Tumgik
minokawablog · 5 years
Video
youtube
KAUNA-UNAHANG PASKONG MAPUAN 2019
0 notes
minokawablog · 5 years
Text
Mga Interes
Fixie Bike
Tumblr media
               Marami tayong pwedeng maging interes, kahit ano pwede. Isa sa mga interse ko ay pagba-bike. Maraming klase ng bike, diba? Pero ang bike ko ang masasabing pinaka magandang klase para sa akin. Iyon ang fixie bike. Tinatawag itong fixed gear dahil sa ang gear nito sa likod ay nakadikit na mismo sa gulong at kung ano ang ikot ng gulong yun din ang ikot ng gear at kadena nito. Bakit nga ba naging isa to sa mga kinahiligan ko?
               Marahil na maiisip niyo kung anong klaseng bike ito at parang grabe ko ito kung ipagmalaki. Dahil marami akong masasayang mga nangyari kasama ito. Sa totoo lang tinuturing ko ang bike ko na baby ko. Nakakatuwa ang mga panahon na sobrang bilis nang pagtakbo ko at habang nagpepedal ka dumadagdaag ito at di tumitigil ang pagpedal dahil nakabase ito sa gulong. Kaya kung gusto mong ltumigil kailangan mong pwersahing pigilan ang pagpadyak. Habang ako ay pabilis nang babilis, bigla na lamang tumigil ang sasakyan sa harapan ko, at dahil baguhan palamang ako ay di alam kung paano huminto at umiwas na lamang ako ngunit nang aking pag-iwas may sumalubong sa akin na sasakyan at natawa na lamang ako dahil ako ay ligtas pa. baka inyong iniisip na bakit hindi ako makahinto eh may brake naman. Iyon ang kakaiba doon, wala iyong brake. Katulad ng sinasabi ko kanina, para ikaw ay makahinto kailangan mong pigilan mismo ang pagikot ng gulong sa pamamagitian ng pwersang pagpigil sa pedal. At iyon ang isa sa mga di ko makalimutang pangyayari sa aking pagba-bike at marami pang kakaibang pangyayaring naranasan ko dito. At habang patuloy ako sa pagba-bike tuluyan ko na nga itong kinahiligan.
               Minsan ang buhay natin ay pagba-bike lang ng fixie, kung ang nais mong makapunta sa paroroonan mo kailangan mong maghirap sa pagpapadyak. At kung sakaling nais mong magpahinga, maari kang tumigil pansamantala at muling ibalik ang lakas sa muling pagsampa mo. At kung sakali naming magkamali ka at bumagsak, hindi pa huli ang lahat, pwede kang tumayo at sumampa muli, masakit man ito, ngunit alam ko kakayanin mo namang pumadyak ulit. Yan ang ikot nang pagbabike at hinahalintulad ko ito sa aking buhay kaya ganun nalamang ang pagkagusto ko sa pag-bike dahil habang ako ay nahihirapan, kukunin ko lang ang aking bike at sa labas ako magiisip habang nakasakay ako rito, at doon ay nare-refresh ang aking isip.
-Tan, Justin Emmanuel
Musika
Tumblr media
Ang musika ay uri ng sining na ginagamitan ng mga tunog, timbre at ritmo. Bata pa lamang ako nahihilig na ako sa musika dahil sa mga kamag anak ko na mga musikero at musikera gaya ng aking tito. Si tito Bong ay isang magaling na musikero halos lahat ng instrument kaya niyang tugtugin at napakaganda pa ng kanyang boses. Ang pinaka paborito kong tinutugtug ng aking tito ay yung kanyang Piano, tuwing tinutugtug niya ito tuwing hapon ambilis naming lagging nakakatulog kaming mga mag pipinsan. Nakakamangha talaga ang aking tito na iyon isa siya sa mga nag hikayat sakin tumugtug ng instrument.
