Tumgik
minasbad7800 · 3 years
Text
In progress.
Tumblr media
0 notes
minasbad7800 · 4 years
Text
Kwadrado
Panaka-naka ang tugon ng kilos sa nagmamadaling pakay ng isip Nagkapakpak ang kongretong silid pagkatapos tuyuin ang isang tasang kape Sunod na lumitaw ang balat-kayong pantas Sa dingding na may mga nakasabit na mga obra
Nagbulungan ang istruktura't sureyalismo Kung sino ang may mas higit na kahulugan Bakas sa mukha ng pantas ang kalituhan Mabigat pa rin ang argumentong dumadagan sa kung dapat bang paunlakan ang ilang pahina ng libro O kung susubsob na lang sa maraming bagong panaginip Hindi na mabilang ang mga paliguy-ligoy sa mga nabigong beses
Magkukumot muli ang mga emosyon bago ang susunod na pagpapalit-anyo ng lahat ng nasa loob ng silid
Benedict Broniola Domagtoy may-akda
1 note · View note
minasbad7800 · 5 years
Text
Mukha ng Estado
Nakalahad na humihingi ng saklolo ang mga kumakahig ng almusal Sa kabila ng pader na may mukha ng iba't-ibang taong maganda ang ngiti sa mga nagdaraan Trabaho't pagkain ang hinaing na sumasalag sa mga pangakong nakapaskil Nanganganak ang krimen
Papalit-palit ang umuupong lumang diyos at paulit-ulit ang pagpapakilala Tumatango lamang ang mangingisda Maging ang masipag na nagbubuwis na magsasaka Habang nag-aaway sa radyo't pahayagan ang maimpluwensya sa lunsod
Tuloy ang pagsipa ng ekonomiya Umaakyat ang matitibay na gusali't Naaabo ang maliliit na bahay sa paligid
0 notes
minasbad7800 · 5 years
Text
Kanila
(tulang tutol sa panganib at banta)
Magulo na ang mga lungsod Bilang na ang mga liblib Nagpatiwakal na ang ilog at bundok Gumanti na; bago pa maging biktima ng gobyernong naglalatag ng malagim na paraan ng pag-unlad Inuukilkil ng pangamba ang pamayanang Lehitimong nagmamay-ari ng lupaing Minana pa sa nauna sa kanila Ng banta ng mapagkunwaring pag-unlad Pagkabulid; hindi lang ng pananim, bundok at gubat Maging kultura't identidad Daantaon nang nakahimpil; nakaugat Mapurol ang sibat kung magkataong Hindi pakinggan ang kanilang pangungusap na walang sinumang nagkainteres Babagsak na lamang ang mga puno Papantay ang mga dalisdis Lulusong at mamumuhay sa bayan Ang itinuturing nating mga mangmang
14 January 2019 | 22:49
0 notes
minasbad7800 · 5 years
Text
Sakim
Nagtulong-tulong ang mga sakim sa dati pa nilang ambisyon Ang guluhin pa ang lamukot na sistemang nilululon ng kumunoy Makapagduyan lang sa posisyon Habang kamal ang salapi ng masang gutom Mabilis na ibinalangkas ang plano Kung paano lansihin ang mga tao Tuloy-tuloy ang panukala sa gitna ng mga reklamo Bumoto ng oo ang balakyot at gago Paulit-ulit ang ganitong pananamantala Pagbusal sa bibig ng mahihina Paglimas sa kaban ng bayan At hangga't nasa poder ang makapangyarihan ay hindi nila titigilan
12-16-2018 23:46
#TanggolWika #TutulanAngChaCha
0 notes
minasbad7800 · 5 years
Text
Komyuter
dagli ni Benedict Broniola Domagtoy
Lumitaw siya isang umaga sa makipot na eskenitang tumutugpa sa maliliit na kabahayan at lugar din ng mahihirap sa mayamang lungsod ng Makati. Edad 35 higit pa. Maayos ang damit ng karaniwang bihis ng babaeng nag-oopisina. Makinis ang kutis na produkto marahil ng mga pampaganda. Matingkad na tigmak na kulay pulang labi at simetrikal ang mga kilay niya. Hanggang balikat ang makintab na buhok.
Kipkip niya ang itim na sling bag na tila mamahalin nang may pagmamadaling tinungo ang sakáyan. Nagigitla sa kanya ang ibang pasahero sa tuwing napapatingin.
