mgaluhaatpluma
mgaluhaatpluma
MGA LUHA AT PLUMA
9 posts
Mga katagang dahilan ng mga basang unan. Mga larawang representasyon ng pait. Mga likirong sumasalamin sa kirot. Mga damdaming di maamin ipapaubaya na lamang sa luha at pluma.
Don't wanna be here? Send us removal request.
mgaluhaatpluma · 11 months ago
Text
Tumblr media
... at hihiling sa nag-iisang bituin, malabo mang mapansin sana’y dinggin, nawa'y sa tamang panahon ika’y mapasakin nang sa gayon sa pagputok ng liwanag at pagkagat ng dilim yakap mo’y araw-araw kong dadamhin.
0 notes
mgaluhaatpluma · 11 months ago
Text
Someone asked me "Bakit ang lungkot mo ngayon?"
I said, "Araw-araw naman ako malungkot. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko to' itatago ngayon."
0 notes
mgaluhaatpluma · 1 year ago
Text
Finding home in someone is dangerous, you’d be lost if they’re gone.
0 notes
mgaluhaatpluma · 1 year ago
Text
"People who laugh at the top of their lungs are the loneliest."
Parang ang hirap hirap nang ngumiti genuinely as we grow old. Fake smiles. Fake laughs, just to make sure people around you won't notice. People who are the reason why you keep on going won't ask if you're okay because it's hard to explain why you're not. And besides, I don't want them to get affected or to think they are a burden to me. Well, in fact, they are not; it's just that sometimes, in one of the many phases of our lives, you will sigh and say, "Putangina, nakakapagod!" Tell me, you've been on that stage. Right? You might as well keep on telling that, but still, you keep going. Diba? We're not just living for nothing; we're living for a purpose, and that's why we set goals and strive harder for the people we serve and for the people we owe our lives to because they deserve it.
Ang sarap na lang talagang maging bata ulit. Maghapon ka lang maglalaro sa labas. Ten-twenty, Patintero, Piko, Batuhang Bola, Chinese garter, Langit-Lupa, Luksong-Baka, Shake Shake Shampoo. (Healing my inner child ang peg?) Tapos uuwe ka lang pag nandyan na yung nanay mong may dalang pamalo. Walang problema, masaya. Madadapa, masusugat, babangon at tatawa. Pero ngayon, madadapa, masusugat, babangon, tatahan. Magpapatuloy. Pipiling lumaban. #MidnightThoughts #Rants #Adulting101
0 notes
mgaluhaatpluma · 2 years ago
Text
Tumblr media
MGA LUHA AT PLUMA turned 4 today!
0 notes
mgaluhaatpluma · 2 years ago
Text
"WILL MO BA TO' LORD?"
Pakiramdam ko sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako masaya. Nakatingin na naman ako sa kawalan, hindi mabigat pero ang isip nababagabag. Pero kung llingon ako pabalik sa nakaraaan ito yung mga bagay na masaya kong ginagawa. Sa pag - gugol ng oras at sa pagpatak ng mga pawis ay hindi ko iniinda ang pagod. Makikita pa ang kurbang guhit sa aking mga labi.
Pero ngayon, para akong kandilang unti-unting nauubos. Mag-isa at nalulusaw sa gitna ng dilim. Hindi ko rin mawari kung bakit. O marahil, dahil sa pakiramdam kong "Hindi ako nagtatagumpay sa mga bagay na minsan pinangarap ko". Sa mga bagay na gusto kong maging pero tinangay na lang ng hangin. Sa mga bagay na binitawan at hindi ko sinubukan. Sa mga bagay na sinayang dahil takot ako ay inunahan. O dahil sa estado ng buhay na kahit anong pilit ay di kayang tustusan ang salaping kalakip pantawid sa mga bagay na bata pa lang ako ay ninais ko nang marating.
Umalis ako sa trabaho dahil walang araw na hindi mabigat yung pakiramdam ko at ito na naman "Hindi ako masaya". Hindi ako naging masaya. Ang hirap pilitin ang sarili sa isang bagay na alam mo hinding hindi ka sasaya. Ang hirap ngumiti sa mga taong nakaharap sayo at bumubulong sa pagtalikod mo. Naniniwala din ako na hindi pagsigaw ang makataong paraan para matuto ang isang tao. Your workplace should be your safe place pero hindi ko ito naramdaman. Lumaki ako sa sigaw at masasamang tingin ng isang ama bilang paraaan ng pagdisiplina sa isang bata hangggang nasanay na lang ako at tumandang may kaba sa bawat sigaw na natatanggap ko. At nung napunta ako sa isang trabahong pagsigaw at pamamahiya sa harap ng madla ang paraan upang matututo ang isang empleyado pakiramdam ko bumalik ako sa aking pagkabata. Hindi nag iba ang kaba, ang takot at pagbaba ng tiwala sa sarili ko. That's not the way I want to grow and get nurtured, that's why I leave.