Nung ako’y tumungtong na ng highschool nung ako’s nasa ikawalong baiting meron kaming subject na Music and Arts at sa subject nay un kailangan na mayroon kayong gitara at tuturuan kami kung paano tugtugin iyon. Ang guro ko sa subject nay un ay si Teacher Benjamin at sa unang araw ng kanyang pag tuturo tinugtug niya kaagad ang kaniyang Gitara at ako’y namangha dahil ang ganda ng tugtog ng instrumento ang sarap sa tenga at napapansin ko na nakakadagdag pogi points yun nung araw kapag marunong ka mag gitara noong nasa ikawalong baiting pa ako. Doon nag simula ang hilig ko sa pag tugtog ng gitara at ako’y nag aral sa eskwela tungkol sa gitara at pagtapos ng pasukan nag aral din ako sa YouTube. Nung ika-siyam na baitang ako’y bumuo na ng sarili kong banda at nag simula ng tumugtug sa mga maliliit na okasyon.
Ang musika para sakin ang lagi kong kasama tuwing ako’y nalulungkot o tuwing ako’y masaya. Naging malaking parte ng Buhay ko ang pag gigitara dahil sap ag tugtog ng instrumento na ito madami akong nakilalang bagong kaibigan at madami akong karanasan sa pag tugtog sa harap ng entablado.
-Benitez, Miguel
Parkour
Tumblr media
               Ang parkour ay isang extreme sports na gumagamit ng lakas ng braso, mga binti at core ng katawan. Ang ginagawa dito ay tumatalon sa mga obstakels, nagsa-stunts at tilang naglalaro lang. maraming maaring gawin sa pagpa-parkour, maaaring umakyat ng mataas na dingding at meron itong ginagamit na mga pundamentals. Sa pagtalon pababa ay meron din. At doon naipapakita ng parkour ang pagiging isport nito sa pagkakaroon ng mga beysic na mga isteps, at mga pundamentals upang maisagawa ito nang maayos at ligtas.
               Ako ay nagsimulang makaalam tungkol sa parkour ay noong bata pa ako, nagkaroon ako ng interes sa isport na ito ngunit hindi ko pa alam ang tamang pagsagawa ng mga galaw nito at ginagaya ko lang kung anong nasa site ng youtube. Ako ay nasa ikalawang taon ng highschool noon. Ngunit nang nasa kolehiyo na ako, ako ay nagulat nang sa aking paglabas sa Mapua at napadaan sa walls na kung tawagin, mayroong mga nagsasanay at naglalaro ng parkour, ako ay lubusang natuwa at lumapit ako sa kanila at nagtanong kung maaari ba akong sumali, at sinabi nila ay oo at magdala lamang daw ako ng jogging pants sa sumunod na araw dahil noong araw na iyon ay di ako komportable sa aking pantaloon upang magsanay. Habang may oras pa noon ay pinapanood ko lang sila at doon ay nagkakaroon ako ng munting kaalaman kung paano ko maaring i-execute ang mga ito at maaari kapag tinuruan ako ng mga basics ay alam ko na agad.  Doon nagsimula ang talagang pagpaparkour ko, at ngayoon bagama’t bihira na lamang ako makapag sanay, dahil pinaalis ang mga nagpaprkour doon sa walls, ay alam ko parin kung paano gawin ang mga ito, may ilan mang hindi ko na kaya tulad ng wall spin at flip dahil kailangan nun ay patulous na pgsanay.
               Ang parkour ay minsang naging pangarap ko noong bata, dahil sa ako ay humahanga sa mga galaw ng mga gumagawa noon, sa mga palabas o kaya sa mga games or videos. Kaya ganun na lamang ang pagkatuwa ko nang may nakita ako na naggaganoon sa mismong labas ng school namin. At iyon ang isa sa mga nag pasaya ng aking mga activities.
