monloveletter
monloveletter
sulat para sakanya.
23 posts
or should i just keep on chasing pavements?
Don't wanna be here? Send us removal request.
monloveletter · 4 years ago
Photo
Tumblr media
september 2020 playlist
1 note · View note
monloveletter · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SOMEDAY OR ONE DAY — EP. 10 I would rather remember it this way. You never left my world.
217 notes · View notes
monloveletter · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Wallpaper Project @lyrical.stars  
 1436 x 3113 Available on Telegram / LINE
Set 338: Someday or One Day 
49 notes · View notes
monloveletter · 4 years ago
Text
araw-araw by ben and ben
ang pangako na sinabi mo sakin na bawat taon, kasama kita sa kaarawan ko.
unang taon at ginulat mo ako sa hinding pagaakala na naalala mo ang kaarawan ko, tsaka mo sinabi ang panagako mong hinawakan ko habang buhay. 
pangalawang taon sinagot kita at kahit kaarawan ko, ikaw pa ang mas masaya kesa sakin. Hindi ko maaalis sa aking isipan ang iyong mga ngiti nung gabing iyon.
pangatlong taon at hiningi ko na tayo ay kumain sa labas, akala ko kinalimutan mo yung paborito kong cake, ngunit sinupresa mo ako na may kasama pang bulaklak, sinabi mo sakin na bago ko hipan ang cake, magsabi muna ako ng tatlong hiling ko sa buhay, tinanong mo kung ano yun at sinabi kong hindi ko sasabihin sakanya.
pangapat na taon, kasama ko ang mga kaibigan ko na magdiwang ng aking kaarawan, tuwang tuwa ako kasi ikaw ang nagayos ng mga kaganapan ng araw na iyon, natapos ang gabi na binigyan mo ako ng cake tsaka mo ko hinalikan. 
panglimang taon at unang taon na magkasama tayo sa iisang bahay, madalang lang tayo magaway ngunit noong araw na iyon ay tayo ay nagkasagutan, akala koy sira na ang pinangako mo sakin ngunit umuwi ka sa bahay na may bitbit na paborito ko, at sinabi mong “bati o magaway man tayo, hindi ko sisirain ang pangako ko sayo mahal, patawad”. 
panganim na taon, pumunta tayo ng ibang bansa para sa kaarawan ko. pumunta tayo sa isang turntable vinyl shop, tumugtog ang paborito nating kanta tsaka ka lumuhod at naglabas ka ng singsing, at sinabing mong “ayokong kasama lang kita tuwing kaarawan mo, gusto ko sana araw-araw”
pangwalong taon, pumasok ako sa trabaho, humarap sa iba’t ibang pasyente, kumain sa labas kasama ko mga kaibigan ko at pinaalala sakin na kaarawan ko, may nagregalo sakin ng mga pagkain, may nagregalo din ng cd na paborito namin kantahin, ngunit tinawagan ako ng mga kaibigan ko at sinurpresa nila ako. nilabas nila yung paborito kong cake at magsabi ng hiling. tinanong nila kung ano ang hiling ko, ngunit napaisip ako, may hiling pa ba ako? magagawa pa ba yung hiling ko? hinipan ko ang kandila at pinikit ko ang mga mata ko na sana pagbukas ko ng aking mga mata ay dumating ka. hinintay ko matapos ang araw ngunit di ka nagpakita, di kita kasama. walong taon na sana tayo magkasama, akala ko hanggang dulo na, ngunit nasaan ka ba?
gumising ng luhaan at nagising sa realidad na wala ka na, at wala na ang pangakong pinanghahawakan ko. bawat taon hinihiniling ko na una, sana ang lalaking ito ang taong panghabang buhay ko na, pangalawa na sana hinding hindi niya sisirain ang pangako niya, at pangatlo na sana hindi niya ako iiwan.
