18 years old. Forever Setonian. Proud Thomasian. Olivia "Chachi" Irene Gonzales ♥. G's x Nikes x Snapbacks & Fitted x Vape FOLLOW.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Breakeven.
Isang linggo. Halos isang linggo na din akong wala sa sarili. Halos isang linggo na din ang lumipas simula noong ako ay nagkamali. Bumitaw ng mga maling salita. Di naman na natin mapipigilan yon e. Lahat tayo nagkakamali. Kahit saan mo tingnan, ako naman talaga ang may kasalanan. Sino ako para manumbat. Wala akong karapatan.
Isang linggo. Halos isang linggo na din akong umiinom. Utak nagkakabuhol buhol. Ang uniform nag-aamoy usok. Ang lalamunan, natutuyo sa bawat lagok. Binababad ang atay sa alak. Nagpapalaki ng tyan. Pinipilit malasing pero sadyang masaya lang maramdaman na nandyan ang mga totoong kaibigan. Kahit lahat kami gipit na, basta mag-saya lang kami. Okay na. Gusto ko na itigil tong ginagawa ko. Alam kong umabot na ko sa limitasyon ko. Nagpaparamdam nanaman ang aking katawan. Sinasabing, "Tumigil ka na Mau. Nakikita mo na mga sintomas ng sobrang alak. Baka ma-ospital ka ulit." Susubukan ko. Ito na lang kasi nakikita kong gawin e.
Isang linggo na din akong nag-iisip. Lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Ang hirap sa totoo lang. Iniisip ko din na bakit nangyayari sakin tong mga to? May nagawa ba ako para ganito mangyari sa buhay ko? Ginagawa ko naman ang lahat pero sadyang di mo mapipigilan ang takbo ng utak at sinasabi ng puso. Pero di na natin mababalik ang panahon. Nangyari na e. Minsan na lang dumating sa buhay to. Iniisip ko din kung kaya ko pa ba?
Di naman ako mapride na tao e. Wala akong paki kung sino ang tama at kung sino ang mali. Mas pinahahalagahan ko kung anong meron satin. Inaako ko naman na lahat ng mali. Oo. Sakin na ang mali. Narealize ko na yon. At naipamukha na sakin. Pero gusto ko lang maayos ng lahat ng to. Wala na kong mapuntahan. Ito na lang naisip kong paraan para malabas saloobin ko. Di ko kaya. Sobra akong nasasaktan. Char. Pero iba. Iba naging impact ng mga pangyayari sakin e. Sana mabigyan pa ko ng isang chance para baguhin at itama lahat ng mali ko. Sana mabigyan pa ko ng isang chance para mapatunayan ang sarili ko. Gusto ko na lang bumalik sa dati.
Last shot for happiness is what I need. It is all I ask for.
0 notes
Text
Nicotine is safe.
Combustion makes smoking cigarettes hazardous.
Vape produces vapor from e-liquids.
The lungs can filter the little amount of liquid in our system.
By saying that "Vaping is not safe." is almost same as saying "Go ahead and don't stop smoking."
The ban of vape makes no sense at all.
Good job, Philippine Government.
0 notes
Text
aksdalskdjlaskdjs.
Sakit (noun) (sa-kit) - Ang bagay na kung ano meron ako ngayon. Actually, the more correct term is. Mga Sakit. (Lagnat, Ubo, Sipon)
Ulan (noun) (u-lan) - Ang bagay na hinahangad ng lahat lalo na ng mga estudyante. Wala itong mabuting naidudulot sa buhay kungdi sa basang uniform, baha sa kalsada, hassle sa araw-araw na buhay. Wag nyo ring kalimutan na nagiging water park ang ating unibersidad dahil dito.
Gamot (noun) (ga-mot) - Isang bagay na gustong gusto ng taong may sakit pero nakakatamad ikonsumo.
Pagkain (noun) (pag-ka-in) - Katulad din ito ng gamot pero hindi sya nakakatamad ikonsumo dahil iba ang ginhawa na binibigay nito sa ating sikmura na tinatawag na kabusugan.
Suspension (noun) (sus-pen-syon) - Galing sa salitang ugat na, "Suspend". Para rin itong ulan dahil ito ay hinahangad pagkatapos dumaan ng isang malakas na ulan.
Baha (noun) (ba-ha) - Resulta ng sobra sobrang ulan. Wala din itong naidudulot sating maganda dahil nakikita mo ang mga lumulutang na ipis, diaper ng bata, plastik at kung ano ano pa. Pwede ka ding magkaron ng sakit dito dahil nahahalo sa baha ang ihi ng daga.
Di ko alam problema ko. Haha. Medyo may galit ako sa mundo ngayon. Nakakainis. May sakit na nga ako, nabasa pa ng ulan, lumusong sa baha. Bakit kelangan sa isang araw lang magaganap ang lahat ng ito? Haixt. Pero kahit na, thank you pa din Lord para sa lahat. Kahit di sang-ayon tong araw na to sakin, thank You pa din po.
Any, musta guys?
0 notes
Text
Gaya gaya.
1. Ngayon ko lang narealize na meron pa din palang mga tao na di binabase sa itsura ang kanilang pakikitungo sa kapwa.
2. Masaya pala maging masaya.
3. Kelangan mo din pala minsan magtapang, kasi kung wala ka nito. Wala kang talo. De joke. Wala ka kasing mapapala kung ka magpapairal ng tapang. Gusto mo ng tapang? Tara mag-inom tayo.
4. Sobrang sama ko pala talagang anak. Hindi ko binati ng "Happy Father's day!" ang tatay ko kasi medyo nag away kami.
5. Pero merong mga taong na handa tumulong sayo sa pagbabago.
6. Tama nga talaga ang kasabihang, "Expect the unexpected." Pero kung inexpect mo ang unexpected. Edi naging expected na ang unexpected?
7. Di ko alam na kaya ko pala gawin tong mga to. Parang biglang nag-iba ako. Dati makasama ko lang kung sino sino basta nagsasaya kami, parang kuntento na ko.
8. Natatakot ako ngayon. Di ko alam kung positive ba o negative ang kalalabasan ng mga pinag gagawa ko kasi ayoko na maranasan yung dati.
9. Di ko pinagsisisihan mga desisyon ko sa buhay. Pag sinabi kong gagawin ko, gagawa at gagawa ako ng paraan.
10. May mga tao, bagay o pangyayari siguro na pwedeng makasira ng pagkatao mo. Pero sa huli, ako pa rin ang nakakakilala sa sarili ko.
At syempre, last but not the least.
11. ANG CUTE NAMING MAGKAPATID.



