Tumgik
Text
Pagkilos para sa pagbabago
Sa lahat ng pagkilos kailangan laging may pagpaplano. Walang mararating ang pagkilos mo kung hindi mo ganon pinag-isipan ng mabuti ang bawat hakbang na iyong gagawin. Mangyari pa’y sa huli ikaw ang kawawa,dahil sa nabigo ka na at nasayang pa ang lahat ng pinagpaguran mo. Ang Transformative Education maituturing kong plano o hakbangin na kailangan ng ating bansa. Dito kailangan nating pag-aralan ang mga bagay na hindi katulad sa araw araw na napag-aaralan sa mga paaralan. Dapat lamang natin pagaralan yung mga kaparaanan na hindi na magiging bulok ang sistema lalo ng edukasyon sa bansa. Para maisakatuparan ang mga ganitong pagpaplano dapat magsimula pa lamang sa mababa, kung saan ang mga estudyante ay nagsisimula palang mag-aral,ay dapat mas lalo pang hubugin kung paano maging critical thinker nang sa ganon sa kanilang paglaki ay hindi nila kamumulatan ang mga panloloko at bulok na sistema ng bansa dahil sa marunong na silang mag-isip bago magbigay ng opinion. Dapat ding pagyabungin sa mga kabataan ang pagiging socially conscious na kung saan makakatulong ito sa kanila sa para maging mulat sila sa pangyayari sa lipunan. Kailangan maturuan din ang mga kabataan na maging active citizen nang sa ganon marinig din ang kanilang hinanaing kahit na sila ay kabataan. Ang mga bagay na ito ay labis na malaking tulong sa paghubog ng kaisipan ng bawat kabataang mag-aaral. Ang tanging maitutulong ng mga kabataan ngayon ay ang maging bukas ang isipan sa reyalidad ng mundo. At sa kanilang paglaki naman ay malaki na ang kanilang gagampanan dahil sa sila ay ganap ng mamamayan ng lipunan na pag-asa ng bayan. Sa ganitong pamamaraan,malaki ang posibilidad na maging isang mapayapang bansa ang Pilipinas. Iilan sa mga social movement na nangyari dito sa Pilipinas,ay ang People Power 2. Kung mapapansin hindi lang puro matatanda,mga magulang o kung sino mang personalidad ang nakiisa sa gawaing ito. Makikitang nakiisa sa gawaing ito ang mga estudyante. Patunay lamang ito na dahil sa Transformative Education ay natutunan nilang kapag nararanasan na nila ang pang-aapi ay dapat matutong tumayo at lumaban. Hindi man ganon binibigyang halaga ang transformative education sa ibang paaralan,may iilang guro naman ang nagbigay halaga ditto kaya naman may mga estudyanteng mulat ang isipin tungkol sa sistema ng lipunan at dahil ito sa mga guro na tinulungan silang unawin kung anong sistema meron ang bansa. Dahil sa namumulat na ang mga estudyante sa isyung pangbansa ay nagisimula na silang gumawa ng hakbangin para maresolbahan ito. Kaya naman may iilang paaralan ang makikitaan mo, na ang mga estudyante ay nag-rarally. Hindi lingid sa kaalaman ng iba kung anong pinaglalaban nila,pero ang tanging dahilan lang naman ng pagsasagawa nila ng ganon ay dahil sa hindi nila nakikita ang pagtrato sa kanila ng pagkakapantay-pantay. Bilang mga mag-aaral,matutunan natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat nating paniwalaan an gating mga naririnig, mas mabuti pa ring matuto tayong magobserve sa ating paligid. Hindi lang dapat tayo kilos ng kilos kung hindi natin alam kung anong dahilan kung bakit tayo kumikilos at marapat na intindihin muna natin ang sitwasyon. Kaya magiging malaking tulong ang pagiiplementa ng transformative education sa mga paaralan dahil ito ang daan tungo sa pagkamit ng katarungan na nais ng bansa.
3 notes · View notes
Text
Edukadong Pagpapahalaga sa tunay na Edukasyon
Edukasyon na tila’y naging midedukasyon. Sabi ng iba’y edukasyon lamang ang maipapamana sa atin ng ating mga magulang. Totoo naman,kung hindi ka galing sa well-off na pamilya,masasabing ganito nga talaga ang kahihinatnan mo,ang umasa na edukasyon ang tanging susi sa pag-unlad mo. Kahit sinong tanungin mo kung ano ang mahalaga para sa kanila edukasyon o pagkita ng pera. Marahil sasabihin nila ay ang edukasyon,dahil ang pera naman ay panandalian lamang, at mabilis maubos.Pero ang edukasyon ay pang habambuhay. Kaya ganon na lamang tayo pag-aralin ng ating mga magulang sa mga paaralan na gusto natin o sa paaralan man na kaya lamang ng badget. Dahil sa edukasyon,alam ng mga magulang natin na may mararating tayo sa buhay kung tayo’y nagpupursiging mag-aral. Iilan sa magandang dulot ng edukasyon ay nagkakaroon tayo ng kaalaman mula sa mga makabagong teknolohiya na kung saan nakakatulong ang technology at internet para malaman natin ang mga napapanahong isyu, kung ano yung mga sunod sa uso,problema na kinakaharap ng ibang bansa,mga history,kung paano magsolve ng math problems at marami pang iba. Pero minsan may hindi rin magandang epekto ang edukasyon. Nagkakaroon lamang ito ng hindi magandang epekto dahil sa bulok ang education system ng Pilipinas. Una na dito ay ang mga pampublikong paaralan. Oo nga’t libre na ang pag-aaral ngayon.Hindi na maglalabas ang magulang mo ng anomang pera para bayaran ang pag-aaral mo. Pero kung ano ang ikinalibre ng pag-aaral yun naman ang ikinabulok ng sistema. Kung mapapansin ang mga pasilidad ng bawat pampublikong paaralan,mahihinuha mong walang kwenta ang pag-aaral kung lagi ka naman nakakasinghot ng masangsang na amoy mula sa mga palikuran sa paaralan. Hindi ka ganon makakapagfocus dahil maski electric fan wala ang classroom niyo. Pundido pa ang ilang ilaw. Madalas wala pang lamesa ang upuan na inuupuan mo. Bakit nagbunga ang ganitong pangyayari? Kung sino pa ang dapat magbigay ng suporta sa mga ganitong paaralan,sila pa itong nagpapakasaya dahil sa mga ninakaw nilang pondo na dapat ay nakalaan para sa mga pampublikong paaralan. Hindi ko sinasabing ang ibang opisyales ng gobyerno ang sangkot dito,pero ganon na nga.Nawawalan tuloy ng gana ang mga estdyanteng kagaya ko ang i-enjoy ang pag-aaral dahil walang kaenjoy enjoy kung ganito lang din ang mararanasan mo. Bilang mag-aaral alam natin na nakakadepress nga ang pag-aaral kaya nga may iilan na estudyanteng napapabalita ay nagpapakamatay dahil sa sobrang depress sa pag-aaral.Maraming dahilan kung bakit umaabot sa ganitong sitwasyon ang madalas dito ay dahil sa hindi na kinakaya ng mga estudyante ang sangkatutak na binibigay na gawain ng mga guro,pero dahil sa walang choice ang mga estudyante ay gagawin parin nila ito kahit na gawin na nilang umaga ang gabi. Kung minsan pa’y hindi nagiging sapat ito sa standards na kailangan ng mga guro kaya naman kahit anong sipag mo ay mabibigyan ka pa rin ng mababang grado. Nagiging basehan ang numero para matukoy kung anong klaseng estudyante ka.Kapag nagkaroon ka ng mga palakol na marka,ang magiging tingin sayo ng karamihan ay bobo ka o di kaya’y tamad pero alam mo naman sa sarili mo na ginawa mo na ang lahat pero di parin ganon kasapat.Kapag mataas ka naman,iisipin sayo grade conscious. Mga uri ng estudyante na ang tingin sa pag-aaral ay isang kompetisyon na kailangan lagi ay ang pataasan. Kung iisipin walang kwenta ang pag-aaral kung nakakulong sa isang silid at paulit-ulit na pinag-aaralan ang mga dati nang napag-aralan. Nagagawa mo na ngang makabisado dahil sa paulit-ulit na nga lang.Ang mga estudyante dapat ngayon iminumulat sa mga usaping panlipunan para naman malinawagan sila kung para saan sila nag-aaral. Hindi lamang dapat ituro ang sa tingin ng mga guro na kailangan natin.Dapat tumingin din tayo sa ibang bagay na makakatulong para sa lahat sa pagpapaunlad ng ating bansa. Una dito,buksan natin ang kaisipan sa reyalidad ng buhay nang sa gayo’y mas lalo pa nating pag-aralan ang ganitong bagay para hindi na tayo muli pang papakontrol sa mga matataas na uri.Kung may sapat tayong kaalaman sa problema ng ating bansa,magiging madali na lamang ito solusyunan kung tayo’y magtutulungan at kapag nangyari ‘yon marahil manginginig na sa takot ang matataas na uri dahil may mga mababang-uri ang kaya na silang labanan.
