MK's 2012 // <review>
January
-still trying to survive... sa pressure, sa conflicts = sa stress... as student, as member of organizations, as class president
-motivated... 'keep moving forward'... kahit naiinis na at naging magagalitin na, marami pa rin akong plano/dreams para sa class namin lalo na ngayong last Psych season na namin (gagraduate na eh.hehe)
February
-tse! tabi! umaAttitude kami!... Psych season! Ang saya ng psych parade! Ang saya-saya namin ng classmates ko XD
-ang saya ng birthday ko! hahaha! XD First time kong nag-invite tapos ako yung gumastos, ang saya! :D ...@s601
-may na-settle na akong gulo... at least nakapag-usap na kami ng friend kong yun =) ...@5th floor
-di ko na kinaya... tama na, sobra na! HAHA!... in the end, sumuko na rin talaga ako. Nag-resign na ko as class president. Dahil sa panahon na yun, masyadong matagal at mahaba pa rin talaga yung 3months (March, April, May). Dito ko tinuruan yung sarili ko na kung sobra ng nahihirapan, huwag i-torture ang sarili, QUIT! =) Hindi ako nagsisi, kasi nung nag-quit ako mas na-enjoy ko yung last days ko sa school, nagkaroon ako ng time ng friends ko para gumala at maging mas masaya. =) ...dahil tulad ng kung paano ako nagsimula, I lived my life the way I wanted it to be.
March
-requirements requirements requirements for graduation... tag-hirap days... ang daming gastos, puro pila pa T_T pero masaya kasi kasama ko naman madalas yung friends ko =) at syempre nakakapagod... tinamad na nga akong grumaduate nun eh hahaha! XD
-first time kong naka-experience na mamatayan ng kamag-anak na close namin (as in nakasama talaga namin ng matagal—yung iba kasi hindi ko na kilala eh kasi nasa province)… Hindi ganun kabigat para sa ‘min yung death niya kasi months/years before he died, tumanggap siya sa Diyos, nakiisa siya at nagbago ng pananaw kahit pa gaano siya kasarado sa paniniwala niya noon.
-ito rin yung first time na may classmate kami na namatay, na biglaan talaga (kasi wala naman siyang sakit)
April
-kahit hindi pa gumagraduate nag-start na akong maghanap ng work... time is gold, hehe, boring sa bahay XD
-apply apply apply…
-hindi pa man kami gaanong nakakarecover sa death ng isang kamag-anak namin last month, nakakagulat na may sumunod agad…
May
-tenen! grumaduate na kami! XD ...Bachelor of Science in Industrial and Organizational Psychology ...natupad na yung pangarap kong makapagsuot ng black toga haha! XD yun lang talaga yung gusto ko eh, yung makapagsuot ng ganun, hindi yung mismong graduation ceremony hahaha! XD
-eto yung time na medyo marami rami na akong naapplyan, na kahit hindi pa ako natatanggap eh ok lang kasi nasa ‘at least may bago akong natutunan, may mga bago na naman akong nakilala’ attitude
-kahit gaano ka na kataas o kagaling nung estudyante ka pa, babalik ka talaga ulit sa umpisa at sa pagiging maliit pag ka graduate mo, sa pagsisimula mo sa real world…
June
-ang dami ko ng na-applyan hindi pa rin ako natatanggap! Hahaha! XD Frustrated na ko sa time na ‘to hahaha! XD As in naiyak na talaga ako, feeling ko ang bobo ko, dito ko naisip na kulang pa rin pala talaga ako… Puno na ako sa school as student pero kulang pa para sa work, iba talaga pag sa second level na ng buhay eh, dito kasi whole life na talaga, buong buhay mo ng gagawin…
-madalas naman akong nakakaabot sa final interview at nashoshortlist, pero kulang pa rin talaga =) ..nahirapan akong makakuha ng work hindi dahil sa fresh grad lang ako… Nahirapan ako kasi madalas sa mga inaapplyan ko eh isa lang yung vacant position at for replacement pa… So pag ganito yung status ng vacancy, mahirap nga naman ang competition kasi syempre kahit ako, kung ako ang tatanungin, mas prefer ko nga namang i-hire yung may work experience na kahit konti.. Tsaka choosy nga pala kasi ako XD
-bago matapos ang buwan na ‘to, hired na ko! XD Haha! XD Ang saya lang, nakakakaba kasi new environment, at nakakaexcite kasi at least hindi na ko tambay sa bahay XD magiging productive na ko ulit =)
