mikidoink
mikidoink
𓆝 𓆟MikMik𓆝 𓆟
1 post
Tara na at maglakbay.
Don't wanna be here? Send us removal request.
mikidoink · 1 year ago
Text
Ako si Anneza, ang hilig ko ay mag document ng maraming karanasan gamit ang litrato. Mahilig ako maglibot at sumubok ng maraming bagong karanasan.
Kada taon, ang aking pamilya ay nagbabakasyon sa ibat ibang parte ng mundo. Noong Hulyo 2023, nagtungo ako sa Korea para sa aking kaarawan. Malaki ang aking pasasalamat sa aking pamilya dahil nadala nila ako sa lugar na hindi ko akalain na aking mapupuntahan. Sa airport palamang ay hindi ko na mapigilan ang mga ngiti sa aking mga labi.
Tumblr media Tumblr media
Paglapag ko sa aiport ng Korea, ako agad ay tumikim ng kanilang donut. Ang korea ay kilala sa makukulay at madisenyo na pagkain, kaya ako ay hindi na nagdalawang isip na bumili. Sumunod ay kumain naman ako ng “Samgyupsal”, kakaiba ang pagtimpla nila ng pagkain dito na kung saan ako ay nagkaroon ng isang masayang karanasan sa Korean cuisine.
Tumblr media Tumblr media
Upang hindi masayang ang aking araw, ako ay naglibot sa Myeongdong. Malapit lang dito ang aming tinutuluyan kaya sinadya na namin na puntahan agad. Ito ay isang lugar na kung saan punong puno ng maraming tindahan at streetfoods naman kapag kinagabihan. Sa bawat sulok ay maraming kainan ang nagaalok ng ibat-ibang uri ng pagkain. Tampok dito ang pagkain ng keso na mayroong condensed milk, lobster o ulang na mayroong ibat-ibang keso, at marami pang iba. Bilang isang bata na mahilig sa keso, ako ay nag enjoy ng sobra. Hindi ko mapigilang maglakad dahil sa nakakamangha nilang estraktura at paligid.
Tumblr media
Kinabukasan, ako naman ay bumisita sa Gyeongbokgung Palace upang masubukan ang kanilang “Hanbok” sa isang rental place kung saan ikaw ay maaari mamili ng iyong kulay ng damit, haba, at ibat-ibang mga accesories. Habang naglalakad ako sa malawak na hardin, nadama ko angpagpapahalaga sa kultura ng iba. Tila ba na ako’y isang prinsesa sa loob ng isang malaking kaharian. Isa ito sa experience na hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Ang renta sa hanbok ay nagdedepende sa iyong oras ng pagbalik. Ang pagsuot ng “Hanbok” ay hindi lamang karanasan, ito rin ay simbolo ng pagtangkilik ng kultura ng iba.
Tumblr media
Sumunod sa aming ginawa ay pumunta sa taas ng N Seoul Tower. Mula doon, tanaw ko ang buong lugar, sumakay rin kami ng malaking cable car papunta. Sa itaas ay maaari mong bisitahin ang love lock place na kung saan punong puno ng kadena o lock ang isang buong lugar. Ipinapakita dito ang pagmamahalan at isinusulat ang pangalan ng mahal natin sa buhay. Kinagabihan ay kumain kami sa tanyag na kainan, pinilahan namin ito sa loob ng 45 na minuto upang matikman. Sa murang presyo, ang lasa nito ay kalidad at masarap. Ito ang inirerekomenda ko pag ikaw ay pupunta sa Korea.
Tumblr media
Kinabukasan, ako naman ay tumungo sa Fortress Wall of Seoul. Ito ay ang mga bahay na nakikita o napapanood sa isang Korean na movie. Napakaganda ng mga bahay dito pero ang pagbista ay nililimitahan lamang dahil bawal magingay. Ako ay nabawalan dahil sa aking malakas na tawa, ako ay agad humingi ng paumahnhin. Sumunod ay pumunta ako sa Gangnam kung saan nakita ko ang statwa na sumisimbulo sa kanta na “Gangnam Style”, isa sa aking paborito noong ako ay bata pa lamang. Sinubukan ko rin ang mga pagkain sa kanilang 7/11 dahil ito at araw araw ginagawa at marami dito ang gusto kong masubukan. Isa sa tumatak sa aking isip ay ang kanilang cake. Pumunta rin ako isang malaking library, na itinawag na “Starfield Library”. Ito ay puno ng ibat-ibang libro at nasa gitna ito ng isang magarbong mall. Napakasaya sa pakiramdam ng makaranas ng maraming bagong experiences sa loob ng isang araw.
Tumblr media
Ika huli ay ang aking pagpunta sa Alpaca World. Ipinilit ko talaga ang aking pamilya na pumunta rito kahit ang byahe ay umaabot sa higit na 2 oras. Ang pagpapakain ng Alpaca ay isa sa aking bucket-list na hiling matupad. Ang pagpunta ko rito ay mas napadali sa pagbook ng tourguide sa klook, hindi kami nahirapan at mas napadali ang pagpunta rito. Liblib ang lugar at ito ay nasa lokasyon na kung saan ito ay nasa bundok. Mahirap makapunta dito kapag ikaw ay magisa lamang kaya mararapat na maghanap tayo ng tourguide. Pagtapos nito ay dumeretso kami sa Nami Island na kung saan makikita ang mararaming mga puno. Sumakay ako ng zipline papunta at ferry naman pabalik. Pagkayari ay sinubukan namin gumamit ng 4x4 bike train upang bumalik sa aming kinaroroonan ulit. Isa itong karanasan na gusto ko pang maulit sa aking buhay. Marami akong nakilala na ibat-ibang lahi, naging masaya ako ng lubos dahil dito.
Tumblr media
Sa huli, kami ay bumalik ng Myeongdong upang magpahinga. Sa bawat hakbang, napuno ako ng ibat-ibang karanasan. At ito ang bumubuo sa ibat-ibang parte ng aking sarili. Mula sa paglipad sa paliparan hanggang sa pabalik, naging buo ang aking kasiyahan. Sa pagtatapos ng aking lakbay, ako ay umaasa na muling makabalik sa isang lugar na kung saan natutunan kong sumubok ng maraming pagkain at activity. Hanggang sa muli.
5 notes · View notes