0 notes
Text
Pagsulat at Pagmulat
Ang” Literatura ng Uring Anakpawis”ni Rogelio L.Ordanes,ito’y isang malaking koleksyon ng mga akdang isinulat ng mga manunulat mula sa uring Anakpawis.Ang mga manunulat na ito lumaki man sa iba’t ibang lugar o bansa,ay tila ba sila’y pinagbuklod at pinag-isa ng literatura para magkaroon ng iisang hangarin sa kani kanilang bansa at para sa ating bansa.Bilang mga magagaling na manunulat,bawat isa sa kanila’y mayroon maraming sulatin, na magkakaiba man ang paraan ng kanilang pagsulat ay nagkaisa sila na tuligsain ang mga mapang-aping uri sa ating lipunan ng may lakas ng loob. Sa pamamaraan nila ng pagtuligsa,pagsulat ang kanilang naging sandalan kaya ganoon na lamang sila magpahayag ng saloobin at pagtuligsa sa uring makapangyarihan na naging dahilan din ng pagising sa mga damdamin ng mga aping uri upang labanan ang mga bagay na nagpapahirap sa atin. Ayon sa pahayag ni Nadine Gordimer sa kanyang sulatin na Burger’s Daughter “ Hind puwedeng sabihin kong ako’y isang manunulat lamang,”pahayag niya “at mga paksang tungkol lamang sa manunulat ang tatalakayin ko.Isa rin akong tao at kung basta na lamang inaagawan ng karapatan ang isang tao,basta na lamang ikinukulong,binibimbin sa kulungan nang walang kaukulang paglilitis at hindi pinalalaya ni ipinagsasakdal,dapat na mahigpit na tutulan ng sinuman ang bagay na ito.” Ito’y isa lamang halimbawa sa maraming linya na kanyang nagawa na nagpapakita na bilang isang manunulat,hindi laging ang gusto ng mga mambabasa ang kailangan nilang mabasa,kailangan kahit di nila gusto ay magugustuhan nila dahil naglalaman ito ng katotohanan para imulat tayo sa reyalidad ng buhay. Ang mga manunulat,hindi lamang sila basta bastang manunulat.Sila rin ang mga taong magbubukas ng ating isipan sa mga nais nating malaman lalo ang hindi pagkakaroon ng kalayaan sa maraming bagay. Ayon pa hindi tinanggap ng awtoridad sa kanyang bansa ang gawang nobela na Burger’s Daughter. Ito’y pagpapakita naman na hindi hahayaan ng gobyerno o ng awtoridad na mailathala ang ganitong sulatin. Hindi nila hahayaang matuto ang kanyang lipunang ginagalawan para labanan ang mataas na uri. Dumarami sa ating bansa ang iba’t ibang uri ng komersiyal na babasahin,mga pelikula,at mga palabas sa telebisyon na talaga namang hindi natin pwedeng ikaila na nagbibigay ito sa atin ng aliw at kung minsan pa’y natutunan nating kabaliwan ang mga ito. Ito’y matuturing isang paraan ng kapitalista at ibang mataas na uri,upang libangin tayo at iligaw ng tuon ang mga tao mula sa katotohanan at sa tunay na kalagayan ng lipunan. Kaya nga sinasabing isang instrumento ng entertainment ang telebisyon. Nagpapalabas sila ng mga pelikulang alam nilang pagtutuunan natin ng labas na atensyon kaya ganoon na lamang kumita ng malaki ang mga taong nasa telebisyon dahil sa alam nilang marami ang tumatangkilik sa kanila. Tayo namang mga manonood, ang naani lang natin mula sa panonood ay yung mga linyang binitawan sa palabas pati na rin sermon ng magulang dahil sa mga hindi nasunod na utos ng mga ito dahil sa ating kakapanood. Ang literaturang anak-pawis ang naging sandata ng mga manunulat upang gisingin ang ating mga kaisipan at damdamin upang tulong-tulong tayo sa pagtibag ng ilusyong may demokrasya ang ating bansa at pagsupil sa mga balat kayong politico at mga suwapang na kapitalista. Ang pagkakaroon ng karapatan sa lipunan ay hindi lamang dapat mapunta sa kamay ng mga may pera o sa matatas na uri dahil kung tutuusin karapatan din ito ng mga uring Anakpawis.
