Photo
Claudia Doumit as Farah Karim in CALL OF DUTY: MODERN WARFARE
The invaders of my country have no regard for human life. We live like this every day.
2K notes
·
View notes
Text
Update
Haven't posted anything in a while.
So right now, I'm currently unemployed to take care of my lola. Sana next year, pwede na ko magwork. Gusto ko na ng maraming pera eh.
I still feel sad pero hindi katulad nang dati na umaabot sa point na sasaktan ko yung sarili ko pero minsan naiisip ko pa rin. Pero I think I am doing better now.
I also cut ties with some "friends". Hindi ko alam kung bakit everytime na masama ang loob ko, ako yung masama, ako yung may mali. Is it wrong to feel bad? Every circle of friends I have been with, eto yung situation. Pinapatunayan ba nila na tama yung nararamdaman ko? Hindi ko alam. I know, may mali rin naman ako. I know I did things to make them feel bad pero I always make sure that I can make it up them pero wala eh. Ganun ata talaga. Bawal ata sumama loob ko sa kanila kaya sila ganun.
Anyway, the intention of this entry is to update. I am now 22 years old. Still with Peach and I am grateful for that.
End. Next year ulit siguro.
0 notes
Text
Peachy
Lucky enough to be with every single day. I love you so much.
0 notes
Quote
I won’t kiss you. It might get to be a habit and I can’t get rid of habits.
F. Scott Fitzgerald, Flappers and Philosophers (via wordsnquotes)
30K notes
·
View notes
Photo

You’re the plot twist of my 2017. I’m so lucky, it’s you. The girl I’d like to know every single piece of her. You are my favorite person.
0 notes
Photo

Not so long ago I was alone and lost, and then you came along and I was home. Thank you for finding me.
0 notes
Photo

Ikaw ang nais makasama sa pang habang buhay. Umaasa ako sa walang kasiguraduhan dahil ito lamang ang aking magagawa. Pinapangako ko sa ‘yo na ako’y hindi magbabago. Na ikaw ay laging susuyuin. Na ikaw ay laging iibigin. At kahit anong mangyari ay mananatiling kaibigan kahit hindi palarin. Ngunit hihintayin pa rin kita. Ikaw pa rin ang hahanapin matapos man ang lahat. Pagpapaguran ko lahat hanggang sa maramdaman mong mahal mo na rin ako. Reposted
0 notes
Text
Untitled
Marami akong nais sabihin sa iyo. Hindi ko maipon sa iisang salita ngunit dito ko na lamang bibigyang kahulugan ang lahat.
Mula nang una kong naramdaman na gusto kita ay tila parang binago mo kung paano ako tratuhin ng mundong ito. Isang mahika na hindi maipaliwanag ngunit tunay na nararamdaman.
Maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan. Isa akong kalungkutan sa mundong ito ngunit dumating ka. Binigyan mo ng direksyon ang kasiyahan sa tungo sa akin.
Hihilingin ko na lamang sa mga tala ay mahalin mo rin ako. Dahil mahal na mahal kita. Hindi mapapagod ang pusong ito na ikaw ay hintayin at suyuin hanggang sa maramdaman mong mahal mo na rin ako. At kung hindi man tayo ay hihilingin ko pa rin na mahanap mo ang taong magbibigay saya sa iyo. Kung paano mo ko pinasaya. Kung paano kita mahalin.
0 notes
Text
Melokoton
Eto ay tipikal na grupo ng mga salita na pinagsama-sama para makabuo ng iisang pag-iisip na tutungo sa iisang damdamin.
Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano tayo pinagtagpo ng tadhana. Kung paano n’ya tayo ginawang magkaibigan hanggang sa lagi nang magkausap. Iniisip ko rin ang mga gabing sinasalba mo ko mula sa kalungkutan ko. Kung paano mo sabihing tanggap mo ako kahit ano pa ‘tong nararamdaman ko.
Napakaraming salita ang naiisip ko kapag nakikita kita. Mga mata mong napakatapang, ilong mong hindi katangusan, mga labi mong parang rosas at kapag binuo ito ay parang isang tanawin na lagi kong babalik-balikan. Kung mayroong salita na magbibigay kasingkahulugan kung gaano ka ka-perpekto, sasabihin ko agad sa iyo ng harapan.
Nakakapagtaka ba kung ano ang kinalaman ng title nito? S’ya yung pinagaalayan ko nito.
0 notes
Quote
Actually, the problem is that I can’t lose my mind,“ I said. "It’s inescapable.
John Green, Turtles All the Way Down (via uponthepages)
405 notes
·
View notes
Text
Gusto kitang kasama.
Marami ang nagtataka bakit lagi kitang kasama. Gusto ko silang sagutin na, “Wala lang. Gusto ko s’yang kasama eh.” Ang hirap mag-explain sa mga taong makikitid ang utak na binibigyang malisya.
Alam n’yo ba yung kanta ni Lauv na “I like me better”? May lyrics dun na, “I like me better when I’m with you”. Ganun lang kadaling intindihin. Masaya akong kasama s’ya.
Kaso, gusto ka bang kasama?
Gago ‘to ah. Wala na. Mago-overthink na naman ako.
1 note
·
View note
Text
Life is too short to left things unsaid.
Normal na araw para sa ‘yo ngunit kakaba-kabang araw pa sa akin.
Nagtataka ako bakit parang planado ang takbo ng oras? Hindi ko alam kung paano ako nakahugot ng lakas ng loob o saan man nanggaling ang kapal ng mukha.
Hingang malalim, ibuka ang bibig, sabihin ang nararamdaman, “Oo, gusto kita.” Ayan at walang atrasan. Sinabi ko sa ‘yo ang kung ano ang nasa puso. Hindi ako nage-expect ng sagot. Wala akong pake basta masabi ko na lang. Ayokong maunahan ng iba at baka masira ang diskarte. Nakaluwag ako. Bawas stress na itinatago. Masaya ako. Buti na lang at tanggap mo ako. Buti ay nabuo muna ang pagkakaibigan natin bago ako magkaroon ng lakas ng loob.
At ngayong nasabi ko na, ang tanging gagawin ko na lang ay maghintay sa walang kasiguraduhan. Hanggang sa mapatunayan kong mahal na mahal kita. Huwag mo lang akong iwasan. Manatili ka pa ring kaibigan. Hindi naman kita iiwan. Kahit na hindi maging tayo, handa akong maging sandalan mo kapag ikaw ay nahihirapan. Mahal kita. Sobrang mahal kita. At masaya akong nakilala kita. At hindi ko pinagsisisihan na pag-alayan ka ng tula, ng pagkain, at ng kung ano-ano pa. Masaya lang akong napapasaya kita.
0 notes
Photo

