Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
“Puno” FULL Monologue//poeTREE: THEE ThREElogy ACTS (Ang Tatlong Yugto) [From "Fine" Short Film] by me—
YUGTO I: UGAT
Isa sa mga hindi ko gusto sa mga katulad nating hindi bukas sa lahat, ay pupunuin nila tayo ng kani-kanilang interpretasyon sa atin: tahimik, mahiyain, masungit, malungkutin, boring, o kung ano pa… kapag hindi nila tayo mabasa, sumusulat sila ng kani-kanilang bersyong istorya natin; istoryang hindi natin gusto, o katauhang hindi totoo sa atin.
Bata pa lang ako, gusto ko nang maging puno; yung punong-puno ng magagandang ala-ala, mga tagumpay, at mga karanasan. Tsaka gusto ko talagang maging katulad ng mga puno, kasi nandyan lang sila— kayang mabuhay at tumayo nang mag-isa, na kahit anumang kalagayan ay patuloy lang ang buhay sa kabila ng pagbabago ng panahon, at ng tao.
Tinutupad ko naman ‘yon sa sarili ko. Kaya eto, punong-puno na. Kay dami ko nang napagdaanan; mula putikan at sandamakmakang sakluban ng lupa hanggang sa aking pag-ahon, pag-usbong, o pagtaas, at pag-angat. Pero sa dami ng ‘yon, bakit tila tuod pa rin ako? At bakit tila naging tuod pa ako nito? Ganito na ba ako? Hanggang dito na lang ba? Hindi na ba ako uusbong pa? Wala na ba akong iuusbong pa? Ito na ba ang ‘full potential’ ko? Gusto ko pang mapuno! Ayokong bumagsak at mabigo.
Oo, puno ako na napupuno rin. Ang mga sanga ko’y tumutubo bilang sungay, ngunit tahimik lang at nagtitimpi sa mga mahahanging humahampas sa akin, mga (plemang idinudura;) durang idinidilig sa akin, at tila pinipitas-pitas sa pamimintas. Nakakapanliit man, pero ‘somehow it makes me the bigger person’. Mataas naman na rin ang narating ko kahit papaano… kaya sa kabilang banda, gusto ko rin maging punong itinitingala. Gayunpaman, ako pa rin ang yumuyuko; patuloy ang pagkukumbaba, dahil ang mga paa ko’y mananatiling nasa lupa.
Kaya katulad ko, ang mga puno’y laging naisasawalang-bahala. Tila hindi nakikita, tulad ng hangin nilang ating pinapakinabangan. Katulad ng mga puno sa mga larawan, tila ako’y nagiging lataran; lagi lamang nasa likuran. Pero tulad nga rin ng isang puno, nandito lang naman ako; inyong malalapitan sa pagtirik man o pagbuhos— kahit hindi sapat. Pero minsan, baka sa isip ko lang ‘to eh, kasi baka ‘we are just growing apart like the branches, but still rooted and connected with each other’. Pero ang hirap magpatangay kung naging ‘tila matigas ka na. Tuod na nga. Hindi ako maka-keep up. Tila hindi na ‘ko ‘nag-g-grow’ katulad nila. Hayyy, kaya lagi akong nasasawi eh. Puno rin ang isip ko ng mga negatibo. Ay, masyado na. Sumosobra na naman ako.
YUGTO II: PUNONG-KATAWAN
Taglagas na… este panahon na naman ng pag-ibig, kaya naglalagas na naman ang aking mga kaibigan. Isa-isa na silang nahuhulog sa kani-kanilang pag-ibig, at ako? - wala munang panahon umibig muli. Ang mahalaga, sa nagdaang mga panahon at tao, nandito pa rin ako, nakatindig, nagpapahilom sa mga baklas ng kahapon, at masasabi kong "matatag pa rin naman ako", kasi nandito pa nga rin ako, kahit sa kabila ng mga iyon, halos pumiglas, magiba ako't mawalan ng higpit ang pagkapit ng mga ugat ko; sa dugong nagpupursige dito sa mundong ito. Bagamat may pagkakataong gugustuhin pang paabutin ang aking mga ugat sa ilalim pa ng lupa; sa impyernong puro patalim, at doon na lamang kumapit, ngunit pinipilit ko pa ring umusbong pataas, upang mas mapalapit sa langit.
