Tumgik
maxenesolano · 4 years
Text
Unemployment: Ano ang dahilan?
Panimula
Maligayang pagbati! Ako ay nagagalak dahil ngayon ay mayroon akong isang paksa na maibabahagi sa inyo at ito ay patungkol sa isang suliraning ekonomiya na maaring kayo ay pamilyar na. Ako nga pala muli si Julia Maxene Solano, isang Grade 10 student, ang author ng blog na ito at siguro pwedeng guro nyo narin sa araw ito sapagkat paniguradong pagkatapos nyong mabasa ang buong Blog na ito, ay marami na kayong maidadagdag sa inyong kaalaman. Pero ano nga ba ang paksa natin ngayon? Ito ay patungkol sa UNEMPLOYMENT. Sounds familiar right? Ang unemployment kasi ay hindi na bago sa ating kaalaman dahil halos lahat ng bansa sa mundo ay nakakaranas ng suliraning ito. Pero bakit nga ba na mahalagang mapagusapan natin ito ngayon? May maitutulong ba ang kaalaman na ito sayo, sa atin?, ano pa nga ba ang mas malalim na sanhi ng unemployment sa buong mundo? Bakit magpahanggang ngayon ay hindi parin ito masolusyunan? At ano ano pa nga ba ang mga kadahilaan ng pagkakaroon nito sa isang bansa? Kung gusto mo nang malaman, ako ay maguumpisa na...
Suliraning Pang-Ekonomiya: UNEMPLOYMENT
Ang Unemployment o Walang trabaho ay isa sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa magmula noong unang panahon magpahanggang ngayong kasalukyan. Maituturing itong isa sa mga pangunahing krisis at malaking hamon sa ekonomiya sapagkat naaapektuhan nito ang pagunlad ng isang ekonomiya ng bansa. Umiiral ang unemployment kapag ang isang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho o walang mapasukang trabaho. Tumutukoy rin ito sa sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho kahit na sila ay may pinag-aralan at pasok sa kinakailangang kwalipikasyon. Sinusukat ang kawalang trabaho sa katayuan o kalagayan ng isang bansa, ginagamit ang bilang ng mga tao na walang trabaho para sukatin ang unemployment. Maraming posibleng sanhi ng unemployment sa isang bansa at isa na rito ang mga bagong teknolohiya at imbensyon, mga patakaran ng pamahalaan, globalisayon, kalagayan ng ekonomiya at mabilisang pagtaas ng antas ng populasyon. Bukod don ay maaari ring makaapekto ang unemployment sa pagpataw ng mataas na buwis sa mga produkto na siya namang mas nagpapahirap sa mga tao dahil wala na nga silang mahanap na trabaho, mas tataas pa ang mga bilihin na kinakailangan nila para mabuhay. Ayon sa NSO mahigit 27.4 milyong katao ang walang trabaho dito sa Pilipinas, ibig sabihin lang nun ay maraming Pilipino ang naapektuhan ganon narin ang kanilang pamilya dulot ng unemployment.
Tumblr media
Paglalahad at Pagsusuri ng Datos
Matapos kong maipahayag sa inyo ang patungkol sa ating paksa ngayon. Iisahin naman natin ngayon ang mga DAHILAN ng pagkakaroon ng UNEMPLOYMENT sa isang bansa. Ang mga dahilaan nito ay maaaring mahati sa tatlong uri; Frictional, Structural at Cyclical.
Frictional (Pakiskis)
Ito ay minsang tinatawag na search unemployment. Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho mula sa dating trabaho dahil maaaring hindi nagkasundo sa presyo ng pasahod, oras ng trabaho, lokasyon ng trabaho at marami pang iba. Nagaganap rin ito kapag may krisis sa ekonomiya. Ang halimbawa nito ay ang pagtanggal ng mga industriya sa kanilang mga manggagawa.
Structural (Istruktural)
Ito ay nagaganap kapag ang manggawa ay nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng industriya sanhi ng makabagong teknolohiya at kapag hindi sapat ang kakayahan ng isang manggagawa para sa isang trabaho. Maaari ring kapag hindi tugma ang bilang na lakas paggawa na gustong magtrabaho sa bilang ng trabahong kailangan. Isa sa mga saklaw nito ang Geographical immobility, Occupational immobility at Pagbabago sa teknolohiya.
Cyclical (Siklikal)
Ito ay nagaganap kapag mahina ang ekonomiya ng isang bansa. Kaugnay nito ang pagnenegosyo sa bansa kung saan bumababa ang pangangailangan sa mga lakas paggawa kaya dumarami ang nawawalan ng trabaho. 
Bukod sa mga nabanggit, kabilang ren sa mga dahilan ng pagtaas ng antas ng unemployment ay ang Real wage classical kung saan kapag tumaas ang suplay ng lakas paggawa kaysa sa demand nito, Voluntary na umiiral kapag pinili ng isang manggagawa na hindi magtrabaho o maghanap ng trabaho at Seasonal na nakakaapekto kapag pabago bago ang demand sa mga uri ng negosyo at trabaho, kadalasan ito sa mga agrikultura, restaurant at ilang industriya ng turismo at manufacturing.