0 notes
Text
Ang kamang-mangan ng mga Pilipino
Maraming sitwasyon ang maaari mong maisip kapag sinimulan nang pag-usapan ang kabastusan ng mga Filipino. Kung tatanungin ang isang Pilipino kung anong mga kabastusan ang kanyang napapansin sa kanyang paligid,marahil sasabihin nyan ang literal na kabastusan na umiiral lalo sa mga kalalakihan. Hindi natin siya masisisi kung ito mismo ang kanyang pananaw ukol sa kabastusan,hindi rin natin siya masisisi kung ito ang nararanasan niya sa kanyang lipunan. Ang lipunan na ating ginagalawan ang nagdidikta kung ano ba ang dapat tumakbo sa ating isipan,kung ano ba ang dapat nating paniwalaan, at kung ano ang dapat natin ipasak sa ating pamumuhay. Tayong mga Pilipino,likas sa atin na kung ano ang uso o kung anong ideolohiya man ang bago sa lipunan, ay yun ang susundin at ipapamuhay ng bawat miyembro ng lipunang ito,bakit? Syempre iisipin natin ito ang nakabubuti para sa lahat,ito ang katotohanan kaya dapat nating paniwalaan. Ang ganitong pag-iisip ay pagpapakita lamang na hindi sapat ang ating kaalaman para tignan ang maraming dahilan kung bakit dapat natin ipamuhay ang mga ideolohiya na pumapasok sa ating lipunan. Karamihan sa mga Pilipino laging isang side lang ang pinaniniwalaan. Mabuti na lamang may iilang Pilipino ang hindi lamang nagbabase sa isa kundi nagbabase rin sa maraming aspeto. Ito ang magandang gawin para mas lalo pa natin maintindihan kung anong kabastusan nga ba ang tinutukoy sa sulat o Blog na gawa ni Isagani Cruz. Tinalakay sa papel na isinulat ng awtor na ito ang “Popular Culture” o Kulturang Masa. Ayon kay Cruz “ hindi pang-masa kung sa masa ay tinutukoy natin ang naaaping mga manggagawa,magsasaka,mandirigmang bayan,petiburgis sa kanluran at mangingisda”. Ito ang kaisipan na itinatak ng mga matataas na uri sa mga mabababang-uri. Ang pagtingin nila sa masa ay tila ba isang sanggol na hindi na mabubuhay kung hindi susubuan at padede-in ng gatas. Ganon din sa katotohanan,iniisip nila marahil na kung wala ang mataas na uri na ito ay paano na lamang tayo. Ang masa kung iisipin sa ideya na meron tayo ngayon,ito ang mga taong nakadepende lang sa gobyerno. Mga taong madaling mapaniwala dahil sa mabubulaklak na salita. Kung ano ang ibibigay ng matataas na uri ay siya namang tatanggapin dahil sa kulang sa kaalaman para alamin pa kung maganda ba o masama ang naidudulot nito.Kailangan buksan ang isipan dahil baka hindi natin alam na ginagamit na pala tayo para sa negosyo at kung ano pang kapapakinabangan sa mga Pilipino ng mga makakapangyarihan sa lipunan. Natalakay din sa sulatin ang patungkol sa patuloy na tumatapak sa mga Pilipino lalo na sa kababaihan. Ang metaporang “Pataasan ng Ihi” na kung iisipin lalaki lang naman makakagawa nito. Ito’y dating laro ng mga kabataan na kapag mas mataas ihi mo ay ikaw tong panalo. Dahil nasa tamang pag-iisip ka na maiisip mo na ang uri ng ganitong bagay pagpapakita lamang ng kayabangan.Isa itong paraan na pagpapatunay na dominant ang lalaki dahil di naman ito kayang gawin ng mga kababaihan. Halimbawa pa ng ilang kabastusan na pinapakita ng mga Pilipino ay yung sa sitwasyon na nabuntis ng lalaki ang isang babae. Sa una’y tila ba napakaromantiko niyong nag-iibigan. Liligawan ka,padadaanin ka sa mga linyahang ‘kahit mga bituin aking susungkitin para lang ika’y maging akin’ kung ako yan gusto ko Makita kung pano niya sungkutin yung bituin bago sagutin. Yung ibang kababaihan naman kasi easy-to-get,ang daling mapaniwala kaya ayan kapag nabuntis na easy-to-retreat din mga kalalakihan kasi di kayang panagutan. Tapos sasabihin pa ng ilan ‘lalaki kasi,kaya ganito ganyan’. Pag lalaki pwede umalis,pero kapag babae kailangan niyang panindigan kahit wala yung lalaki. Kapag lalaki okay lang maraming kabit kasi nga lalaki, hindi natin masisisi kung mabilis magsawa mga lalaki,pero kapag babae na ang magsawa iisipin agad may iba nang kinakalantari na lalaki. Tampulan agad ng mga panlalait na pokpok ang mga ganitong kababaihan. Nasa babae ang malaking kahihiyan kapag sila na ang nakagawa ng mali pero kapag lalaki na ang gumawa ng mali okay lang. Tigilan na natin yung kaisipan na dahil sa lalaki nga sila ay pwede na nilang gawin kung ano man gustuhin nila. Kung mananatiling ganon ang point of view ng lipunan magiging kawawa ang kababaihan. Kaya nga may Gender Equality para ipakita na dapat pantay ang pagtrato sa tao,lalaki man yan o babae dapat parehas napaparusahan kung may mali mang nagawa.Dagdag pa, sa isang pamilya hindi kailangang lalaki lagi ang maging dominant. Baliin na yung pag-iisip na dahil lalaki ka sa isang pamilya ay alam mo na kung anong makabubuti sa iyong pamilya. Mas kapani paniwala pa nga yung kasabihan na ‘Mother knows best’ kasi alam nila yung pangangailangan ng isang anak, hindi lang yung pagsusupply ng pangangailangan ng isang pamilya. Kaya nga nagkaroon ng pagsusulong tungkol sa feminismo dahil sa gusto ng mga kababaihan na magkaroon ng pantay na pagtingin,na hindi lamang sila babae para gawing under ng mga lalaki- na hindi naman talaga dapat dahil lang sa lalaki sila. Hindi dapat sumbatan o diktahan ng mga kalalakihan yung mga kababaihan dahil sa gusto nilang sumunod ang mga ito sa kanila. Hindi porket lalaki ka ay pwede mo nang kontrolin yung mga kakabaihan dahil wala kang karapatan kasi nga kaya nila kahit wala ka. Sana mabuksan an gating isipan sa ganitong usaping reyalidad. Huwag tayo basta papaniwala sa mga bagay na hindi naman ganon natin kaalam.