I love you. I love how you looked at the fireworks. I also love looking at you looking at the fireworks. As how it reflects on your face. It is all beautiful.
1 note
·
View note
Text
One of the most bittersweet feelings has to be when you realise how much you’re going to miss a moment, while you’re still living it.
82K notes
·
View notes
Text
Ikaw
At itong entry na ‘to ay iaalay ko sa’yo. Ewan ko. Ikaw palagi ang naiisip ko at nung ninais kong gumawa ng entry, ikaw ang nasa isipan ko.
Matagal ko ng itinatago ito. Hanggang ngayon ay puro parinig at paramdam. Hindi ko alam kung tanga ka para hindi mo maramdaman o ayaw mo lang mag-assume. Okay lang naman na mag-assume ka kasi ikaw naman talaga.
Alam mo ba? Sa graduation ko sana balak sabihin sa’yo ‘tong pagmamahal ko sa’yo pero sadyang hindi ko kinakayang magtago. Baka nga nahahalata mo na. Natatakot lang talaga akong mawala yung closeness natin pero aalagaan ko rin naman siguro yung mental health ko kasi nakakasira pala ng utak itong tinatago ko ng isang taon at mahigit. Ngayon lang naman lumalim ito at sadyang mabilis ang pagkakahulog ko sa’yo. Oo, patay na patay din. Ewan ko ba, napakalakas ng tama ko sa’yo.
0 notes
Text
July
Isang taon na rin pala ang nakakalipas mula nung una tayong nagkakilala ng lubusan.
Isang taon na rin pala itong aking pusong ikaw ang laging hinahanap.
Hindi ko alam kung paano nagtagal ang gantong damdamin kahit na napaling sa iba ang aking mga mata ay sa'yo pa rin uuwi ang aking puso.
Ngayon ko lang napagtanto na parang ikaw ang bahay ko na kahit san man papunta ay ikaw pa rin ang uuwian.
Hindi ko makakalimutan ang unang araw ng ating pagkikita. Tila bumagal ang lahat nung ikaw ay napangiti sa akin at biglang kumislap ang paligid nung narinig ko ang iyong tawa. Oo nababaliw na ata ako pero okay lang, sayo naman ako nahuhumaling.
Alam mo bang iniisip pa lang kita ay kinikilig na ako? Kahit na tayo'y magkatext lang ay walang humpay ang aking saya kahit na magdadalawang oras na akong nakatingin at naghihintay sa pangalan mong nais kong patungan ng aking apelyido.
Nakakatuwa na nagkakausap tayo at nagpapasalamat na rin ako na nagkakausap tayo. Masaya ako sa bawat sandaling tayo ay magkasama. At lagi ay bago tayo maghiwalay ng landas, bibigyan mo ako ng yakap na parang sinasabi mong mamimiss mo rin ako. Dahil alam mo, sa unang segundo ng ating paghihiwalay ay hinahanap na agad kita at sabik sa susunod nating pagsasama.
Isa lang ang kinakatakot ko. At ayokong mangyari na sa oras na malaman mo na ikaw ang pinagiipunan ko ng pag-ibig ay bigla kang mawala. At sa oras na ikaw ay mawala ay parang mawawalan ng buhay ang lahat.
Ayokong isipin ang pwedeng mangyari ngunit sana naman kahit itinago ay palarin pa rin ako sa iyong puso. Dahil sinisigurado ko, lahat ay ibibigay sa iyo. Kahit gaano kahirap makipagsapalaran sa mundong ito, ikaw ang magiging inspirasyon sa pang araw araw dahil ikaw lang ang gustong makasama sa hirap at ginhawa.
Mahal, sana maisip mo kung gaano kita iniingatan ngayon at kung paano ko pinapahalagahan ang ating pagkakaibigan. Pasensya na at natatakot lang talaga akong magsabi pero hayaan mo, kapag dumating na ang tamang panahon ay magiging matapang ako at ipapaalam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.
Pero sa ngayon, itatago ko muna ang mga liham mula sa aking puso.
written July 22, 2017
0 notes
Photo
Horizon: Zero Dawn Challenge | Sidequests [1-6] Movie Posters
511 notes
·
View notes