A quiet corner for my unfiltered thoughts—midnight musings, overthinking sessions, and all the feelings I never say out loud. Welcome to my soft chaos. 🌙✨
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text


Dati lagi kong tinatanong sa sarili ko,
“Ano kayang naiisip ng mga lalaki kapag nagpopropose sila?”
Tapos naalala ko yung araw na nagpropose si Kenth sakin. Nakita ko yung kaba, nginig, pero punong puno ng pag-asa yung mga mata niya. At nung sandaling yon, hindi ko na kailangang magtanong. Kasi alam ko na. Ramdam ko na.
Kaya pala may kaba. Kasi ang magsabi ng, “Will you marry me?” ay isa sa pinaka matapang at pinakamagandang desisyong puwedeng gawin ng isang tao.
Ganon pala yun no? Hindi lang siya basta kilig. Kasama din yung lahat ng tawa, tampuhan, at bawat pagkakataong pinili niyong dalawa na magstay sa isa’t isa. Kumbaga, parang sinabi na rin niya sayo na “Kahit anong mangyari, tayo pa rin. Ikaw pa rin. ”
At yung mapili nang ganon? Walang pag-aalinlangan. Buong-buo. Ang sarap. Sobrang sarap pala sa pakiramdam. Malalim pero magaan.
04/18/2025 11:00 AM
0 notes
Text
Nagka-away kami ni Kenth kanina. Nothing major—no shouting, no drama. Pero alam mo yung mga tahimik na away? Yung hindi mo alam kung sino yung may mali pero parehong nasaktan? Ganun.
Pag-uwi, tahimik lang ako. Tulala habang naglalakad kami papunta sa bahay ng lola ko. Kasi tumatakbo sa utak ko yung sinabi niya. Pilit kong iniintindi, pero ang bigat. Hindi ko alam kung may sense ba yung nararamdaman ko or nag-o-overthink na naman ako.
Siguro kasi may mga bagay akong pinanghahawakan na matagal nang naka-ugat sa akin—mga takot, mga trauma, mga alaala ng kung paano ko nakita ang mga magulang ko dati. I grew up watching my mama get shouted at, invalidated, treated like she didn’t matter. And I promised myself, HINDI AKO MAGIGING GANON. I will never let a man do that to me.
So now, every time something even feels close to that—kahit hindi naman same situation—I get so guarded. Parang autopilot na yung defense mode ko. And maybe… maybe I’m being too much with Kenth because of it. Baka I’m so focused on protecting myself that I forget he’s not the enemy. Na hindi naman siya yung tatay ko. Maybe I’ve been reading into things too deeply, seeing red flags where there are none. Or baka hindi ko lang pa talaga alam paano mag-let go ng trauma na hindi ko naman ginusto.
Ngayon naguiguilty ako. Kasi paano kung tinutulak ko na siya palayo? What if I’m so scared of turning into my mom that I’m turning into someone na mahirap mahalin?
Gusto ko lang naman ng payapang utak. Pero ang hirap pala—lalo na kapag may mga sugat kang hindi mo pa rin alam kung paano gamutin.
04/12/2025 10:30 PM

0 notes
Text

Had one of those unexpected deep talks with Kenth on our way home from our Sunday errands.
“Saan kaya tayo titira after ng wedding?”
We started talking about where we might live after the wedding. Walang pressure, walang mabigat na desisyon, just honest kwentuhan about what we feel at yung mga worries namin.
Ang sarap lang makipag-usap nang ganun. Yung makikinig ka lang, maiintindihan mo siya, tapos mararamdaman mo rin na naiintindihan ka.
Nakakatuwa. Dati, mga simpleng bagay lang yung napag uusapan namin. Ngayon, mas malalim na. Mas may bigat, pero mas may sense. At habang lumalalim ang usapan, mas nararamdaman kong lumalalim din ang pagmamahal at pag-unawa namin sa isa’t isa.
04/06/2025 12:34 AM
0 notes
Text

Gising, trabaho, kain, tulog, repeat. Ganyan ako. Alam ko lang ang daan papunta sa trabaho, pabalik sa bahay, paulit-ulit, paikot-ikot. Walang liko, walang side trip, walang kahit anong rason para lumihis.
Tapos dumating ka.
Biglang nagbago ang kulay ng mundo, biglang nagkaroon ako ng oras para huminga. Ang galing, pwede palang tumawa nang walang iniisip, pwede palang huminto saglit nang hindi natatakot na maiwan.
Pinalawak mo ang mundo ko. Kung dati limitado lang ako sa kung ano ang nakasanayan ko, ngayon parang mas marami akong gustong gawin, gustong puntahan, at gustong maranasan.
Sa ‘yo ko natutunang pwede palang pagsabayin— ang trabaho at saya, ang pangarap at pahinga, ang realidad at panaginip. Sa ‘yo ko natutunan na hindi lang dapat isang direksyon ang buhay.
Dahil sa’yo, natutunan kong mabuhay nang totoo.
0 notes
Text

He once told me he wasn’t a dog person. Pero ayan siya— minamahal, hinahawakan, nilalaro, at hinahayaang matulog si Oreo sa hita niya. Mahal niya kung sinong mahal ko. Para bang kahit hindi ko sabihin, alam na niyang ang mundong bumubuo sa akin ay parte na rin ng kanya.
Minsan, love isn’t about having the same interests. It’s about trying—kahit awkward, kahit hindi natural—dahil alam mong mahalaga ‘yon sa taong mahal mo. And that’s what makes it even more special.
Hay, ang sarap mabuhay. Ang sarap magmahal.
0 notes
Text

There’s something about the way he holds his pamangkin—so gentle, so full of love—that makes my heart ache in the best way. One day, when it’s our turn, I just know he’ll be the kind of dad who stays up late for lullabies, carries sleepy little bodies to bed, and loves our babies with the same warmth in his eyes. It’s in those little moments that I realize—our future babies will have the softest, safest, and most loving arms to call home. Manifesting this soft, happy future. 🤍✨
1 note
·
View note