0 notes
Text
Reyalidad sa Likod ng Pelikula
Sinong tao ba naman ang hindi mapapalingon at mahuhumaling sa mga pelikulang gawang Pilipino? Kung hindi ako nagkakamali, alam naman natin lahat na malalim ang pagkahumaling natin sa pelikula lalo na kung yaong pelikula na iyon ay maihahalintulad sa buhay na meron ka noon man o ngayon. Ang iba nga’y nagagawa pang makabisado ang bawat linyang bibitawan ng actor o aktres, maski ang ekspresyon at kilos nito.At ang higit na dahilan ng ating pagkahumaling sa pelikula ay ang pagkakaroon nito ng naggagandahang aktres at naggugwapuhang actor. Ikaw ba,magagawa mo bang manood ng pelikulang hindi naman ganoon kakilala ang gumaganap? Magagawa mo bang pagaksayahan ng oras lalo na kung walang kaamor amor yung itsura ng gumaganap? Dalawa lang yan eh, Oo,dahil ang iba’y basta kapupulutan ng aral ay magagawa na ring panoorin kahit ‘di gano’n kasikat.Hindi naman,dahil ang gusto mo lang naman panoorin ay yung palabas na ginagampanan ng paborito mong artista,isama mo pa kung maganda at gwapo ang actor. May apat na pagpapahalaga ang binanggit sa teksto ni Nicanor G.Tiongson na Si Kristo,Ronnie Poe,at iba pang “Idolo”: Apat na pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino.Ito ay ang Maganda ang Maputi,Masaya ang may Palabas,Mabuti ang inaapi at Maganda pa ang Daigdig, na ang layunin ay buksan ang ating isipan sa kung ano ang reyalidad na dapat noon pa man ay ikoninsidera na natin bago pa tayo mahumaling sa mga ganitong uri ng idelohiya.Nagkaroon ng malaking epeketo ang pananakop na isinagawa ng Amerikano at ng mga Espanyol dito sa ating Inang Bayan. Ang pananakop ng dalawang bansang ito ang nagdala sa atin ng ideya tungkol sa pelikula,komedya,at stage show. Nagkaroon ng epekto ang mga idelohiyang ito sa pananaw natin sa kagandahan. Ang kagandahan ay makikita lamang kung ikaw ay maputi,matangkad,at matangos ang ilong. Kaya naman hindi nagiging kaaya-aya para sa iilan ang makakita ng maitim,kayumanggi,pandak at pango. Dahil sa pelikula na dulot ng Espanyol nagkaroon tayo ng standards na kung ano dapat ang maganda yun ang dapat ipalabas nang sa gayo’y maraming mahumaling at tumangkilik. Hindi nalalayo ang noon sa ngayon, dahil maski hanggang ngayon ay makikita pa rin sa mga palabas na meron tayo ay tanging magaganda at gwapo lamang ang ibinibida.Ang iba pa nga’y may lahi. Bibihira ka lang makakita na maging bida sa isang palabas ang maitim, kung minsa’y malala pa dahil kung sino itong mga hindi ganon kaganda ay sila lagi ang nabibigyan ng role na mababa,madalas alipn,utusan,at pulubi. Kaya hindi maiiwasang makutsa ang mga ito na nagdudulot sa kanila para magbagong anyo. Andyan ang pagpaparetoke at pag-iinom ng mga gamot na pampaputi.Pati na rin sa komersyal ng mga whitening products. Nakakita ka na ba ng maitim na tao na nagpromote ng whitening products? Wala hindi ba. Kasi kung meron man,mababa ang porsyento na maging kapani paniwala yon. Baka nga isipin mo scammer pa yung ganong uri ng tao. Masaya ang may Palabas. Totoo naman masaya ang may palabas lalo na kung nakakatawa. Sabi nga ng iba,nakakawala ng problema ang palabas.Paano na lang kung walang palabas? Edi marahil lagi kang mamomroblema.Marahil kung walang palabas ay bukas ang isipan mo sa reyalidad at sa mga napapanahong isyu. Palabas ang naging sandalan natin,nagbigay aliw sa bawat araw na mayroon tayong problema at kung matapos man ay muling babalik ang problema. May magandang palabas na kung saan ang palabas na ito ay may kwenta at kapaki-pakinabang para sa mga manonood.Ito ang mga palabas na kahit mag-aksaya ng ilang oras kakapanood ay kapupulutan mo naman ng aral at maaari pang makatulong sayo sa pagresolba ng problema mo.Ang hindi magandang palabas naman ay walang kwenta. Walang kwenta sa paraan na ang tanging kaya lamang ibigay sayo ay ang panandaliang aliw at saya pero sa huli andyan parin ang problema. Sa palabas hindi mawawala ang tungkol pang-aapi ng pamilya sa bidang karakter. Kagaya na lamang sa palabas na ‘Sarah,Ang munting Prinsesa’. Sa palabas na ito kilala si Sarah bilang mayaman at napakabait na bata. Buong buhay niya hindi niya naranasang alipihin hanggang sa dumating nga ang puntong inaapi siya ng kanyang punong-guro,na kahit anong api ang gawin sa kanya ay nanatili pa rin siyang mabuti at dahil sa kabutihan na iyon ay natutunan ding lumambot ang puso ng kanyang punong-guro. Ganoon din kay Kristo na nanatiling mabuti kahit sobra na siyang tinotortyur ng mga kawal.Sa panahon ngayon hindi na dapat natin pairalin ang kapag binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay. Kung alam mong sobra ka nang inaapi,matuto kang tumayo at lumaban. Hindi na dapat natin itatak sa ating isipan na dahil gumagawa ka ng kabutihan ay laging may kapalit. Gawin natin ang kabutihan na walang hinihintay na kahit anong kapalit. Maganda Pa ang Daigdig ay huling pananaw na kailangan nating malaman.Madalas sa mga pelikula na ipinapalabas ay tungkol sa bida na nakamit niya ang kanyang ninanais na magandang buhay. Gaya na lamang ng isang aliping sa huli ay mapapangasawa ang kanyang amo o di kaya’y makakakilala ng yayamaning jowa sa internet. Ang mga ganitong tema binubulag tayo mula sa katotohanan. Dahilan ito para magkaroon ng false hope ang bawat manonood.Aasa na lamang sila buong buhay nila sa himala dahil sa ito ang kanilang napanood at pinaniwalaan. Maging mapanuri tayo at hindi dapat basta basta paniwalaan ang bawat palabas na ating napapanood.
0 notes
Text
Makabuluhang Pagsalsal dapat Isaalang-alang
Millenials na matatawag ang mga kabataang nabuhay sa panahon ng Internet at Technology. Kasabay ng pag-unlad nito ang siya ring pag-unlad ng mga kabataan. Laging namumutawi sa bibig ng mga matatanda sa panahon ngayon, na ang swerte raw ng aming henerasyon dahil nabuhay kami sa mundong isang click mo lamang ay nagiging madali na lahat ng bagay. Hindi ka man lang magagawang pagpawisan dahil ang kamay mo lang ang nagkokontrol sa mga bagay na gusto mong gawin. Maaari kang makarating sa kung saan-saan,maaari mo ring mabili ang mga bagay na iyong gugustuhin,at maaaring ito na rin ang magdikta sa buhay na iyong tatahakin. Maraming personalidad ang sikat sa ngayon dahil na rin sa tulong ng Internet. Madali na lamang sumikat kung alam mo gumamit nito. Sa Youtube, may iba’t ibang paraan ang mga gumagamit nito kung paano sumikat. May iba na tungkol sa Makeup tutorials,ang iba naman ay tungkol sa pagpopromote ng mga produkto,buhay ng mga artista,cover ng mga kanta,livestreams ng mga laro at ang iba nama’y ginagawang katatawanan ang kahihiyan ng iba. Kung ano pa itong mga nauuso,siya pa’ tong marami ang tumatangkilik at maraming views, pero kapag binisita mo sa youtube ang mga documentaries tungkol sa