KUMUSTA! Ako ay si Mary Margaret T. Macasiray. Kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Manila University. Ipinanganak ako noong ika-5 ng Nobyembre 2000 at lumaki sa Parañaque. Mahilig akong maglaro ng gitara at ukulele, at kumanta (at sumayaw)... kahit hindi ako mahusay sa mga ito.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo

HENLO!
Ako ay si Mary Margaret T. Macasiray at sa aming Filipino class, ksksks ang aking palayaw. Isa akong mag-aaral sa Ateneo De Manila University.
Sa blog na ito, magtatalakay ako ng kaunti tungkol sa aking kabataan. Para sakin, ang pagkabata ko ay puno ng masasayang pangyayari, naalala ko na puro ito ngiti, at wala masyadong kalungkutan. Siguro kung ihahalintulad ko ‘to sa mga kulay, masasabi ko na ang kabataan ko ay kulay rosas, dilaw, at bughaw!
Si Barbie at Ang Gilas Ng Kanyang Mga Lalaki
Noong ako ay bata pa lamang, isa sa aking mga libangan ay ang panunuod ng mga pelikula. Paborito ko noon ay ang cartoons na Barbie. Mayroon akong mga DVD nito at mga laruan.
Naaalala ko pa noon, araw-araw ay manunuod ako ng Barbie, kinakabisado ang mga kanta dito at nakikisayaw pa. Sa tuwing may bagong labas sa sine nito, agad agad kong papanuorin. Hindi ko na maalala kung ilan talaga pero alam ko na madami akong manika nito at iba pang laruan at kahit damit. Kahit pag maglalaro kaming magkakapatid, may kinalaman parin minsan sa Barbie. Sa totoo lang, hanggang ngayon kabisado ko parin ang iilang mga kanta na naririnig ko sa mga pelikula nito at minsan inaaral ko pa ang chords ng mga kanta sa gitara.

Kung palalakihin ninyo ang larawan, mapapansin niyo na ang aking pantulog ay Barbie. (Kapatid ko ang nasa kaliwa, ako ang nasa kanan)

Tunay na isa talaga ito sa mga bumuo ng aking kabataan, sa gayon, kahit ang isa sa mga paborito kong kulay ay rosas dahil sa Barbie, para sakin maganda itong tignan at parang nabibigyan ako nito ng pakiramdam ng ginhawa.
Madaming pelikula ang Barbie ngunit sa lahat ng mga napanuod ko, napansin ko lang na sa kada problema na lulutasin, laging may lalaki na tutulong sakaniya. Tulad lang ng nasa 12 Dancing Princesses, kung saan kinailangan ni Genevieve (ang karakter ni Barbie) si Derek (ang “love interest” niya sa pelikula) upang makatakas sila sa isang lugar kahit na kasama niya lahat ng kaniyang mga kapatid na lahat ay babae.
O kaya sa Princess and the Pauper, kung saan si Anneliese at si Erika ay tinulungan pa Julian na itago ang pagkakawala ni Anneliese, dahil kailangan, sa sariling kastilyo.
Ang punto ko lamang dito ay lahat o kundiman lahat, karamihan ng mga pelikula ng Barbie, laging may lalaking karakter na andiyan para tulungan ang babaeng karakter. Dahil dito, posibleng natatatak sa mga manunuod, kadalasan at karamihan ay mga batang babae, na kailangan nila ng lalaki sa buhay dahil posible na ang maging sa pananaw nila, ang lalaki lang ang malakas at mahina ang kababaihan. Nagkakaroon sila ng mga ideya sa kung paano dapat ang kalalakihan umarte, halimbawa, ang kalalakihan ay pinoprotekhan lagi ang mga kababaihan, na kung sa totoong buhay ay hindi naman lagi ganoon ang nangyayari. Bukod pa rito, nagbibigay ang pelikula ng kaisipan, kahit hindi man halata, na importante na ikasal ang babae sa lalaking may pera o hanapbuhay na kayang bumuhay para sa kanila.

At dito na nagtatapos ang aking blog! Sana ay hindi kayo nainip sa pagbabasa! Maraming salamat!
0 notes