Ngayon, I am working as a Virtual Assistant. Pinangarap. Pinagisipan. Pinagdasal. Pinangarap ko ito hindi lang dahil it offers a competitive salary but I have much time to take care of my parents. We are all busy in life making plans before we get old but we nearly forget we also have parents who are getting older. Hindi natin alam hanggang kailan na lang sila dito sa mundo kaya pinangarap ko itong trabahong ito dahil habang nagtatrabaho lamang sa bahay ay mas mabibigyan ko ng oras at maaalagaan ko sila. Alam ko dadating sa punto na mgiging mag-isa ako sa buhay at isang malamig na hangin na lang ang yayakap sa akin pero hangga’t may pagkakataon, susulitin ko. Pinagisipan ko itong mabuti dahil sa totoo lang, ang hirap nang mahalin ng Pilipinas. Oo, ang daming mga bagay na pwede mong maranasan sa labas, madami kang pwedeng makasalamuhang tao, maging kaibigan. Matuto sa kanilang pinagdaanan at maging inspirasyon sa pagpatuloy sa hamon ng buhay. Pero sa walang humpay na pagtaas ng bilihin at bayarin, sa patuloy na pagkaltas ng malaking porsyento sa sahod ng mamamayang Pilipino, sa walang pagbabagong trapiko sa bansang ito hindi mo na gugustuhing manirahan dito. Kaya pinag isiapn ko ito, may mga bagay na di ko na magagawa pero ito ay nagbukas sa mga mata ko sa mas importante sa buhay ko sa edad kong ito. Pinagdasal ko ito, hiniling ko sa Diyos. Iniyakan. Pinaubaya. Paulit ulit na itinaas kung talaga bang para sa akin ito kasi ang daming rejections, walang araw na walang failures to the point na ubos ka na. Parang kandilang natunaw nang tuluyan, nawalan ng liwanag sa gitna ng dilim. Naubos. Napagod. Nawalan ng tiwala. Pero one thing I learned sa pahina ng buhay kong ito “Kapag malaki ang pananampalataya mo sa Diyos at patuloy mong pinapaubaya sa kanya na kung para talaga sa iyo ang isang bagay na hinihiling mo, ibibigay niya ito sa’yo."
Walang madali. Lahat mahirap. Especially when making decisions. Ngayon, tinatanong ko ang sarili ko “Tama ba to Lord?” Kasi nahihrapan ako and I am starting to lose the passion I have started to regain and rebuild. Pero sa gitna ng mga tanong na bumabagabag sa isipan ko I always re-read this Wise Words from Facebook written by Daylene Encourager. This gives me chill and always enlighten me.
"When making a decision, the first question to consider is always this — 
“Will mo ba ‘to Lord?”
Will mo ba ‘tong trabahong to, Lord?
Will mo ba ‘tong relationship na to, Lord?
Will mo bang umalis ako Lord, o magstay?
Will mo bang isuko ko na, o ipaglaban ko pa?
Will mo bang bitawan ko na, o maniwala pa ko?
Will mo ba sya para sa’kin, Lord?
——
Because there’s no safer place but in the center of God’s will.
Pag will Nya yan, it’ll prosper effortlessly.
Pag will Nya yan, things will go smoothly.
Pag will Nya yan, may blessing ng mga leaders mo, people around you are celebrating with you.
Pag will Nya yan, may peace ka.
Pag will Nya yan, para sa ikakabuti mo yan.
Pero pag hindi Nya will pero tinutuloy mo pa din, ramdam mo yung bigat. Di aabante. Walang blessing ni Lord at ng mga tao sa paligid mo. Ikaw lang din ang mapapahamak. As the bible says, “you’ll just find yourself fighting against God.”
At the end of the day, sana kahit gaano kahirap, kahit na gustung-gusto mo, kung di naman will ng Lord, bibitawan mo. Kasi di worth it ipaglaban, kung si Lord naman ang masasaktan.
Ngayon, paano nga ba malalaman if will ni Lord?
- When there is "peace."
- When you know that there are confirmations from the Lord.
- When everyone around you is rejoicing.
- When you are growing.
- When you know that it will glorify God.
- at ang pinakamahalaga sa lahat, ang will ni Lord ay nasa kanyang salita.”
