mariaronora
mariaronora
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
mariaronora · 4 years ago
Text
TOPS LOOKOUT (TOP OF CEBU)
Noong nakaraang taon, umuwi ang aking kapatid galing London. Napagpasyahang manglakbay ang buong pamilya sa mga magagandang lugar dito sa Cebu na hindi pa namin napupuntahan at Tops Lookout ang aming napili.
Hindi maiiwasan ang mainip dahil sa mabagal na daloy ng trapiko at tila malayo at matatarik na daan ang lalakbayin kaya mas mainam na gumamit ng pribadong sasakyan ang gagamitin patungo dito sapagkat makakatipid kaysa mag-taxi. 
Hapon na at madilim na ang daan nang makarating sa pupuntahan na Tops Lookout pero hindi maitatanggi na kay ganda ng tanawin ng inyong makikita. Hindi man ganoon kasaya ang naging biyahe ay mapapawi naman lahat ng iyon. Makikita mo ang kaygandang mga kongkretong istruktura na pinalamutian ng kamangha-manghang pabilog na arkitektura ng bato na kung saan ay kay raming perpektong larawan na mapagkukunan. Kitang-kita rin ang malalawak na tanawin ng buong lungsod ng Cebu City at Mactan Island, citylights at mga puno na hindi maitatangging kay sariwa ng hangin na malalanghap. Buti na lang at ako ay naka-dyaket tila kay lamig ng simoy ng hangin. Sa mga oras ng mga problema at pag-iisip ng mga negatibong bagay ay kay gandang magmuni-muni habang tumatanaw kung itong kay gandang tanawin o paligid ang iyong matatanaw at tila ito ay mapapawi. 
Gayunpaman, hindi lang ang mga nag-gagandahang tanawin ang dinadayo rito kung hindi ang mga pagkainan o restawran na hinahandang mga masasarap na pagkain. Siyempre mga pagkaing pinoy na tiyak na nakakabusog at napakasarap. Kay sarap sa pakiramdam at nakagaganang kumain lalo na kung ang kasama ang buong pamilya at mahal mo sa buhay. At saka lalo na habang kumakain ay ang iyong matatanaw ay mga naggagandang paligid sa bukid na kay raming puno at nagbeberdehang mga halaman.
Sa aming paglalakbay, napagtanto ko na mahalaga na mapangalagaan ang kalikasan na nagsisilbing libangan at atraksiyon ng maraming tao. Bukod pa rito ito rin ay nakatutulong na makakapagbubuklod ng pamilya at mahal sa buhay. Gayundin, kung ito ay patuloy na mapapangalagaan, ito ay magsisilbing atraksiyon na maaaring maipagmamalaki sa buong mundo.
2 notes · View notes