Tumgik
manang-wari · 5 months
Text
nausukan ng kapre
nausukan
Batid kong mahirap ilarawan ang mga amoy sa lenggwaheng Ingles, kumpara sa Filipino. Sadyang hindi ko mahanap ang pang-uri para mailarawan ang kabantutan ng panghe. Hindi rin naman sapul ang Ingles na ‘petrichor’ sa ‘alimuom’ ng Filipino. Madalas ay kaaya-aya konotasyon ang petrichor, samantalang masangsang naman ang alimuom—pumasok daw sa loob ng bahay at baka sumakit ang tiyan dahil dito.
Naka-angkla sa kultura natin ang paglalarawan ng amoy. At sa palagay ko rin, madalas naka-ugnay sa mga tiyak na memorya ang paglalarawan natin sa amoy, na minsa’y mahirap hanapan ng tamang salita para maintindihan ng iba.
Kapag mayroon akong naamoy na isang bagay, kapag ako ay nausukan, ang una kong gagawin ay maghalungkat ng salita para dito. 
---
kapre
Sabi nila, para makawala ka sa panliligalig ng isang kapre ay kailangan mong hubarin ang suot mong damit at isuot ito nang pabaliktad. 
Para hindi ka maligaw, kailangan mong maghubad. Kailangan mong tanggalin ang depensa mong saplot, at ilantad ang iyong sarili.
Saka mo ito susuotin nang pabaliktad. Nakakahiya man dahil hindi ito ang nakamihasnan, pero dahil nasa teritoryo ka ng kapre, ito ang rekisito.
---
nausukan ng kapre
Naipanganak ko ang metaporang “nausukan ng kapre” para sa proseso ng paglikha ng tula mula sa mga salita, karanasan, at paninindigan na nagamit ko sa klase. 
Tila ako ay nausukan ng kapre kapag ako’y binisita ng mga salita o inspirasyon para tumula. Eureka moment, kumbaga.
Kapag ako’y nausukan, may isang bagay, o memorya, o pangyayari na gusto kong ilarawan. Hahanapin ko ang angkop na mga salita para dito. Ang kapre ang sumisimbolo sa bakit, sa dahilan kung bakit ako magsusulat. Minsan, ang kilala ko ang mga kapreng ito pero hindi ko napapansin o napapansin. Minsan naman ay takot ang harapin kaya nababaon ito sa limot.
Ang usok ng kapre ang naghuhudyat ng presensiya niya sa akin. Sa isang iglap lamang ay nakapaloob na ako sa teritoryong gubat nito.
At para makalabas ako, hahalungkatin ko ang mga salitang iyon sa pamamagitan ng paghuhubad, sabi nga ni Emman, kumukonekta sa malikhaing sariliIbabalandra ko ang aking sarili—ano ang gusto kong sabihin? At paano?
Ang baliktad na damit ay ang nabuo kong tula. Maaaring kantiyawan ng mundo sa labas ng gubat, maaaring ding maging huwaran. Nagrerebelde ang kasuotan ko sa dinadamitan nito—nagkukunwari.
Aking aaminin na mas sinasalamin ng aking kapre ang aking pagluluksa. Itong pakiramdam ng kawalan ang siyang malaking ‘bakit’ sa pagsulat ko sa ngayon. Naihalintulad ko ang grief sa kapre. Laging nandiyan, nakatambay sa sanga ng puno, humihithit ng tobako, at tila laging malalim ang pagmumuni-muni. Minsan ay tahimik, pero minsan ay liligaligin ka kapag siya ay nagambala. Hindi natin sila pinapaalis at humihingi pa tayo ng pasintabi. 
Sa ating bansa, tila talamak ang kapre. Kilala natin sila, alam natin kung ano sila. Matagal na rin tayo nitong nililigaw. Sa araw-araw ba naman nilang pagpapausok sa atin, mahalaga ang bawat damit na binabaliktad. Mahalaga ang mga tulang kukusot sa paniniil sa atin.
