minahoiic
minahoiic
six
1 post
hyunji endgame please
Don't wanna be here? Send us removal request.
minahoiic · 5 years ago
Text
Maybe In Another Lifetime (Part I)
Tumblr media
“Soohyun, truth or shot?” tanong ni Goeun sa kaniya
Hindi ako makasagot dahil alam ko na kung anong itatanong ni Goeun sa akin. Hindi naman dapat ako kasali sa laro na pasimuno ni Jieun kaso ay pinagbantaan ako ni Hyesun na ako ang pagbabayarin ng venue.
Tinitigan ko lang ang basong may laman na alak sa harap ko. Umaasa na itutuon na lang ni Goeun ang atensyon sa iba pa naming kaibigan
“Kailan ka naka move on sa kaniya?” pagpapatuloy ni Goeun at itunuro si Yeji, na si Jieun lang ang pagitan naming dalawa
Napadapo ang tingin ko sa kaniya at napansing napahinto ito sa pagsasalita ngunit nakalipas ang ilang segundo ay pinagpatuloy na niya ang pakikipag usap kay Minyoung, ang isa sa pinaka matalik na kaibigan ni Yeji
“Wala na talaga siyang paki sa akin. Sa bagay, 10 taon na ang lumipas at mukhang masaya na siya. Ako na lang itong naiwan sa nakaraan” napangiti ako ng mapait ng maisip yun, mabuti na lang at walang naka pansin doon
Halos lahat ay lasing na, ako na lang at si Jieun ang natitirang nasa katinuan pa. Si Jieun kase ay ‘di pwedeng uminom ng alak, habang ako naman ay walang balak uminom. Pero dahil sa tanong ni Goeun ay natutukso akong inumin ang alak na nasa harapan ko
“Tagal mo naman sumagot, pre! Kanina pa kami naghihintay rito” reklamo ni Haein
Wala akong nagawa kundi inumin ang alak. Ninanamnam ang sarap at pait nito. Just like my life, tasty yet painful. I’ve been living like this when I decided to choose what’s right instead of what I want
Napanganga ang lahat, maliban kay Jieun. Alam naman niya na hindi pa ako handang pag usapan ang nakaraan at hanggang maari ay iiwasan ko ang ganitong tanong. Isang beses niya na akong tanungin tungkol sa bagay na ito noong nagkaroon kami ng team building pero ang ibinigay ko lang na sagot ay isang malungkot na ngiti. Agad naman iyong naunawaan ni Jieun kaya ‘di niya na ulit sinubukan tanungin ang bagay na iyon
Pero hanggang kailan ako iiwas? Hanggang kailan ko pagsisisihan ang desisyon na ginawa ko? Siguro ito na ang tamang oras para ilabas lahat ng nararamdaman ko. Baka sakaling makalaya na ako sa nakaraan, baka sakaling makalimutan ko na siya. Baka sakaling matanggap ko na wala na...na tapos na.
Alak lang talaga ang sa tingin ko na magbibigay sa akin ng lakas para harapin ang nakaraan na pilit kong tinatakbuhan
“Sayang! Naghihintay pa naman ako ng sagot” nadidismayang sabi ni Goeun at ininom ang kaka refill pa lang na Jack Daniel’s sa baso niya
“Ikot mo na yung ba--” napahinto sa pagsasalita si Goeun ng marahan kong paglapag ng baso sa lamesa
“Kung may paaran man para makalimutan ko siya sana ginawa ko na noon pa” at pinunasan ang labi ko gamit ang kanang braso ko
———————————————————————
Today marks as our first high school reunion of Batch 2009-2010. Everyone’s excited about it since magkikita kita na naman ang magkakaibigan noong high school. Thanks to Hyesun’s idea. Siya kase ang nag asikaso ng event kasama si Goeun at Hyojoo. Kaya nga noong high school ang tawag sa kanila ay “Utak ng Section 6”
But of course, I’m not part of the “Everyone” I don’t feel any excitement, I’m just feeling shit. Pinilit lang naman ako ni Jieun, pinaka matalik kong kaibigan at kasamahan ko sa architecture firm, na pumunta sa reunion. I’m not really fond of going on events, I’m not sociable like her. I prefer making blueprints and designing.
