ng isang estudyante na ginagawa ang lahat para umangat ang kanyang estado pero may ibang tao pa rin na patuloy na nanghihila pababa. Isa lamang din si Jojo sa mga estudyante na inaalipin ng mga guro na tingin nila sa sarili nila ay mga hari o nagdidiyos-diyosan.
Doon Po Sa Amin. Si Mon ay isang halimbawa ng hindi pagkakapantay-pantay sa isang lugar ng trabaho. Hindi dahil ang isang tao ay kapos-palad ay dapat nang alipusatahin sa trabaho. May mga tao talagang ginagamit o pinagsasamanatalahan ang iyong kahinaan para sa kanilang pansariling pakinabang. Para sila ang magmumukhang magaling, matalino, bida sa lahat ng pagkakataon.
Mga Kuwentong Kapos. Ito ay isang kwentong tungkol sa mga naudlot na kwento na posibleng maging isang buong kwento. Ito ay isang eksperimento ng may-akda upang bumalangkas ng istorya mula sa mga taong nakikita sa isang lugar. Sabi nga, other people’s life makes a great story. May iba-iba tayong kwento sa buhay. May mas malala pang kwento ang pinagdaraanan ang iba kesa sa kung anong pinagdaraanan natin pero bakit sila napagtagumpayan nila ito. Ito ay nassa ating kaisipan mismo kung paano malalagpasan ito. Si Linda, si Nelson, si Bong, at si Robert. Hindi man tapos ang kanilang kwento sa eksperimento na ginawa ng may-akda, pero naging bahagi sila ng isang magandang kwento. Mga kwentong kapos, ngunit buo.
May mga bagay na magmumulat sa iyong kamalayan sa lugar na iyong ginagalawan. Itong tatlong kwentong ito ay ilan lamang sa mga tutulong magpalawak ng pagtingin mo sa mga bagay-bagay. Ang pagsulat ay isang mabisang paraan para maihayag moa ng iyong saluobin, at isa rin itong mabisang paraan para makatulong sa iba na mapagtanto ang kanilang mga desisyon sa buhay.
0 notes
maaaarlon19 · 6 years ago
Text
Tumblr media
May mga kwento na kahit gaano kahaba ay nakakasabik pa rin basahin. May mga kwento naman na kahit gaano kaiksi ay nakakatamad basahin. Para sa akin, isa itong “Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon” sa mga maiiksing kwento na nakakatamad basahin; hindi dahil sa maiksi ito bagkus dahil hindi ko alam kung paano ito intindihin. Kaya ako ay humingi ng tulong sa aking bestfriend sa paggawa nitong aking pagsusuri.
Ang pagkakasulat ng kwentong ito raw ay yung tinatawag na “stream of consciousness”. Kung mapapansin sa akda, hindi gumagamit ng tuldok ang may-akda. Nais nitong patuloy-tuloyin ang mga impormasyon sa kwento. Parang nagiging thrilling ang kwento. Maraming mga salita ang kwento, madaldal ang kwento, maraming gustong iparating.
Isa pa samga sinabi ng aking matalik ng kaibigan ay kung saan umiikot ang kwentong ito. Sinabi nya na ito ay tungkol sa nagsasalita sa kwento na habang siya ay naliligo ay naglalaro siya ng bula. Habang nilalaro niya ang mga bula ay kung ano-ano ang kanyang mga naiisip. Sobrang paliban-liban ang mga bagay na kanyang naiisip.
Kung sa itsura o porma naman ng kwento ang pag-uusapan, ito ay napakalaya. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga kaisipan na binabanggit. Walang tuldok ang ginamit sa paggawa ng kwento, maliban nalang sa pagpapalit ng taludtod. Napakadaldal ng kwentong ito. Maraming gusting sabihin. Sa paraan na iba sa nakasanayan.
May nahanap ako sa intenet na isa ring anyo ng kritikal na pagsusuri ng isang panitikan ay yung reader-response criticism. Maaaring magkaiba ang pananaw ng dalawang tao base sa pagkakaunawa nila sa isang kwento. Kung ako, hindi ko gusto ang kwneto na ito dahil hindi ko naintindihan, mayroon naman na nagustuhan ang kwento at mabilis nila itong naunawaan.