Tila buong pagkatao ko’y napuno ng lamat. Ang mga sanga ko’y puno ng mga pagsisisi. Ang mga bunga’y tila mga lantang gulay; gutay-gutay na. Hindi naman kasi lahat ng matatag - mananatiling matatag. Gaano man katatag, hindi pa rin kakayanin kung hantungan na ang kalaban. Dahil hindi lahat ng bagay ay nanananitili kung ano iyon noong simula. Tapos na ako sa simula, at mukhang hindi pa rin ako handa na muling magsimula, dahil hindi lahat ng puno ay mananatiling puno. Nauubos din ako.
‘It could have been one for the books’, kung nasa parehong pahina lang sana tayo nang sabay. Pero sabi ko nga, nandito pa rin naman ako; kahit inuugat na, sa kahihintay, sa wala…
Kahit anong gawin ko, hindi ako makaalis dito; hindi ka maalis sa isip ko, nakaraan ko—
Kinabukasan ko: Lumipas ang oras; panibagong araw na tila walang nangyari - kailangan kumayod eh. Oo, trabaho lang ‘to, pero ba’t ganito? Pusong-kahoy na ‘ko… hindi pa naman pusong bato, kahit mahirap magtiwala, naniniwala pa rin naman ako sa pag-ibig, dahil punong-puno ako nito. Naging sawi man, hindi no’n mapipigilan ang pusong puno ng pag-ibig, kahit nakulangan sa pag-asa. Lalo kung pinapaalab muli ito ng araw-araw na mga ngiting hindi nakakasilaw, kahit hindi nagpapatinag sa sinag ng araw (o kay haring araw). Siguro handa na muli akong buksan ang kahoy kong pintuan, nang makapasok ang liwanag. Kailangan ko rin ang bitamina ng sinag - pampatibay sa buhay na puno ng pagsubok; kasama ang isang matipuno.
O, kay sarap umibig. Nagbubugso at nag-uumapaw na naman ata ako. Araw-araw may araw. Siya ang araw sa gabi, kahit sa tag-ulan, at taglagas; sa kahit anong panahon. Naranasan ko rin muli ang taglagas; segu-segundo akong nahuhulog sa kanya. Tila yinuyugyog niya ang puno para mahulog ako nang mahulog… kaso, p’ano ‘to? Ubos na yata ulit ako. Masyadong mabilis ang nangyayari. Pero hindi ako maka-usad para sa panibago, kasi nandito pa rin ako sa nakaraan; sa nasimulan.
Ngunit hindi siya sumukong sumuyo. Gumagawa siya ng paraan nang ako’y makaalis at makausad na. Tila siya’y naging isang matipunong lalaking may kumikinang na lagari at nakita ko ang liwanag sa kanyang mga mata. Lumabo ang aking mga mata sa tuwa, dahil sa wakas, makakalikas na rin ako sa aking naging likas. Tuluyan na akong nahulog sa kanya; pulidong-pulido. Sa kanya lang pala ako bibigay. Siya’y pinong-pino!—
YUGTO III: SANGA-SANGA
Dalang-dala niya ako… pero hindi niya ako mabitbit at masalo, at hindi niya alam kung saan na kami tutungo. Tila naging isang mabigat akong problema. Kaya naiwan pa rin pala ako rito. Pero ngayon, ako’y wasak at bagsak na. Ito pala ang totoong panahon ng taglagas. Sa dami kong pagsubok na napagdaanan, dito lang pala ako tuluyang babagsak at mawawasak. Lagi kasi akong puno, kaya tila sumasabog. Napakamakapangyarihan talaga ng pag-ibig. Isang araw, ikaw ang mundo, sa ibang araw, pinapaikot ka lang pala...