-Tan, Justin Emmanuel
Mga Laro sa Kompyuter
Tumblr media
Ang mga kompyuter games ngayon ay tinitignan na isang masamang impluwensiya sa mga bata. Dahil dito mas nagiging bayolente daw ang mga bata sa henerasyon naming. Pero para sa akin naka depende lang talaga ito sa mga larong lalaruin mo. Malaking parte ng aking buhay ang mga kompyuter games, ito ay naging bonding na naming mag pipinsan.
Ang una kong nalaro sa kompyuter ay yung “Counter Strike” itoy laro na may dalawang grupo ito ay yung terrorist at counter- terrorist, ito ay isang bayolenteng laro ngunit isa din to sa rason kung bakit napakalapit naming mag pipinsan sa isa’t isa. Ang nag turo samin ng “Counter Strike” ay si Untoy ang pinaka matanda kong pinsan lagi kaming nag lalaro sa kanyang kompyuter at lagi kaming nag sasalitan sa kaniyang iisang kompyuter. Ang saya naming lagi tuwing kami ay nag lalaro hanggat sa nalaman naming tungkol sa lugar na tinatawag naming “ludz café” isa itong kompyuter shop na kung saan madaming kompyuter at dahil sa lugar nay un di na naming kinailangan na mag hati sa isang kompyuter at nakakalaban na din naming ang isa’t isa. Pangalawa naming laro lagi sa kompyuter shop ay yung DOTA  at hanggang ngayon yun padin ang laro naminn mag pipinsan tuwing may okasyon sa amin or reunion lagi kaming nagkikita para mag laro sa kompyuter shop at bumabalik lagi ang aming mga ala ala dun sa kompyuter shop na iyon.
Para sakin hindi lang masama ang nadudulot ng kompyuter games sa kabataan meron din itong dinudulot na mga magagandang karanasan na hindi na natin maaaring maranasan dahil minsan lang tayo maging bata. Ang kompyuter shop na “Ludz café” ay nagsara na at naging carinderia na lamang ngunit lagi padin naming itong nadadanan mag pipinsan at mapapangiti nalang kami sa tuwa.
-Benitez, Miguel
Photography
Tumblr media
              Ang pagkuha ng litrato ay isa sa mga pinakamagandang hobby. Marami sa buong mundo ang humilig dito. Masasabing sa litrato mapapakita ang maraming istorya o kwento at may isang pangunahing kwento na magbabse sa isang litrato. Ayon ang sining ng potograpiya.
               Noong bata ako ay wala akong kahilig hilig sa mga litrato. Bibihira mo makita ang aking mukha sa mga litrato noong bata ako, ni pagselfie ay di ko alam noon dahil siguro sa pag kahiya ko. Ngunit noong nasa kolehiyo na ako, nagkaroon kami ng mga asignatura na tungkol sa aming kurso, isa doon ang photography.  Una, pinakita sa amin ang mga sample pictures, at para sa akin, naiisip ko na di ko kayang kumuha ng mga ganoong klaseng mga litrato na magaganda. Sinasabi ko sa sarili ko kung kakayanin ko ba ang mga ito, ngunit habang tinuturo n gaming propesor ang mga detalye at mga hakbang sa pagkuha ng magandang litrato at doon ay naengganyo ako nang ako naman ang sumubok at tuluyan nang nagugustuhan ang pagkuha nito. Marahil ganoon rin ang mga naranasan ng mga taong nahilig sa potograpiya, lalo na kung andun ka sa punto na mapapahanga ka nalang sa mga kuha mo. Doon nagsisimula ang mga kilala sa larangan na ito. Sa una ay hindi nila alam at pagnasubukan ay kaya pala nila, meron naming interesado talaga sila doon at humahanga sila sa mga taong magagaling kumuha, at nagsanay sila. Maraming mga posibleng mangyari pag may interes ka sa pagkuha ng litrato at marami ring posibleng maging karanasan at pati mga oportunidad na maaaring dumating.
