mariellabalanquit-blog
mariellabalanquit-blog
Mariella Antiporda
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
mariellabalanquit-blog · 6 years ago
Text
FILIPINO 101
10 uncommonly used Filipino Terms  
1.       INDULGENCIA
Kahulugan:  Tinatawag na utang na loob o konsensyang bayarin sa isang tao.
Halimbawa: Napakalaki ng aking indulgencia sa aking mga magulang.
 2.       NATIGHAW
Kahulugan:  Ang pagkakaroon ng bawas o panghihina.
Halimbawa: Siya’y natighaw ng makita ang kaniyang inang umiiyak.
 3.       PAGTUDLA
Kahulugan: Pagsinta o pagkakaroon ng damdaming pagibig
Halimbawa: Matinding pagtudla ang kaniyang nararamdaman sa dalaga.
 4.       SAMBALILO
Kahulugan:  Isang sombrero o pamandong sa ulo
Halimbawa: Lubos na iniingatan ni Jose ang sambalilo na ibinigay ng kaniyang ama.
 5.       PAGSASAPANTAHA
Kahulugan: Damdaming paghihinala o pagaakala
Halimbawa: Nakadama si Maria ng pagsasapantaha sa asawang umalis ng bansa.
 6.       LAKAYO
Kahulugan: Taong komikero, mahikero o tagapagaliw sa mga manunuod.
Halimbawa: Nagrenta ang pamilya Santos ng isang lakayo para sa kaarawan ng kanilang anak.
 7.       DUPIKAL
Kahulugan:  Ito ang tunog na maririnig mula sa kampanang sunod-sunod na kinakalampag.
Halimbawa: Umaalingawngaw ang malakas na dupikal sa simbahan tuwing lingo.
 8.       MULALA
Kahulugan: Pagiging mangmang, tanga, hangal at walang alam ng tao.
Halimbawa: Totoong mulala ang mga may kapangyarihang nangungurakot lamang.
 9.       BATLAG
Kahulugan: Isang sasakyang nagagamit sa paglalakbay o tinatawag na kotse ngayon.
Halimbawa: Makabagong batlag ang nabili ng aming kapitbahay sa murang halaga,
 10.   MASIMOD
Kahulugan: Ang pagiging sakim at makasarili pagdating sa pagkain.
Halimbawa: Kung kumain si Juan sa fiesta ay masimod at talagang hindi nagpapahuli.
1 note · View note