1 note
·
View note
Text
Iba na talaga pag 2013.
Linya ko ngayong 2013.
"Wala e. Iba na talaga tayo ngayong 2013"
Di ko alam sobrang saya ko ngayon dahil sa mga recent na kaganapan dahil #MedyoMalandiSiMaurer.
Nagsimula kasi to nung time na medyo bored ako tas malungkot crush ko. Syempre todo comfort aka galaw ako para maging close kami. Crush na crush ko na talaga sya nun e. Tapos SWAKTO pa, nag-Globe na sya. Shet, angsaya diba?
Di ko inexpect na halos araw-araw kami magkakausap kaya naisipan ko na kung sasabihin ko na ba sa kanya na crush ko sya. Medyo humingi pa nga ako ng advice sa aking mga tropaguts kung ano gagawin ko. Isa lang ang sinabi nila, "Iparamdam mo muna, Mau." Ako naman, agad agad gumalaw. May #hashtag pa nga ako sa galawan ko e, #MaurerMoves at meron din para sa aking mga pilosopiya sa buhay, #MaurerSays.
Sobrang creepy ko ba pag sinabi kong piniprint-screen ko yung mga usapan namin? Sana naman isipin nyo na kilig demon din ako. Hihi. Chos.


Sobrang landi ko ba? Syempre pag medyo pabor sakin yung mga sinasabi nya. Matik na yan, printscreen na yan dre.
Dumating yung point na isang araw, naisipan ko na gusto ko may gagawin ako sa kanya or parang something na may maibibigay sa kanya. Tinawagan ko tropa ko tas nagpaturo ako gumawa ng Rastaclat (braided bracelet na gawa sa shoelace) *Nike na shoelace pa ginamit ko ha.* Gumawa ako ng sakin, tas gumawa din ako ng para sa kanya. Yun talaga point nung pag gawa ko. Tas nung nabanggit ko sa kanya na may ibibigay ako. Angdami kong palusot tulad ng, "nagpractice ako gumawa e" "Sobra yung laces kaya gumawa ako" "Binibigyan ko mga kaibigan ko." pero buti naman tinanggap nya to nung nagkita kami. And sinong mag-aakala na susuotin nya to.

Medyo nagkikita na kami ng sunod sunod na araw. Umiinom madalas. Pero gusto kong magbago na kami. Char. Parang gumaang na talaga yung pakiramdam ko. Sobrang saya nya kasi kasama at kausap e.
Dumating na kami sa point na nagkalinawan na kami kung ano ba talaga sya saakin. Sinabi ko na ang lahat pero sa totoo lang takot na takot ako nung naghihintay ako ng mga reply nya kasi baka mabigo lang ako.
Sa ngayon, masaya ako at masaya din sya sa kung ano meron kami pero di sya minamadali at ayoko namang sabihin na tinatake advantage ko yung mga pangyayari, #SLOWLYBUTSURELY
Alam ko namang babasahin mo to, gusto ko lang sabihin sayo na. I will try my best to show my continuous effort. Yun lang.
Pero sa ngayon, KINIKILIG NANAMAN AKO PUTA

1.) Recently kasi, nagsesend ako sa kanya ng mga Goodnight at Goodmorning messages, kasi alam ko sa simpleng effort na ganon. Kaya baguhin ng text na yun ang buong araw nya. Hihi.
2.) Tinitigan nya daw yung picture ko e. <3
Isa pa to.

Ako lang kasi may alam ng blog nya, binasa ko ang mga nilalaman and poof. Kinilig nanaman ako putangina.
1.) Monday night, sinamahan ko sya. Inalagaan ko din sya. Hihi.
2.) Hinahatid ko sya sa LRT dahil alam ko kahit hanggang dun ko lang sya ihatid nararamdaman nya yung effort ko.
3.) PUTA. PABANGO KO YUNG ATLANTIS NG BENCH E.
#MedyoAssuming
Tune in na lang guys. Kasi kahit ako inaabangan ko kung anong mangyayari e. I-post ko daw kasi to ngayong gabi kasi sabi nya e. :"> Wala e. Marunong makinig e.
0 notes
Photo

MY DREAMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM……. WAHT FUCC
380 notes
·
View notes
Conversation
HAHAHAHAHAHA.
Ze Scene: Will be having lunch tomorrow at Shakey's with friends
Mauro: ubusan ng pera. HAHAHA.
Ako: ikr =)) sama ka?
Mauro: hinde naman watashi invited eh chorva.
Ako: chininvite na kitesh ohhh
Ako: ampotang salita to =))))))))))))
Mauro: hinde metch ba maintindihan chenes?
Ako: anech?=))
tapos nagwallpost ako kay mauro
Ako: di kitech machervaloooo kalurkey!
Mauro: eh intindihin meklavu. para masaya chenelin
Ako: ok.
4 notes
·
View notes