“Kanina ka pa pindot ng pindot sa phone mo. Anong laro na naman ang kinaaadikan mo?” tanong ko sa kaniya, nang sulyapan ko siya ay nakakunot na naman ang noo nito at anytime sasabog na naman sa sobrang galit
“Kausap ko kasi ‘tong g*go na ‘to. Ang sabi ko kase ay hihiramin ko muna yung van at si manong para mamaya. Ayaw ako pag bigyan” saad niya
“Ano ba tawag mo sa akin? Ginawa mo na nga akong driver ngayon bakit ‘di mo pa sulitin?” sabi ko pero napailing lang si Jieun
“Nararamdaman ko kase na malalasing ka ngayon kaya hinahanda ko na yung plan b”
“Wala akong balak uminom ngayon. May gagawin pa ako mamaya pag uwi”
“Wala pa nga tayo sa mismong lugar ay uwian na agad ang nasa isip mo?” natatawang sabi ni Jieun
Dinapuan ko ulit ng tingin si Jieun, “Alam mo naman dahilan kung bakit ayaw ko magtagal”
“Sure, whatever Mr. The Man Who Can’t Be Move” sagot niya
Nang mailiko ko ang sasakyan sa kanan ay nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang reunion. Simple pero magarbo ang exterior design ng event hall. Kasya na siguro kaming lahat
“Mauna na ‘ko, ah? Kanina pa ako hinahanap nila Hyesun” akmang bubuksan na sana ni Jieun ang pinto ng hawakan ko ang kaniyang braso para pigilan siya sa pag baba
“Sabay na tayo, please?” pakiusap ko
Napailing na lang si Jieun sa pakiusap nito “Pasalamat ka talaga at naging kaibigan mo ko”
Nang makahanap na sila ng mapaparkingan ay sabay silang lumabas ng sasakyan. Pinagpagan ni Jieun ang kaniyang sarili habang pinagmasdan ko naman ang lugar
Habang papalapit kami sa bukas na pintuan ay nakikita na nila ang makukulay na ilaw at malakas na tugtugan galing sa loob
“Late na ba tayo?” tanong ko ngunit nagkibit balikat lang si Jieun
Nang makapasok na kami sa hall ay sinalubong kami nila Hyesun, Goeun, at Hyojoo. Nakipag beso naman si Jieun sa tatlo at nginitian naman nila ako
Napatakip naman ng bibig si Goeun ng mapansin niya na sabay kaming dalawa na pumasok sa hall “Wait, don’t tell me you two are dating?” tanong ni Goeun sa dalawa
“Aamin na ako, crush ko talaga si Soohyun noong highschool pero there’s no way na papatulan ko siya” sabi ni Jieun at binigyan ako ng makahulugang tingin
Everytime na magkakasalubong kami sa firm, people always thought that we’re dating, na kung ‘di raw kasal si Jieun sa iba ay baka pwede pa kami. But no, I can’t find myself dating anyone. Even Jieun tried to set me up with someone but it didn’t work at all...
