Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang Mahiwagang Disitrito ng Higashiyama, Kyoto Japan.
Blog ni: Paulo C. Magtalas

Mga nagsisilakihang templo, mga mahihiwagang altar o shrine, mapuno’t magagandang tanawin, mga traditional na bahay at ang mga matatatag na Torii ay ang halimbawa ng mga tanawin na iyong maaaring makita kapag pumunta sa distrito ng Higashiyama, Kyoto, Japan. Ang mga templong nuong sinauang taon pa naitayo na sinubukan na ng panahon at ang mga mahihiwagang pundot na dito lang makikita ay nakakapagbigay ng kakaibang pakiramdam ng pantasiya. Ito ang aking nadama habang ako ay namamasyal at nag lalakad sa distrito ng Higashiyama, Kyoto Japan.
Noong ika-18 ng Hunyo, 2019, ako at ang aking pamilya ay lumipad patungong Japan upang mamasyal at mag family bonding. Kami ay nanatili ng isang lingo sa lugar ng Osaka dahil dito kami nakadestino. Ang distrito ng Higashiyama sa Kyoto Japan, ay para sa akin, ang pinaka masaya at pinakamagandang tourist spot na aming binisita sa kadahilan na makikita natin dito ang kanilang pinagmamalaking at isa sa tinuturing na “World Heritage Site” na mga templo at shrine, ang kanilang mga sinaunang arkitektura, ang kanilang sining at ang kanilang kasaysayan mismo sa Osaka, Japan. Talaga namang tinatamasa at pinupuntahan ng mga iba’t ibang tao ang lugar na ito dahil sa mga nagsisilakihang mga templo na kung saan ang bawat templong ito ay may angking katangian, isang halimbawa nito ay ang Rengeoin Sanjusangendo, templo ng mga buddhist sa lungsod ng Kyoto, Japan. Ang templong ito ay mahaba at malaki na naglalaman ng higit sa isang libo at isang Buddha figures na nakakabighaning tignan. Hindi ko makakalimutan ang presensya at ang pagkakalula na aking naramdaman habang ako’y naglalakad dahil sa dami ng rebulto na nakapaligid saakin. Fushimi Inari shrine kung saan ay mapuno at malawak ang tanawin. Dito rin matatagpuan ang mga magkakadikit na Torii, ito ay isang tradisyonal na gate sa Japan na kadalasang makikita sa mga templo o shrine. Makikita rin sa shrine na to ang iba’t ibang rebulto ng Fox Statue, ang mga rebultong ito ay detalyado at ako ay manghang mangha sa mga ito.
Samakatuwid, nakita ko ang kagandahan ng kultura ng sining at arkitektura ng mga sinuang hapon. Ako ay namangha at nabighani sa mga disenyo at mga rebulto na kung saan makikita talaga ang kultura ng mga Hapones na hanggang ngayon ay kanila paring inaalagaan at pinapayabong. Kung magkaroon man ako ng pag asang bumalik sa Japan, paniguradong isa ito sa mga lugar na aking unang babalikan.
0 notes
Text
Ang Paglalakbay sa Boracay
Blog ni: Mahesh Talwar

Ang Boracay ay nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas preska at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan. Ang snorkeling at pagpapakain ng mga isda sa karagatan ay masaya para sa ilang tao dahil makikita nila ang kagandahan ng karagatan at makikita ang iba't ibang uri ng isda. Noong nasa Boracay ako, gustong-gusto kong mag-snorkeling at magpakain ng mga isda dahil nakakawala ito ng stress at nakikita ko ang mga magagandang isda. Gustung-gusto ko ring pumunta nang malalim sa karagatan at hawakan at litratuhan ang mga isda at mga kabibe doon.
Ang Boracay ang pinakamagandang puntahan ng mga turista para makita nila ang kagandahan ng mga dalampasigan, karagatan, at isda. Sikat na Sikat ang Boracay ngayon. Minsan, marami ding artista na pumupunta din sa Boracay. Ang malinaw, mababaw na tubig na nakapalibot sa Boracay ay perpekto para sa mga pakikipagsapalaran sa at sa tubig. Dahil sa linaw ng dagat, maraming mga iba’t- ibang isda ang makikita doon.
Ang seafood doon ay isa sa pinakamasarap na seafood dahil sariwa nagmula direkta sa karagatan. Ang ilang mga restaurant doon ay may pinakamahusay na lasa ng seafood. Ang aking pamilya ay kadalasang pumupunta sa Boracay upang doon kami magbakasyon. Maraming aktibidad sa Boracay, pero ang paborito ko ay ang snorkeling at pagpapakain ng mga isda. Kaya't inirerekumenda ko ang aking mga kapwa kaibigan at kapamilya na magpalipas ng oras doon sa Boracay at tingnan ang mga magagandang dalampasigan Ang mga aktibidad ay zip lining, snorkeling, helmet diving, jet skiing, island hopping, at banana boating. Maraming dayuhan ang pumupunta sa Boracay dahil sa magagandang dalampasigan at kapanapanabik na aktibidad.
0 notes
Text
Ang Isang Linggong Pananatili Ko sa Japan
Blog ni: Sebastian Dean C. Canapi