Tumblr media
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
nagbabagang baga
Tumblr media
Ang kapitbahay kong kapre ay ang aking tatay. Tuwing hapon, madalas siyang nakatambay sa may gate namin habang naninigarilyo at tumatanaw ng mga dumadaan na tricycle. Partida, naka-ilang stroke na siya noon, pero hindi sila mapaghihiwalay ng Fortune lights niya. Lights naman daw kasi. (Dati ay Marlboro ang tropa niya pero mas mura daw ang Fortune.)
Ayun, tuluyang nagbaga ang baga niya noong 2021. 54 years pa lang yung puso niya noon, hilaw pa.
Siya ang nagsisilbing balon ng aking mga salita sa pagsulat.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
sa ikot ng buhay ng isang saranggola
kanino ka dumadalangin ‘pag sumalipadpad ang ㅤㅤㅤㅤㅤguryon?
sa nakabukakang tingting sa sagradong pisi sa hanging maligalig o sa manhid na kamao?
kanino ka lumuluhod ‘pag sumubsob ang ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤburador?
sa lumot ng pinagbagsakang kanal o sa tastas na plastik labo?
sino ang magsusulsi— ㅤㅤㅤtutulong maglunsad at sasama sa iyong muling pagsamba?
Ito ay nagmula sa aking mapa ng emosyon na pagsasanay. Base sa memorya ko noong kabataan nang bilhan ako ng guryon ng tatay ko sa aking kaarawan. Naihalintulad ko ang proseso pagpapalipad ng guryon sa buhay.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
searing presence
Tumblr media
Sa pang-ilang page na naitupi ko, ito ang pinakanag-iigting ng tensyon. Nakuha ko mula sa tuping ito ang kompleksidad ng grief, partikular sa pag-alala at pagkalimot.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
50mg gunita
Tumblr media
Dahil wala nang magagawa, ang pag-alala na lamang ang gamot.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
Nang Dahil Sa Atin
ㅤㅤㅤㅤNitong umaga aking nalaman ㅤㅤㅤㅤNa ang salitang gasa ㅤㅤㅤㅤ(telang medikal na pinong hinabi)
Ay hango sa salitang Arabe na غزة o Ghazza Buhat ng siglo-siglong husay ng mga Gazano sa paghahabi
Noo’y aking nawari
ilan sa ating sugat ang nabendahan nang dahil sa kanila
at ilan sa kanilang sugat ang naiwang nakabuka nang dahil sa atin
Pagsasalin ng "Because of Us" ni Em Berry sa Tagalog.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
abot-kamay na bahaghari
dito sa amin, may bahagharing ‘di kumukupas. kung gusto mong makita, diretso lang, tapos kaliwa—pwede rin kanan, o kaya kaliwa. pagdating sa kanto, tungo ka lang, tapos abot-kamay mo na. kailangan lang ng kaunting pag-iingat. baka sumayad ‘yon at pumulupot sa iyo.
poste sa kanto dapo ng isang maya buhol na kable
Tumblr media
Nais kong ilarawan ang pagkabuhol-buhol ng kable sa ilang umuulit (at bumabalik--"kaliwa, kanan, o kaya kaliwa) na mga salita at istruktura ng mga pangungusap.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
panis na bisita
Nakatambak o nakalimutan? Bigat ng salita, hapdi ng tama Pangungulila sa bagay na hindi Kailanman magiging sa’yo. Panlulumo dulot ng malalim na pag-iisip
Kalam ng sikmura sa pagpapabaya sa sarili Napapanis na ang aking pagnanasa. Ginhawa ng pagkakaroon Ng paborito mong pagkain Anong ginaw ang Nadarama sa katanghalian At hindi ka kasama
Madulas na ang sahig, Hindi siya tumatahan Ramdam ang naiwang Lubog sa gilid ng kama Ako ay binubuo ng maraming bisita
At ang puno’t dulo, mahirap dumamdam ngunit mas hirap mawalan ng pakiramdam Hindi mawala-walang takot sa kung anong nangyari at mangyayari Saan ba ako dadalhin ng pagluluksa? I am lost in A crowd of familiar faces
Mula sa pagputol ng mga linya, nabuo ang imahe ng isang bahay kung saan napapanis na ang mga bisita--hindi makahapag dahil sa pangamba, at hindi makauwi dahil sa takot.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
haring walang palasyo
hayan, hayan! bigyang daan haring mapagpala sa lahat prusisyon kaniyang ipapasan
barya lamang ang abuloy sa umaga nang sa tanghali’y busog na sa kota at ang hapunan ay nilagang tiyaga
hayan, hayan! bigyang daan hari na pintor at makata bitbit ang talaan ng tahanan
kuya, kuya, kasya pa ba? kasya pa ba sa kalsada? kanino na lang kami sasamba?