buhay,history ng nakaraan, mga palabas na tungkol sa edukasyon,makikita mo na ang iba’y hindi man lang aabot ng kalahating milyon ,tinalo pa sila ng mga kumanta ng “Akala ko ekaw ay aken,totoo sa akeng panengen”. Bilang isang manonood,hindi ko labis maisip kung bakit kailangan isiwalat sa Internet ang estado ng iyong buhay. Oo gusto mo sumikat,gusto mo ipaalam na ganito yung buhay mo,gusto mo makilala ng iba at kumita ng malaking pera. Kahit na pribado pang parte ito ng buhay mo ay isisiwalat mo para lamang makakuha ng maraming atensyon.Marami ang gumagawa ng vlogs sa youtube na una palang hindi na agad kapupulutan ng aral, kundi kapupulutan ng inggit at paghahangad. Marami tuloy sa kabataan ngayon na dahil kung ano ang uso ay gagawin ang lahat kahit mahirap ang estado ng buhay ay basta makasabay lang sa agos ng mga mayayamang uri. Lumalawak marahil ang youtube hindi na dahil sa instrumento ito para matuto kundi dahil sa instrumento na ito ng pagpapayaman. Kaya nga hindi ko naiiwasang mainis kapag nakakarinig ako ng mga kabataang ang tanging solusyon nila kapag hindi sila naging matagumpay sa buhay ay nakikita nila ang paggawa ng vlog bilang alternatib sa future na dapat una palang tinrabaho na nilang paghirapan. Totoo naman na madali talagang kumita sa paggawa ng vlog lalo na kung mabilis kang sumikat. Pero paano kung hindi ka rin ganon magtagumpay sa pagpapasikat mo? Edi wala ka nang choice kundi ang ipagpatuloy ang pag-aaral at bahala na lang kung may trabaho na tatanggap sayo pagka-graduate mo. Dahil sa ganitong ideolohiya,nabubuo tuloy sa mga kabataan ang pag-asang walang kasiguraduhan.Nabigyan ng standards pati na rin ang internet na dati sapat na ang maglabas ka ng opinion at hinanaing tungkol sa isang bagay. Ngayon pati buhay ng iba gusto mo na rin bigyan ng opinion kung ano man ang nakikita mong mali,pero sa buhay mo kaya may nagawa ka na bang tama bago mo pa bigyan ng pinyon ang iba sa para sa buhay na meron sila? Matuto dapat tayong sarilihin ang ating buhay,matuto tayong bigyan ng privacy ang ating buhay lalo na sa mga problemang personal dahil saril mo lang din naman ang makakatulong sayo.Kung tutuusin nga walang paki sayo yung iba dahil nararanasan din nila yon.Paano kung walang pumansin sayo sa Internet? Marahil baka mas maging dahilan pa ito para ipamukha sayo na nag-iisa ka lang talaga, kaya mas mabuting gawing pribado ang personal na buhay dahil walang katiyakan na magkakaroon ng paki ang iba sa iyo.At buhay mo yan,walang dapat ibang magdikta sayo kung ano ang dapat mong gawin.Hindi ko naman sinasabi na masama ang pag-aadvice,dahil magandang bagay nga ito para makatulong sa problema ng iba. Ang Blog at ang mundo ng Internet ang isa sa mga makapangyarihang midyum sa panahon natin,dahil ditto magagawa na natin magvoice-out n gating mga hinanaing at reaksyon tungkol sa nangyayari sa ating paligid.Gawin nating makabuluhan ang bawat pagpopopst na ating ginagawa nang sa gayo’y marami ang mamumulat at maliliwanag ang isip na ganito na pala ang estado ng ating lipunan. Paraan din ito para hindi tayo maging mang-mang,matatalino pa man din ang mga suwapang na kapitalista.
0 notes
Text
Wika noon, Mananatiling Wika sa bawat Bukas
Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing kakausap tayo ng tao,may posisyon man sa lipunan o di kaya simpleng tao lang, una lagi agad nating iniisip kung paano natin sila makakausap at kung paano natin makukuha atensyon nila. Gaya na lamang din sa isang interbyu. Maraming tao ang magtatanong kung Ingles ba o Tagalog yung paraan nila ng pagtatanong. May sasagot sayo na tagalog daw ang ginamit sa pagtatanong sa kaniya. Tila ba nabunutan ka ng tinik kapag ganoong balita ang malalaman mo pero hindi pala do’n natatapos ang kalbaryo mo kasi sa hindi pa siya tapos magsalita laging may karugtong na “mas mabuting sagutin mo pa rin sa Ingles para makuha mo atensyon nila” kaya naman ang mga iinterbyu mas lalong kinabahan dahil maiisip nila na kapag hindi sila makasagot ng Ingles ay mababa ang pagkakataong matanggap sila sa trabahong kanilang inaaplayan. Nararanasan ko ito mula noon hanggang ngayon. Tila ba’y isang pagsubok lagi ang pagsasalita ng Ingles. Gaya na lamang kapag ako’y may gustong i-text na guro dahil sa may itatanong o kung ano man,aabot pa ng ilang oras bago ako makapagbuo ng magandang salita sa paraan ng wikang Ingles. Sasabihin marahil ng iba na mas pormal kasi ang paggamit ng wikang Ingles ,kung gayoy hindi na ba dapat ituring na pormal ang paggamit o pagsasalita ng tagalog sa ganitong sitwasyon?Natutuwa ako kapag nakakabuo ako ng salita, pero andon pa rin yung kaba na baka hindi maintindihan ng gurong iyon ang aking pinagsasabi. Maituturing kong isang masamang panaginip ang pagsasalita ng Wikang Ingles. Andoon yung kaba, yung takot na baka hindi ko maipahayag ng maayos ang aking saloobin at yung sobrang takot na baka hindi ako maintindihan ng ibang tao. Pero dahil sa ito ang reyalidad pinipilit kong gumising at bumangon para muling harapin ang mundong aking kinagagalawan.Hindi ko maintindihan kung bakit lagi kong nararanasan ang ganyang sitwasyon,hindi naman tayo anak ng Hilaga o kanlurang bansa para isabuhay ang pagsasalita ng Ingles. Hindi natin maitatanggi na parte na ito ng ating buhay. “May punto ang mga nagsasabi sa atin na hindi natin maaaring kaligtaan ang Ingles.Talaga namang hindi.Ito ang susi sa pandaigdigang impormasyon” Linya sa sinulat ni Conrado de Quiros. Malaki ang ganap ng Ingles sa ating pamumuhay. Kung hindi dahil dito hindi makikilala ang ating bansa,kung hindi dahil dito baka iilan lang ang mga taong angat ang buhay.Kung hindi dahil dito,hindi natin makakamit ang modernisasyon sa paraan na gaya ng iba. Tila ba isang Domino Effect ang ating pamumuhay. Kung anong meron sa iba,kailangan ganon din tayo. Ang mas malala kapag nakasanayan na ay isinasabuhay na ito. Ang Ingles sinasabing pandaigdigang impormasyon hindi pandaigdigang pagsasabuhay. Sapat na paraan siya para hindi tayo maiwan sa kung ano man mga dapat habulin.Pero kung iisipin wala nga dapat tayong habulin kasi bansa natin ito.Bakit hindi natin paunlarin ang ating bansa sa paraan na likas talagang atin.Bakit hindi natin magawang maging makapangyarihan ang sarili nating wika gaya nang pagpapalaganap ng amerikano sa wika na meron sila. Bakit kailangang Ingles ang paraan ng pakikipag-usap natin kahit baby pa lang. Bakit sa simpleng diskusyon ng magkakaibigan,pamilya o kung ano pang organisasyon yan madalas sa paraan ng pag-iingles ang kanilang pag-uusap. Paano kung isa ka sa miyembro ng isa sa mga organisasyong iyan tapos hindi ka ganon kagaling sa pag-Iingles at sa pag-iintindi nito? Mang-mang bang maituturing ang taong hindi ganon kagaling sa Ingles? Hindi, anong masama na tagalog at basic English lang ang alam. Huwag kang mahihiya sa pagpapahayag ng iyong saloobin sa paraan ng pagta-tagalog.Huwag mong hayaang kainin ka ng depression dahil lamang sa hindi sapat ang iyong kaalaman sa pag-Iingles. Lahat naman ng bagay natututunan, yun nga lang kapag nasobrahan marunong ka pa rin dapat lumingon at tingalain ang iyong pinanggalingan. Dahil sa standards na nararanasan natin ngayon dahilan ito kung bakit nahihirapan magdevelop ang ating bansa ng sariling own identity. Magagawa mo bang ipagmalaki ang mga bagay na likas talagang sa bansa natin siya mayroon? Marahil 20% dito ay likas talagang maituturing na identity ng ating bansa isama mo na dito ang madalas sinasabi ng mga dayuhan na ang mga Pilipino ay likas na mabubuti ang loob at friendly pati na rin ang Halo-halo dish na likas sa ating bansa. 