Ang unang lugar na napuntahan ko sa labas ng bansa ay sa Miyoshi, Japan. Pumunta ako doon noong 2017. Ang Miyoshi ay nasa isla ng Shikoku. Kakaunti lang ang mga tao doon at maraming mga magagandang tanawin ang makikita doon, kagaya ng mga lawa, at bundok. Sa totoo lang, pagpunta ko doon para lang siyang probinsya sa Pilipinas pero kakaiba nga lang ang klima.
Ang mga tao doon ay disiplinado at napakalinis talaga ng kapaligiran sa Miyoshi. Meron ka ding makikita na mga shrine kung saan nagdadasal ang mga taong nakatira doon. Napaka sarap din ng mga pagkain doon. Ang mga pagkain nila ay karamihan na pagkaing dagat, kagaya ng mga isda, hipon, alimango at iba pa.
Napakaganda din ng mga arkitektura ng mga ibang lokasyon doon, tulad ng Akita’s Miyoshi Shrine, Iyanokazura Bridge, Unpen Temple, at iba pa. Napakaganda talaga ng Miyoshi. Napakasaya din ng aking pagbisita sa lugar na iyon at sana naman, isang araw ay makabalik ulit ako doon.
0 notes
Text
Ang Pagdiriwang ko sa Hongkong
Blog ni: Jesus Piolo A. Rizo

Naglakbay ako kasama ang aking pamilya sa unang bansang binisita ko upang magdiwang at magsaya. Ang bansa na iyon ay hongkong. Sa bansang hongkong marami ako nakitang lugar na kamangha-mangha at kaakit-akit na lugar. Katulad nalang ng Victoria Peak, Ocean Park, Disneyland at iba pa. Base sa aking natatandaan ay Victoria Peak ang unang lugar na aming napuntahan at nang makita ko ang view ay sobra akong nagandahan at napawow nalang talaga ako.
Nakita ko rin ang reaksyon ng aking pamilya at parehas kami na namangha sa lugar. Ang isa pa sa lugar na aming napuntahan ay Ocean Park. Ang una naming pinuntahan dito ay ang aquarium at marami akong nakitang maliliit, malalaki at mga kakaibang isda. Ako ay lubhang natuwa dahil dati nakikita ko lang ang mga isdang ito sa social media at ngayon ay nakikita ko na sa personal. Kasunod na pinuntahan naming sa Ocean Park ay ang mga rides neto.
Sobrang akong napabilib sa mga rides dahil sobrang laki ng mga ito katulad nalang ng roller coaster at nakita ko ang roller coast ay literal na umiikot. Habang kami ay nakasakay sa rollercoaster ay ako ay natatawa dahil nakikita ko ang ibat ibang reaksyon ng mga ibang tao. Ang mga reaksyon ng tao ay ang iba ay kinakabahan, naeexcite at ang iba ay gusto ng bumackout. Overall ang aking naranasan sa hongkong ay ito ay kapana-panabik, hindi malilimutang araw ��at nakakawala ng stress.Sinabi ko sa sarili ko na pag ako ay tumanda at nagktrabaho ay babalik ako sa hongkong dahil sa masayang karanasan ko sa bansang iyon.
1 note
·
View note