Epekto sa Pamumuhay ng Tao
Ang kawalan ng trabaho ay nagdudulot ng problemang pinansiyal at pagbaba o kawalan ng savings o ipon ng mga tao. Apektado kung ganun ang antas o kalidad ng buhay ng nawawalan ng trabaho at damay ang kaniyang pamilya. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang kawalan ng trabaho ay nagbubunga sa tao ng kalungkutan, kawalan ng pag-asa, stress, depresyon,  at alkoholismo, na kalaunan ay nagdudulot ng sakit, gaya ng sakit sa puso. Sinasabing ang mga taong walang trabaho sa loob ng anim na buwan o mas matagal pa ay dalawang beses na malamang na magkaroon ng klinikal na depresyon o malubhang karamdaman na pagkabalisa. May relasyon rin ang kawalan ng trabaho sa pagdami ng krimen. Bagama’t mali, may mga kumakapit sa patalim o pumapatol sa delikadong alok na easy money (gaya ng mga scam) para kumita at mabuhay.  Bumababa rin ang bolunterismo o ang pagtulong o pagbibigay ng pabor sa iba. Kung ang tao ay walang trabaho at pera, paano nga naman siya makatutulong pa sa iba. 
Epekto sa Ekonomiya ng Bansa
Kapag marami ang walang trabaho, kaunti ang nakokolekta ng gobyerno na mga buwis (income tax, tax revenues, at iba pa). Kapag kaunti ang mga paggugol ng mga tao dahil sa walang trabaho, kaunti ang nakokolektang buwis, kaya apektado ang pananalapi ng pamahalaan. Dahil sa unemployment, nadaragdagan pa ang gugol ng pamahalaan tulad ng para sa ayuda sa pagkain, unemployment benefits, welfare payments, at tulong pinansiyal sa pagpapagamot ng mga unemployed.
Sa dami ng mga dahilan ng unemployment sa bansa, paano kaya natin matutulungan ang pamahalaan upang masolusyunan ang unemployment o ano kaya ang mga paraan upang malutas ang napakalaking problema na ito?
Tumblr media
Konklusyon
Ang mga nabanggit ko sa paksa na ito ay nakaukol sa malaking epekto ng unemployment, simula sa dahilan at sanhi hanggang sa bunga nito at kasama dito ang mga artikulo sa koneksyonng unemployment. Matapos ang aking pagsusuri, sa tingin ko lamang ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakatulong ang paglago ng ekonomiya sa paglutas sa mga problema ng mga unemployed o walang trabaho. May mga pagkakataon na may marami bakante ngang trabaho ngunit di naman angkop sa natapos o kaalaman ng isang manggagawa para sa bakanteng trabaho na iyon. Sa madaling salita, maraming bagay ang saklaw ng unemployment. Madami ang maaring mga sanhi nito at nakapagdudulot din ito ng mga hindi magagandang epekto. Hindi lamang sa isang indibidwal na manggagawa kung hindi damay na din ang kanyang pamilya, bilang ng taong nakapaligid sa kanya at nang buong bansa.
Solusyon
Sa aking sariling pananaw sa paksa na tinalakay ngayon. Ang sa tingin ko na solusyon upang mabawasan ang pagtaas ng antas ng mga taong walang trabaho, dapat bawat isa sa atin ay magsikap upang mapaganda ang hinaharap at buhay ng bawat isa. Dapat matuto tayong gumagawa ng paraan at magkaroon ng mahabang pasensya dahil ang paghahanap ng trabaho ay hindi madali at kinakailangan ng pagtyatyaga. Bukod don ay marami namang paraan para magkahanap ng trabaho ang mga unemployed at makagawa ng trabaho para sa kanila gaya ng sa simula palang dapat ay iugnay na ang edukasyong kukunin sa pangangailangan ng lakas paggawa, tignan kung ano ang mga indemand na trabaho ngayon, hikayatin ang mga namumuhunan na magtayo ng negosyo sapagkat kapag matatag ang negosyo sa bansa ay mas maraming magbubukas na trabaho para sa mga walang trabaho. Isa pa sa pinakamahalaga ay huwag alisin sa ating sarili na matuto ng mga bagong teknolohiya lalo na sa panahon ngayon. Sa mas lumalawak na teknolohiya, isa sa pinakamalaking balakid ng karamihan sa paghahanap ng trabaho ay hindi sila makasabay sa mga trabahong karamihan ay nirerequired na may alam sa makabagong kasanayan dahil kulang ang kanilang kaalaman dito na nagiging resulta na hindi sila maging kwalipikado sa trabaho na iyon na magiging dahilan naman ng unemployment. Sa pagusbong ng makabagong teknolohiya ay dapat pausbungin at palawakin rin natin ang ating kaalaman at mas linangin natin ang ating isipan na matutunan ang mga bagong kasanayan kahit hindi iyon ang ating mga nakasanayan. At ang panghuli, gaya nga ng sabi ko sa una, dapat hindi tayo umaasa ng tulong sa iba at tayo mismo ang gumawa ng hakbang para sa ating kinabukasan. Dapat tayo ay may sariling kusa upang mapaunlad natin di lamang ang buhay natin kundi pati na din ang bansa. Kung gusto natin ng pagbabago at solusyon sa mga problema gaya ng unemployment, dapat umpisahan muna natin sa ating sarili ang pagbabago.
Tumblr media
9 notes · View notes