Tumgik
🔱
Binabalot tayo ng sakit
Kinakain ng pusong naghihinanakit
~
Tumingin at balikan
Ang nakaraan
Ayaw ko ng bumalik
~
Sa saya at hapis
Sa mga bigay mong ngiti
Kahit saglit
~
Naranasaan ang
Init ng magmamahal
Nang puso kong sawi
Tumblr media
0 notes
"PAPAANO MAKAMOVE ON"ℹ
BEFORE YOU READ: This is base on EXPERIENCE and RESEARCH
REMEMBER: IN THE END OF THE DAY IKAW PARIN ANG PIPILI NG GUSTO MONG KALABASAN NG SARILI MO, SA HULI IKAW PARIN ANG MASUSUNOD KUNG SUSUNDIN MO ITO O HINDI
NOTE: HINDI LANG ITO PARA SA MGA MAMBABASANG NAG MOMOVE ON PALANG, PARA DIN ITO SA MGA TAONG SABI NAKAMOVE ON NA DAW PERO MAY SAKIT PA SA DIBDIB!
HINDI KA PA NAKAKAMOVE ON IDENIAL KA LANG SA SARILI MO.
Sabi ng Experto ang taong nasaktan nag hahanap ng kakampi sa panahon na nag iisa siya nag hahanap ng masasandalan sa panahon na wala siyang kasama.
-Wala naman talagang shortcut ang pag momove-on dadaan ka talaga sa sakit unti unting mawawala hanggang sa you're gonna be a better person. Yung tipong kaya mo ng humarap sa kanya at sabihin "AKO NGA PALA YUNG SINAYANG MO" oh diba pero bago ka makarating dyan ay may pagdadaanan kang mga pangyayari na sigurado ay ginagawa mo at tuturuan ko rin kayo na malagpasan ang mga bagay na ito.
ITO ANG MGA MANGYAYARI AT MALALAMANG MONG MAG MOMOVE ON KA NA!
1. "PAGKABIGLA"
*Sa bilis ng pangyayari kung saan napakasariwa ng sugat at sobrang sakit ng nararamdaman kung saan gulong gulo ang isipan hindi alam kung paano sisimulan.
Sa unang araw ay puro iyak at panghihinayang sa pag ibig na nasayang babalik ka sa mga mensahe ng nakaraan kung saan maaalala ang mga dating lambingan at matatamis na usapan babalikan ang mga larawan na nag papakita ng saya ng nakaraaan
2. "PAGBABALIK SA TANAW AT PAG ALAALA NG MASASAYANG NAKARAAN"
*Ito yung time na babalikan mo ang masasaya ninyong alaala yung panahon na kuntento sa isa't isa yung panahon na ok na kayo kahit kayo lang ang mgakasama ito din yung time kung saan nararamdaman mo yung SOBRANG LUNGKOT umaasa sa mga PANGAKO na ipinangako niya sayo ito rin yung time kung saan SOBRANG MISS NA MISS mo siya na parang mababaliw ka lalo na ngayong wala na kayong dalawa
Iniisip na sana ikaw din ay namimiss niya na sana ikaw din ay naalala niya, Dito mo din maiisip na itext ko kaya siya? Kahit alam mong wala na kayo ay MAGTETEXT ka dahil tanga ka
MAKIKIPAGTALO sa SARILI pero sa huli ay matatalo ka!
Ito din yung time na gusto gusto mong makinig ng mga musika na makakasakit sayo at manood ng mga palabas na mag babalik ng alaala ninyo: POV(Pero bakit ganun no kung saan ang sakit sakit ng nararamdaman mo dun mo maririnig ang mga awit na mas lalong nanakit sayo)
Hindi mo na rin magawang maligo at mag ayos ng sarili mo dahil sa sakit na dala dala mo, mas naaalala mo pa ang mga ngiti niya na kay saya mga tawa na parang naloloko o naloloka mga gagaguhan sa isa't isa mga usapang walang sense pero nakakapag pasaya, ito rin yung time na hinahanap mo yung SARILI mo nasaan na nga ba ako? Yung dating ako nung mga panahon nawala ka pa?
TO BE CONTINUE....
POV: Alam ko na mahaba na itong gawa kong akda alam ko din na wala namang mag titiyaga na basahin ito.
Kaya pinutol ko muna kung ang nais mong mabasa ang kasunod na transition ng pag momove on mo.
Please like and Share then comment kung gusto ninyong matuloy yung pag LO-LOVE ADVISE KO
Then hingi lang ako ng FEEDBACK kung naranasan mo na ito o nag sisismula palang kayo.
Salamat sa Pagbabasa!
OWNER!
© MAKABAGONG BALAGTAS
0 notes