mariandanielll
mariandanielll
Untitled
12 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Labing Pitong taong gulang sa larawan na ito.
Bagong Taon nung araw na ito. At ito ang pinakamasayang bagong taon na nangyari sa akin sa buong buhay ko, dahil nakasama ko na ang aking mama na matagal na nagtrabaho sa ibang bansa. Meron lang kaming simpleng handa nung araw na ito. Sunod ay sumaglit lang kaming mamasyal sa pailaw ng taal at nagtiangge kasama ang aking mga pinsan. Kinahapunan ay nagkaroon kami ng salo salo buong pamilya at saglit na kuwentuhan lamang. Kinagabihan naman ay sabay sabay kaming sumalubong buong ng Bagong Taon. Medyo hindi lang buo ang Bagong Taon namin, dahil ang kuya ko ay malayo sa amin. Nagkaroon lang uli kami ng salo salong pagkain buong pamilya ng matapos na kami sa panonood ng mga ganap sa labas.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Labing Anim na taong gulang sa larawan na ito.
Itong araw na ito ay ang aking Kaarawan. Isa din sa pinakamasayang nangyare sa aking buhay, dahil kasama ko nitong magcelebrate ay ang aking mga kaibigan. Hindi man kami kumpletong lahat pero naiintindihan ko naman, at naging buo pa din naman ang kaarawan ko. Kahit sobrang busy naming lahat sa pag aaral, ay nagkaroon pa din sila ng oras na masamahan ako sa araw na ito. Nagkaroon lamang kami ng konting salo salo nito sa aming bahay, dahil nagluto din ang aking lolo ng konting handa para sa akin. At syempre sa pamilya ko na lagi ko ding kasama sa lahat ng okasyon sa aking buhay, lalo na sa aking kaarawan. Nang matapos ang aming salo salong pagkain, ay nagkaroon lamang kami ng konting kuwentuhang magkakaibigan, dahil halos matagl din kaming hindi nagkasama sama dahil ng mga panahong ito ay kasagsagan ng pandemya.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako Labing Limang taong gulang sa larawan na ito.
Fiesta dito sa amin nung mga araw na ito. Meron kaming simpleng handaan lamang dahil nagluto ang aking lolo, para sa selebrasyon ng aming Fiesta. Para na din sa mga bisita ng aming pamilya, tulad nalang din ng mga kaibigan ko. Marami kaming mga naging ganap nung mga araw ito, nakasama din muli namin ang iba naming mga kapamilya. Nagkaroon kami ng kasiyahan kasama ang buong kamag anak namin noon, may mga videoke mga inuman. May mga iba' ibat palaro para sa lahat, salon salong pagkain kasama ang buong angkan namin. Napakasaya lang din pagdating sa mga ganitong okasyon dahil buong pamilya namin ay magkakasama, nag kakasiyahan nagkakatuwaan.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Labing Apat na taong gulang sa larawan na ito.
Itong larawan ko na ito ay sa bahay ng aking mga tita. Birthday ng tita ko nung mga araw na ito at may simple kaming salo salo kasama ang buong pamilya. Nagkaroon lamang ng mga simpleng palaro ang aming tita para sa aming lahat at matapos naman nito ay nagkakuwentuhan na lamang kami. Nang kinahapunan naman ay nagkaroon na lamang uli ng kainan kaming lahat, dahil nag karoon ng plano ang mga ate ko na magihaw. Matapos ang maghapong ganap ay nag videoke na lamang kaming lahat buong mag pipinsan at nag karoon ng saglit na inuman. Napakasaya lang dahil muli kaming nagkasama samang lahat, dahil halos lahat sila ay may mga trabaho na. Minsan lang kami magkaroon ng mga ganitong bonding kasama ang buong pmilya namin.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Labing tatlong gulang sa larawan na ito.
Itong araw na ito ay ang aming padalwang araw ng Intrams nung ako ay grade 7. Normal na araw lamang nito, at buong linggo kaming walang klase nito. Nagpakuha lang ako ng saglit na picture sa aking kaibigan, upang isend sa aking magulang. Ang ganap lang namin nung araw na ito ay manood lamang ng iba't ibang laro, katulad ng mga volleyball, basketball, tennis at iba pa. Kasama kong manood ang aking mga kaklase, mga kaibigan. Nanonood lang kami ng basketball o volleyball at pagkakatapos naming manood, ay tumitigil nalang muna kami sa school o tumatambay sa bahay ng aming kaibigan. Isa to sa pinaka masayang parte ng pag aaral ko na nangyayari taon taon sa aming paaralan.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Labing dalwang taong gulang sa larawan na ito.
Itong araw na ito ay araw ng aming Graduation nung ako ay Elemantary. Grumaduate ako sa St. Martin Montessori school, nung ako ay grade 6. Isa din to sa pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko, dahil ako ay nakatapos. Nabigyan ako ng certificate at sinabitan ako ng medal. Marami kaming mga naging ganap nung mga araw na ito, sumayaw at kumanta kami bulong klase. Nagpasalamat kami sa bawat isa, sa aming mga naging guro at sa aming principal. Nang matapos ang aming Graduation, ay nag karoon kami ng salo salong pagkain kasama ang aking Pamilya bilang Selebrasyon. Nakatanggap din ako ng mga regalo mula sa aking mga magulang na nasa ibang bansa.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Labing isang taong gulang sa larawan na ito.