-kahit gaano ka pa ka-bibo, mahirap talaga makakuha ng first work kapag fresh grad (except kung sa isang bpo company ka nag-apply, mas madali kasi makakuha ng work dun, eh hindi ako nag-aaply sa ganun, hehe)… Bihira ma-hire yung mga fresh grad kapag ‘for replacement’ yung status ng vacancy kasi kapag ganito as much as possible dapat may work experience na kasi masyadong matatagalan sa training and turn-over kapag fresh grad kasi wala pang idea sa work mismo… Pero kapag ‘additional plantilla’ yung status ng vacancy (w/c is mas madalas sa mga bpo company), sa ganito mas madaling nakakapasok yung mga fresh grad =)
July
-adjust adjust adjust… iba talaga… kulang pa rin talaga yung mga pinag-aaralan sa school at yung OJT… iba pa rin pala talaga kapag trabaho na mismo… mas malaki na yung responsibility, hindi tulad nung ojt na kahit hands-on ka, hindi ganun kabigat yung responsibility mo… Sa tunay na trabaho, kapag hindi mo ginawa o nagawa ng maayos yung trabaho mo, apektado lahat, yung company at yung co-employees mo
-maswerte na rin ako kasi dito sa first work ko, na-train talaga ako ng maayos, mabait and accommodating yung officemates ko =)
-nagsimula talaga ako sa simula… narealize ko na kahit parang sobrang dami kong ginagawa sa ojt ko noon, kulang na kulang pa rin pala talaga yun.. back to start ako na parang grade1 na wala pang alam pero may idea na kahit konti hehe
-dito ako natuto unti-unti… dito ko simulang nalaman na kailangan pala talaga ng pera haha! Dito ako nagsimulang mangailangan ng pera haha! XD …kasi mula nung nakasweldo na ko hindi na ako humihingi ng pera sa parents ko =) …habang ginagawa ko yung trabaho ko sa araw-araw, nakikita ko yung mga bagay na kailangan pala talaga… nakita ko na kung ano pala talaga yung kailangan kong makita sa isang kumpanya kung gusto ko talagang magtagal… dito ko na-realize yung mga bagay na hahanapin ko sa next work ko…
-halos 1month pa lang ako nito pero nahihirapan na ko… kulang sa suporta. Hindi gaanong nasusuportahan ng company yung needs ng work ko. Kulang sa mga teknikal na bagay, yung basic needs ng trabaho ko…
August
-ang dami ko pa rin talagang natututunan. Mas minamahal ko ‘tong trabaho ko… pero parang walang progress sa ni-raise kong problema, parang wala pa rin akong nararamdamang ginagawang solusyon… naghintay pa ako ng 1month, baka masyado lang akong nagmamadali…
-bago matapos itong August, nag-file ako ng resignation letter na approved naman agad ng hr manager… Approved ‘to ng parents ko, kumbaga sinabi ko sa kanila yung problema ko at agree and ok naman sa kanila na magresign na nga ako… Sabi nga ng papa ko: “kung nahihirapan ka na nga talaga ng ganyan, sige umalis ka na kesa naman magtatagal ka pero hindi ka naman masaya”…kaya ko yung biyahe kahit malayo yung office, ok lang sa ‘kin mag-OT kasi nag-eenjoy naman talaga ako, kaya lang kulang talaga sa mga teknikal na bagay eh…
-Alam ko kung ano yung mga bagay na gusto ko at kailangan ko, yung mga bagay na gagawin ko at kaya ko… Alam ko rin sa sarili ko yung mga bagay na ayaw ko, hindi ko kailangan, at limitasyon ko (kahit na may ‘can do’ and ‘must happen’ attitude ako no matter how hard the task is or how few the resources are)… Kaya sa bawat desisyon na ginagawa ko, wala akong pinagsisisihan lagi =) Masaya ako lagi sa mga nagagawa kong desisyon. It’s not always about choosing the right decision, sometimes, you just have to make your decisions right. =)
September
-mas masaya ako sa work ko ngayon kumpara nung mga nakaraang araw =) …kasi ngayon alam kong hindi na magtatagal yung stress ko, naghihintay na lang ako ng kapalit ko =)
-3rd week, nagstart na yung papalit sa ‘kin… =)… nakokonsensya ako kapag tinatanong niya kung bakit ako nagresign, nakokonsensya ako na hindi ko sinasabi sa kanya yung totoong reason, natatakot kasi ako na baka magquit siya, natatakot ako na baka ma-extend ako… Sa two weeks na nagteturn-over ako, dito ko na-realize na hindi pa rin talaga ako gaanong basta-basta nagtitiwala sa ibang tao, kasi hindi ko basta-basta binigay/iniwan sa kanya yung pending tasks ko, feeling ko kasi hindi niya magagawa (yun nga, wala nga kasi akong trust)… sa last week ko, na-realize ko na konti na lang yung time, dapat ko na talagang ibigay yung trust ko sa ayaw o sa gusto ko kasi mas mahihirapan siya kapag hanggang sa huli eh ako pa rin yung umaako ng responsibility.ayokong mas mahirapan siya kung umalis na ko at hindi pa rin siya sanay sa trabahong gagawin niya/iiwan ko.