Tumatawag ang barker na may nakataling puting bimpo sa ulo sa lenggwahe nito habang nagpupuno ng pasahero ang bawa't dyip na humihinto sa bahaging ito ng C5, isang pangunahing lansangan sa Maynila. Umiling lamang siya nang sumenyas ang tsuper mula sa harapan na salamin. Tumigil pa ang ilang dyip upang dumampot ng pasahero nguni't nanatili siyang tuwid sa harapan ng mga bagong dating na komyuter.
Lumakad siya nang kaunti sa unahan, matamang pinagmamasdan ang mga parating na sasakyan mula sa malayo. Bakas ang kaunting pagkabanas.
Malayo ang ruta ng mga bus na nagdaraan at bawal magsakay ang mga ito sa kahabaan. Taxi ang isang pamimilian.
Bumubukas ang bintana ng mga kotseng may nakapatong na maliit na bagay sa bubong tuwing tumitigil sa tapat niya. Bigo at agad humaharurot ang mga ito sa mariin niyang pagtanggi. Hanggang ibinalik niya ang atensyon sa malayo, sa mga dumarating na sasakyan.
Sandaling naibsan ng trapiko ang malapad at apat na linyang kalsada. Sa hudyat ng pagdalang ng mabibilis at malalaking sasakyan ay halos lumundag siya upang tawirin ang nakamamatay na lansangan.
Sa kabila ay islang binubuo ng hanay at lilim ng mga puno tulad ng Nara at sirang bakal na kulambong harang na nagsisilbing babala, tinakbo niya ito nang tigib ng lakas ng loob tulad ng ginagawa ng ilan sa mga tagarito. Bakit pa sila magpapagod tumawid sa tulay na halos dalawang kilometro pa ang layo mula sa lugar.
Tumakip ang itim na ulap sa matingkad na silab ng araw sa itaas at bago pa niya marating ang kabilang dako ay isang rumaragasang container truck ang gumulantang sa kanya. Kasabay ng nakabibinging busina nito at malakas na sigaw ng mga taong nakakita sa trahedya bago pa ito mangyari ang paghampas ng katawan niya sa ulo ng trak at gayundin sa matigas na sementong kumitil na ng maraming tao.
#TanggolWika
Photo from GMA News
0 notes
minasbad7800 · 6 years
Text
Soothsayer
If only the wise didnt die so soon We could still hear their existed notions We would not fear stupidity That creeps today and impairs our senses and superior ability Everyone seems so tired and thoughtless Fascinated and preoccupied by things man-made Governed as if controlled by puppetry Harnessed in chains to not feel anything Society fails to recognize itself It chose to wither amidst our neglect So is our lingo that became unhealthy Deprived of prose and refined poetry
0 notes
minasbad7800 · 6 years
Text
Puntoblangko
Tumitigil sa malalim na pahingang di-sabik sa anumang pasalubong ng daratal na umaga Pansamantala ang apoy at sílab sa isipang tamad na inuulan ng mga bagay na salungât Matagal umasa Maraming pagsisiyasat kaakibat ng relihiyosong pagdalumat Kakaunti ang kayang gumagap kung bakit tayo salimbay na pabalik-balik Habang ginigimbal ng mga nakalilitong tanong sa isip
5 Oktubre 2018
0 notes
minasbad7800 · 6 years
Text
Mananato
"Mananato"
Kung hindi pinsel na may pintura ang hawak ay abala sa pagbuo ng tula at maiikling kuwento sa laptop si Steve liban sa pagiging mahusay na tattoo artist. Anim na taon siyang naging empleyado sa isang BPO company bago tuluyang tumalon sa tahimik na mundo bilang isang fulltime artist. Naipundar niya gamit ang kinita sa maikling panahong pagbabanda, visual artist, manunulat at ipon bilang empleyado ang tattoo shop sa gilid ng kahabaan ng C5 road. Nabili niya ang 150sq meters na bakanteng istruktura na may natitira pang maliit na balanse sa matandang mag-asawa na nagpasyang bumalik na lamang sa Palawan. Sinimulan niyang ayusin ang electrical wirings gamit ang natutunan sa short stint na electrical course. Sumunod niyang ipinaayos ang bubong at kisame.
Katamtaman ang laki ng kwarto upang hatiin sa dalawang bahagi. Tulugan at may maliit na kusina ang dulo habang tattoo shop ang bungad na nilagyan ng dibisyon na may tagusan na salamin.