pangpitong taon, unang taon nagdiwang ng wala ka, ayokong ayoko gumising sa kaarawan ko na wala ka sa piling ko tapos iniwan mo lang ako. simula nung araw na iniwan mo ko, araw araw kong pinangarap na nasa tabi lang kita paggising ko. ngunit araw-araw din akong gumigising ng luhaan. mahal, nasan na yung pinangako mo, mahal nasan na yung araw-araw na pagsasama, mahal nasan ka na? mahal bat mo ako iniwan. sana sa isang araw magkasama ulit tayo, at sabihin ko kung ano ang tatlong hiling ko, para sana di mo ko iniwan. 
bumalik ako sa tindahan kung saan mo hiningi ang aking mga kamay mahal, naaalala pa ako ng mga taong tumulong sayo, nakangiti nga sila sakin pero may halong lungkot ang kanilang mga mata. may binigay sila sakin, yung paborito nating cd, yung lagi natin pinapatugtog, yung “araw-araw” tapos binuksan ko at may nakasulat na “pipiliin ka araw-araw”. mahal sana may hiwagang mangyari at makasama ka araw-araw. mahal, sana payapa ka sa aking mga yakap. 
3 notes · View notes
monloveletter · 4 years ago
Text
importante
ayokong sabihin sa isang tao na hindi ko na siya mahal ngunit paminsan nagigising ka lang sa katotohanan na wala ka ng halaga sa buhay niya. 
0 notes
monloveletter · 4 years ago
Photo
Tumblr media
una.
unang araw, ikaw ang kumuha ng aking atensyon
 unang linggo, ikaw ay aking nakilala at tuwang tuwa ako na tayo ay nagkasundo unang pagsasama, napagtanto ko na gusto kita dahil nahanap ko sayo ang bagay na hinahanap ko sa taong mahal ko
unang gabi, tayo ay magkainuman at isa sa mga masasayang gabi ko, niyakap mo ko na parang wala ng bukas, at umuwing akala mo nanalo ako sa lotto. 
unang pasko, ikaw ay akin nakausap at binati ng maligayang pasko, ngunit ang bumalik sakin ay “maligayang pasko, kaibigan” 
unang araw pagkatapos magpasko, ikaw ay nagkwento ng iyong masayang pasko na kasama ang iyong mahal 
unang araw na pagkikita pagkatapos mag pasko, ngiting ngiti akong nakita kang masaya ngunit tumalikod akong lumuluha.
kung alam ko lang sanang masasaktan ako sa pagkakakilala natin, sana nung unang araw palang umiwas na ko, unang linggo palang di sana kita kinalala, unang pagsasama na sana akoy tumigil na sa kagustuhan ko, unang gabi na sana hindi nalang sana ako nagpayakap, unang paskong sana hindi nalang ako bumati.
3 notes · View notes
monloveletter · 8 years ago
Text
Sulat Para Sa Magbabasa Nito
may mga bagay na dapat tayo kalimutan yung bagay na tunatak sa puso at isipan natin yung manga araw na lahat may kapalit yung bawat oras na pinagsisihan mo yung bawat minuto na lahat ng nangyari ay hindi na mawala sa isipan mo akala mo nung una ay isa siyang masayang alaala na nagpapaalala na kung gaano ka kasaya kasama siya akala mo na siya na ang bubuo sa buhay mo at ayaw mo ng magpakawala sa kamay niya dahil ramdam mo na siya na akala mo na yun ang oras na hinding hindi mo kakalimutan dahil masaya at parang wala ng bukas yung mga akala mo na sana pinagsisihan mo din yung sinabi mo na sa sarili mo na sana hindi nalang ako nag akala alam kong ayaw muna alam kong gusto mo na makalimutan agad alam kong suko ko na at sana iba nalang alam kong sising sisi ka na sa lahat ng sinabi mo noon alam kong masakit dahil naramadaman ko na din yan alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin alam kong hindi mo kaya pero kailangan mong maintindihan na tama na tapos na wala na wag mo ng lokohin yung sarili mo wag ka ng magpaloko sa mga alaala wag ka ng umasa na babalik pa siya wag ka ng mag akala na magiging sayo pa siya tapusin mo na yang mga naiisip mo tapusin mo na yang nararamdaman mo tapusin na dahil tapos na ang lahat tapos na ang lahat at wala na sana ay pagbilang ko ng tatlo, isa, dalawa, tatlo, ay gumising ka na sa katotohanan na wala na ang lahat.