80% dito na dahilan kung bakit modernisado ang ating bansa ay dahil sa tulong ng ibang bansa. Wala man akong datos na maipapakita pero sapat na siguro na paraan na buksan natin ang ating isipan sa reyalidad ng buhay na nabubuhay na lang tayo sa mundo dahil sa mga standards na kailangan natin sundin. Mabuti na nga lang may mga taong nakikipagspalaran sa ibang bansa gaya na lamang ng Domestic Helper, nagagawa pa nilang ituro ang ating wika sa mga taong nakakasalamuha nila sa ibang bansa. Tayo nga lang dito sa ating bansa kapag nakakakita tayo ng ibang lahi hiyang hiya tayo sa ingles karabaw nating pagsasalita,paano pa kaya kapag sariling wika na natin ang hindi natin maintindihan gawa nga ng Ingles na ating nakasanayan,hindi ba’t mas lalong nakakahiya ‘yon.Dapat nga mas magaling pa tayo sa pagsasalita ng Tagalog kaysa sa Ingles. Sapat na alam natin sa sarili natin marunong tayong makaintindi at makapagsalita ng Ingles pero huwag sana natin kalimutan na Pilipino tayo mas mahalin natin kung anong mayroon tayo.
0 notes
Text
Edukasyong Hindi Dapat Pairalin
Aminin natin masaya magkaroon ng mayamang kaibigan hindi ba? Yung tipong pag kasama mo sila feeling mo mayaman ka na rin. Tapos pag sila kasama mo hindi pwedeng wala kayong picture kasi pagkauwi na pagkauwi mo kailangan magpost ka, na nakapunta kayo sa ganitong lugar o di kaya'y nakakain kayo sa ganitong restawran. Masaya sa feeling diba? Kaso hindi masaya para sa pitaka. Magpa-plano kayo para sa gala niyo na nangyayari lang naman isang beses sa isang buwan kasi nga wala kang pera. Kailangan mo munang mag-ipon para makasabay sa gusto nilang gawin. Kapag panahon na para gumala kayo biglang naalala mo nabawasan nga pala pera mo. Kaya naman dali dali mong sasabihin na "uy guys sa susunod na lang ah? Ang dami kasi naming nagastos para sa school projects eh" kahit yung totoo pinangkain mo lang naman talaga. Aminin mo ganyan ka diba?Kung hindi, edi maganda. Ganyan kasi ako dati eh. Alam mo yung pakiramdam na lagi kang napi-pressure pag sila kasama mo. Kailangan lahat ng kilos mo maayos kasi baka madismaya sila pag may hindi sila nagustuhan,ikaw lang mapapahiya. Napagtanto ko na hindi ganon lubos kasaya pag sila yung mga taong kasama mo kasi parang nalilimitahan kang gawin yung mga bagay na ginagawa ng isang simpleng tao. Hindi ikaw yung totoong ikaw pag mayayaman kasama mo. Mabuti na lang may mga tropa akong simple lang. Mapapakain mo sila sa mga mumurahing pagkain. Magmumukha ka pa ngang mayaman pag nilibre mo sila. Hindi maaarte gaya ng iilan sa mayayaman. Mapapakain mo sila ng dos tres,tag-benteng mami unli sabaw pa yon,at ang paborito ng bayan ay yung pancit canton. Masaya ka na kahit sa simpleng bagay napapasaya mo ibang tao at alam mo sa sarili mo na ikaw yung nakikita ng iba, hindi mo na kailangang magtago,kasi totoo ka sa sarili mo. Mapapahiling ka na nga lang na sana hindi matapos yung araw na magkasama kayo.Hindi makakaila na maraming nakararanas ng ganitong sitwasyon. Kung ako sayo maging proud ka kung ano ka. Huwag mong ikahiya na mahirap ka,na hindi mo kayang bilhin yung ganitong bagay. Maging totoo ka lamang sa iyong sarili at mas lalo kang magpursige na balang araw magiging katulad ka rin nila. Hindi dahil sa kadahilanang gusto mo lang maging mayaman at tingalain ng iba. Kundi gusto mong yumaman para makatulong sa mga taong lumaki sa hirap gaya mo. Ganyan ang reyalidad ng buhay pinapakita talaga kung gano kalaki ang kaibahan ng mayaman sa mahihirap. Pag mahirap ka, kulang na nga lang ubusin mo lahat ng pwedeng pangarapin sa buhay. Kapag mayaman ka naman, tamang higa lang sa condo,papadeliver pa yan sa grabfood o di kaya food panda wala eh mayaman,walang pinoproblema sa buhay. Ang tanging iniisip na lang kung paano gagastusin yung yaman nila. Paano pa ang buhay estudyante na nag-aaral sa pampribadong paaralan. Sila na tinitingala ng iba dahil nag-aaral sila sa isa sa mga mamahaling paaralan. Madalas sabihin ng iba na maganda yung mararating ng buhay nila dahil nga galing sila sa pribadong paaralan,totoo naman. Pero yung totoo sa kumpanya lang din naman ng pamilya nila sila mapupunta. Buti pa sila tagapagmana ng yaman ng magulang. Eh tayo? Tagapagmana rin naman kaso tagapagmana nga lang ng tupperware,kalan,damit, iba't ibang appliances na ilang taon ng nakatambak sa bahay. At least may namana.MelchiKung ako tatanungin hindi ako masaya na may mayaman sa mundo. Dahil sa mayayaman na 'yan nabuo sa lipunan yung kaisipang pang mayaman. Na kapag katulad ka nilang mag-isip ay isa ka na rin sa kanila. Hindi tama na nasasakop nila tayong mahihirap sa pamamaraan ng pag-iisip. May iba kasing mahihirap na kapag naranasan nila ang nararanasan  ng mga mayayaman feeling nila mayaman na rin sila,feeling nila titingalain na sila ng ibang mahihirap. Kung ako sa inyo mag-isip kayo! Kung hindi mo napapansin pinapamukha lang nila sayo na mahirap ka, na kaya mo bilhin yung ganitong bagay ngayon pero bukas mahirap ka na ulit. Magiging mahirap na ulit tingin nila sayo. Inaapi ka nila sa paraan na hindi mo napapansin. Binubulag ka nila sa paraan na hindi mo magagawang magalit sa kanila kasi nga napaikot ka na nila sa sistema na gawa nila una palang. Hindi dapat tayo umastang taga-sunod na lang lagi sa mga mayayaman na iyan. Kapag nakikita nila tayong mas naging sunod-sunuran, mas lumalakas yung kapangyarihan nilang mapaikot tayo at mabilog ang ating isipan sa paraan nila. Hindi na maiisip ng iba yung kaibahan ng mahirap sa mayaman dahil ang maiisip nila nagagawa naman nilang mabili o magawa yung mga bagay na nagagawa ng isang mayaman. Magising kayo! Kung pilit tayong magpapaikot sa kanila, wala ng taong lalaban para sa ating nasa ilalim. Kung hangid natin ay pagbabago hindi lang dapat tayo uupo at ipagsawalang bahala na lang lahat. Maging matalino lang ang lahat ng nasa ilalim,tiyak matatakot ang lahat ng nasa itaas.