Minimalist ang disenyo ng kwarto kung saan siya natutulog na pinturado ng puti na may silhouette na burnt umber habang tigmak na kulay itim na pintura ng dingding at ilang kakaibang disenyong inukit sa kahoy na nakalagay sa ledge ang bubungad sa kliyente sa loob ng tattoo shop. Sa itaas nito ay nakasabit sa dingding ang mga paintings ng mga pamosong kuha nina Jimi Hendrix, Robert Plant, Jim Morrison, David Bowie hanggang kay Eddie Vedder at Dimebag Darrel. May charcoal portrait din si Bob Marley na kilala ng halos lahat ng musikero. Katapat ng mga obra ni Steve ang mga nakasabit na sertipiko mula sa mga sinalihang tattoo competitions. Ang iba sa mga ito ay nakaligpit na lang sa kwarto dahil wala nang paglagyan sa dingding. Ang buong silid ay larawan ng sining pati ang mabibilis na sasakyang bumabaybay sa C5 na tanaw lamang sa bintanang salamin na may masinsin na window grill.
Sa ngayo'y wala na siyang ibang hinihingi dahil mas malaya na siyang gawin ang gusto sa buhay tulad ng pagpipinta at kumita nang sapat bilang mananato.
Kung walang kostomer ay nagpapalipas ng oras si Steve sa pagbabasa ng libro ng paboritong mga manunulat. Hanggang ilang saglit bago niya namalayan ang lagpak ng mga patak ng ulan sa labas. Papalakas hanggang tuluyang bumuhos.
Walang nakaiskedyul na kliyente para sa araw na ito at karaniwang walang nagsisipag na pumunta sa tattoo shop niya kung ganitong maulan. Lumipas ang kalahating oras at may kasama nang kulog ang kaninang malakas na ulan. Ibinaba ni Steve ang libro at lumapit sa bintana upang hawiin ang kurtina at upang humiga na lang nang mapansin niya ang isang babae sa labas ng tattoo shop.
Maganda ang babae na nasa edad 25 na tila inabutan ng buhos ng ulan pagkababa sa pampasaherong sasakyan. May bitbit itong malaking itim na bag na tila gitara ang laman. Basa ang itim na bag sa biglang buhos na ulan. Basa rin ang buhok at damit ng babae pati ang bitbit na sling bag sa kabilang kamay. Ngumiti kay Steve ang babae mula sa labas ng bintana at pagkaraan ay bumuka ang bibig at sumesenyas na tila nakikiusap na kung maari siyang manatili at magpatila ng ulan sa harapan ng bahay at tattoo shop ng 28 anyos na binata. May panaka-nakang hangin na malakas at nagpapanginig sa lamig sa babaeng kanina pa nakatayo sa labas at tinitingala ang maitim at makakapal na ulap. Napansin ni Steve na hindi nito binubuksan ang bag upang maglabas ng payong o marahil ay wala itong dala. Ilang minuto pa nang umabot na sa gutter ang tubig sa kalsada. Walang kamalay-malay ang dalaga na humahalik sa tubig baha ang dalang gitara, saka nagpasyang pagbuksan ni Steve ng pinto ang babae at papasukin.
"Salamat," sabi ng dalaga nang nakaupo na sa couch. Tumango lang si Steve. Hiningi niya ang gitara sa babae at inilabas sa basang-basang gig bag nito na tumatagos na sa loob.
"Epiphone!" bulalas ni Steve matapos mabasa ang tatak sa headstock ng acoustic guitar. "Sorry kung hindi kaagad kita pinapasok. Di bale, pahihiramin kita ng gig bag para maiuwi mo nang maayos ang gitara mo."
Pumasok si Steve sa kwarto upang kunin ang isa sa mga gig bags ng dalawang gitara niya.
"Are you alone?" tanong ng dalaga habang nakatingala sa mga paintings niya. Nakatayo na ito sa harap ng stand fan at tila pinatutuyo ang suot na basang damit. "And you're a tattoo artist as well. Ang galing mo naman."
"Mira," sagot ng babae nang tanungin ni Steve ang pangalan ng biglaan at magandang bisita. Marami silang napag usapan tungkol sa music at mga paboritong musikero. Matapos ang isang oras na kwentuhan habang nagkakape ay nagpaalam na si Mira suot ang pinahiram na tshirt ni Steve at bitbit na ulit ang gitara. Tumigil na rin ulan sa labas.
