I am your, sunshine, life-long husband who's been dead for 25 years
Don't wanna be here? Send us removal request.
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
Welcome.
Nakaharap ako sa isang malaking tarangkahan, yung ipinapakita sa mga banyagang pelikula. Yung ubod talaga ng laki at gara. Kulay ginto iyon. Parang bakal, pero siguro ginto, baka ginto. Baka purong ginto. Hindi ko alam, 'di pa ako nakakakita ng totoong ginto noon e. Pero ayos lang, wala na naman akong pakialam sa ganoon ngayon. Wala ng dahilan pa. Wala ng halaga.
Iyong malaking tarangkahang 'yon ay may mahigit na labing limang dipa ang taas, at triple naman ng taas ang lapad. Nakakamangha ng makita iyon ng malapitan. Nakakalula. Kahit pa ito'y lutang ng humigit kumulang isang pulgada mula sa puting marmol na kinatitirikan nito.
Malamig na ang paa ko.
Kanina pa ako nakatayo rito. Namamanhid na din iyong binti ko marahil sa matagal na hindi nito pag galaw. Namumuo ang dugo sa pagitan ng mga ugat. Walang sakit, walang kahit anong sintomas nito. Naroon lang ang manhid, ang pakiramdam pero wala ang sakit mismo. Kakaiba.
Bumalik ang mga mata ko sa kanina pa'y naninindak na tarangkahan. Ganoon pa rin ito. Puspos ng liwanag. Pintakasi ng kataas-taasan. Habang nakatitig ako rito biglang pumasok na lamang ang isang diwa. Maaari ko 'yong lapitan kahit kailan ko gusto, pero ang nakapagtataka sa akin hindi ko man lang ito ginawa. Hindi ko ginawa hanggang sa mga oras na ito.
Bumagsak ang talukap ng aking mga mata.
Kawalan.
Dilim.
Nakakasabik.
Mabilis lang ang tibok ng puso ko. Tipikal pa rin ang paghinga. Medyo pawisan. Matamlay ang katawan. Ibinalik na naman ako sa kung saan ginusto ko nang matapos.
Isa pa.
Susubukan ko ulit.
Kahit wala ng simbahan sa dulo nito.
Ayos lang.
Bumalik sa harap ng tarangkahan. Ngayon hindi na lang ako nag-iisa. Kung tama ako sa pagbibilang, mga apat siguro kaming nakatayo roon. Sa isang tuwd na pahigang linya. Naroon kami, walang kibuan. Diretso lamang ang tingin. Nakakapagtaka. Hindi sila lumilingon sa kahit na sino. Parang hindi nila ako nakikita, hindi nila nakikita ang isa't isa.
�0�%��a
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
random#% BROWN OUT
Neither of my answers were right that night.
It was funny because I thought I am smart, but that's not the case. Inteligence isn't a flag to be raised. The moment have devoured each and every sense we have. Mostly sight. Arguments over unprecedented problems are always way too hard to discuss, even solve. Even though everything that night is expected to happen and everyone knows that  it'll be in the near future yet the incompetence is on us to cast.
The anger that have built up 'til the recent time is oppresed on the shadows, of anyone pleased, without proper reasons. Maybe, it was the confusion and the frustration that made us box out choices. Stirring the pots, flipping the tables (literally), cleaning our own mess not, and diverting the embarassment to our inner selves. Crying is for the softies at this time of the day. We are trying to be tough, through our chosen ways. Clearly this fight is a strip to our dignity.
Humans are weak 
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
Tim Burton's Pinoy Koloring Book Act 2. Mas Malaki Ang Elephant sa Rhinoceros
Set: Isang malaking canteen. Tipikal na canteen na may mga monoblock, hindi lalagpas sa limampu. May isang mahabang lamesang naka-mantel ng plastic na floral ang design. May dalawang aleng naka-apron na katsa, may mga taong naglalabas masok sa pinto. Umiingit ang bawat nauurong na table. Na-kidnap ang ventillation na sana kahit papaano ay makakatulong para maginhawaan ang mga tao sa loob. Sa gitna ng canteen may estatwa ng lalaking nasa late 30s na nito. Ang marmol ay may ukit ng detalyadong ulo hanggang dibdib ng nasabing lalaki. Malaking palaisipan kung bakit naroon iyon. Tahimik lang si Tim sa isang sulok, sukbit sa kanang balikat ang bag na itim. Ang kaliwang kamay ay nakahawak sa plato, suportado ng siko ang platong puno ng kalderetang naka-tatlong init na sa kasalukuyang linggo. Inisip niyang kaya siya binigyan ng sobra sobra ay dahil kung papatagalin pa ito ay maaari nang magtayo ng sariling pamayanan ang mga mikrobyong lilipol sa putahe.