0 notes
Text
Ang Pagkaalipin ng Inang Bayan
Pano ka makatutulong sa pagbabago na ninanais ng ating bansa ilang taon na ang nakalilipas? "Mag-aaral akong mabuti,maghahanap ako ng trabaho at tutulong ako sa mga mahihirap". Iilan lamang ang mga iyan sa mga katagang mamumutawi sa mga kabataang bata pa lamang ay nangangarap na. Hindi naman masama ang mangarap, hindi rin naman masama kung sarili mo lang iisipin mo. Pero kung muli mong iisipin paano ka na lang kung unti unti nang nawawalan ng saysay ang ating pagiging makabayan? Ano nga't kabisado mo ang mga pambansang sumasagisag sa pangalan ng Pilipinas? Tuwing flag ceremony taas ulo mong inaawit ng malakas ang Lupang Hinirang pero sa pagtapos nito parang wala lang, naglabas ka lang ng hininga para iparinig sa lahat pero hindi mo isinapuso at pinag-isipan ang tunay na kahulugan ng bawat linya ng pambansang awit. Kung mapapansin natin sa tuwing bibigyan ng pagkilala ang Pilipinas dahil sa mga taong buong tapang na nakipaglaban at nakilahok sa ibang bansa, taas noo rin nating sinasabing "kababayan ko yan!" , "Ang galing talaga ng mga Pilipino".Nakatutuwang marinig ang mga ito mula sa ating mga kababayan, pero kung iisipin ilang beses mang kilalanin at bigyang pugay ang ating bansa, hindi nito kailanman matutugunan ang  hirap na nararanasan ng bawat pilipinong naghihirap mula sa kamay ng gobyerno. Magaling sila dahil sa nakakamit nila ang kanilang pangarap, pero paano na lang yung mga taong hindi natin alam mas magaling pa pala sa mga taong kilala na bilang magaling sa iba't ibang larangan. Hindi nabibigyan ng pag-asa ang ibang kabataan na makapag-aral at makasubo ng mga impormasyong huhubog sa kanilang kaalaman. Ang alam lang natin ay ang sariling kasikatan, kung minsan pa'y hindi na natin naiisip yung ibang tao dahil sa kasikatan na ating natatamo. Tama nga naman talaga yung ideyang mas binibigyan ng pansin ng gobyerno ang kasikatan na natatamo ng Pilipinas, ang yamang nalilipon nito sa tuwing makikipagtulungan ang ating bansa sa ibang bansa. Naisasantabi ang mga Pilipinong tunay na dahilan kung bakit meron tayong bansa na tinatawag na Pilipinas. Masakit mang isipin pero ito ang katotohanan. Hinahayaan na lamang natin na kontrolin tayo ng gobyerno sa kanilang mga kamay, makikisabay na lang sa agos dahil sa wala tayong sapat na kaalaman para alamin ang tunay na nangyayari sa ating bansa. Ikaw ba? Kailan ka huling nagkaroon ng paki para sa Pilipinas? Kailan mo lang binigyang tuon alamin kung ano ang estado ng Pilipinas? Hulaan ko, marahil nangyari lamang ito sa tuwing magkakaroon ka ng subject related sa pag-aaral ng history? Tama, hindi ba?Ngayon nalaman na nating dalawa, na tayo'y parehas lamang ng pagkakakilanlan. Ang saya sa pakiramdam balikan kung paano tayo nag-aaral at nagkakabisa patungkol sa history. Kapag ang guro'y magtatanong kung sinong mga bayani ang nakipaglaban para sa ating kalayaan, aba syempre magtataas ka agad at sasabihing " Jose Rizal!". Marahil sasabihin agad ng iyong guro tama ang iyong nasagot dahil kasama nga naman talaga siya sa mga bayani, pero para sa akin mali kasi kahit kailan hindi siya nakipaglaban,tama? Hindi kailanman gumamit ng dahas si Jose para ipagtanggol ang ating bansa kundi ang bolpen lamang at maraming pahina ng papel.MelchiDoon pa lamang hindi na natin alam ang bagay na iyon. Tanungin kita,kilala mo ba si Macario Sakay? Mapapaisip ka, sino nga ba yon? Hindi mo maisip,hindi ba? Si Macario Sakay ay maituturing na dakilang bayani,dahil kalayaan lamang ang tanging hangad niya para sa Pilipinas. Yun lang naman yung dahilan ng kanyang pagkamatay. Siya'y bumaba ng bundok kahit hindi tiyak kung tama ba ang kanyang ginawa,pero bumaba pa rin siya sa pag-aakala at paniniwala mula sa mga Amerikano na magkakaroon sila ng negosasyon para tuluyan nang lumaya ang ating bansa. Pero hindi ganoon yung nangyari, bagkus, siya ay pinatay nung siya'y papalapit na sa mga amerikano. Masakit isipin na niloko at pinaikot lamang siya para sa siya ay patayin. Kung ibabatid natin ang ganitong sitwasyon sa sitwasyon na nararanasan natin sa gobyerno hanggang ngayon ay  hindi ganon nagkakalayo. Malaya bang tunay ang ating bansa kung sunod sunuran tayong mga Pilipino sa mga tiwaling mga politiko ng ating gobyerno?Kayamanan at kapangyarihan lang naman nais ng mga yan,mga gahaman! Hinahayaan nga nilang makapangisda ang mga Chinese sa West Philippine Sea. Saan na yung pangakong sa atin lang dapat iyon? Mukhang may sabwatang nagaganap. Takot kasi eh at mukhang pera pa. Saan ka pa?Saan na yung tunay na kalayaan?Kung patuloy pa rin tayong nasasakop sa iba't ibang aspeto. Edukasyon,isang naging paraan ng mga Amerikano para tayo'y masakop mismo sa sarili nating pag-iisip. Isipin mo yan, sayo binigay yung isip mo pero iba yung may hawak. Hindi ba't maituturing na pagkontrol na iyon? Bata pa nga lang mas pinipili pa ng iba na ituro ay yung wikang Ingles,yung totoo? Sa Pilipinas ka naninirahan,isa kang Pilipino pagtapos iminumulat mo agad yung anak mo sa kultura na wala ang ating bansa?Kala ko ba ayaw mo sa ideyang pananakop?Tapos sasabihin mo pang "Yes,I'm proud to be a Filipino". Wow in-ingles mo pa talaga. Anong tingin mo sa sarili mo?Hindi naman masama magsalita ng Ingles pero kasi nasa Pilipinas ka. Paano na lang kung yung kakausapin mong Pilipino ay hindi marunong makaintindi ng Ingles? Eh di kasalanan pa nila na hindi nila alam 'yon? Iisipin mo pang bobo sila maski basic english lang naman sinabi mo. Pasensya na,nasa Pilipinas ka lang naman. Umalis ka sa bansang ito kung masyado mong minamaliit ang mga taong bumubuo nito. Humanap ka ng kausap mo! Kung sa bagay pag marunong ka nga naman mag-Ingles ang taas na ng tingin mo sa sarili mo. Nagiging batayan na siya ng kalidad ng talino. Pag marunong ka mag-Ingles mataas ka na kumpara sa mga ordinaryong tao. Kala mo may lahi kung umasta. Pero kapag nanalo si Pacquiao sasabihin mo kababayan mo yan. Sinong niloko mo?Wala kang maloloko dito. May mga tao talagang mahina yung National Consciousness. Ang dali dali lang nilang maimpluwensyahan at utuin. Kung ano yung makabubuti para sa sarili nila ay susundin nila. Pero hindi kailanman nila naisip kung anong makabubuti sa bansang kanilang kinalakihan. Pinapatunayan mo lamang na hindi mo kayang panindigan ang pagka-Pilipino mo. Tatanungin kita, kailan mo kaya muling masasabing "Pilipino ako sa puso't isip ko" nang walang pagaalinlangan at walang pagdududa.
