Tumgik
macyrisse · 3 years
Text
My thoughts about Maria Ressa winning Nobel peace price was necessary, given the fact that she had been in this industry for over decade and contribute a lot in it Her pure love expose the truth with any fear for her life, the moment she did that makes her worthy of this award. Based on my research, she joined an awarding entitled 'Time's person of the year 2018' a collection of journalist around the world that abolish misleading information or fake news, is this not worthy be hold the said award? With her winning the 2021 Nobel peace prize shows that her fight againts injustice began to grew, using words to fight. As Filipinos we should be proud of her instead of pulling her down for winning this award
0 notes
macyrisse · 3 years
Text
Ang opinyon ko sa paggawad kay Maria Ressa ng Nobel peace prize ay nararapat lamang Ito sa kaniya dahil sa tagal na dekada niya sa larangan ng pagsulat at pamamahayag marami na siyang naiambag sa propesiyon na Ito. Ang buong puso niyang pagmamahal na isiwalat ang katotohanan at walang takot na gawin Ito kahit na may posibilidad na maaring ang buhay niya ang kapalit, sa dahilan na iyon mas napapatunayan ko na karapat-dapat siya na tumanggap ng parangal na ito. Sa aking nakalap na impormasyon patungkol sa kaniya, aking nakita na nakasama siya sa isang parangal na 'Time's person of the year 2018' Ito ay koleksyon ng mga mamamahayag sa buong mundo na tumutuligsa sa mga maling impormasyon o pekeng balita. Sa parangal na Ito, ay hindi pa ba Ito sapat para hindi siya maging karapat-dapat sa parangal na nakuha niya? Sa pag parangal sa kaniya ng 2021 Nobel peace prize ay nagpapakita na nag bunga at nakita ng awtoridad ang paglaban niya sa kalayaan ng pananalita, pagpapahayag o ng pamamahayagan. Bilang isang Filipino, dapat na ipagmalaki natin siya kaysa hilain siya pababa lalo na't siya ang kauna-unahang nakatanggap ng ganitong parangal.
0 notes
macyrisse · 3 years
Text
Ang social media ay isa sa mga medium na ginagamit ng tao upang makakuha ng balita o impormasyon at ang social media ay ginagamit din na 'platform' ng ating Journalist upang maghatid ng balita sa mamamayan. Dahil sa malawakang 'medium' na ito laganap ang mga taong nagkakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng pagkalito, kaguluhan at kapahamakan sa bawat indibidwal. Gaya na lamang ng ipinakita na isyu ng pangkat-apat patungkol sa kumalat na maling impormasyon o Fake news patungkol sa mga taong hindi nabakunahan ay hindi makakatanggap ng pera o cash aid sa enhanced community quarantine.
Sa maling impormasyon na kumalat maraming tao ang sumugod sa mga vaccination site upang magpa bakuna, sila ay nag babakasakali na mabakunahan sila. Ito ay nagdulot ng kaguluhan, siksikan at hindi pagsunod sa health protocols. Ayon sa iilan bali-balita na nakalap ng mga tao hindi sila makalabas ng bahay kung hindi sila bakunado, Hindi sila makakapasok sa trabaho kung hindi sila bakunado ngunit ang lahat ng iyon ay Fake news lamang. Ito ay hindi totoo. Dahil sa maling impormasyon na iyon ay maaring magdulot ng hawaan kung ang kabilang sa mga tao na naroon ay asymptomatic o 'di kaya carrier ng virus. Ang mabilis na pagkalat ng maling impormasyon sa social media ay isa sa malaking problema na dapat maiwasan. Maiwasan ito kung ang bawat isa ay susuriin ang bawat impormasyon na makikita sa social media, palaging mag fact checking at wag agad-agad maniniwala. iwasan ang pag 'share' ng mga impormasyon kung walang kasiguraduhan sa impormasyon na nakalap o nakita.
Isa pa sa natutuhan 'ko ang mga dapat iwasan ng isang Journalist o mamamahayag. Isa dito ay dapat iwasan nila ang pagsulat tungkol sa kanilang kaibigan at pamilya na kapag ang isang reporter na nangangailangan ng opinyon dapat Ito ay hindi manggagaling sa mga taong may relasyon sa kanya dahil maaring masira ang kredibilidad niya bilang mamamahayag at tiwala sa kanya ng mga tao lalo't iisipin nila na maari na Ito ay hindi patas na opinyon o nagiging 'unbiased' lamang.
May mga bagay na dapat iwasan o hindi dapat gawin ang isang Journalist upang mapanatili ang kredibilidad at tiwala ng mamamayan. Bilang isang mamamahayag ang obligasyon mo ay hindi i-please ang mambabasa kundi para ipakita sa kanila ang katotohanan.
1 note · View note
macyrisse · 3 years
Text
Tumblr media
May pagkakataon ba sa buhay mo na naging padalos-dalos ang iyong desisyon at kilos? May proseso man ngunit hindi naging kongkreto? Ang motibo man ay mabuti ngunit ito'y hindi naging tama? At Ito ay nag dulot ng isang pagkakamali na kung saan sa simula pa lamang ay maari na itong iwasan. Gaya na lamang ng Artikulo na aking nabasa ukol sa Rolling stone 'A failure that was avoidable.' nagsimula ang lahat sa pagkakaroon ng malasakit ng isang manunulat na si Sabrina Rubin Elderly na mapuksa ang seksuwal na karahasan at panggagahasa na nangyayari sa mga unibersidad, at isa na rito ang Unibersidad ng Virginia. Sapagkat may isang krimen na nangyari Ito ay ang gang rape. Di umano'y isang dalagita na nangangalang Jackie ang naglahad ng kaniyang kwento, mga nangyari sa kaniya. Ang mga nilahad na impormasyon ni Jackie ay ang siyang pinaniwalaan ng grupo ng Rolling stone at lalo na ni Erderly.
Noong ika-siyam ng nobyembre taong dalawamput labing-apat isina publiko ang artikulo ng Rolling stone na 'A rape on Campus: A Brutal Assault and struggle for justice at UVA.' na umani ng 2.7 million na mambabasa. Ang pagkalat ng artikulo na Ito ay naging mainit na usapin. Humantong sa pag kwestiyon ng kalidad at katotohan ng istorya na naka paloob dito. Maraming nagsabi na Ito ay kulang sa ebidensiya, impormasyon na dapat mag patunay sa akusasyon na Ito. Ang kredibilidad ni Jackie sa pag papahayag ng storya ay hindi naging kongkreto. Ang artikulo na Ito ay nag dulot ng pag bagsak ng Rolling stone dahil sa kakulangan ng pagsusuri, pagkalap ng mga ebidensiya, at ang hindi pag konsindera sa lahat ng panig na maaring maging sangkot. Kung may natutunan man ako sa Rolling stone na artikulo, Ito ay ang pagiging matalino sa bawat aksiyon na gagawin. Maging mapanuri, maalam at maging patas sa lahat ng bagay.
1 note · View note