Isa pang anyo ng kritikal na pagsusuri ay ang psychological criticism. May nabanggit siya sa kwento na minsan ang isip nya ay nagiging bayolente. Naiisip nya minsan na pano kung yung lalaki na tumatawid ay masagasaan ng trak at makita nya ang ulo nito na gumugulong na parang barya na nahulog sa bulsa. Sinabi nya rin nung una na hindi naman daw siya drug addict para sa mga ganung klaseng senaryo sa kanyang isip. Hindi naman maaaring sabihin na siya ay may problema sa pag-iisip dahil hindi ito nabanggit sa kwento. Pero si Sandali ay isa sa mga kanyang imaginary friends. Siguro isa sa mga dahilan ng pagkakaroon iya ng imaginary friend ay ang sinabi niyang gusto niyang dumistansya sa mundo, nagtatangkang humiwalay sa realidad. Dahil dito, sa tingin ko, ay nasasanay sya na kausapin ang kanyang sarili o gumagaawa nalang siya ng ibang persona na kinakausap niya. Batay sa aking nasaliksi sa internet, ang pagkakaroon daw ng imaginary friend ay isang indikasyon na ginagamit ng isang tao ang kanyang pagiging malikhain. Sabi rin ay nagkakaroon ng imaginary friend ang isang tao kapag gusto nilang gumawa ng isang tao na kaya silang tanggapin, na kaya silang unawain, at mas nagiging kampante sila rito.
Ang Feminismo ay isa pang anyo ng kritikal na pagsusuri. Bilang isang babae ay pinipilit niyang mamuhay mag-isa kagaya ring ibang mga tao na kaya ring mamuhay mag-isa. Madalas kasi sa mga iyon ay mga lalaki. Nasabi niya na hindi raw siya marunong magluto. Nilalabanan niya ang konsepto na kapag babae ka ay marunong ka sa mga gawaing bahay kagaya ng pagluluto.
0 notes
maaaarlon19 · 6 years ago
Text
Tumblr media
KUBETA
Kapag narinig o nabasa mo ang titulo ay tila baga magtataka ka kung tungkol saan nga ba ito. Ang kwentong ito ba ay iikot lang sa “kubeta”? Ano nga itong kubeta?
Alam naman natin na ang kubeta ay isang kwarto na kung saan ay may inidoro, at shower. Ang pagpasok mo sa silid na ito ay maaaring paglalabas mo ng dumi ng katawan o paglilinis mo ng katawan. Pero bakit nga ba puro sa dumi binibigyang pansin ng may-akda ito? Bakit niya inihambing ang kubeta ng nakaluluwag-luwag sa buhay sa mga kapos sa buhay kahit parehas lang naman ito ng layunin?
Nagpapakita ng pagkaka-iba ng kubeta ng mga mayayaman at ng mga mahihirap. Inilarawan ang itsura ng loob ng kubeta; sa mga mayayaman o mga nakaluluwag-luwag sa buhay ay mga tiles ang sahig, at may mapuputing mga inidoro at lababo, sa mga kapos sa buhay naman ay pinaghahati-hatian nila ang paggamit sa kubetang ang humaharang ay mga pinagtagpi-tagping yero. Tungkol ito sa estado ng mga tao, mas may pera ka, mas may maganda kang pribilehiyo. Parang sa pagkakaroon ng kubeta, sa mga mayayaman o nakaluluwag-luwag sa buhay, may kani-kaniyang kubeta sila sa bahay, yung iba pa nga ay sa mga sarili pa nilang mga kuwarto. Sa mga kapos naman na kagaya ng nasa kwento, nahihirapan sa pagkakaroon ng maayos at malinis na kubeta, hati-hati sa paggamit nito. Sa totoong buhay, mas malaki talaga ang pribilehiyo ng mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap. Mas may kakayahan sila sa lahat ng bagay dahil sila ay may pera. At napapansin naman natin na sa kasalukuyan, pera na halos ang nagpapatakbo sa ating mundo. Kaya maraming gumagawa ng krimen, ito ay dahil gusto o kailangan nila ng pera, at ang isang dahilan sa paggawa ng krimen na ito ay ang kahirapan.
“Lagi kong pinaaabot sa ganito ang kundisyon ko para itulak ang sarili sa kalagayang “no choice” at mapilitan akong pumasok.” Sa totoong buhay, lagi nalang din tayong napipilitan sa mga bagay na hindi natin gustong mangyari dahil wala naman tayong magagawa o kapangyarihan para baguhin ito. Pero sa totoo lang ay mayroon tayong choice. Ang iniisip lang natin ay kung anong ginagawa o sinusunod ng nakararami. My kakayahan tayong baguhin ang lahat. May kakayahan at karapatan tayong pumili. Pero ang pag-iisip natin at mga taong nakapalibot sa atin ang humahadlang para sa ating pagbabago.
Sa kalagitnaan ng akdang ito ay namulat sa riyalidad ang may-akda, ang kahirapan, paga-aktibista, pakikibaka, at paglalaban ng katotohanan. Ito rin ay isa sa mga napapanuod natin sa balita, yung mga nagrarally. Para sa iba ay perwisyo sila dahil nasasakop nila ang mga kalsada na dadaanan nila sa pagpasok sa trabaho o sa eskwelahan. Pero hindi natin alam na dahil sa kanila, nagkaroon tayo ng mga pribilehiyo na natitikman natin ngayon.