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
The 55th pesonality test
 I've got myself a box full of crayons. And then a tracing paper and cultured milk. I sat beside my table. Squinting and thinking why all these are in my hands. I kept on thinking and thinking, missing couple of tick tocks in the clock.
 I am a battered child whose save was in the hands of the unknowns. It was like yesterday that all these are not real. Back then I have had lost my mind. Every wake, every sunrise. My nous was nowhere to be found.
 The paper I've been staring at, for hours. Has seemed so empty, It was emptier than before, it was blank. Pure white.
In my room I can sense the understatements of each stroke that I MADE.
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
random## NANGBL-IN-OCK
Nang bl-in-ock ako ni Mikoy
Aligagang ise-search ko s'ya sa search box ng facebook. Walang palya. Palagi. Sa tuwing magla-log in at ibe-bless ako ni 'Panginoon ng kaperahan', kasama iyon sa agenda ng hapon. Sa dinami rami ng mga panalangin ko sa mga shooting stars at 11:11 ng mga orasan, wall clock, wrist watch, cellphone clock, analog at digital. Hindi ko pa rin s'ya mahanap. No searches available. Ma-swerte na ako kapag mawawalan na lang ng internet.
Sa totoo lang may na labas naman talaga sa search box e. Kaso hindi na yung timeline nya. No man of the now. Puro tagged posts or photos.  A
naR?jnb
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
random#@ MAPAIT. MAPAIT.
Mapait. Mapait siguro talaga ang lasa ng atay ng tao. Hindi naman sa gusto ko iyong tikman, pero 'di ba lahat naman ng atay mapait kapag fresh? Hindi ko nga lang alam kung yung apdo at atay ay iisa lang. Parang synonymous. Pero seryoso nga, mapait ba talaga ang atay ng tao? Walang research-research conclusion na agad. Parang no brainer din naman kasi ang sagot. Tsaka mapaghahalatang may motibo akong may pagka-kanibal. Baka ang sabihin pa nila, 'nag da-drugs ba yan?', ':ang bata pa n'ya', o kaya 'ano ba namang magulang meron yan?!'. Nakakatawa lang kung iisipin.
Sa totoo lang hindi ko rin naman talaga alam kung itinuturing ba itong isa sa mga uri ng panlasa. Kasama ba nito ang alat, tamis, anghang, asim? Yung sinasabi ba nating 'mapkla' e ka-uri rin ng mga nabanggit? May nakalimutan pa ba ako? Malamang sa malamang meron. Pang tanga yung unang sentence ng paragraph na 'to.
Tuloy ko na?
Ayon sa aking ina, na'ng pait o ang sensesyon/ damdaming hatid nito ay isa sa pinaka releytabol para sa istandards ng mga tao. At tama s'ya. Mapait ang bawat paalam, parang may alat ang nawat luha, kahit ang pagtawa na may tamis, yung literal na tamis ng tirang kendi, nagpaitim sa wisdom tooth at tatlong harapang ngipin. Mapait 'yon. Mapait ang panis na laway. Mali, hindi nga lang pala 'yon mapait, nakaka-suka at ang dugyot rin. Mapait ang ampalaya. Ang ampalayang tumubo sa kokote ng bawat taong broken dahil sa pag-ibig. Mapait na ugali sa kanilang karelasyon, na may karelasyon ring iba, habang nakikipag-relasyon sa may mga karelasyon rin. Karelasyong may lason ang sopas na mapait dahil sa buto ng kalamansi. Mga kaibigan, tama po ang narinig ninyo, MAPAIT ANG BUTO NG KALAMANSI. Alam ko ito kasi isa ako sa pinaka-swerteng miyembro ng pamilya. Sa tuwing may sawsawan, o kaya ulam, o kahit anong pagkaing may lahok na kalamansi, ako po mga kaibigan ang nakaka-kagat ng buto ng kalamansi. Magiging 'sing tanda ni Yoda o kaya ni 'My Precious' ang mga kulubot ng mukha mo kung sakaling mabe-bless ka ng clamansi seed. Inisip n'yo ba yung sopas na may klamansi ako rin, inisip ko rin sya bigla.
Balk tayo.
