mga-salita-ni-kiro
mga-salita-ni-kiro
Madaling Araw
61 posts
Mga ingay ng isip sa mga oras na tahimik ang mundo.
Don't wanna be here? Send us removal request.
mga-salita-ni-kiro 9 months ago
Text
Sa tinagal na walang tulog at puyat,
hindi naman talaga mahirap magpahinga.
Simple lang naman na ipikit ang mga mata.
Siguro nga ay may iniiwasan na katotohanan.
Ako ay nababalot ng takot.
Na mapaglipasan,
maiwanan at,
makalimutan sa padating na kinabukasan.
Kiro - Puyat, 3 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 9 months ago
Text
Sa bawat hila, hindi mo ako binitawan.
Sa bawat problema, hindi mo ako iniwanan.
Sa bawat hamon, hindi mo ako hinayaan.
Kahit na binigyan kita ng madaming rason at kadahilanan.
Isang taon, hindi na bago pa para sa iba.
Dalawang taon, sinasabi na umabot kasi bata pa.
Tatlong taon, dito na raw matatapos ang istorya.
Apat, gulat na ang lahat na para bang ito ay surpresa.
Umabot ng lima, hanggang doon na lang ang akala.
Pero ngayon, nasa anim na taon na tayong magkasama.
At alam ko, na minsan hirap at pagod ka na.
Maraming salamat sa pananatili, aking sinta.
Kaya, hindi ka na bubusugin pa sa mga pangako na puwede pang mapunta sa kawalan.
Hindi na rin mamadaliin ang mga bagay, simula ngayon ang lahat ay dahan-dahan.
Patungo sa ikaw at ako hanggang dulo, na tayong dalawa sa kinabukasan.
Anim na taon, ikaw ay pinasasalamatan.
Handa ka na ba, mahal? Para sa pagmamahalan na walang hanggan.
Kiro - Anim, 3 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 9 months ago
Text
Tag-sibol.
Ang panahon ng mga simula at umpisa.
Saktong-sakto noong nakilala kita.
Katulad ng kalikasan at mga halaman,
nag-bunga ang istorya ng ating pagmamahalan.
Tag-araw.
Ang panahon ng mga halik at kilig.
Talaga naman na hindi tayo nagpadaig.
Tumataas lagi ang temperatura,
sa bawat oras na ikaw ay kasama.
Tag-lagas.
Ang panahon ng mga paalam at katapusan.
Lahat ng mga pangarap ay iyong winakasan.
Tama nga ang mga sinasabi nila,
ang lahat ay may hangganan at hindi tayo naiiba.
Tag-lamig.
Ang panahon ng mga pangungulila at pagiisa.
Mabigat ang bawat araw na halos hindi na makahinga.
Tatapusin na ang paghahanap ng mga dahilan,
at handa ka nang iwanan sa pag-ulit ng kapanahunan.
Kiro - Kapanahunan, 3 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 9 months ago
Text
Handa na tumingala,
sa madilim at
malawak na kalangitan.
Gabi-gabi man,
kahit pa matakpan
ng mga ulap,
may malakas
na ulan,
o kaya naman ay
matabunan ng
liwanag galing sa聽
bilog na buwan.
Mangalay,
mabigo,
o maghintay.
Basta ba ay
makita ka
kahit saglit,
dahil ikaw mismo
ang hiling ko
galing pa聽
sa malawak
na uniberso;
ang aking bulalakaw.
Kiro - Ang Kometang Akire, 3 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 9 months ago
Text
Ikaw ang paboritong basahin na libro, na hindi ipagpapalit sa kahit anong nobela, kahit pa paulit-ulit ang kuwento.
Ikaw ang paboritong pakinggan na kanta, sa kahit anong panahon o okasyon, na nagsisilbing pampagana ng araw ko.
Ikaw ang paboritong isipin na sagot, sa mga tanong ng reyalidad na nakakahilo.
Ikaw ang paboritong paborito sa lahat, na walang katulad at kapantay sa buong uniberso.
Kiro - Aking paborito., 3 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 9 months ago
Text
Ikaw ang katahimikan sa maingay na mundo.
Aminado, oo, na ikaw ang dahilan kung bakit ang lahat ay buo at kumpleto.