Sa kabuuan, tayong mga Pilipino ay mga matiisin; hindi lamang sa estado ng buhay kundi na rin sa lahat ng aspeto nito. Tayong mga Pilipino ay mga matatatag. Hanggang kalian tayo magiging matatag? At hanggang kalian pa nga ba tayo magtitiis? Kailangan nating ipaglaban kung ano ang tama.
1 note · View note
maaaarlon19 · 6 years ago
Text
Tumblr media
Dangal
Magkano mo ba ibebenta ang iyong dangal?
Pero ano nga ba ang dangal? Isa ba itong gamit na pwedeng bilihin? Isa ba itong bagay na pwedeng itapon? Gamit na pwedeng sunugin? Pwedeng basain? Pwedeng punit-punitin?
Sa ngayon, ang pera ay isa sa mga bagay na nagpapaikot sa mundo natin; mas malaking pera ang mayroon ka, mas kilala, mas makapangyarihan, mas angat ka kaysa sa iba. Kapag naman ikaw ay wala o kakaunti ang salapi; ang tingin ng marami sayo ay mahirap, kayang utus-utusan, at dukha. Pero para saan nga ba ang pera? Ano nga ba ang silbi ng pera sa ating buhay? Mabibili ba ng pera ang iyong dangal?
Ang “Dangal” ay isa sa mga maiikling kwento sa isang libro ni G. Norman Wilwayco. Ang maikling kuwentong ito ay tungkol sa pamagat nito mismo, ang dangal.
Dangal. Reputasyon. Bakit nga ba may mga taong gusto kang ibaba?
Maraming mga tema ang nais ipunto ng kwentong ito. Isa sa mga ito ay ang pagiging dominante ng mga lalaki. Sa kwento, si Chris, isang lalaki na ang nais lamang ay makamit ang kanyang gusto; ang mapahiya si Marissa, na isang babae. Lalaki ang mga naging pangunahing karakter sa kwento, at lalaki rin ang dahilan ng pagkababa ng dignidad ng isang babae na si Marissa.
Isa pa sa mga ipinapakita sa kwentong ito ay ang pagiging dominante ng pera. Sa kwento, labis na naghari ang pera. Ipinakita rito kung paano labis na nakakahumaling ang pera. May mga bahagi ng kwento na puro pera ang kapalit. Isa rito ay ang pagpapadala ni Chris ng mga regalo sa kanyang mga propesor, siguro ito ay parang suhol niya para sa mga ito. Isa pa ay ang pagkakahumaling ni Chris sa sugal dahil alam niyang siya ay may maraming pera. Isa pa ay ang pagdodonate niya ng pera sa kanilang paaralan para sa pagpapa-renovate ng kanilang library para makatakas sa reklamong inihain ni Marissa sa kanilang school administration. Ang huli ay iyong kay Marissa, pera lang palang ang katumbas ng dangal; isang milyon at isang daang libong piso lang pala. Hindi ko sinasabi na may mali si Marissa, pero sino nga ba naming hindi masisilaw sa ganun kalaking halaga. Mabibili mo na lahat ng iyong luho sa buhay, makakatulong ka na sa iyong mga magulang, at marami pa. Sa huling bahagi ng kwento ay nagawa ni Chris ang nais niyang gawin, ang nais nyang malaman ng lahat, na kayang niyang bilihin ang dangal ni Marissa.
Ipinakita rin dito kung gaano kalaki ang responsibilidad ng pagiging mayaman. Ang pagiging mayaman ay para ring pagkakaroon ng kapangyarihan. Dahil nga sa panahon ngayon, pera ang nagpapaikot sa mundo at pera rin ang dahilan ng kaguluhan sa ating lipunan. Mga taong mayayaman, mga taong may kapangyarihan, ngunit kaunti or walang naitutulong sa lipunan. May mga kapangyarihan ngunit walang ginagawa para maiangat ang iba sa kahirapan. May mga kapangyarihan ngunit patuloy pa rin ang pagwarak ng kinabukasan.
Ipinakita rin dito ang iba’t ibang problema ng mga tao. Nabanggit sa kwentong ito ang problema sa pamilya, kahirapan, prostitusyon, pagsusuhol, at ang pagmamataas sa kapwa.
Gayunpaman, may mga tao talaga na gagawin ang lahat kahit na makasakit na ng ibang tao. Wala silang paki-alam sa kung ano ang mararamdaman ng iba; ang gusto lang nila ay mabigyang kasiyahan ang kanilang kagustuhan.