Tatlong oras na lang papasok na ako sa trabaho. Habang sinusulat ko ito nagkakaroon ulit ako ng self-assessment and motivation para magpatuloy. Walang madaling trabaho but here, I know there is peace, people around me are rejoicing, I am learning. I am growing at alam ko sa ikabubuti ko ito at sa mga taong dahilan bakit ako nagtatrabaho. Sa lahat ng makakabasa nito, Lord will never fail you. Tandaan mo lang lagi yung confirmations if will ba talaga ni Lord ang mga bagay na gusto mo.
1 note · View note
mgaluhaatpluma · 2 years ago
Text
PANANDALIANG PAHINGA
"Humiling sa mga bituin na sana'y dinggin oras ay patigilin. Sa mga sandaling ito'y hindi ko nais lisanin ang mga bisig mong nakayakap sa akin.
Dahil sa mundong nakakapagod, sayo nahanap ang pahinga. Puso't isipan sayo'y payapa...
Bawat detalye na bumubuo sayo ay tila isang obra maestra. Pagtingin sayo'y napapawi ang pangamba at panghihina...
Ikaw ang pahinga. Ang matagal kong hinanap na pahinga. Dinadalangin, na sana'y hindi mawala."
2 notes · View notes
mgaluhaatpluma · 2 years ago
Text
SA PAGITAN NG LABAN AT PAALAM
Lumingon ako pabalik sa kahapon, tumatalon sa kilig at galak ang iyong puso. Muli kong binalikan ang kasalukuyan, ngayon puso’y puno ng takot at pagaalilangan. Gulong gulo ang puso, tila naglalakad sa buwan ang isipan. Saan na to’ patungo? Di mawari. Sakit ay di mapawi. Hindi maipaliwanag, lungkot na bumabali sa labi sa aking mga ngiti'y namumutawi. Mga tikom na bibig. Mga puso’y hindi na umiimik. Dinadaan na lang sa malalamig na titig.
Mundong binuo’y tila unti-unting naglalaho.                               Mga planong dahan dahang nanlalabo. May bukas pa bang nagaabang, sa dalawang pusong nakakaramdam na ng pagod? 
Mahal ko, hawakan ang aking kamay. Sabay nating sagipin, mga nalulunod nating damdamin. Sabay natin ibalik, matatamis na sandali. Mga nakaw na tingin. Mga titig mong tinutunaw ako sa kilig. Mga pinuslit mong halik. Mga maiinit mong haplos. Mga yakap na pumapawi ng takot, hatid ay payapa sa isip kong puno ng unos. Maibabalik pa ba? Ang ako at ikaw? o mananatiling ako at wala ng ikaw?
Sa pagitan ng laban at paalam, natagpuan ang mga aral ng kahapong nilunod ng kalungkutan. Ginawang pundasyon ang kasalukuyan. At sa pagitan ng “Ako" at “Ikaw” Natagpuan ang mga mga oras na pinagsamahan. Ang pag-ibig na nabuo sa pagitan ng tamis at pait ay sinagip tayo. Mahal ko, mahal kita. Mamahalin kita at hanggang dulo ay pipiliin ka. Mahirap man paniwalaan ang mga katagang ito Pilit kong patutunayan sa huling pahina ng kwento nating dalawa, na ang pag sinta mong inilaan ay di' matutumbasan, ninuman.
3 notes · View notes
mgaluhaatpluma · 2 years ago
Text
HANGGANG DITO NA LANG
"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Una mong tinanong sa'kin. Sa ilalim ng punong mangga, Inukit ang alaalang hanggang ngayo'y pinagmamasdan. Parang kang buwan, ang sarap mong titigan.
Sana'y hindi na lang natapos ang kahapon Sana'y tumigil na lang ang pagtakbo ng oras Kung maaari ko lang balikan ang nakaraan Sana ay tayo na lang, hanggang kaibigan lang. Hindi ka ba napapgod? Maghapon ka ng tumatakbo sa isip ko. Unti-unti na ngang nahuhulog ang loob sa'yo Hindi na kayang itikom sinisigaw ng puso. Sana'y hindi na lang natapos ang kahapon Sana'y tumigil na lang ang pagtakbo ng oras Kung maaari ko lang balikan ang nakaraan Sana ay tayo na lang, hanggang kaibigan lang. Ginawa ang puso para umasa. Ginawa ang utak para sabihing tama na. Tama na, tama na ang umasa. Hanggang kaibigan lang. Hanggang dito na lang.
Sana'y hindi na lang kita nakilala. Sana'y hindi na lang pinagtagpo ng tadhana. Kung maaari ko lang burahin ang nakaraan, Sana'y hindi ko ramdam ang pait ng mga salitang Hanggang kaibigan lang, hanggang dito na lang.
Pikit matang magpapaalam...
0 notes