Dalubhasang nakalulumbay— naisip ko ang taong nandyan noong buto; o bata pa lang ako, o bago pa ako maging halaman; o bago ko pa malaman ang buhay. Iniisip ko pa na mag-isa na lang ako, pero mula simula, nandyan na siya, at nandyan lang siya. Pero tila aking naisasawalang-bahala dahil sa sistema ng buhay. Pinili kong lumayo, para sana lumago. Pero ako naman ulit ngayon ang kailangang sumandal. Siya ang tunay na puno na nagpupuno ng natatanging pagmamahal. Puno na ibibigay kahit ang paghinga, maging maginhawa ka lang. Tila ‘oxygen’ kung magmahal, at tila ‘ox’ kung lumaban. Kaya ngayong ako’y lupaypay na, kailangan ko kanyang sandalan; kailangan ko si Nanay— na kailanma'y 'di mag-aanay... masyado na kasing mabigat, at kay sarap ibuhos ang pagkapuno, lalo na sa taong naka-ugat; sa dugo na kailangan ng ating puso, magmula pa noong alaga pa paso.
Bilang tanim, ako’y nagtatanim din. Ngayo’y isa na ring punong punong-puno ng mga pangyayari. Naputol man, konektado pa rin sa kaibuturan nito; matibay pa rin. Itatanim ko ang aking galit, ngunit hindi para magtanim ng galit. Kundi nang ito’y maibaon na lamang nawa sa limot(/lumot). Hindi naman na ‘to bago. Ano pa bang bago sa mundo? Umay na ako. Lahat naman na ng kwento, hindi na bago. Para saan ba ‘tong buhay na ‘to? Ang layunin ba natin ay umibig at makarating sa malayo? O magpunan ng mga kahulugan sa bagay-bagay nang magkasaysay ang ating mundo? Ano bang totoo? Basta ang alam ko, punong-puno tayo ng kwento. Minsan, hindi tayo sigurado kung bakit natapos o nagtapos ang isang kwento. At doon magbubunga ng mga panibago. Panibagong ako, panibago tayo, panibagong… kwento? Pero wala na ngang bago, sabi ko. Para lang bago, kasi puno na ulit ako.
Sa ngalan ni Fina, ako'y graduate ng Fine Arts. Ang puno ay buhay, at ito ang bu-hayyy. Life is like vines, but it’s fine; I’ve been fine, I’m fine. I know I’ve got a lot to pine about… pero ika nga rin sa kanta: Leaves will soon grow from the bareness of trees, and all will be alright in time.
At the end of the day, I know I’ll always be Fine— as pine.
The “Finɐ” Short Film:
youtube
...and then, I have nature and art and poetry, and if that is not enough, what is enough? (van Gogh, 1888)
This short film is just my final project for our film course as a Communication student… but through it, I express myself - by going back to my roots— my since childhood fascination with nature (or trees specifically, as I dreamed of being an environmentalist as a kid), and my deep appreciation for existence and art, despite being a frustrated artist, writer, or individual. This film is a reflection of myself or my life, and a contemplation of life itself as a whole.
There are so many inspirations and references in my film tied to me — they are SCATTERED throughout the film… I poured every part of me - putting them all together into this film; every FINE detail–all over the place; the rawness, and it became [feeling] so right to me.
That is all - I believe - I have already said enough within the film - It’s an open letter… and I WOULDN’T have made this without the people who I wanted to be part of it (if only it were possible to have everyBUDDY PARTicipate) - people who are really actually part of my life; the ones who have been constant with me ever since in this constantly changing life.
Above all,,, it sums up everything and everyone here. That’s why, THIS FILM IS SO MONUMENTAL TO ME. It's life; my life, my nature, my art, my POETree—my film - me; perhaps even thee... and Finɐlly, it’s here.
1 note
·
View note