Text
Empieza el Patriarcado! (Let the Patriarchy begin!)
Marami sa atin ang nasa isip kapag nakikita nila ang salitang patriyarkal ay ang pag-domina ng mga kalalakihan sa lahat ng aspeto. Hindi lang naman din ang mga kalalakihan ang ganyan mag-isip kung hindi ang mga kababaihan din. Lumipas ang panahon, ang mga kababaihan ay natuto na ding ipaglaban ang kanilang karapatan. Pero sa puntong ito, napapansin ko din na masyado na ding dino-domina ng karapatang pambabae ang mundo, dito na din sumibol ang feministang pag-iisip. Hindi naman masama maging feminista, pero siyempre hindi lang ang mga kababaihan ang dapat magkaroon ng karapatan. Pantay-pantay kang dapat, pare-parehas lang naman tayo nabubuhay sa mundong ito at pare-pareho lang din naman tayo nagmula sa unggoy. Gustung-gusto ng mga kababaihan ng pantay na karapatan pero sila mismo ay hindi din marunong rumespeto sa karapatang ng mga kalalakihan. Hindi din pantay ang batas natin na puro babae lang palagi ang may karapatan dahil hindi lang din naman sila ang nasasaktan. Hindi lang kayong mga babae kayo ang anak ng Diyos. Tandaan niyo, kayong mga babae kayo ang unang sumuway sa utos ng Diyos, ayon sa bibliya, kaya huwag niyo kami basta-bastang lalapastangan. Kung gusyo niyo nang pantay na pakikitungo sa isa't isa, simulang niyo ang pag-respeto sa mga kasalungat na kasarian niyo. Hindi porke't madaming namumuno na kalalakihan sa gobyerno ay hindi na namin kayo binibigyan ng sapat na karapatan. Tandaan niyo ang batas ay bias sa inyo. Kapag nga may rape, kaming kalalakihan ang nakakasuhan, pero kapag may balitang ang babae ang nanghalay, parang wala lang sa lipunan natin iyon. Kapag sinampal ng babae ayos lang, pero kapag ang lalaki nanampal ng babae, abusado na agad sa mga babae. Sana pala nanahimik na lang pala kayo sa mga bahay at sana pala di na namin kayo binigyan ng karapatan. Nagsusuot kayo ng bra na lalaki ang may gawa tapos ganun niyo na lang kami tinatrato. Ang pagkakapantay-pantay nating mga tao ay nagsisimula din sa ating mga sarili, nagsisimula sa pagtanggap ng ibang kasarian, babae man o lalaki. Hindi ko sinasabing hindi kasarian ang bakla o tomboy pero ang babae at lalaki kasi ang pangunahing batayan sa pagkakakilanlan mo bilang isang tao. Hindi ako nandidiskrimina ng mga bakla at tomboy, baka kasi lagyan niyo ng ibang ideya ang aking ibig ipakahulugan. Madami akong nakikitang ganito lalo na sa mga pampublikong transportasyon tulad na lamang ng LRT. Hindi lang nabigyan ng upuan ang babae, vivideohan na niya ang lalaki upang magtrending sa social media. Ate, hindi mo kinaganda 'yang pag-video mo. Bakit matanda ka na ba? Buntis ka ba? May dala ka bang bata? Mau kapansanan ka ba? Hindi naman diba? Sila dapat ang prayoridad na paupuin pero ano ginagawa ng mga senior na lalaki, mas unang pinapaupo ang mga kababaihan kahit na sila ang prayoridad. Tapos ngayon gusto niyo pang pag-usapan ang pantay na karapatan, kayo ngang mga babae kayo hindi niyo din mabigay sa amin ang respetong binibigay namin sa inyo. Pantay ang ating karapatan kung pantay din ang ating pagtingin sa isa't isa. Hindi mawawala ang diskriminasyon kung ang iniisip mo sa iyong kasarian ay makapangyarihan. Walang makapangyarihan sa mundo. Hindi mo madadala sa iyong libingan ang karangyaam at kapangyarihan, bagkus lahat ng mga ito ay iiwan mo lang dito sa kalupaan.