Mapait ang masigabong palakpakan para sa maling nakoronahan noong Ms. Universe, si Ms. Colombia imbis na si Ms. Ph. Mapait rin ang puto bungbong para sa mga magpapaskong raliyistang galit kay Marcos. 'HOY! HOY! DI BAYANI SI MAKOY!'. Mapait ang bawat hinaing na hindi napakinggan. Mapait para sa mga namatayan, na iyong libo-libong namatay noong panahon ng Martial Law ay nabaliwala kasi walang matinong stand at rhetorics si Sheshe boy. Mapait. Sunog na pait. Parang 'sing pait ng mga ipit at piyok sa boses ni Delaila na halos maputol na ang litid sa kakasigaw. Sigaw ng sigaw konti lang naman ang tunay na nakikinig. Mga audience n'ya yung staff n'ya. Ang pait kasi wala na talagang pag-asa. Manipulado na ang pagkakataon at paglalaruan. Naniniwala ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit pero yung timpla sa bawat salita n'ya e parang totoo. Pero syempre hindi ko iyon sasabihin kahit kanino, mas masaya kaya panoorin yung despair at built-up ng anger sa mga mata n'ya. Mapait ang kili-kili ng demonyong nasakay ng airconditioned bus.
���ҍ��?��a
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
random#! PA- KALIWA, PA-KANAN
Maganda yung kulay ng mga ilaw sa sinakyan kong jeep. Matapang na asul at pula. May tigta-tatlong maliliit na bumbilya ang bawat linya ng mga ilaw. Mayroong apat sa kanang bahagi ng kisame, mas marami ang asul Kesa sa pula. Sa kaliwa nama'y apat rin, mas lamang nga lang ang pula kesa asul.
Siksikan ang upuan. May dalawang babaeng halos mag-dikit na nga ang mukha sa sobrang sikip ng espasyo na binayaran naman ng tama. Otso pesos kasi medyo malapit lang rin naman. Yung mag-amang nasa harapan ko naman mukhang komportable na. Yung bata halos nakatayo na sa may gitnang daanan ng mga pasahero. Kalong ng tatay n'ya yung bag nilang dalawa, yung pang-eskwelahang bag ng bata na may tatak ng logo ng munisipyo nila, yung bag ng tatay na gutay-gutay yung laylayan at hindi na rin makikilala sa sobrang daming buhangin na nakadikit. Nakayakap yung tatay sa anak n'yang halatang kanina pa ngawit sa b'yahe, sa dulo ng nakayakap na kamay ay ang panukat/ pamantay sa semento, sa kabila ay yung cellphone n'yang Nokia walkman express, pang sound trip.
Mahangin sa labas pero gayoon na lamang ang init sa loob ng maliit na pwestong iyon.
�8��
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
Tim Burton's Pinoy Koloring Book Act 1. 'Ang cool ng pasta ni Pepay'
  Set: Isang magarang bahay sa Pasig. Kulay puti ang exterior, hindi pa tapos pinturahan ng beige ang loob. May limang greek columns sa loob. Mayroon itong dalawang palapag. Isang engrandeng kahoy na hagdan ang nagdudugtong sa mga palapag. Ang unang palapag, may kusina, dalawang banyo. May isang sala set, hindi pa kumpleto ang mga gamit. Mayroon ding playroom, home theater, mini bar at isang mini office. May pool sa bandang likod, pero walang tubig, at hindi pa rin tapos ikabit ang lahat ng tiles. Sa ikalawang palapag ay may apat na kwarto, isang masters bedroom at dalwang regular, may isang para sa mga guest. Walang kahit anong nakasabit sa dingding ng hallway bukod sa naglalakihang mga painting na mahahalata mo ang pagkamamahalin. May imitation ng 'Mona Lisa' at 'The Scream'. Yung iba mga abstarct painting na complex ang tema. Maraming kulay, sabog, kalat-kalat, magulo pero maganda. Ang sahig naman ng buong mansyon ay champagne colored. Nakakalula ang taas ng kisameng may oil paint patterns ng angels at mythologucal Gods. Light ang strokes at reasonable ang laki.
Elegante ang mga kagamitan sa sala kaso yung iba ay may takip na puting tela. Ayaw ng may-aring maalikabukan. Sa tabi ng may tabing na study table ay isang vinyl player. Naka-pasak dito ang kanta ng 'Red Hot Chili Pepper', ***, Sa katabi pa nito ay isang sigarilyong malapit nang maging upos. Ang usok nito'y nakikipaghalubilo sa hangin galing sa bukas na bintana.
Sa sofa makikita si Pepay kasama ang bago niyang kaibigan, si Tim. Para sa kanila malalim na nag gabi, kahit na sobrang tirik pa ang araw.