-sa last two days ko sa work, umattend ako sa job fair sa Pasig and Pasay City… Nakakapagod pag sa job fair kasi dito sunod-sunod ko talagang kinakausap/ini-screen yung applicants… Pero masaya =) As always, fulfilling sa ‘kin lagi yung mga ginagawa ko =) …lagi kong hinahanapan ng kasiyahan yung mga ginagawa ko =)
October
-kain, tulog, internet, tv, movie marathon whole day! Haha! Ang saya! XD eto ang buhay! XD haha! XD Mula nung grumaduate ako ngayon lang ako naging free ng ganito, yung as in total zero na sa stress and pressure na magawa yung tasks sa school, makagraduate and makahanap ng work… yung ‘bahala ka na sa buhay mo’ feeling, as in wala na talaga akong ginagawa XD
-in three days tinapos ko yung isang koreanovela hahaha! XD (Secret Love; Sungkyunkwan Scandal)
-mas minahal ko si Miggy Chavez ngayon. Hahaha! XD Pero hindi rin nagtagal kasi na-turn-off ako sa kanya, bratt kasi hehehe XD …pero mas minahal ko yung Chicosci as a band na talaga =) Kumbaga hindi na lang dahil kay Miggy hehehe XD
-naghahanap-hanap na rin ulit ako ng work pero hindi na masyadong nakakapressure and nakakastress kumpara nung una akong naghahanap hehe…
November
-sa second company na inapplyan ko this time, dapat magsstart na ko nung Nov4 pero nag-withdraw ako ng application… Nasa Top100 companies of the Philippines yun. Maraming gustong makapasok dun dahil sa name and ganda ng benefits… Ok lang sana sa ‘kin yung status ng employment na contractual and under agency kahit na hindi mareregular, pero yung naging problema ko eh yung work mismo, masyadong madali, na para sa ‘kin eh waste of time yun for career growth… na para sa ‘kin eh may ibang tao silang dapat hanapin…
-tenen! Eto na naman ako, napapagod na naman ako maghanap ng work… Marami na naman akong na-applyan at hindi pa rin ako natatanggap… Pero hindi na siya masyadong nakakafrustrate ngayon kasi this time mas alam ko na kung bakit hindi ako natatanggap at kung iisipin ko yung mga company na inapplyan ko,ok lang talaga na hindi ako nakuha kasi hindi ko gusto yung type ng work or yung environment… Mas reasonable na para sa ‘kin yung situation kaya mas tanggap ko naman =)
-mula nung college, ngayon lang ako mas nagkaroon ng time para sa friends ko at sa sarili ko… masaya at kuntento pa rin talaga ako ngayon sa buhay ko, as always =) (kahit wala pa ring trabaho hahaha! XD)
December
-Nung October pa ko naghahanap ng work pero until now wala pa rin hahaha!
-sa last week ng year na ‘to, sunod-sunod naman yung opportunities na dumating, actually sabay-sabay talaga na dumating pa sa point na nahirapan naman akong mamili ngayon kung saan pupunta… Overwhelming para sa ‘kin na kahit gaano ako nahirapang makahanap ng work noon, tatlong company naman yung naghihintay sa akin ngayon… Feeling ko ang ganda ko XD hahaha! XD Ang saya XD …at mas masaya pala talaga yung opportunities na nararanasan lalo na kapag pinapagPRAY mo kay Lord =’) …blessing talaga na maituturin yung mga nangyayari sa ‘kin ngayon kasi pinagpray ko talaga ‘tong mga ‘to eh X’D
-Dec29… year-end party… best party with BEST friends! Hahaha! XD Puro tawa talaga kami dito XD… Ngayon lang ulit kami nagkasama-sama ng high school friends ko! XD …during the party, habang kasama ko sila, dun ko na-realize kong gaano kalaki yung pinagbago ko mula nung college ako at nung nagtrabaho ako… Nag-mature pala talaga ako hehe… At kapag kasama ko sila, feeling ko high school students na walang pinagbabago, na sobrang isip bata pala talaga XD Hehe ang saya ko lang talaga XD
THANK YOU LORD GOD! X’D
As a conclusion, kung puro tungkol sa school yung 2011 ko, puro tungkol sa work naman yata ‘tong 2012 ko? hehehe! XD
Basta, masaya! XD Happy and contented as always! =) napakaswerte ko sa pamilya ko, sa mga magulang ko na pinalaki kami ng maayos =) …HAPPY AND CONTENTED …THANK YOU LORD GOD! =)
0 notes
Sleep Station by Chicosci
Will I forever see you only in dreams
Should I close my eyes just to see
You’re beautiful and I can’t wait to sleep
Were strangers and I’ve never lived
So deep inside my mind
I’ll be a fool for you.I’ll be such a fool for you
Chorus:
With every breath, I wish for you
For you to wake, that’s all I hold onto
maybe someday so I close my eyes and pray
I dream of her full of life
I guess the meds have been doing her right
she’s beautiful and I cant wait to sleep
But maybe I have something
that something to finally make it go away
but who am I to say? who am I to stay?
Chorus:
With every breath, I wish for you
For you to wake, that’s all I hold onto
maybe someday so I close my eyes and pray
I remember turning my head
I remember the angel of year’s end
14 notes
·
View notes