Account of a teacher who loves the beauty of each day :)
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo

Magkasama bawat sandali. Halos magkakabit kanilang hininga. Mababakas ang lungkot. Kapag wala sa tabi ang isa. Sabay kumakain. Magkasunod sa pag-inom. Halos sabay sa pagtahol. Kapag may paparating na tao sa bahay, Kanilang naaamoy. Madalas maglaro, at naghahabulan. Pagkatapos kumain, kasunod ay tulugan. Hatid nila sa bahay ay saya. Totoong bahagi na sila ng aming pamilya. Kakaibang damdamin aming nadarama. Kapag masasaya si hachi at moja. #petdogs #hachimoja
3 notes
·
View notes
Text
Thanks for this <3 Godbless always.
To an extraordinary mentor...


If we can just choose our professors next semester, we will choose you, Ma’am! Thank you for the a whole semester of lessons not just from books, but also from life. You’ve shared a part of your life that will always inspire us. Your stories will be kept in our hearts forever! Thank you, Teacher Med ♥
6 notes
·
View notes
Photo

sa kanyang muling paglipad batid ko, muling lilipad ang ibon. dadapo sa mga sanga, tatanaw sa bughaw na kalawakan. muling mangangarap,muling aawit ng matimyas na tinig. at sa kanyang muling paglipad, muli nyang mararating ang mga lugar, kung saan sya tinanaw at tiningala. muling mag-iibayo ang kanyang paglipad. magiging matatag muli ang kanyang pakpak. handang tumulong sa ibang mga ibon na nangagailangan ng gabay. upang maisakatuparan ang kanyang masidhing adhikain, na sabay-sabay nilang marating ang rurok ng kanilang mga pangarap. tungo sa iisang adhikain, ang pagiging makabuluhan sa pagiging malaya, ang maging huwaran at inspirasyon sa nakararaming mga ibon. #tilamsikngdiwangmalaya (c) google images
7 notes
·
View notes
Photo

“I may not say it every minute. I may not utter it every hour; but GOD knows - I love you, mom, no doubt.” -Chermed
7 notes
·
View notes
Photo

“Such short little lives our pets have to spend with us, and they spend most of it waiting for us to come home each day. It is amazing how much love and laughter they bring into our lives and even how much closer we become with each other because of them.” ― John Grogan, Marley and Me: Life and Love With the World's Worst Dog
5 notes
·
View notes
Photo

Nananatiling matatag, taga sa panahon. Ang dating mayabong na puno, Na may makapal na mga dahon. Hinaharap dumarating na mga hamon. Malakas na hagupit ng hangin, Tuloy tuloy na pagpatak ng ulan. Matinding init ng araw, Minsan ay daluyong na wari ngang nais syang ibuwal. Subalit matatag, marahil nakabaon matitibay niyang ugat. Puno ng pag-asa na marami pang umaga na darating. Na muli syang yayabong at magkakadahon. Hindi sya patatalo. Batid nya, sya ay mananaig. Tulad ng puno, Bawat isa sa atin dapat magtaglay ng matibay na pag-asa. Na sa bawat unos ng buhay, mananatili tayong matatag. Ito ang halaga ng buhay, Pagharap sa bawat hamon. Pagtatagumpay sa bawat pagsubok. Pagtitiwala sa magagawa ng Ama.
3 notes
·
View notes
Photo

"I may not say it every minute. I may not utter it every hour; but GOD knows - I love you, mom, no doubt." -Chermed
7 notes
·
View notes
Text
Duyan ng Kamusmusan
Mga sandali ay lumilipas halos di namamalayan. Di nag-aalala, mundo nila ay masaya. Payak na kaligayahan, di mabibili, di matutumbasan. Pansamantalang isinantabi ibang pangangailangan. Kamusmusan. Mundong namumukod, panahon ng kamalang malay. Sa kung ano ang realidad, wari bang di nila ito alam. Tawanan, biruan na nauuwi sa pikunan. Mga oras nauubos sa lansangan, sa palaruan. Tila baga isang duyan ang mundo ng kamusmusan. Malakas na ugoy nito, tiyak ikaw mahihilo. Sa mahinang ugoy naman, hindi ka masisiyahan. At hindi ka titigil hangga't lakas nito ay hindi nararamdan. Kasayahan, hinahanap hanap niyaong mga musmos. Maghapon ay di kumpleto kung sa bahay di makahulagpos.
4 notes
·
View notes