Palipat-lipat ang tingin ni Tim sa mata at sa labi ni Pepay. Kabado, mahahalata mong baguhan. Si Pepay naman inip na. Habang halos naliligo na si Tim sa sariling pawis si Pepay chill lang. Gutom na ang aso pero di pa sya sigurado kung may halong betsin na pamatay aso ba ang lalantakang pagkain. Nangangatog na ang tuhod.
Inabot ni Tim ang panyo sa kanyang bulsa, unang kinapa sa kanan, walang panyo, sa kaliwa naroon. Kinuha niya ito at pinunas sa noo. Habang nagpupunas ay may nalaglag. Isang sachet ng condom, Trojan, kulay luntian. Nagulat siya. Gulat rin si Pepay.
Tumalikod si Pepay, hihithit siya sa kanyang sigarilyo, isang huling hithit para maubos na nang tuluyan, para tuluyan na itong mamahinga sa pilak na ashtray. Ubos na ang Marlboro. Ibinalik nya ang tingin kay Tim, kabado pa rin, walang nagbago, napansin niyang hindi nito napulot ang nahulog na proteksyon. Napangiti siya. Natuwa siya sa kainosentehan ng bagong kaibigan.
Itinaas ni Pepay ang naka-dekwatrong hita, itinulak ang pwersa ng katawan papunta kay Tim. Nabigla ang binata, pero hindi ito natinag sa kinauupuan. Isang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha ni Pepay kay Tim. Si Tim diretso lamang ang tingin. Sinsero ang mga matang nakatitig sa labi ng dalaga. Matagal. Taimtim.
Nainip si Pepay, sinunggaban na nito ang labi ni Tim. Malambot ang bawat pagpapalitan. Mas dominante ang galaw ni Pepay. Sumasabay si Tim. Papusok ng papusok ang bawat kagat. Lumalim na ng tuluyan ang gabi, bilog na nag buwan. Tila isang bagitong mananayaw ng jazz ang binata, guro niya ang dalaga. Natututo na itong tumalon at umikot at maging karismatiko karisma. Naging mabangis na leon ang kanina'y maamong kuting hawak nya sa leeg ang buong kagubatan.
Nauubos na ang hininga ni Pepay. Tuloy pa rin si Tim sa pag ngasab. Hawak pa nito ang mga braso ni Pepay. Damang dama ang palitan ng laway. Wala na siyang pakialam, libido na ang pinairal.
Itinutulak ni Pepay si Tim. Patuloy pa rin ito sa paghalik. Mas bumibilis at mas lumalawak ang halik nito. Wala na ang pagiging sinsero ni Tim. Kasabay nito'y nawala rin ang hiya at ang pagiging baguhan.
'Tang ina mo', tuluyan nang nakawala si Pepay. Sinamapal niya ng malakas si Tim, 'Munitkan na akong mamatay, walang hiya ka'.
Napahagikgik si Tim, hindi iniinda ang init ng pisnging dala ng malakas na sampal. Natutuwa siya sa mg nangyari, sa mga natutunan niya.
 Tumayo si Pepay, lumakad papuntang mini bar, sa may kusina, kumuha ng baso, kumuha ng bote ng rosé (isang mamahaling alak). Nagsalin siya ng kalahating baso. Maraming iniisip si Pepay sa mga oras na ito, ngunit hindi kasama rito ang nangyari kanina, walang Tim, walang french o kahit na anong kadugtong nito. Pagkatapos maubos, sinakal niya ang leeg ng bote, sa parehas na palad ay nakasiksik ang baso. Inayos nya ang nagulong buhok, pinahid ang nagkalat na lipstick. Inayos ang palda sa huling pagkakataon, tiningnan ang repleksyon sa salaming keadrado sa mini bar. Pumunta siya ng sala, ngunit wala na roon si Tim. Sarado na ang bintana, wala na rin ang upos ng sigarilyo, wala na ang saliw ng rock band.
Isa lang ang naiwan ni Tim, yung condom niya.
Trojan pa rin ang tatak non. Asul pa rin. Pero wala na si Tim. Malamig pa rin yon. Hindi pa rin iyon nagagalaw. Wala na si Tim.
'Gagong iyon ah'.