Hinawakan ni Hyojoo ang kaliwang kamay ni Jieun, mukhang napansin ang singsing sa fourth finger niya. “Kailan ka pa kinasal at bakit ‘di kami invited?” tanong niya
Napakamot naman ng ulo si Jieun “After ko maka graduate ng college, the wedding happened. Masyadong mabilis ang pangyayari. My parents wants to tie me up sa anak ng business partner nila” pagpapaliwanag niya at mukhang naunawaan naman kaagad ng tatlo iyon
“Late na ba kami?” tanong ko sa kanila kaya napabaling ang atensyon nila sa akin
Nginitian ako ni Hyesun, “Yung mag jowa na lang ata kulang” napatingin naman si Hyesun sa kasama niya kung tama ba ang sinabi niya. Napatango naman si Goeun, “Kaka head count ko lang, as of now we’re 38 na. Mukhang sila na lang ang hihintayin natin” sabi ni Goeun 
“Sinong sila?” tanong ni Jieun
“Si Yeji at Joongi. Grabe nga eh, tumagal sila” sabi ni Goeun
“Talaga ba? Sabi ko pa naman noon kay Yeji ‘di sila magtatagal” natatawang sabi ni Jieun
“Pero ang sabi ni Minyoung on and off ang relationship ng dalawa. Ang toxic na nga raw eh kaso ayaw pakawalan ni Yeji, hulog na hulog kay g*go” sabi naman ni Hyojoo kaya napatingin silang lahat kay Hyojoo
Bago pa mabuksan ni Jieun ang bibig niya para magsalita ay mahina ko siyang siniko sa braso niya. Iritableng napalingon sa akin si Jieun at tinaasan ako ng kilay
“Ano problema mo?” tanong niya, at binigyan ko siya ng makahulugang tingin
Hearing about Yeji and my former best friend, Joongi’s love life makes me uncomfortable. Ano ba dapat gawin kapag nakita ko silang mag kasama? Should I say hi and smile at them and pretend that I’m not hurting?
Even if it pains me seeing them together, if she really loves him..the only thing I could do is to be happy for her
“Guys, nangangalay na raw paa ni Soohyun. Hindi pa raw ba tayo uupo?” sabi ni Jieun para salbahin ang kaibigan malapit na mag breakdown dahil sa naririnig
At tumingin naman si Goeun sa akin, para bang may gustong tanungin sa akin ngunit pinili na lang na manahimik
“Oy, Soohyun. Lagot ka sa mga tropa mo. Bakit pati raw sila ghinost mo” sabi ni Hyojoo
Napakamot naman ako sa batok ko. Inaasahan ko naman na magtatampo mga kaibigan ko. Tatanggapin ko kung ayaw na nila sa akin
Habang naglalakad kami papunta sa lamesa namin ay nag salita ako “Busy kase nung college. Ayoko naman ma delay” paliwanag ko
Habang papalapit kami ay mas lalong lumalakas ang mga nagtatawanan na grupo. Ganitong ganito rin kami noong high school kaya lagi kami ang napapagalitan ng teacher. How I miss those days...
“Kumusta guys? Alam kong na miss niyo kami pero kalma lang kase kami lang ‘to” bungad ni Jieun sa kanila kaya agad silang nagtayuan upang salubungin ng yakap si Jieun
Pagkatapos nilang yakapin si Jieun ay napadapo ang tingin nila sa akin. Nginitian ko naman sila. Dahan dahan silang lumapit sa akin at binigyan ako ng mainit na yakap.
“Pre! Miss na kita!” si Taecyeon agad ang unang nakayakap sa akin. Kahit na naiinitan na ako dahil lahat ng mga tropa ko ay nakayakap sa akin ay ininda ko iyon. Masarap sa pakiramdam makita isa sa bumuo ng high school life ko.
Pagkatapos nila akong yakapin ay binatukan agad ako ni Seojoon, “Alam mo bang huling paramdam mo is noong high school graduation natin and you know that’s 10 years ago!” halos pasigaw na sabi ni Seojoon
“Baka naman sa susunod na high school reunion ka ulit mag paramdam. Kokonyatan kita” pagbabanta ni Wooyoung na tinawanan ko naman
“Pasensya na talaga mga pre. Sige sa susunod libre ko kayo dalawang case ng Empi” sabi ko at naghiyawan naman ang mga kaibigan ko
“’Wag niyo kakalimutan hingiin number nitong si Soohyun ah. Baka mamaya takasan tayo niyan” sabi ni Jongsuk 
Tinuro naman ni Seojoon si Jieun. “Etong si Jieun for sure may number yan ni Soohyun. Mukha pa ngang sabay sila pumunta rito eh” 
Napalingon naman sa banda namin si Jieun ng marinig niyang binaggit ang pangalan niya “Pinag uusapan niyo ba ako?” 