0 notes
minasbad7800 · 6 years
Text
Paradigm
Thought demise is celebrated Very few mourns the great decadence While large pile wallow in new-found beliefs Ignorance reigns, dethroning reason and judgment Faux leaders are constantly re-introduced By monarchy that bred the wicked and bogus Attracting followers by trickery Manipulation that spawns nemesis Dichotomy arises over decisive occasion Engineered by callous demigods Fray that lets everyone resort to unnecessary Soon will establish hatred and animosity Detrimental change has brought plague Sickness self-inflict Proud victims convene like maggots In grand fellowship of fools Laws are changed, if not blasphemed Society is groomed to be chaotic Allowing darkness to cover the entirety Horror is now epitome of humanity
04-06-2018 | 22:14
1 note · View note
minasbad7800 · 6 years
Text
Tula sa Ituktok
Malayo na ang narating ng manlalakbay Na nagmula pa sa paanan ng kalikasan Dumating upang pawiin ng tanawin Ang binugbog na isip ng maraming suliranin Pakay niya ang tuktok kapiling ng mga ulap Landas na tutugpa sa lunsod ng punongkahoy pati hayop na maiilap Luntian ang damit ng paligid Sa mga halamang baging na nakamilaylay Makahiya't talahib ay nakatingala sa langit kung madaling araw Mayaman ang bilang ng paru-paro't iba pang insekto Tanaw niya mula itaas ang malaking bahagi Daliri lamang ng dalisdis ang mga gusali Sa kasalukuyan, na hindi tiyak kung kailan ang itatagal Ngayo'y panauhin siya ng dambuhalang kapok, May malabay na mga sangang hitik sa dahon Dapuan ng mga lumilipad at tagpuan sa dapithapon Nakasandal at nakalapat ang likod nito Habang sinasaulo ang himig ng tunay na mundo
03-01-2018 | 00:46 Entry to DENR poetry competition.
1 note · View note
minasbad7800 · 6 years
Text
Composure
by Benedict Broniola Domagtoy
3 Feb 2017 02:38AM
Wrong corrects itself
A procedure that needs medication or aid
Anyone can be deceived by shape
Strength is steadfast regardless of who bears it
We pour our trust like liquor to our mouth
Thirst, feelings die and quickly return back
Goes to show clear thoughts are blocked
Perhaps ineffective, otherwise flopped
Should we hope despite the lack of faith
Crying never gets the attention of angels in deep slumber
They don't glide down everytime from heaven
Only at noon when sky is clear and clouds are still
Do you take pride of your feeble success
Ever paired them with melodic chants
Good souls dance, stomp and sing
Somewhere youll find your soulmate dancing
You were feisty as if you presided a kingdom
Now youve cowered in great shame
For whatever fault you committed, humiliated for
At least youve made yourself a good example
1 note · View note
minasbad7800 · 6 years
Text
Pitong Araw
Pitong Araw tula ni Benedict Broniola Domagtoy 01/07/18 02:37 GMT +8 Napanatili ng langit ang matingkad na kulay. Apoy pa rin ang silahis ng araw Tumutupok at tumutustos sa paghinga Lumilikha ng bagong silang na pag-asa Patay ang liwanag sa simula ng umaga Buhay ang mga bituin at gising ang buwan Upang lunurin pansamantala ang paligid Ng katahimikan. Upang lukuban ng populasyon ng ingay Darating ang tao sa bagong kaganapan Saklaw at lilituhin ng kamangmangan Hindi sapat na mas higit siya sa lahat Kung gapos ang bitis ng tanikala't pagkaduwag Lumilipas na lang ang sandaling oras Ang ngayo'y palilipasin hanggang bukas Sa makalawa, at sa di-mabilang na bukas Pusakal ang pagkakataong tumatakas May tunggalian ang pisikal at pamamaraan Husay ay kinakalaban ang paniniwala Prebilehiyo at diskresyon ang tumuligsa Mataas ang antas ng diskursong digma Didilat ang gabing may payapang tugon Magpapahinga ang lalumunang walang tigil Magtatapos ang pangyayari pansamantala Panandaliang wakas sa iba.