Inilapag na niya ang baso. Marahaang itinaas ni Pepay ang boteng kanina pang hawak. Inihambalos ito sa maliit na lamesang kahoy. Malakas, nakakabigi. Nabasag ang bote, nagkalat rin ang tirang alak sa carpet ng sala. Kinuha niya ang basag ng bote, isang malaking tipak. Tumatawa siya habang mabagal na hinihiwa ang leeg gamit ito. Palakas ng palakas ang pagtawa niya, habang walang awat sa pagkawala ang dugo sa kanyang leeg. Tingala, namumuti, inaalihan ng demonyo ang kanyang mata. Umiiyak siya habang natawa. Naghalo na ang dugo at ang alak sa kanyang carpet. Nagsusuka na din siya ng dugo. Nandidiri na siya sa kanyang sarili habang nakasalampak sa sahig.
Bumalik sa katinuan si Pepay, hawak niya ang condom ni Tim. Nakita niya ang bote at ang baso sa lamesa. Maayos itong nakalapa. Walang nabasag. Walang dugo. Kinakapa niya ang leeg kung mayroon man, ngunit walang bahid ng laserasyon. Umiiyak na siya sa takot, ang takot para sa mga nakita niya. Umiyak siya, mahina lang.
 Marahaang itinaas ni Pepay ang boteng kanina pang hawak. Inihambalos ito sa maliit na lamesang kahoy. Malakas, nakakabigi. Nabasag ang bote, nagkalat rin ang tirang alak sa carpet ng sala. Kinuha niya ang basag ng bote, isang malaking tipak. Tumatawa siya habang mabagal na hinihiwa ang leeg gamit ito. Palakas ng palakas ang pagtawa niya, habang walang awat sa pagkawala ang dugo sa kanyang leeg. Tumatawa. Umiiyak siya habang natawa. Naghalo na ang dugo at ang alak sa kanyang carpet. Nagsusuka na din siya ng dugo. Nandidiri na siya sa kanyang sarili habang nakasalampak sa sahig. Umulit ang lahat. Nanginginig na siya. Nilalamig ang bukas niyang lalamunan. Tila eksena sa isang sikat na gore film. Malapit na siyang malagutan ng hininga. Sandali na lang.
Nasa mini bar si Pepay habang tumutungga ng half full glass ng rosé. Maaliwalas ang ngiti niya. Kalmado niyang kinuha ang butchers knife sa gilid ng counter. Itinabi niya ang iniinom. Itinarak niya ang kutsilyo sa kanyang dibdib. Nakangiti siya dahil sa wakas ay mahihinto na ang lahat ng ito. Iyon ang akala niya. Narinig na lang niya ang tanong ni Tim, 'so, pwede ko na bang itanong kung sino ang dentista mo?', nakangiti si Tim. Tahimik niyang hinihintay ang magiging pahayag ni Pepay. Nasa sala sila, nakaupo sa couch. Naka-dekwatro si Pepay, Pinagpapawisan si Tim. Tulala si Pepay na sa wakas ay bumalik na sa wisyo niya. Akmang kukunin na ni Tim ang panyo sa kanyang bulsa para punasan ang nagmamantika niyang mukha ng pigilan siya ni Pepay, 'w-wag, wag mong itutuloy ang gagawin mo', makikita niya ang condom na itinatago ni Tim sa loob ng panyo nito kung sakali, ayaw na niyang makita niya pa iyon.
  'Lumabas ka na, Tim, tangina.'
0 notes
masterkeymasterkey · 8 years ago
Text
T
I felt uncomfortable whenever we touch. It feels like your hands were so heavy and cruel and dirty. I am disgusted by you, by your lack of naivety when we talk. When you rule my hands to stretch towards your neck. You're so not innonecent to this world. When we lock lips. When you devour me late. When you tell tales of bravery. When you talk me out of darker nights, nightmares.
It was reassuring when you leave me dazed. I felt so high, like I'm in some type of heroin, hard and expensive. Too swallowed when you push through, when you take the lead, everytime it is not your responsibility.
The bed we lie on saw through me, and maybe to you also. When we love to take form. It saw our anger. It saw our frustration. It might have tasted our cries. It might have felt your misleaded intentions. Whenever we kiss and whenever we decide to be one.
I remember the way you've told me everything you love about me. Gave me reasons to hold and to stay. You said that the way I talk is so sincere and honest. And you love the way I get my points across. You love my lips and my eyes and ears and my heart and my soul and my hair and my kidney and my esophagus and everything bleached inside me. You told me I was so innocent and clean. You love that about me, right?
How come that you've left me beside my willingness to give you all I am? I still think of you and how we start and end every conversation. The pressure you've always suppressed inside me, I have kept that for you to see me whole.
Sorrow surfaces when you see me, I know that, you don't have to tell me. You don't have to tell me everything you've hated about me. To the things you now regret. To the things you find filthy in me. To the things that mafe me seem disgusting. Please, don't bleed of
0 notes