Don't wanna be here? Send us removal request.
Conversation
HAPPY 5TH MONTHSARY MOMMY JAM! ♥
Hi Jam, Bro, Love, Love ko, Lovelove, Lovelove ko, Lab, Lab ko, Lablab, Lablab ko, Mommy, Mommy ko, My, My ko! ♥ :
It's been 5 months now and yet yung feeling ko sa'yo hindi na siya katulad nung una kitang minahal. You know why? Kasi yung love na naffeel ko now is getting stronger and I fall deeper than before yieee. Hahaha!:
I love you means tinanggap kita kung ano at sino ka. Sasabihin ko ulit sayo at paulit ulit kong sasabihin na walang dahilan kung bakit kita minahal. Minsan nga nagtatanong na yung iba kung gaano kita kamahal. Alam mo bang wala akong maisagot. Kasi hindi ko alam kung papaano susukatin yung pagmamahal ko para sa’yo. Hehe. Pero alam mo ba yung salitang PAGMAMAHAL? Hindi ko yan pinag-aralan pero sa’yo ko yan natutunan. Hinding hindi ako magsasawang mahalin ka at sana ganoon ka rin. :
Sorry Mommy sa mga pagkakamali ko. Sorry kung nasasaktan kita kapag nag aaway tayo. Sorry kung masakit na ako magsalita sa mga away natin. Mas gugustohin ko yung masaktan na lang ako kaysa ikaw yung nasasaktan ko. Pero kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may isang daan na dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka, tandaan mo yan. :
I feel lucky because you are my girlfriend. Hindi lang basta girlfriend kung 'di my fiance (yung ring muna sa ANL, hahaha!), my bestfriend (kasi lahat ng secrets/problems mo sinasabi mo sakin, lahat nga ba? hahaha), my no.1 supporter (Siyempre! You have always been there to support me, taking care of me and loving me unconditionally yiee. Hahaha!) , my mentor (naks! hahaha!), my therapist (sayo pa lang ganadong ganado hahaha!) ♥ Mapapa SANA ALL na lang sila kasi I have YOU. : :
Fights and arguments, ups and downs. Lahat ng mga bagay na yan kaya natin lampasan. Hoping sa mapagkumbaba, mapag pasensya at maintindihin na Mommy. Sana ikaw pa rin yung Jam na nakilala ko na kahit isa satin yung may kasalanan, siya agad yung manunuyo. Hindi ko sinasabing ikaw laging manuyo. Iba parin kasi talaga kapag ikaw. Bumibigay ako eh. Hehehe. Pero I understand naman kung hindi mo na kayang ibalik yung ikaw dahil nga po sa nagawa ko. Pero wag mo sanang hayaan na mangibabaw ang galit/inis/tampo kaysa sa pagmamahal mo sakin. Ayokong dumating sa time na hinahayaan na lang natin yung relasyon natin na mag work ng hindi napag uusapan ang problema. Dahil sabi nga nila mas masakit yung breakup na walang third party na involved. Yung parang wala na kasi hindi na natin alam kung ano ba talaga ang nangyayari, hindi na natin alam kung bakit nagbago, kung bakit nagkaganito na nag simula sa masayang pagsasama nauwi sa masaklap na pagtatalo, nawala na yung spark sa isa't isa, lumabo na yung plans and dreams natin na sabay natin pinagpaplanuhan at pinag ppray. Mas masakit ito kasi dumating na yung point na kailangan na natin i-give up yung relasyon na nasimulan natin, yung mga pinagsamahan natin, yung masayang ala-ala dahil lang sa hindi pagkakaintindihan. Ayaw na ayaw kong nakakaramdam ng pagod, kasi kapag naramdaman ko na yun susuko na lang ako ng basta. Gusto ko patunayan sa iba at sa kanilang lahat na tama yung naging desisyon ko na i-give up yung relasyon ko with my ex para lang ipaglaban yung pagmamahal ko sa'yo. Masyado ng toxic ang taong nasa paligid natin. Sana maisip mo rin na nag sarcrifice tayo, nagtake tayo ng risk para lang maging posible ang lahat ng ito. Sana maisip mo rin na hindi madaling sayangin ng basta itong relasyon na ito. Mahirap yung dumating tayo sa point na "SA UNA LANG TAYO MASAYA". Sana hindi mangyari yun. :
Ever since you came into my life maraming nagbago. Simula sa sarili ko. Natutunan kong mapagkumbaba sa lahat ng away natin. Yung tipong gustong gusto kong awayin ka pa pero lumalambot puso ko kapag nakikita kitang umiiyak. Alam mo yan. Natutunan kong pag usapan ang problema na hindi kailangan takasan. Kasi hindi naman massolve ang problema kung tatakasan lang natin pareho. Kailangan natin harapin lahat. So many plans and dreams we have to accomplish. I believe everything happens for a reason. I can’t wait to make our dreams come true. I promise to make you the happiest woman in the world. Thank you for making me fall in love with you everyday. Thank you for being the best girlfriend ever. Feel appreciated and loved. Thank you for everything Mommy! Enjoyin lang natin ang buhay kasama kita at kasama mo ko. Wag ka sanang gigive up kahit anong pag subok, away, tampuhan pa ang pag awayan natin. May God bless us forever, together. Happy 5th Monthsary to us! I love you Mommy ko!:
Pasensya na mukhang madrama yung letter ko. Kasi ang dalas na natin mag away. HAHAHAHA. :
-Daddy Mac. :
1 note
·
View note