1 note · View note
monloveletter · 9 years ago
Text
Pagod.
Napapagod din naman ako.
Tao din naman ako.
Pero kung ituring mo ako, parang isang bagay lang ako na pag kaialangan gagamitin at pag hindi iiwan lang.
Para lang akong bag sayo, iiwan tas babalikan. 
Ayoko naman na, ilang taon na din naman tayo nagpaplastikan sa isa’t isa.
Ayaw mo diba? Pagod ka na daw diba?
Bat mo ko babalikan? Bat ba ako nanaman?
Sabagay lahat naman ng ginagawa ko para sayo.
Pero ano di naman ako natututo.
Kaialangan ko ng isang magaling na alarm clock sa pagising ng katotohanan na ginagamit mo lang ako.
Tama na, Tigil na, Pagod na ako.
0 notes
monloveletter · 9 years ago
Text
Ikaw nanaman
Ikaw nanaman?
Bat ikaw nanaman?
Sabagay ikaw naman talaga.
Sino pa bang iisipin ko?
Sa umaga, sa gabi, sa pagkain, sa pagligo, ikaw lang.
Ikaw lang, swerte mo, naisip mo na ba yun na ang swerte swerte mo?
Pero ni ako nga hindi mo maisip, ni hindi mo nga at ako maalala.
Pero tandaan mo ikaw lang, ikaw lang ang tumatakbo sa isipan ko.
Ikaw ba sinong iniisip mo?
Siya? Siya yung taong hindi ka maalala, pero minamahal mo pa rin?
Parehas lang tayo.
Parehas nating pinapanood ang mahal nating masaya na may kasamang iba.
Ikaw, sakin.
Siya,sayo.
Parehas lang tayo tanga.
Pero tandaan mo, ikaw naman laging nasa utak ko.
Ako nalang, ako nalang.
Wag mo ng saktan sarili mo, may nagmamahal sayo, nandito ako.
Ikaw, ikaw nanaman.
Ikaw lang.
0 notes
monloveletter · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Bat nga ba? Bat ka nga ba nahulog sakanya? Sino nagsabi? Kawawa ka tuloy, walang sumalo. Naging tanga ka para sakanya tapos gagaguhin ka lang niya. Goodluck nalang sayo, ipagdadasal ka nalang namin. Masaya ako para sayo sa naramdaman mo at natuto ka ng hindi magpakatanga. Please lang, wag mo ng uulitin.
0 notes
monloveletter · 9 years ago
Quote
Wala namang magbibilang kung ilang beses kang nagpakatanga diba?
English Only,Please 
0 notes
monloveletter · 9 years ago
Text
Ayoko sayo, Mahal kita
Ayoko sayo, mahal kita.
Ayoko sayo, dahil mahal kita.
Hindi naman kita maalis sa isipan ko. 
Pwede pero, hindi ko kaya.
Ayoko sayo, mahal kita.
Ayoko sayo, pero kailangan kita.
Gusto mo siya.
Kailangan mo siya.
At hindi ako magiging siya.
Iniisip kita gabi gabi.
Pati pag gising ko sa umaga ikaw.
Pag kumakain ako ikaw naiisip ko.
Manga gabi na hindi natin maalala.
Gusto mo din ba ako, tulad ng pagkagusto ko sayo?
Puta, ayoko na sayo.
Lagi akong pagod pero pagdating sayo nawawala.
