This blog is all about MIS Alumni Batch 2011. They're the best batch. It's too bad you can't be them. :)
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo


Poster made by Kirsten :)
5 notes
·
View notes
Text
Dise Ocho
Aba! ang bilis ng panahon, kakatapos ng ng Holy Week at ngayon nandito na ang pinaka mainit na panahon—summer. Sa sobrang bilis ngayon ko na lang naalala na magdidise ocho na tayong lahat, siempre meroon yung mga nauna na at mayroon ring nahuhuli pa pero majority na mag 18 na tayo.
Anong balak niyo sa mga debut niyo?
1 note
·
View note
Text
Gate Pass.
Nagbuklat ako ng almanac nung HS kanina, kasi kailangan ko ng scratch. Tas nakakita ako ng isang dilaw na papel, akala ko kung ano. Yun naman pala Gate Pass lang.
Yung papel na yun, yung napakaliit na papel na yun, naalala ko pang inasikaso ko sa registrar para lang makakuha nun pero halos isang taon lang naman nagamit yun. The year after parang nalaos na ulit ang gate pass sa MIS. Siguro kasi kahit naman yung iba walang gate pass, fake text lang galing sa magulang pwede na din lumabas, or di lang siya ganoon ka-obvious na uso sa akin kasi meron ako?
Nagtataka pa ako kung bakit ako nagkaroon nun, eh parang released yun on the 2nd or 3rd year. Eh hindi naman ako nagcocommute nun :)) Fourth year na ulit ako nagcocommute eh, plus yung masarap na lakad papuntang palengke. Litseee, namiss ko yun.
Kahit kasi sabihin mo sa akin na naglalakad ako sa Elbi, or kahit kayo din naglalakad kayo sa cubao, iba pa din yung feeling ng lakad sa Antipolo. Kakamiss. Litsee.
1 note
·
View note
Text
Screaming Squirmirs Clan
Yung feeling na naalala mo na gumawa si reever at si bryan ng clan na nagngangalang SSC at siempre dahil clan siya dapat may code name. At dahil clan din naman ang pinaguusapan ako nga pala si ertman. haha epic fail clan name ko, alam ko yuun, wala nalang pakealamanan.
Yun yung mga panahong nakatapat ko ang phrase na 'asl' at dahil baguhan ako, hindi ko alam kung ano ibig sabihin noon, ako lang ba ang nagiisa?!
Naalala ko may isang clan member na napaka lapit saating lahat na montessorian at sa iba pang nasa clan, si axel. Naalala ko na may isang day sa classroom na pinaguusapan natin siya.. hindi ko nga lang maalala kung bakit.
Pero hindi si axel ang dahilan kung bakit ko to naisipang i-post, gusto ko lang sana i-share na kahit parang jejemon pa ko magtext noon nakita ko yung progression ng pagbabago sa sarili ko, at dahil yun sa isang tao na nakikilala ko dahil sa clan na yun. Hindi ko siya papangalanan, sa totoo lang hindi ko na rin maalala yung pangalan/code name niya ang alam ko lang sa Pines siya nakatira pero hindi importante yun. Yung taong yun marunong umintindi at makinig, napaka mature at napaka reasonable, siguro dahil mas matanda siya kaya ganoon. Nabilib ako sa pasensya niya kasi halos araw-araw ko siya nakakausap. Tinulungan niya ko, at natuto ako sakanya, kayo ba nakaranas na ng ganoon? yung makakilala ng tao na iintindi sa iyo at makikinig sa iyo pero hindi niyo naman talaga kilala ang isa't isa, at hindi relasyon ang habol niyo.. yun yong tipong kausap lang talaga.
Natuwa ako dahil nakilala ko yung taong yun, kung balang araw makita ko man siya, gusto ko lang sana siyang pasalamatan. Malabo na ata yun. Eh kayo, ano naaalala niyo?
7 notes
·
View notes
Text
Fvck.
3 months nalang matatapos ng lahat. Hindi ko na sila makikita araw araw, hindi ko na sila makakasama ng madalas.
Pero siguro okay lang yun, makukuha ko na yung diploma ko, gagraduate na kami! Mag-cocollege na.
Konti nalang, tapos na 'tong mga kalokohan na 'to.
Putangina! Sana nakapasa ako sa mga inexaman kong university. Gusto ko talaga sanang magaral doon eh.
Paano na kaya kami? Kami pa din kaya pagkatapos ng school year na 'to?
Ano kayang gagawin ko para sa kanya this valentines?
Mamimiss ko sila ng sobra. :(
---
mga nasa isip natin nung New Year 2011.
0 notes
Video
youtube
Maligayang Pasko po sa inyong lahat!
Para to sa mga nageemo-emohan jan na hindi ramdam ang pasko, sabay sabay tayong magenjoy! Kalimutan mo na yang problema mo talikuran mo at ilibing mo na dahil pasko ngayon at tayo't magsasaya!:)
8 notes
·
View notes
Text
Nostalgia
Nakakatuwa yung unang game ng futsal kanina, naramadaman ko na wala naman talagang seryoso buong first game dahil halatang nag-karoon ng isang 'nostalgic' na moment. Napangiti ako ng saglit, ng patago, dahil narinig ko ulit yung mga tawa ng mga taong kasama ko sa iisang classroom ng apat na taon. Sana sa susunod mabuo ulit tayo:)
Maligayang pasko sa inyong lahat! Sabay-sabay nating iwelcome ang 2012!
2 notes
·
View notes
Text
Ang wala sa futsal/pakain bukas,
Mamimiss nanaman ang isang batch reunion, walanjo, malapit na pasko, pati birthday ko, punta na! aba! :p
-badz
0 notes
Text
Ang wala sa party ni Maan,
mamimiss si Maan lalo :)) great night:P
1 note
·
View note
Text
GUYS! GUYS! Sinong seatmate ko nung second year?!
badz to. sino sino?!
0 notes
Text
OI.
"Oi! Kamusta? Namiss kita :">"
Gusto ko ganyan ang magiging batian natin sa pagkikita natin sa DEBUT NI JANINE (walanjo, pumunta na kayo, makumpleto naman tayo kahit papano) ano beei!
HAHA! Basta ang di pumunta, mamiss namin lalo :">
Kaya punta na! Ngayon nalang ulit tayo magkikita after, what, 3 months? Grabe. Dali na.
0 notes