melioraaaa
melioraaaa
Meliora
10 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
melioraaaa · 2 years ago
Text
mahirap ba talaga akong piliin?
ano ba mali sakin?
dahil ba hindi ako maganda? dahil ba hindi ako mestisa?
dahil ba hindi ako chix manamit?
bakit mahirap akong mahalin?
nakaka pagod na kasi, paulit-ulit.
umiikot lang yung kwento, napapalitan lang ng bida.
... sa huli lagi akong naiiwan mag-isa.
2 notes · View notes
melioraaaa · 2 years ago
Text
Ako lang talaga yung nag mahal.
Matapos ang matagal na hindi pag uusap, sinubukan ko syang tawagan sa msngr, kasi nakita ko online. God knows gaano ako nag timpi kasi natatakot akong masaktan--pero nangyare pa rin.
hindi nya nasagot, kasi in another call. Kaya tumawag na ako sa number nya. For the first time sa loob ng 2yrs, sa dami ng naging kasalanan nya na pinapalampas ko, ngayon ko lang narinig yung mga katagang "I'm sorry" -- natahimik ako, wala akong makapang mga salita. naitanong ko na lang, ganon ba para sayo kadaling palitan ang 2yrs? sa tagal ng napag samahan, hindi man lang ba ako naging mahalaga para ipag palit ako ng ganon ganon lang?
Pero sagot nya "hindi na importante kung meron o wala"--importante sakin eh. gusto kong malaman. nakiusap sya na sana wag daw akong magalit at pwede ko naman sya tawagan everytime na kailangan ko ng kausap o kung may problema. Hindi na ako sumagot hanggang natapos yung tawag. Sguro binalikan nya ng tawagan yung kausap nya sa msngr. HAHAHAHAHA. Shit! totoo pala yung natatawa ka na lang sa sakit. Ako lang pala talaga nag isip na special lahat. Kasi wala palang silbi.
1 note · View note
melioraaaa · 2 years ago
Text
gustong gusto ko na makabili ng motor, para pwede na lang akong mag road trip pag gusto kong ma clear yung pag iisip ko. Hindi yung gantong nasa kwarto lang ako, dami ko lalo naiisip.
"Dami ko palang dapat ayusin sa sarili ko."
"Ako ata yung problema."
"Baka kasi kasalanan ko."
"Kung hinayaan ko na lang sana lumipas yung inis at nanahimik ako baka masaya pa rin kame"
.....
"Eh pero kung mahalaga talaga ako, di naman ako agad susukuan diba?"
"Ah baka nga totoong balewala yung 2yrs" Nakakapagod. Madalas okay naman na walang kaibigan, malayo sa issue at tahimik yung buhay pero minsan, nakakamiss din na meron kang natatakbuhan pag di mo na kayang mag isa.
1 note · View note
melioraaaa · 2 years ago
Text
Have you ever been in a situation or mood like there's a lot to say cause you're sad and frustrated, but you just can't -- cause you're lost for words and too tired to even explain what's destroying you inside?
Hayyys, or maybe I just need coffee?
And so what if its 03:23, I just woke up
1 note · View note
melioraaaa · 2 years ago
Text
Tonight, I just ended a long-term relationship.
I remember you saying "ano naman yung 2yrs kung yung 7yrs nga kinaya ko" nung minsang biniro kita ng "tagal na ah, kaya mo pa kaya na wala ko?" sabay tawa--na agad ding nabura kasi ang sakit ng sagot mo. I will never be her. Hanggang dito na lang ako kasi we both know it will never be me. Alala ko sabi mo, "kung totoo man ang next life, gusto ko sya pa rin. At sana sa second life, kami pa rin". Masakit, aaminin ko. Pero anong magagawa ko? Hanggang sa pag lipas ng mga araw, sa wakas nakakapansin ka na pala. Na sa twing binabanggit mo sya, tumatahimik na lang ako. Kasi di ko masabi sayong tama na. Ako naman sana yung tingnan mo, kasi ako yung andito sa harap mo. Na ako naman sana yung hanapin mo, kasi ako yung andto sa tabi mo. Kinuwento mo sya, at nanahimik ulit ako. Matagal mo akong tinitigan, tinanong kita ng bakit. Sagot mo lang "di na nga lang ako mag kukwento, nag iiba ugali mo pag nababanggit ko". Pinilit pa kitang ituloy, kasi gusto ko sanang hayaan ang sarili kong maniwala na hindi ako apektado at natural lang lahat kasi parte sya ng magandang nakaraan mo. Kasi ano bang magagawa ko? Sabi mo nga, sa lahat sya yung sobrang minahal mo at minahal mo ng totoo.
I dialed your number one more time before I clear everything, but I always get the same message. Kaya hahayaan ko na ang sarili kong mapagod. Tama na.
Mahal kita. Pero dapat siguro na mas mahalin ko naman yung sarili ko.
1 note · View note
melioraaaa · 3 years ago
Text
I feel alone.
But I used to be happy alone.
Anong nangyare? Idk.
0 notes
melioraaaa · 3 years ago
Text
And I'm back sa Tumblr. Yeyy! Cuz the real world sucks.
1 note · View note
melioraaaa · 3 years ago
Text
Lagi kong sinasabi na I want everything to end, kung pwede mamatay na lang para matapos na. Pero tbh, hindi... ayoko. Natatakot ako. Kasi ang totoo, hindi lang talaga ako masaya. Gusto ko lang maging okay.
1 note · View note
melioraaaa · 3 years ago
Text
Naiinggit ako, kasi parang they have everything figured out. Everyone's getting married or may jowa. With stable job. May future. Ako? Idk. I have no one and broke. God! I'm such a mess.
1 note · View note
melioraaaa · 3 years ago
Text
Darating ka rin pala talaga sa point na mapapagod ka ng mag kwento sa iba. Kung bakit hindi ka okay, kung bakit hindi ka masaya.
1 note · View note