Ang araw na ito ay Fieldtrip ng aming Paaralan. Isa din to sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko, dahil ito palang ang unang beses na nakasama at nkaranas ako ng Fieldtrip sa buong buhay ko hanggang sa ngayon. Apat na lugar ang aming pinasyalan nung mga araw na ito, marami kaming naging ganap sa buong Fieldtrip na ito. Marami akong nasaksihan o nakita sa bawat lugar na aming napuntahan, na noon ko lamang nakita sa buong buhay ko. Kasama ko nung mga araw na ito ang aking mga pinsan na nag aaral din sa paaralang yun, pati ang tita at lola ko. Kumain kami sa iba't ibang lugar na aming napuntahan noon at namili kami ng mga pasalubong para sa aming mga pinsan. Isa sa lugar na naaalala kong napuntahan namin ay ang Ocean Park.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Sampung taong gulang sa larawan na ito.
Ito ay normal na araw o ganap ko lamang sa aming bahay. Gabi na nung mga araw na ito, at katatapos lang ng hapunan namin buong pamilya. Nang makatapos lang kami sa aming hapunan, ay nanonood na lamang kami buong pamilya ng tv at ako naman ay nagcecellphone na lamang. Naglalaro ng mga kung ano anong games lang sa cellphone at kausap ang aking mga magulang na nasa ibang bansa. Naisipan lamang ng aking lola na kuhanan ako ng picture nung mga araw na ito, upang ipadala sa aking tatay na nagtratrabaho sa ibang bansa. Nagpatuloy na muli ako sa panonood at pagcecellphone nung mga araw na ito, at ng makatapos ay nag diretsong tulog na kaming lahat.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Siyam na taong gulang sa larawan na ito.
Valentines Day ng Paaralan namin nung araw na ito. Marami kaming naging ganap nung araw na ito, bawat klase sa amin ay kailangang mag karoon ng performance bilang selebrasyon ng paaralan namin ng araw ng mga Puso. Ang klase namin ay isa sa kasali dito, at ang ginawa namin ay tumula kaming. Nang makatapos kaming magperform ay nag picture lang muna kami ng kanya kanya at lahatan kasama ang aming guro, hanggang sa nagkasiyahan muna kaming manood buong klase ng iba't ibang performance pa ng ibang klase. Sunod ay nagkaroon kami ng simpleng salo salo sa aming room buong magkakaklase kasama ang aming guro, habang ginagawa namin ang aming exchange gift. Kinahapunan ay natapos na ang aming program at nag kanya kanya ng uwi ang lahat.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Walong taong gulang sa larawan na ito.
Nung araw na ito ay meron kaming program sa aming Paaralan. Ito ay ang aming Nutrition Day, bawat grade sa aming paaralan ay kailangang magkaroon ng performance bilang pagcecelebrate ng aming Nutrition Day. Isa ang aming klase sa nagperform nung mga araw na ito, at ang aming ginawa buong magkakaklase ay sumayaw. Pagkatapos ng aming pagpeperform, ay nagkasiyahan muna kaming magkakaklase habang nanonood kami ng ibang performance ng iba pang grade. Nang matapos ang pagpeperform ng bawat grade nung araw na ito, ay nagkaroon lamang kami ng simpleng salo salo sa loob ng room buong magkakaklase kasama ang mga guro at mga magulang. Kinatanghalian ay natapos na ang aming program, at nagbalik klase na muli kaming lahat sa buong maghapon.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Pitong taong gulang sa larawan na ito.
Itong araw na ito ay aking 7th Birthday. Nagkaroon kami ng salo salong pagkain, kasama ang aking mga kapamilya at mga kaibigan. Nagkaroon ng mga simpleng mga palaro para sa aking mga pinsan at mga kababata. Nakatanggap ako ng mga iba't ibang mga regalo at mga message bilang mga pangaral mula sa kanila. Buong araw na ito, ay nagkaroon lamang kami kasiyahan bilang selebrasyon ng kaarawan ko. Napakasaya ko nung mga panahon na ito, dahil sa mga kapamilya at kaibigan ko na dumalo, talagang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila para sa akin. Kahit alam ko na ang bawat isa ay may kanya kanyang ginagawa sa kanilang buhay, ay nagawa pa din nilang makisaya sa aking kaarawan. Medyo may lungkot lamang sa akin, dahil naiisip ko ang aking mga magulang noon na nagtratrabaho sa ibang bansa. Pero kahit papaano alam kong bumawi sila sa akin sa ibang paraan, alam sila ang dahilan kung nagkaroon ako ng ganitong kaganda at kasayang selebrasyon ng aking kaarawan noon.
0 notes
mariandanielll · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ako ay Anim na taong gulang sa larawan na ito.
Ito ay nung ako ay grumaduate ng Kindergarten, sa paaralang Blessed Elena Kindergarten School. Isa to sa pinaka masayang parte ng buhay ko nung ako ay batang bata pa lamang, dahil dito ako unang nakapag simula ng pag aaral at dito ko din unang naranasan ang makagraduate nung panahong bata pa ako. Ang aking mga naging taga pagbagay o naging guro dito noon ay mga madre mula sa aming simbahan na Our Lady of Caysasay. Marami akong bagay na natutunan mula sa kanila, hindi lang tungkol sa pag aaral na mabuti kundi pati na din tungkol sa Diyos. Dito ako nag simulang unti unting makakilala ng iba't ibang tao, na mga naging kaibigan ko noon. Mga kasama ko hindi lang sa pag aaral sa araw araw, pati na din sa paglalaro, kasama ko sa kasiyahan at mga katuwaan.
0 notes