“Hihingiin namin yung number ni Soohyun sayo in case na takasan niya kami. Manlilibre raw si g*go eh” paliwanag ni Jongsuk, nag thumbs up naman si Jieun sa kaniya pagkatapos ay bumalik sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya
“Mukhang nangangalay ka na pre, gusto mo bang maupo?” tanong ni Hyunwoo sa kaniya, tumango naman ako at tinuro ni Seojoon ang bakanteng upuan sa likod niya
Pinuntahan ko naman ang inalok na upuan ni Seojoon at naupo na. Umupo na rin ang mga kaibigan ko sa kani kanila nilang upuan. Nasa katabing lamesa namin sila Jieun at mukhang nagkakatuwaan na
Kinalabit naman ako ni Haein na mukhang kakagaling lang sa food stall. May bitbit kase siyang isang pirasong donut sa kanang kamay niya, “Kumusta na pre? Ilan na najowa mo?” tanong niya at naupo sa bakanteng upuan sa kaliwa ko
“Wala akong jowa” sabi ko at nagkantyawan naman ang mga kaibigan ko
“Imposible! Hindi ka man lang gumamit ng secret technique para maka bingwit ng babae?” ‘di makapaniwalang tanong ni Seojoon sa kaniya
“Hanggang ngayon babaero ka pa rin?” tanong ko sa kaniya
“Oy pre” sabay pakita ng singsing sa kaliwang kamay niya “Happy wife, happy life na paniniwala ko” proud na proud na sabi sa akin ni Seojoon
“Sino naman ang naloko mo sa mga moves mo?” tanong ko, itinuro naman ni Seojoon ang babaeng nasa kabilang table
“Pinatulan ka ni Minyoung, pre? Akala ko ba mag kaaway kayo?” gulat na napatingin ako sa kaniya
Noong high school kase, hindi matatapos ang klase na hindi nag aaway ang dalawa. Kahit napaka simpleng problema, pinapalaki nila. Kaya hangga’t maari ay ‘di sila pinag sasama sa isang grupo, unless alphabetical order ang groupings
“Hindi ko nga rin alam pre, basta isang araw nagising na lang ako na siya na iniisip ko” sabi niya kaya binatukan siya ni Wooyoung
“Napaka corny mo! Layas ka nga rito”
“Inggit ka lang kase wala kang love life”
“Ayoko pa matali ‘no! Gusto ko pang namnamin ang bachelor life ko” 
Habang nagtatalo ang dalawa ay tinawag naman ni Taecyeon ang pangalan ko, “Kumusta ka na,pre? Kumusta ang buhay?” 
Napangiti naman ako sa tanong niya “Ayos lang naman. Kahit madaming pinapagawa sa architecture firm, masaya naman ako” kahit hindi
Tumango tango naman si Taacyeon, “Pag ba ako nag pa desenyo ng bahay ko may discount?”
Sasagot na sana ako ng makarinig kami ng hiyawan sa kabilang table
“Atty. Seo Yeji! Kumusta ka na?” 
Nanigas ang buong katawan ko ng marinig kong tinawag ni Jieun si Yeji. Fck, she’s here. Is she with him? Is she happy? Kumusta na siya? Ang dami dami kong gustong tanungin sa kaniya ngunit ang lingunin siya ay ‘di ko magawa
It’s been 10 years since the day I saw her. Ang tanging naalala ko lang sa kaniya ay ang maamo niyang mukha habang ipinapakilala niya si Joongi sa mga magulang niya. 
Ako dapat yun eh..ako dapat. Ako dapat yung nag abot sa kaniya ng bulaklak noong graduation, ako dapat yung yumakap sa kaniya, ako dapat yung naka akbay sa kaniya habang kinukuhanan ng litrato sa stage. Ako sana yun...
Pero mas pinili ko na pakawalan siya kase alam ko na hindi ako yung lalaking magpapasaya sa kaniya. Hindi ako yung lalaking kayang ibigay lahat ng atensyon sa kaniya. Hindi ko pa kaya noon...
7 notes · View notes