1 note
路
View note
Text
Pelikula: Gawa ng Masa, Para sa Masa
Karamihan sa mga nakikita nating mga pelikula ngayon ay puro pang katatawanan at pang pamilya. Karamihan din ng ating Pilipinong pelikula ay hango sa mga taga kanlurang mga pelikula. Habang lumilipas ang panahon ang ating pelikula ay papangit na papangit. Nawawala ang esensya ng pelikulang Pilipino. Hindi na din nabibigyang-pansin ang mga Indie films, na dapat sila ang maging blockbuster sa mga sinehan dahil ito ay tumatalakay sa realidad at pamumuhay ng isang tao. Bakit ayaw natin ng katotohanan at ang hilig hilig natin sa mga aliwan? Mapapansin mo din ito sa mga pelikula na pinapalabas sa atin. Karamihan dito ay kung hindi drama, ay puro walang kwenta na palabas. Sa ating telebisyon ay ganun din. Kahit ang balita minsan ay wala na ding kwenta dahil mas lamang ang showbiz kesa sa mga balita na dapat pagtuunan ng pansin ng mga Pilipino. Dapat, bilang isang mamamayang Pilipino na inaapi mismo ng sistema, ipakita natin sa pamamagitan ng pagsasadula ng realidad sa pamamaraang pang pelikula upang mapukaw ang atensyon ng marami at magising ang diwang makabayan at rebolusyonaryo ng mga Pilipino. Hindi naman masama magkaroon ng mga pang-aliw na palabas, huwag lang ito lulubusin dahil hindi nakakatawa ang realidad. Bigyan din natin ng pansin ang mga Indie films, dahil mas maganda silang panoorin kaysa sa mga walang katuturan at walang kwentang palabas ni Vice Ganda at iba pa. Ito ay tumatalakay sa kalagayan ng lipunan, kung gaano kahirap mabuhay bilang isang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas, at mga pagsubok nito sa realidad. Makikita mo din sa ating pelikula ang mga pangyayaring naganap na sa ating kasaysayan. Para sa akin, mas ginaganahan ako manood ng mga pelikulang pang dokumentaryo at mga pang kasaysayan at mga indie films dahil dito nakikita mo ang mga pangyayaring naganap bago pa man ako isilang dito sa mundong ito. Ngayon, puro walang kwenta na lang ang nakikita natin sa ating pelikula. Kung hindi kay Vice Ganda, puro pang Horror na wala namang ginawa kung hindi manggulat ng mga manonood. Ang pelikula ay para ding pagsasadula sa kung anong nangyayari sa ating lipunan. Hindi masama ang katatawanan, pero huwag itong sobrahan. May mga natanong din akong mga tao tungkol sa kung ano ang alam nila pagdating sa Indie films, karamihan sa kanila puro bold ang sinabi, porke't madaming bold na palabas sa indie films. Dito din nasisira ang esensya ng indie films na imbis magtalakay ng kalagayan ng lipunan ay puro pagtatalik at pagtatanggal ng saplot ang pinapalabas. Minsan din akong nangarap bilang aktor, pero mas gusto ko sa mga indie films, kasi doon mas makatotohanan ang kanilang mga palabas. Doon, naipahihiwatig ang kalagayan nating mga Filipino. Ganyan talaga ang tunay na esensya ng pelikula, na nagsasalamin sa ating lipunan at nagtatalakay ng mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa. Kaya ang pelikula at pwede ding magsibol ng diwang rebolusyonaryo, manood ka lang at mamumulat ka sa katotohanan at realidad, magigising ka sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Sana sa babasahing ito, mamulat ang ating mata tungkol sa tunay na adhikain ng pelikula. Ang pelikula ay gawa ng masa, para sa masa, at dapat ang palabas ay puro pang-masa. Ibalik ang dating pang-masang pelikula sa mga sinehan.