Sa bawat hamon ng buhay, ang inspirasyon at lakas para lumaban ay galing sayo.
Hindi alintana ang kalungkutan na kasama ng ulan, kahit pa bumagyo.
At kung mabibigyan man ako ng tatlong hiling ng mga santo,
ikaw ang paulit-ulit na hihilingin, sigurado.
Kiro - Ikaw ang tanging hiling., 3 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Hindi inaakala,
dumating ka.
Na para bang hindi inaasahan na regalo,
o kaya ang unang ulan sa tag-init sa buwan ng Mayo.
Kiro - Unang ulan., 3 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Mahirap nga ang kumawala sa memorya ng isang tao o bagay, pero mas mahirap ang manatili at hindi na makausad pa sa buhay.
Kiro - Memorya, 1 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Kapag ang akala na nakilala na natin ang para sa atin, nakakalimutan na natin na ang bawat istorya ay may katapusan.
Iniisip na natin sa bawat ulan, dapat ay magkayakapan.
Na kahit pa ang dapithapon, walang masasabi sa kaniyang kagandahan.
Ang maingay at magulo na mundo, kaya natin isantabi at hayaan.
Para sa iba, ang pag-ibig ay may mahika.
Minsan, ito ay sumpa.
Pero noong nakilala kita, aminado naman na naging masaya.
Ang tanong, naging masaya ka ba?
Sabi ko naman sayo, hindi ako ang mundo o ang kalawakan.
Hindi ko man sinasadya, pero ikaw ay aking nasaktan.
Sana, maintindihan kung bakit pinakawalan.
At kung bakit hinding-hindi na babalikan.
Paalam na, maraming salamat pa rin sa mga alala.
Kung pakiramdam ay madaming nasayang, pasensya na.
Hiling ko ay sana, maibalik sa umpisa.
Para ikaw ay aking iiwasan, at ako ay hindi mo na makilala pa.
Kiro - Mahika o sumpa?, 4 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Baka nga ang buhay ay tungkol sa mga nakaw na sandali.
Tawanan, iyakan, at mga biglaan na pangyayari.
Mga oras na ayaw mo na basta-basta na lang lumipas kaya ayaw mo pa na umuwi.
Kasama na ang pagpunta mo sa pangpang kapag ikaw ay sawi.
Sana, sa saglit ko na panahon sa mundo ay makabuo ng mga hindi malilimutan na memorya.
Habambuhay ko na dala na mga istorya.
Mga kuwento na puwede ko na ibahagi sa aking pamilya kapag ako ay matanda na.
Alaala ng aking mga kaibigan tungkol sa akin kapag ako ay wala na.
Kiro - Mga nakaw na sandali., 1 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Para sa bata na ako.
Hindi mo kailangan na tumakbo.
Maging handa ka lang sa mundo.
At sana, ang lahat ay harapin mo.
Dahil panigurado, susubukin ka rito.
Kiro - Para sa bata na ako., 4 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Bakit kailangan ko pa na hintayin ang araw ng mga puso?
Kung puwede naman na sa araw-araw kita bigyan ng mga bulaklak at regalo.
Kung puwede naman na sa araw-araw kita haranahin ng mga kanta na narinig ko sa radyo.
Kung puwede naman na sa araw-araw ko ipaparamdam sayo na ikaw lang ang mahal ko.
Bakit nga ba isang araw lang ang araw ng mga puso?
Kung puwede naman na sa araw-araw ay magmahalan tayo.
Kiro - Araw ng mga puso., 2 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
I.
Simula ng istorya.
Ito ay aking inaalay para sa mahal ko.
Nagsimula ito sa kung paano ako nabighani ng mga ngiti mo.
Nang magkatapat ang tingin ng ating mga mata,
isang mainit na tanghali sa ating eskuwela.
Tandang-tanda ko pa ang bawat detalye ng iyong mukha.
Malapad na noo,
matatapang na mga mata,
matangos na ilong,
at mga labing naghahatid ng mga ngiting magaganda.
Noong oras na yun, alam ko na.
Alam ko na nahulog kaagad ako sayo, walang duda.
Bawat araw ay ikaw ang nasa isip.
Hindi mapakali, gusto ka na makatagpo kahit sa panaginip.