ihele mo kami sa musikang patok kamao namin ay aabot sa likod mo kami’y luluklok
gulong ay sasalungat sa kalso hoy! hoy! bigyan ng daan haring nawalan ng espasyo sa sarili niyang palasyo
Ang hari ng kalsada--jeepneys at ang masa---ay naubusan na ng espasyo sa palasyo.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
bugtong bugtong
isang tapat na mata ng tanod
puspos ng muta, kalbo ang talukap
'pag sa iyo'y nakatitig, 'pag sa kanila'y pasulyap-sulyap
kuliti niya'y huwag susundutin
nang pagtingi'y huwag manlamig
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ito ay para sa aking bentilador na hindi ako iniwan sa loob ng Men's dorm (bukod sa madalas na brownout). Ito rin ay para sa mga biktima kalupitan ng pulisya sa ating bansa na, redtagging, at extrajudicial killings.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
rubrik para sa tulang tsamba
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
INNOVATION: maximization of the reference text or medium Maximizes the chances available from the reference text into a poem that offers a unique and fresh perspective.
INSIGHT: clarity and impact of the message Insight is crystal-clear Leaves a remarkable impression Stimulates the senses
TECHNIQUE: presentation, design, clarity, flow, harmony Presents excellent design that enhances the details of the poem The choice and combination of words flow well and harmonize with clarity Weaves words with clarity, harmony, and natural flow
STYLE: voice, originality Translates into a distinct voice
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
what i love in you, dear imagination, is that you do not forgive
Tumblr media
Sa palagay ko ay naging ang imahe na ang kausap ko rito, hindi ang imahinasyon. Hindi talaga ako pinatawad ng imahinasyon.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
guryon ng emosyon
Tumblr media
Isang guryon ang nabuo sa salitang guryon. Naisip kong magandang pagsasanay ang saranggola dahil maraming salita ang puwedeng iugnay sa kabataan at nostalgia.
0 notes
manang-wari · 5 months
Text
ako ay may lobo, nabusog pa ako
Huminga nang malalim. Ako ay may lobo.
Huminga nang malalim. Anyaya ng bawat kumpas ng aking paghinga ang yakap ng bagong palit na kobre kama. Katabi ko si bunso habang nakikinig sa malat na bentilador at bulyaw ng mga tricycle sa labas.
Huminga nang malalim. “Anak kain na,” bulong sa akin ng aroma ng bagong lutong kaldereta. Kasabay ng pagmamartilyo sa pader ng yelong tig-tres ang kabog ng dibdib ko.
Huminga nang malalim. Mula sa malayo, sa akin ay may nakatunghay. Munti ngunit matayog. Nagmamaneho sa langit nang may mahinhin na indayog. Sa sagradong pisi na naka-angkla sa guryon, mga kamay ko’y sumunggab upang dumalangin.
Huminga nang malalim. Manatili nawa ang wari. Wari kung saan ikaw ay humahalakhak dahil sa ligalig ng guryon. Suot ang ngiting batid ang sagot kung ikaw ay tatanungin ko kung saan susubsob ang ating burador.
Huminga nang malalim. Sa paghinahon ng aking pagsamyo ay ang pag-impis ng lobong hugis guryon sa aking palad. Ako ay nabusog sa puspos na gunita mula sa kabag ng aking lobo.
Sobrang naging mahalaga nitong unang pagsasanay sa akin. Pansin kong dito bumabalik ang musa ng bawat tulang naisulat ko sa mga aktibiti.
0 notes