               Sa pagkuha ng litrato, kailangan mo ng pasensya, hindi basta basta magiging magaling ka, maraming kang pwedeng pagdaanan pa at sa daan na iyon, doon ka matututo. Wag lang tumigil sa kung ano ang gusto mong tahakin, kung balak mo mang maging isang magaling na potograper, ‘wag kang mawalan ng pagasa.
-Tan, Justin Emmanuel
0 notes
minokawablog · 5 years
Text
5 Paraan ng pagtatago ng Dyornal
Isang Travelogue - Magagamit ang dyornal upang lalong maging makahulugan ang pagbibiyahe sa iba't ibang lugar. Ang akto sa pagsulat ng dyornal ay maaaring mag udyok upang maging mapagmasid nang mabuhay  sa ating gunita ang mga lugar na ating narating.
Tumblr media
Isang Lagbuk - Sa panahon ito ng text at email, kailangan pa rin ang mga susulatan.  Sa dyornal, maaaring mag sulat ang draft ng mga sulat sa kaibigan, kamag anak o sa kahit sino, ipasya mang ipadala iyon kalaunan  o hindi. Sa pamamagitan ng dyornal nagiging mas matapat ang paraan ng pakikipagnig sa ibang tao. 
Tumblr media
Kwaderno sa pagplano - makapagtatala rin sa dyornal ng mga balakin, tunguhin o mga plano  para sa mga gawain may kinalaman sa isang proyekto, bisnes o anumang may praktical na gamit sa pang araw araw.
Tumblr media
Dyornal ng mga panaginip - Sa dami ng problema ng mga tao sa kasalukuyan bunga ng bilis ng pagbabago ng sibilisasyon at pang angkop sa modernisasyon, Maraming binabagabag sa pagtulog ng mga panaginip.
Tumblr media
Isang uri ng pakikipagusap sa sarili - Sa pag susulat sa dyornal nang may kalayaan o nang walang sensorship, nakapagtatapat o nakapangungumpisal tayo sa ating sarili, maging ng mga kahiya-hiyang bagay.
Tumblr media
0 notes
minokawablog · 5 years
Text
Paskuhan sa Mapua
Isinulat ni Czarina J. Calimlim
Ika-16 ng Disyembre taong 2019, nag-daos ng pagdiriwang ang mga mag-aaral ng Mapua na tinatawag na Paskuhan Mapua. Kung tama ang pagkakatanda ko, iyon ang unang pagkakataong narinig ko ang okasyong iyon. Iyon naman ang pangalawang pagkakataong naging aktibo ako sa mga extra-curricular activites. Ang una ay noong tumulong kami ng aking mga kaibigan sa pagdidisenyo sa entrance ng Mapua noong Foundation Week, nakaraang taon.
Bago pormal na magsimula ang pagdiriwang ng Paskuhan Mapua, ako at ang aking mga kaibigan ay muling tumulong sa pagsasaayos ng event na ito. Nagkaroon ng Float Parade kung saan kabilang ang bawat departamento ng paaralan. Kabilang ang SMS, kinapapalooban kong departamento, sa mga nagparada ng float noong araw na iyon.
Sa bawat departamento, may iba't ibang temang naka-atas, at The Little Mermaid ang binigay sa amin. Gumawa kami ng mga props gaya ng mga batong gawa sa papel, buntot ni Ariel na gawa sa tela at mga papel, mga galamay ni Ursula na gawa sa mga bakal at papel, at marami pang iba.
Habang ako'y gumagawa ng props, noon ko lamang naalalang muli kung gaano kasaya ang buwan ng Disyembre dahil sa mga event na inihanda ng administrasyon ng paaralan. Nagsilbi itong panandaliang pahinga para sa mga estudyante makalipas ang maraming buwang pagpapagal sa pag-aaral. Hindi man ako nagdiriwang ng pasko, itinuturing kong isa sa pinaka-masayang buwan ang Disyembre dahil tunay na mararamdaman mo ang kasiyahan at kasabikan ng mga tao sa mga okasyon gaya nga ng pasko at bagong taon.
1 note · View note