Hinanap ka sa abot ng aking makakaya.
Sa paghahanap ay hindi nawalan ng pag-asa.
II.
Ako.
Mga sumunod na pangyayari ay nakakabigla.
Nahanap kita, nakilala, at nakasama.
Inisip ko na sapat na ang lahat, na ang makilala ka ay ayos na.
Pero, hindi ko naiwasan na gustuhin na maging akin ka.
Lalo na ng makita ko ulit ang ngiti mo, kasabay ng paglubog ng araw sa dapit-hapon.
Mga paruparo sa tiyan ay lumipad, at ang puso ay tumalon.
Napakasama talaga ng iyong ngiti.
Ako ay kuntento na, pero ito ay mapangtukso.
Umasa at naghangad ulit.
Ngayon, gusto ko na ako naman ay iyong makita.
Nag-ipon ng lakas ng loob at nagtanong.
"Puwede ba ako na manligaw?"
Noong oras na iyon ay gusto ko na rin pumanaw.
Sa sobrang hiya, gusto ko na magpakain sa lupa.
Pero, paano ka nga naman mapapasaakin?
Kung ako ay titingin na lang sa malayo at tutunganga.
III.
Ikaw at ako.
Hanggang sa pinilit ko na ibigay ang lahat sayo.
Pinilit na angkinin ang inaasam ko na "oo".
Naging inspirasyon ka sa lahat, lalo na sa imahinasyong mundo na itinatangi-tangi ko.
Hanggang sa wakas, naging kakampi ko na rin ang tadhana.
Ang ikaw at ako ay naging tayo.
Hindi makapaniwala na ang sarili ay hindi nasawi.
Paghihirap ay nagbunga, pagmamahal ay nagkasukli.
Pangarap ay nakuha, panaginip ay nagkatotoo.
Nagpapasalamat na sa kaba at pag-aalinlangan ay hindi nagpatalo.
Sa una na pagkakataon, ako ay nanalo.
Sa laro ng pag-ibig kung saan lahat tayo ay naglalaro.
Ito na ang simula.
Simula ng mga araw na akin ka na.
Simula ng mga araw na tayo na.
Simula ng mga araw na sobrang saya, kasama ka.
IV.
Tayo.
Mga araw na kasama ka ay nagsimula na nga.
Pero, hindi inaasahan na hindi lang pala saya ang madarama.
Kasabay ng pagbuo ng mga pangarap at paggawa ng mga alaala,
may kalungkutan din pala na nakaabang sa ating dalawa.
Mga tampuhan na lumaki, nauwi sa mga away na galit ang nangunguna.
Mga inasahang ngiti, napalitan na ng luha.
Napagod, nagpahinga. Paulit-ulit na ginagawa.
Para sa tayo, ginawa ang lahat ng makakaya.
Natutong magmatigas, natutong magpakumbaba.
Para tayong pagtalbog ng bola, taas-baba.
Ngiti mo na minahal, ako din ang sumira.
Matatapang na mata, lagi nang mugto dahil sa pagiyak at pagluha.
Para nga tayong pagtalbog ng bola.
Tatalbog sa una, gugulong, at sa dulo ay titigil na.
V.
Dulo ng istorya.
Tila senaryo sa Disyembre ang naging dulo ng kwento.
Nanlamig ang dating maiinit na yakap at usapan sa telepono.
Ang tayo ay unti-unti nang naglalaho.
Parehas naman tayo na nasaktan, pero nauna ka na sumuko.
Mga pangarap ay gumuho.
Oras ay hindi na gumalaw, tumigil ang pagikot ng mundo.
Puso ay nasaktan ng sobra, isip ay gulong-gulo.
"Saan ba tayo nagkamali?"
"Siguro nga'y may katapusan lahat ng panaginip."
Tanong at katotohanan na nakuha sa dulo ng pag-iisip.
Nandito na tayo, sa dulo ng lahat.
Mahal, pasensya ka na sa lahat ng nagawa.
Mga nabitawang salita na hindi kailanman mababawi pa.
Nararapat sayo ang maging masaya, hindi sa akin kundi sa iba.
Kaya salamat pa rin, sa ngiti mo na mapangtukso.
Sa pagkapit kahit wala ka nang makapitan, pati na rin sa pagsuko.