0 notes
minasbad7800 · 6 years
Text
Panaguri
May sinasabi ang isip na nag aakala Tumatakbo, nakikinig sa mga hinala Nag-iipon ng mabibigat na dahilan Hindi bukas sa salitang may pagkakakilanlan Nalasing at sumaya nang maraming beses Sumayaw sa gitna ng kahibangan Sa malayo, tumumba sa kung saan Nagkamalay, kumilos at muling gumapang Mahalaga pa rin sa kanya ang estatwa Pinapakuan nya ng tingin sa bawat oras Manhid sa opinyon ng nasa paligid Sa laro ng kaganapan siya'y mananatili Marami siyang bago at masasayang kwento Sa likod ng lungkot sandakot ang nabuo Sabik na ibabahagi niya sa lahat Sa langit, lupa, at hangin na nilalanghap
0 notes
minasbad7800 · 7 years
Text
Distant
by Nads Vega Cordis 11-04-2017 | 21:50 Youve made my eyes glued to yours Allowing me to hear concealed sweet voice It sings, it speaks of vast aspects I reckon you're a song with superb lyrics Of fate we've met Stories have been exchanged Things transpired real quick Cognition had decided who I wanted The cloud had been too close to the ground We were wrapped with bliss around Feelings constantly got to new depths Tied by knot and not wanting to escape Surprisingly, the days changed Fears convened As if I developed Alzheimer's in the head Memories have no trace, rather chose to fade Why does your abandonment sounds so melancholic
1 note · View note
minasbad7800 · 7 years
Text
Pagbagal
Mabagal ang sayaw ng mga ulap Ang buwan ang lulukob ng liwanag Ikaw ang nakatago mong takot at saya Minsa'y itinatapon ang naluoy na gunita Nagawa mong salagin ang pait ng takipsilim Tumutula na ang iyong damdamin Naririnig ng kahit na sino Malinaw ang gustong ihayag ng puso Pangarap kita sa simula't simula Kasama ang mga kilos mo't salita Nakukulong ako sa bawa't buka ng bibig mo Sa rehas na tumitibay na pagtingin ko Bumabagay ka sa lahat ng paligid Tumitingkad na parang sa araw Dahilan para magising ako paulit-ulit Upang magbagal at dapat magdahan-dahan 01:03 29-10-20 17
1 note · View note
minasbad7800 · 7 years
Text
Headlight
"Headlight" ni Nads Vega Cordis Pauwi na si Emong mula sa graveyard shift niyang iskedyul na trabaho sa isang BPO company. Maluwag ang C5 road at mabilis ang andar ng dyip na nasakyan niya. Tiyak ay hindi na siya aantukin at muling makakatulog sa dyip tulad kahapon nang umuwi siya ng alas quatro ng madaling araw. Lumagpas siya sa dapat na bababaan at napilitang lakarin ang sumobrang halos 1 kilometro. Binaybay ni Emong ang kahabaan ng isa sa pinakamalawak na lansangan sa Maynila. May pagkakataong bumilis ang kanyang lakad na kalaunan ay tinakbo niya ang gilid ng highway sa kagustuhan marating agad ang tatawirin na footbridge na kung saan siya dapat pumara. "B'wiset na buhay to! Kung kailan antok na antok ka na at gusto nang makauwi sa bahay, saka ka paglalakarin ng pagkalayo-layo!" Naisip niyang tawirin ang highway na may tig-limang linya sa north bound at south bound upang mag-abang ulit ng dyip pabalik nguni't mabibilis ang mga sasakyan. Natakot lamang siyang maligis ng mga rumaragasang dambulahang mga trak na dumadaan kung madaling araw. Pawisan at umuusok ang tenga ni Emong nang marating ang kanilang bahay. Ayaw niya nang maulit ang bangungot na iyon. Pinakisuyo ni Emong ang hawak na otso pesos sa pasahero sa unahan. "Diyan lang ho sa Pinagsama," sagot niya sa tsuper nang nagtanong ito hawak ang ibinayad niya. Maingay at may sigawan ang mga tugtog sa earphones na nakapasak sa mga tenga niya upang lalong hindi siya makatulog. Nakatingin si Emong sa mga tanawin nilalagpasan ng sinasakyan niyang dyip. Makikisap na ilaw mula sa mga gusali at kung anu-ano pa ang nakikita ng mga mata niya sa nag-aagaw na dilim at liwanag. Maya-maya'y isang container truck ang tumutok sa puwitan ng sinasakyang dyip ni Emong. Nakasisilaw sa mga mata ni Emong na nakaupo sa bungad malapit sa estribo ang ilaw na ibinabato sa kaniya ng headlights ng trak. Napapikit siya. Maski sarado ang mga talukap at pumihit siya ng tingin ay naaninag pa rin ni Emong ang napakaliwanag na ilaw mula sa headlights. Nanatili siyang nakapikit sa mga sumunod pang ilang minuto. "Punyeta!" ang tanging salitang naibulalas ni Emong nang magising sa pagkakaidlip malayo na sa lugar na dapat niyang binabaan.
1 note · View note