Tumgik
Text
Ako si Maribel at kasama ko si Marramie ang may-ari ng Blog na ito.Una ako muna magkwekwento tungkol sa buhay ko.
Ako si Maribel ng Senior High School Musmos pa lamang ako ng umalis ang aking ina sa aming bahay at tuluyan na kaming iniwan.Ako ay isang batang babae panganay sa tatlong magkakapatid na nangungulila sa aking ina.Naiwan kami sa aming ama.Ang aming ama ang naging nanay at tatay sa amin, Siya ang nag-alaga at nagpaaral sa amin.Ngunit ang nakakalungkot kasabay ng pag-iwan ng nanay namin ang pagkakaroon ng bisyo ng tatay namin.Kapag lasing na siya nakikita nalang namin na umiiyak siya.Ako'y nasa ikaanim na baitang sa Elementarya nabalitaan namin na namatay ang naging kabet ng nanay namin ang akala namin babalik na siya sa aming bahay sabik na sabik kaming mabuo ng aming pamilya.At nang ako'y nasa 2nd year high school nagkaroon ng Sakit ang aming ama.Nahirapan kami dahil hindi namin alam ang gagawin.Hindi namin nagawang ipagamot ang aming ama dahil sa kahirapan ng aming buhay at kawalan ng pera.Habggang sa lumala ang sakit ng aming ama hindi na makatayo at makaupo palagi nalang siyang nakahiga,kaya ako nalang ang naghanap buhay.Tuwing walang pasok ako'y naglalabandera sa isa kong guro.Ang kinikita ko ay binibili ko ng pagkain.Hanggang isang araw habang naglalakad ako pauwi galing sa paaralan biglang sinalubong ako ng aking kapit-bahay at sinabing patay na ang aking ama.Bigla akong naiyak ibat-iba ang pumapasok sa isip ko nagalit sa nanay ko.Sinisisi ko siya kung bakit nawala ang tatay ko.Simula noon nagkawatak watak kaming magkakapatid tumira ako sa aking tiyahin,ang aking kapatid ay tumira sa isa naming tiyahin.Ako'y nagtapos hanggang apat na taon sa high school at nagpasyang magtrabaho at mag-ipon para sa kolehiyo.Ngunit akoy nabigo dahil nalaman ko na ang isa kong kapatid ay iniwan ng nanay ko kaya nagpasya akong suportahan siya sa pag-aaral at kinuha ko din ang aking kapatid sa aking tiyahin.Nagsama-sama kaming tatlo sa isang bahay.Hanggang sa nagpasya akong mag-aral dahil sa kaunting ipon ko.Ngunit hindi yon sapat para sa amin kaya ngayon nagtatrabaho ako habang nag-aaral.Hindi ko alam kung bakit hindi ako napapagod siguro mahal ko sila,Siguro binigay ito ng maykapal sa akin dahil alam niya na kaya ko lagpasan ang mga pagsubok na binibigay niya yon lamang at maraming salamat sa pagbabasa ng aking sinulat...
Ako'y labing pitong taong gulang,Bata pa lamang ako ay hiwalay na ang aking mga magulang sa kadahilanang ang aking ama'y isang lasenggero. Walang araw na hindi siya umiinom hanggang sa tuluyan nang naubos ang pasensya na aming mahal na ina. Kaya niya kami iniwan.
Tandang tanda ko pa isang gabi noon nagising ako ng nag-aayos ng mga gamit ang mahal namin na ina, ako'y nagtaka kaya ako'y nagtanong ma, ano pong ginagawa niyo saan po kayo pupunta ? Nakita kong biglang tumulo ang mga luha ng aking mahal na ina ang sabi niya'y wala anak matulog kana. Kasi gabing gabi na, Ngunit ang kanyang luha ay hindi parin tumitigil. Ma, wag nyo po kaming iwan ah,kahit anong mangyari,hindi nakapagsalita ang aking ina bagkus ay umiyak lang siya ng umiyak. Pagkatapos kong sabihin yun ako'y nahiga at nagkunwaring Tulog,Nung ako'y nahiga biglang tumayo si mama at may kinuha na isang papel.
Mga anak pasensya na kung kailangan kong umalis at kayo'y iwan hindi ko na kasi kayang pakisamahan ang inyong ama Wag nyo rin isiping hindi ko kayo mahal, dahil ako ma'y nasasaktan dahil sa kayo'y aking iiwan ngunit kailangan. Kaya sana ay mapatawad nyo ang inyong ina mahal na mahal ko kayo mga anak ko. Habang ito'y binabasa mga luha ko parang tumutulo na. Bakit kailangan pa itong mangyari sa aming pamilya.
Ako'y biglang tumayo at hinabol ang aking ina ngunit hindi ko na siya nakita pa. Biglang lumabas ang aking ama anak bakit ? Pa, si mama umalis na dahil sa inyo dahil diyan sa ginagawa niyo hindi niyo na iniisip ang pamilyang ito. Dahil diyan sa paglalasing nyo. Wala kayong kuwentang ama hinayaan mong masira ang pamilyang ito. Biglang tumulo ang mga luha ng ama. "Anak patawarin nyo ang inyong ama ako'y nalulung sa alak at kayo'y aking napabayaan. Sana'y naisip niyo yan dati pa.
Marami abg nakalipas na taon pero hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang aking ina. Hanggang ngayon kasi ako'y naghahangad parin ng pagmamahal ng isang ina.
Kaya sa may mga nanay diyan, inyong pakaingatana ang inyong ina mahalin nyo sila ng buo. At kahit isang beses lang sabihan nyo sa kanila na mahal nyo sila. Dahil mahirap kapag walang aruga ng isang ina.
2 notes · View notes