May nararamdaman ako para sayo pero walag kang pake.
Sana ako nalang ikaw, para hindi mo ako mapakawalan.
 Puta pagod na ako kakaisip sayo. 
Pwede ba, ako naman isipin mo.
Ayoko sayo, Mahal kita.
Ayoko sayo., dahil mahal kita.
3 notes · View notes
monloveletter · 9 years ago
Text
1:44 am
hindi ako makatulog. hindi ko din alam ang dahilan. pero alam ko napapagod na ako. pagod na pagod na utak ko. hindi ko alam kung kanino. sayo ba o sakin. sayo ba na naiinis ako na nakilala pa kita. at saakin na bakit minahal pa kita. sabagay masakit na din ulo ko. ang sakit sakit na. ayoko na, pero ayaw talaga. bat ka pa kasi nagparamdam? edi kung sana kanina pa ako nakatulog. sarap na sana ng tulog ko. napaginipan ko pa si chris evans. pero ngayon, iba napapaginipan ko. kundi ikaw, ikaw na nangiwan sakin. napapaginipan ko ang pagiyak, ang pagluha, ang pusong sirang sira na. 1:48 am na. patulugin mo naman ako. 1:49 am at ikaw pa din. hanggang mag 2 am, nagsusulat pa din ako. ayoko na, ang sakit na. paalam at matutulog na ako.
1 note · View note
monloveletter · 9 years ago
Text
Kamustahan
kamusta ka na kaya?
ilang taon na din tayo hindi naguusap.
ilang taon na din yun, nung iniwan mo ko.
ilang taon na din nung sinabi mong takot ka.
ilang taon na din ako natatakot magmahal.
ilang taon na din nung nasaktan ako ng sobra.
ilang taon na ding wala ka ng pake.
ilang babae na ba naloko mo?
ilang beses ka na kaya nakasabi ng forever?
ilang tao na ang nasaktan mo?
ilan na ang iniwan mo?
nagmahal ka ba?
kamusta ka na ba?
5 notes · View notes
monloveletter · 9 years ago
Text
One More Chance
Naniniwala ka ba sa One More Chance? Nakapag patawad ka na ba? Anong feeling na binigyan mo pa ng isang pagkakataon yung taong nangiwan sayo? Naisip mo na ba na nagmumukha ka ng tanga? Para sakin sa palabas lang may One More Chance. Sana kung ikaw si Popoy at si Basha na pati manok pinagaawayan. Alam mo sinasayang mo lang oras at effort mo sakanya. Mahal ka ba niya? o ginagamit ka lang niya para sabihing may karelasyon siya?Tandaan mo ang buhay ay hindi parang balat ng manok na sobrang sarap pero ang buhay ay parang buto ng manok hindi mo alam kung luto o hindi, masaya ba o hindi. Madami pa diyan, wag kang atat, sapakin kita diyan. 
0 notes
monloveletter · 9 years ago
Quote
kasi ang totoo umaasa parin ako na sabihin mo, sana ako parin. Ako nalang. Ako nalang ulit.
One More Chance
0 notes
monloveletter · 9 years ago
Text
Umuulan
alam mo umuulan?
umuulan ng manga pangarap at pagasa.
umuulan ng sakit ang damdamin.
umuulan.
ang sakit sakit.
umuulan ng hinanakit.
umuulan.
alam mo kung bakit umuulan?
kasi iniwan mo ko.
yung pangarap kong nawala.
ang dadamin kong payapa, naging magulo.
ang laki laki ng atraso mo sakin.
alam mo ba kung bakit umuulan?
hindi, kasi hindi mo din naman alam yung nararamdaman ko.
ang lakas ng kidlat no?
ganyan kalakas tong puso kong sinaktan mo.
pagod na pagod na ako.
iyak ng iyak ng iyak ng iyak.
ulan ng ulan ng ulan ng ulan.
0 notes