Christine Kaye Mendiola | Architecture Student | Wonderfully Made
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Moments in time, preserved through sentiments Twitter | Ko-Fi | Patreon
238K notes
·
View notes
Text
Happy happy birthday Kuya in heaven. Lagi mo lang tandaan na napakaswerte namin dahil naging parte ka ng buhay namin. Kahit pasaway ka, mahal na mahal ka namin. Napakatibay mo, di manlang kita nakitang umiyak o pinanghinaan ng loob sa kabila ng mga pinagdaraanan mo.
Buti kiniss kita bago ako pumasok sa work. Huling halik na pala yun. Di ko alam pero ramdam ko na, na malapit kanang mawala. Itong video na to? Kinuha ko para may remembrance ako. Ayoko magsisi sa bandang huli na wala manlang ako mababalikan na ala-ala mo nung buhay kapa. Kahit ba huli na, kahit na ganyan na itsura mo dahil sa sakit mo.
Ni-ready ko na yung sarili ko na anytime pwede kanang mawala; pero ang hirap pa rin. Ni-ready ko kase ung naramdaman ko pareho na din nung malapit na rin mawala si mama. Pero wala, hirap na hirap parin akong tanggapin. Kelan lang nawala si mama eh, wala pang tatlong taon tapos sumunod ka agad. Gusto ko nalang magwala at magsisigaw sa sakit.
Anyways, pipilitin ko maging okay. Wish ko lang sana okay ka lang, kayo ni mama at ni Lava kung nasan man kayo ngayon. Sana maligaya kayo dyan at wala ng nararamdamang sakit. Mahal na mahal ko kayo. Sobrang miss na miss ko na kayo.
5 notes
·
View notes
Text
Lord, kung may hihilingin man po ako lagi sa inyo, iyon ay ingatan ang aking ama at step mother at mga kamag anak na nasa probinsya, aking mga kapatid lalo ang kuya ko na may sakit, pamangkin at ang mama ko kung san man sya naroon ngayon.
Sana po ay wag niyo silang pababayaan. Mahal na mahal ko po sila. Sana po ay bigyan mo sila lagi ng iyong pag agapay at masaganang buhay. Ganun na rin po ako. Sana po ay malagpasan namin lahat ng pagsubok na darating sa amin.
Patawarin mo po ako sa lahat ng aking pagkakamali sa buhay lalo na kung nakasakit ako ng ibang tao. Patawarin nio po kung minsan iniisip ko na ako ung pinamakalas kahit kung ikukumpara sa iba ay walang wala pa ung mga pagsubok na ibinibigay mo sa akin.
Salamat po sa lahat ng blessings. Ingatan nio po ang kuya ko.
0 notes
Text
Pitong taon na paglaban at pagtyatyaga, nauwi din sa wala. Patawarin mo ko sa mga pagkukulang ko. Hindi ko naman pinagsisihan, bagkus nagpapasalamat pa ako dahil nakilala kita. Marami akong natutunan, isa na ung mahalin ko ng lubos ung sarili. Mahirap magsimula ulit lalo at di ka naaalis sa isipan ko, pero muli, katulad dati, asahan mong kakayanin ko.
0 notes
Photo

Dun sa malamig 🥶 https://www.instagram.com/p/CKEjDZBhLFU/?igshid=sfp93d6ik9d1
0 notes
Photo

🌲🌲🌲 https://www.instagram.com/p/CKEiYq3hKau/?igshid=1rcuzzpj5bgad
0 notes
Quote
I love you—I do—but I am afraid of making that love too important. Because you’re always going to leave me. We can’t deny it. You’re always going to leave.
David Levithan (via quotemadness)
2K notes
·
View notes
Text
Ngayon wala kana ma. Malungkot. Pero atleast wala ng hirap. Wala ka ng nararamdamang sakit. I love you very much. I always miss you and hoping someday when the time comes. Mayakap at makausap ulit kita ng mahigpit.
Loving Mara
Hi mother dear. Bilang anak mo pinapasakit mo ulo ko. Joke. Dahil sayo, di ako makaconcentrate sa kahit ano mang ginagawa ko. Lagi kase kitang naaalala plus sayo pa ko nagmana ng pagiging mainipin sa mga ginagawa na kung ano.
Dalawang taon na mula ng madiagnosed ka with Breast Cancer stage 3 na agad, dun ko na naramdaman na magsisimula na ang kalbaryo sa buhay natin. Naisip ko na agad si papa na muka lang bata pero matanda na talaga. Naaawa ako sa kanya, parang wala na syang oras magpahinga. Pauwi na sya galing abroad para tumigil sa pagtratrabaho pero heto, siguradong hindi mapapakali isip nun sa kaiisip kung paano ka gagaling.
_______
Sa nakalipas na taon at buwan parang walang katapusang pagod ang nararamdaman ko. Madalas gusto ko nalang umalis ng bahay at wag ng bumalik. Lalo na ngayon na halos di kana makabangon sa sakit.
Hindi napapagod and katawan ko sa pag aalaga sayo, kami ni papa pero ang utak ko malapit ng sumuko. Napapagod na kase akong marinig ang ungol mo sa tuwing nakakaramdam ka ng kirot. Parang ayoko na lang marinig ang boses mo kung purong pait lang naman ang iyong nasa tono. Napapagod na ko sa lahat. Alam ko na malakas ka pero bakit pakiramdam ko ayaw mo ng gumaling. Ayaw mong kumain kahit alam ko na kung pipilitin mo mauubos mo ang hinanda namin ni papa. Ayaw mong maligo kahit alam mong doon gagaan ang pakiramdam mo. Ayaw mong umupo at magbanat ng konting buto. Lagi kana lang nakahiga. Napapagod na kong tingnan kang nagkakaganyan. Gusto na ulit kitang mayakap ng mahigpit na wala ng sumasakit sayo. Gusto ko ulit makitang kakargahin mo mga apo mo. Please pagaling kana ma, miss na kita kahit lagi naman tayong magkasama…
1 note
·
View note
Quote
Feeling na wala na ka ng oras magalit, magtampo at mag isip ng mga negatibong bagay kase narealize mo na time is so limited. Na sa isang iglap, pwedi na mawala sayo lahat lahat in an unexpected way.
5 notes
·
View notes
Text
“If a person can’t get out of bed, something is making them exhausted. If a student isn’t writing papers, there’s some aspect of the assignment that they can’t do without help. If an employee misses deadlines constantly, something is making organization and deadline-meeting difficult. Even if a person is actively choosing to self-sabotage, there’s a reason for it — some fear they’re working through, some need not being met, a lack of self-esteem being expressed. People do not choose to fail or disappoint. No one wants to feel incapable, apathetic, or ineffective. If you look at a person’s action (or inaction) and see only laziness, you are missing key details. There is always an explanation. There are always barriers. Just because you can’t see them, or don’t view them as legitimate, doesn’t mean they’re not there. Look harder. Maybe you weren’t always able to look at human behavior this way. That’s okay. Now you are. Give it a try.”
—
— “Laziness Does Not Exist” by E Price on Medium
(And a footnote I didn’t see explicitly covered in the article: laziness still doesn’t exist when it is you yourself making no progress and not knowing why. You deserve that respect and consideration, too, even from yourself.)
142K notes
·
View notes
Text
I'm physically and emotionally tired right now. I just want to hug my special someone and cry on his shoulder as I know those things will somehow ease the pain and loneliness I'm feeling.
-ck
0 notes