Sa pagsama sa akin para maisulat ang kuwento na ito.
Paalam na, hanggang dito na lang ako.
Kasama na lang ulit ako ng iba sa pagaabang.
Sa paghihintay ng susunod na kabanata,
na hindi na ako at ikaw pa ang bida.
Kiro at Pusapepe - Kwento, 4 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Para sa susunod niya na mamahalin,
may mga bagay lang sana ako na gusto na sabihin.
Para sayo, gusto ko sana na ingatan mo siya.
Sana mapansin mo ang pinagkaiba sa mga totoo at peke niya na mga ngiti at tawa.
Para sayo, gusto ko sana na pasayahin mo siya.
Siya na wala naman ibang kagustuhan kundi ang mahalin at maging masaya.
Para sayo, gusto ko sana na seryosohin mo siya.
Bihira lang ang mga tao na katulad niya.
Para sayo, gusto ko sana na alagaan mo siya.
Huwag ka sana magsawa na umintindi lalo na sa mga panahon na siya ay malungkot at may problema.
Para sayo, gusto ko sana na mahalin mo rin siya.
Dahil pagmamahal niya ay sayo lang ibibigay at ipagdadamot niya sa iba.
Para sa susunod niya na mamahalin, para sayo.
Sana, lahat ay pakinggan at gawin mo.
At ang huling masasabi ko,
ikaw ang pinaka-swerte na tao sa buong mundo.
Kiro - Para sa susunod niya na mamahalin, para sayo., 4 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Bakit nga ba nandito?
Hindi naman ito ginusto.
Sa una pa lang naman ay para bang nakagapos na aso.
Nakakulong sa pangarap ng ibang tao.
Lubog na kaagad sa utang, kahit hindi pa buo.
Kahit na anong pagsisikap, mamamatay pa rin na walang titulo.
Taas, baba. Hindi puwede na huminto.
Kahit na tumigil pa mismo ang pagikot ng mundo.
Dito, nasa edad ang basehan ng respeto.
Edukasyon ang magsasabi ng halaga ng isang tao.
Pera naman ay isang kapangyarihan na kaya na magpasunod ng kahit na sino o ano.
Bulok na sistema kung saan nabibili ang hustisya, katotohanan, at kahit pa ang mga santo.
Huli na nga siguro para sa pagbabago.
Mundo ay isa nang ganap na impyerno, na puno ng mga hipokritong demonyo.
Pero bakit nga ba iniisip at nasasabi ko ang mga bagay na ito?
Isa lang naman ako sa mahihirap, na sa mismong mga magulang ay perwisyo.
Ito na, ang huling tanong ko sayo.
Naniniwala ka ba sa mga sinabi ko?
Kiro - Huling tanong., 4 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Para sa babae na minahal ko ng sobra,
gusto ko na malaman mo na ang taglay mo na ganda ay isang obra.
Hindi sapat ang mga salita o mga metapora,
para masabi ko kung gaano kita kamahal at kung gaano ka naiiba.
Kiro - Obra, 2 AM
0 notes
mga-salita-ni-kiro 1 year ago
Text
Mahal mo ako.
Iyong sambit noon at laging ipinapangako.
Mga salita na nagbigay sa akin ng pag-asa, at sa bawat araw o bukas pa man ay hindi ako sumuko.
Kahit pa hirap sa buhay, dulot ng madaya at magulo na mundo.
Mahal mo pa rin ako.
Paulit-ulit mo na sinasabi sa bawat away at gulo.
Naniwala, at patuloy na naniwala, hanggang dulo.
Hindi alintana ang mga tanong sa magulong isip at puso.
Mahal mo pa ako.
Tila ikaw ay napagod na at ang sarili ay niloko.
Pinanghawakan ang bawat letra ng mga salita na binitawan mo.
Hindi batid ang nalalapit nang pamamaalam sa istorya na tayong dalawa mismo ang bumuo.
Mamatay na ako.
Huling mga salita na binitawan mo habang ako ay pinapalayo.
Masakit man, pero kailangan harapin ang totoo.
At kung ito ang iyong gusto,
huwag kang mag-alala mahal, gagawin ko.
Kiro - Huling hiling., 3 AM
0 notes