Walang libo o milyon ang sasapat sa halaga ng dangal ng isang tao dahil ang itinataya mo ay ang iyong mismong reputasyon.
1 note · View note
maaaarlon19 · 6 years ago
Text
Ano ang kasal? Bakit may kasal? Para saan ang kasal? Para kanino ang kasal? Maraming puwedeng itanong tungkol sa kasal. Pero napakarami ring puwedeng isagot dito.
Kasal Sakal
Kasal. Isang sagradong seremonya na ginagawa sa dalawang taong lubos na nagkaka-intindihan at nais magsama habang-buhay. Dawalang taong labis na nagmamahalan. Dalawang taong ipinagbubuklod ng tadhana. Dalawang taong ipinagbuklod sa harap ng Diyos na hindi pwedeng paghiwalayin nino man. Ang pagpapakasal ay hindi minamadali bagkus pinag-iisipan at pinag-paplanuhang mabuti.
Pero bakit mayroon pa ring binibigo ng tadhana? Ang masayang kasal ay nagiging kabaligtaran nito. Nagiging hiwalayan, diborsyo at kung ano pa ang dapat na masayang pagsasama. Masakit pero kailangan tanggapin. 'yung taong akala mo ay makakasama mo na hanggang sa pagtanda, mapapagod at susuko rin pala.
Ang akdang isinulat ni Eli Rueda Guieb III na "KASAL" ay mistulang naging clickbait, dahil karamihan sa atin kapag naririning ang salitang kasal ay happy ending agad ang naiisip. Ni hindi sumagi sa ating mga isipan ang hiwalayan, diborsyo, at sakit.
Tama. Ang kwentong ito ay hindi tungkol sa happy ending; tungkol ito sa paghihiwalay. Unang linya pa lamang ay tagos na agad sa puso. Sobrang sakit. Binabasa mo pa lamang ay tila baga ikaw mismo ang sinabihan ng mga linyang iyon. Sinamahan pa ng mga napakagagandang simbolismo na mas tumulong sa kwento na maging mapang-akit sa mga mambabasa.
Naging sobrang malikhain ang may-akda sa kwentong ito. Una ay ang paggamit nya ng nonlinear na paraan ng pagkukwento. Inumpisahan niya sa isang linya na sinabi nya rin sa huling bahagi ng kwento. Nag-umpisa ang kwento sa gitna ng mga pangyayari. Sila ay nagcamping sa isang bundok. Pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Pinag-usapan ang nakaraan hanggang sa kung ano na ang kanilang pinatunguhan. Huling beses na pagsasama na nila iyon dahil pagbaba ng bundok ay maghihiwalay na sila ng landas.
Pangalawa, maraming simbolismo ang ginamit sa kwento. Isa dito ay yung paggamit ng pagsikat ng umaga na sumisimbolo sa umpisa ng kaninang pag-iibigan. Pangalawa ay yung pagbaba ng araw, sa tingin koi to ay sumisimbolo sa pas-iibigan nila na dahan-dahang lumalabo o dumidilim. Sunod ay ang pagbaba nila ng bundok, sa tingin ko ito na yung panahon na kailangan nang tapusin ang kanilang pag-iibigan at kailangan nang magmove on. Isa pa sa mga sa tingin ko na may simbolismo ay ang bundok, para sa akin ito ay yung overview ng kanilang pagmamahalan.
Pangatlo, kahit na nonlinear ang pagkakasulat sa akdang ito ay klaro at maayos niyang nailalahad ang mga pangyayari. Gumamit din siya ng mga mababaw na salita kaya madali itong maintindihan.
Sa totoong buhay ay may ganitong pangyayari na rin. Pinag-uusapan nila kung tama ba ang kanilang gagawin, kung tama bang maghiwalay. Ginagawa rin nila ito ng maayos at mahinahon. Sa ganitong paraan ay mapag-uusapan nila ng mabuti ang gagawin nilang desisyon. Sa kabilang banda, ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa mga problemang hindi na kayang masolusyunan kaya pinili nalang na maghiwalay. Mayroon ding inaabuso ang mga kapareha nila.
May mga tao talagang ipinagtagpo ngunit hindi itinadhana. kahit anong gawin ay hindi natin mapipilit ang tadhana. Hindi natin madidiktahan ang puso. Makakakilala ng ibang tao, magbabago, at posibleng lumisan, pero kahit ano pa man iyan ay kailangan tanggapin. Kailangan sumabay sa agos ng mundo, ‘yung dating mundo mo, magiging mundo na ng iba. ‘yung dati mong kasama, nasa piling na ng iba.
Tumblr media
1 note · View note