Text
05|04|2021
INTRODUKSYON
- Bilang isang mag-aaral ng Bicutan Parochial School sa baitang na Grade 10 na kinabibilangan ng Mary Help of Christians. Kami ay naatasan na mag interbyu o gumawa ng mga katanungan sa kakilala na gumagawa ng mabutibg bagay, na nais naming malaman patungkol sa kanyang pagtulong sa kaniyang kapwa.

Si Kuya Eugene Giron Sico ang aking napiling tatanungin patungkol sa pag tulong niya sa kapwa. Siya ay naglilingkod sa simbahan ng Our Lady of the Holy Rosasry Parish sa lower bicutan, at isa siya sa namumuno sa ministriya na Lit'arts. Atin ng alamin ang mga dahilan at ilang pang dagdag na katanungan ko sakanya at malaman ang kaniyang kasagutan sa mga ito…


Noong ika – 2 ng Mayo, 2021, aking nakapanayam si Kuya Euegene Giron Sico, isa sa mga namumuno ng ministriya ng Lit'arts sa Our Lady of the Holy Rosary Parish, patungkol sa kaniyang sariling karanasan sa pagtulong at pagbabahagi sa kapwa, na kasama niya ang kaniyang ministriya.
MGA KATANUNGAN
1. Ano ang iyong dahilan bakit mo tinutulungan ang mga taong nangangailangan?
Ang dahilan ko kung bakit ako tumutulong sa aking kapwa o mga taong nangangailangan ay sapagkat alam ko na ang kapwa ko ay nahihirapan na kaya kami ay gumagawa ng paraan upang makatulong kahit papaano sa mga tao. Kami ay nag lunsad na din ng community pantry ngayong panahon ng pandemya, dahil alam naming madaming mga taong nagugutom at walang mapagkukuhanan ng makakain dahil sa hirap ng buhay.

2. Sino ang nag hikayat sa iyo upang gawin ang ganitong bagay?
Wala nag hikayat saamin o saakin dahil kami na ang nag kusa para sa ika-bubuti ng maraming tao maging panahon man ng pandemya o hindi, kami ay nagkukusa at gumagawa ng paraan upang maipagpatuloy ang pagtulong namin sa ibang tao.

3. Ano-anong mga bagay ang madalas mong gawin na makabubuti para sa iyong kapwa?
Ang nga bagay na madalas kong gawin na makabubuti para sa aking kapwa ay ang pag bibigay ng tulong pisikal at pagkain, pati narin ang pag bibigay ng kaalaman sa mga batang lansangan at tinuturuan ng ilang kaalaman para sa kanilang sarili.

4. Ano ang naitutulong ng pagtulong mo sa iyong kapwa sa pag unlad ng ating bansa?
Ang pagiging matulungin ay isang katangian na dapat taglayin ng bawat isa, ang pagtulong natin sa kapwa o sa taong ngangailangan ay hindi dapat pinipilit bagkus ito'y bukal sa ating mga puso. At para saaking palagay nakakatulong ang pagtulong ko sa kapwa sa pag unlad ng ating bansa sapagkat nakakatulong ito upang mabawasan ang mga taong nagugutom at nakakatulong din sa ibang tao na maging inspirasyon nila ito upang sila rin ay tumulong sa iba.

5. Ano ang iyong ginagawa upang mas lalong mag patuloy ang iyong ginagawang pag tulong sa ibang tao?
Ang ginagawa kong paraan upang mas lalong mag patuloy ang aming ginagawang pag tulong na ito sa ibang tao, ay ang nag darasal sa Panginoon na sana hindi kami pabayaan at maipagpatuloy namin ang gawaing ito, para mas marami pang taong matulungan at maging aral sa ibang tao at makapaghikayat sakanilang gawin din ang mga ganitong bagay na maaring makatulong sa ating kapwa tao.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang pag bigay tulong sa kapwa ay isang bagay na lubos na nakabubuti sa ating komunidad at lipunan. Makikita rin natin na ang pagtulong sa kapwa ay nagbibigay inspirasyon sa iba na tumulong rin, lalo na sa mga nangangailangan.Kapag tayo’y nagbibigay ng tulong sa ating kapwa, tayo ay nagiging modelo para sa kabutihan. Tayo rin ay nagiging mabuting ihemplo para sa mga kabataan. Sabi nga ng Bibliya, “Gawin sa iba ang gusto mong gawin sa iyo”. Ngunit, hindi ka dapat tumulong sa iyong kapwa para tulungan ka rin nila sa huli. Ang pagtutulong sa kapwa ay dapat galing sa ating mga puso. Bukod dito, dapat wala rin tayong hinahanap na kapalit.
-Mariñas, Jessa Mae M.

1 note
·
View note