0 notes
Text
Bulok na Sistema ng Edukasyon
EDUKASYON.Isang salita,maraming naghahangad na makamtan.Isang salita,maraming naniniwala na ito ang sagot sa kahirapan,totoo nga naman.Isang salita,para maging batayan ng estado ng pamumuhay ng mahihirap at mayayaman.Isang salita,na simula pagkabata ay isinusuksok na sa ating isipan para maihanda sa ating hinaharap.Ikaw?Ilang salita mayroon ang edukasyon na alam mo?Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong nanggaling sa kolonyal na bansa ang edukasyon na mayroon tayo ngayon?Siyempre,hindi.Marahil sasabihin mo ay,ang edukasyon ay nagmula sa iyong magulang o ‘di kaya sa mga gurong nagturo sayo sa iyong paaralan.Diyan ka nagkakamali.Sila lamang ang nagging instrument para ipagpatuloy ang edukasyong nasimulan ng mga amerikanong sumakop sa atin ilang libong taon na ang nakalilipas. Kung ikaw ay dumaan sa pagiging kinder,hindi ba’t madalas ninyong kantahin ay yung mga kantang salin sa Ingles?Kasi kung isasalin mo sa tagalong malamang masisira pandinig mo kasi hindi na tugma,ang pangit pa ng tunog.Gaya na lamang ng mga kantang “Twinkle,Twinkle,Little Star”, “Incy wincy spider” at marami pang iba.Ngayon subukan mong isalin sa tagalong ang mga kantang aking nabanggit,pagkatapos kantahin mo na rin.O hindi ba’t pati ikaw narindi? Hanggang sa tumungtong ka na ng elementary,sekondarya,at hanggang kolehiyo,Aba!hindi ka man lang talaga tinantanan ng wikang Ingles.Karamihan sa mga subjects mo hindi ka na pupuwedeng gumamit ng tagalong,sa pagsusulat man yan o sa pagsasalita.No choice ka kaibigan.Sa pagrerecite nga minsan kailangan pang Inges talaga para naman maganda pakinggan at magmumukha kang matalino.Kaya kung ako sayo manalangin ka na lang na hindi matawag ang pangalan mo kasi kapag natawag ka at hindi ka nakasagot,malamang sa malamang mababa grado mo.Hindi lang pala sa pag-aaral ng wikang Ingles naghihingalo grado,pati na rin sa tuition na hindi na kayang tugunan ng bulsa ng mga magulang mo.Ayon sa Education Act of 1982,ang mga paaralan ay dapat magtaas ng tuition.Akalain mo yon naghihingalo rin pala ang gobyerno.Ayon pa sa Ched Officials, “Quality education,is expensive and you should be ready for it”.Ang nais ba nilang iparating,kung mahirap ka,doon ka na lang sa bahay ninyo mag-aral at makuntento na lamang na marunong kang magsulat at magbasa.At kung mayaman ka naman,bayad muna bago aral.Hindi naman tama kung gan’on dahil lahat naman ng estudyante may karapatan na magkaroon ng quality education pampribado o pampublikong paaralan man ‘yan.Hindi naman puwedeng magtaas nang magtaas ng tuition lalo na sa kolehiyo,dahil paano na lang yung mga estudyanteng gustong ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo,pero sila ay kapos?Kung gan’on maraming mag-aaral ang titigil sa pag-aaral at mapipilitan na lamang maghanap ng iba’t ibang uri ng trabaho.Kaya kayo wag niyong i-judge yung mga taong nasa hindi magandang trabaho kasi napilitan lamang sila para mabuhay nila ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya. Pasalamat na lang tayo dahil sa nagkaroon tayo ng presidente na nagpatupad ng free tuition sa lahat ng pampublikong paaralan.Nakatutuwang malaman na wala na tayong gagastusin sa lahat ng bayarin sa eskwelahan.Sa kabilang banda,hindi nakatutuwang maranasan na lagi kang nakakaamoy ng panghi na nanggagaling sa kubeta at ang init at ang amoy baktol na nanggagaling mismo sa loob ng silid-aralan.Publikong paaralan lang kasi,kaya tiis tiis na lang muna tayo.Habang di natin alam na ninanakawan napala tayo ng pondo ng ilang opisyales ng gobyerno para sa sariling kasakiman.Nakatutuwang isipin na nalagpasan mo ang mga pagsubok na iyon.Ngayon,kailangan mo nang maghanap ng trabaho para sa sarili mo at sa pamilyang binubuhay mo. “Uy!teka,ba’t hindi ka tinanggap?” , “kailangan muna atang kilala school ko bago ako tanggapin kasi yung mga kasabayan kong galing Ateneo,UP,at De la Salle magsisimula na agad sila bukas”.Nakalulungkot na pangyayari kasi pati ba naman sa pagnanais mong makahanap ng trabaho ay may pamantayan pa rin?Oo nga’t kilala sila sa angking talino at galling na mayroon sila,pero paano na lang yung iba na hindi naman kilala ang paaralan,pero kayang pantayan ang talino nila?Oo nga pala baka makalimutan ko pa,yung mga paaralan na nabanggit ko kanina ay ang mga paaralan lang naman kung saan nagtapos ang mga opisyal ng gobyerno na dahilan ng paghihirap natin noon hanggang ngayon.Huwag ka nang magtaka dahil nagsasanib pwersa na sila.
0 notes