0 notes
Text
Mga Dakilang Salsalero sa Internet
Napakalawak ng ating internet. Mapa-international man o local, napakadami mong pwedeng puntahan. Sa isang type o click pa lamang at madami nang lalabas na artikulo. Ang internet ay pwedeng makatulong at makapagpahamak sa iyo. Madami ding uri ang imternet. Isa na dito ang social media. Noon, ito'y lapagan ng mga artikulong pwedeng makatulong sa iyo upang mapalawag ang iyong kaisipam tungkol sa paksang iyong gustong matutunan. Ngayon, pawang mga kabobohan at katarantaduhan na lang ang makikita mo. Mayroon ding iilan na matino, tulad ng tumblr at iba pa. Ang internet ay isa ding kagamitan upang magsulong ng diwang rebolusyonaryo. Pwede ka magkalat ng totoong impormasyon at sabihin mo ang iyong hinanaing tungkol sa paksang iyon. Dahil din sa internet nawawalan tayo ng privacy sa mga bagay-bagay. Mga bagay na hindi naman dapat ilagay sa social media ay nakalagay na. Padami nang padami ang mga bobong nagamit sa internet lalo na sa social media. Ano nga ba ang importansya nito? Ito ba'y kagamitan lang upang makakuha ka ng atensyon mo sa niluto mong adobo? O ito ba'y kagamitan upang magsulat ng nga journal na pwedeng makatulong sa mga susunod pa na mambabasa. Habang patagal nang patagal ang panahon, padali na nang padali ang pag-access natin sa internet. Sa google pa lang ay magtype ka lang ng gusto mong i-search ay madami ka nang makukuhang impormasyon ukol dlsa paksang gusto mong malaman. Ang tanong dito ay ang mga impormasyon ba ito na nakita at nabasa mo ay totoo at makakatulong sa iyo? Dapat matuto tayong magkumpara sa kung ano ang totoo sa fake news lang. Basahin mabuti ang artikulo. Mabuti na din kung may nalalaman ka kahit kaunti sa binabasa mo. Hindi yung basta lang tayo post nang post at share nang share. Basa basa din pag may time ika nga. Huwag din basta-basta maniwala sa fake news. Naku po, laganap ito lalo na sa social media. Karamihan dito ay ang mga taga-suporta ng mga tarantadong pulitiko na gumagawa ng troll accounts makapang-uto lang ng mga tao sa internet. Karamihan din dito ay ang mga keyboard warriors na gumagawa ng marami ding account para makapang-bara ng mga sumasalungat sa kanya. Siguro'y mas madami na nga ang masasamang paraan sa paggamit ng internet. Habang patagal nang patagal ang panahon ay lalo nang mas hindi nagiging ligtas ang internet. Napakadaming gamit ng internet hindi lang sa masamang paraan. Gaya nga ng sinabi ko na pwede ito magsibol ng diwang makabayan at rebolusyonaryo. Pwede ka magmulat ng mga nakapikit na mata ng mga mamamayan na makakabasa sa iyong artikulo. Pwede mong sabihin ang tunay na katotohanan na nagyayari sa paligid mo. Isa rin itong makapangyarihang kagamitan sa pagkamit ng tunay na katotohanan na inaasam ng mga mamamayang Pilipino. Maraming mga makata ang nagsusulat ng kanilang mga artikulo sa mga blogs. Bakit hindi na lang sila ang tularan niyo? Para may ambag din kayo sa Pilipinas hindi yung puro post ka diyan ng sarili mo na labas pa ang cleavage na gustung-gusto makakuha ng atensyon tapos pag nabastos sila pa ang mapapasama. Bakit hindi ka din gumawa ng mga video na makakapangmulat ng katotohanan sa mamamayan? Hindi yung hindi ka lang napaupo sa LRT or MRT ay vivideohan mo na yung taong 'yun para mag-trending. Gumawa tayo ng mga may mas makabuluhan na bagay sa internet hindi yung gagawa lang tayo ng mga bagay para lang sumikat. Sikat ka nga, puro kabobohan at katarantaduhan naman ang laman ng account mo. Kung gusto mong sumikat, subukan mong imulat sa katotohanan ang Pilipinas sa iyong mumunting paraan, gaya ng internet. Hindi mo kailangan mamatay para maging bayani ka, makapag-ambag ka lang para sa ikabubuti ng bayan, matutuwa na sa sa iyo si Bonifacio.
0 notes
Text
'Wag asal mayaman kung bobo naman mag aral
Madami akong ganitong kaklase simula pa elementary. Kahit na tiga-private school ako ay di ko pa din nakakalimutang maging mapagkumbaba sa iba. Napakadaming asal mayaman na mga estudyante tapos bobo naman pala. Wala man akong pinatatamaan pero parang ganun na nga. Madaming hindi nakakapag-aral dahil sa kakulangan sa pera tapos itong mga bobong ito niloloko-loko lang ang pag-aaral. Paano kasi kahit hindi sila magsipag ay may mararating sila kasi mayaman sila habang ang mga mahihirap naman ay kailangan magsipag mag-aral upang may marating sa buhay. Edukasyon ang susi sa kaunlaran. Kung sino pa ang tao na nakapagtapos ng edukasyo ay siya ring magiging salot sa lipunan. Ang punto ko dito ay hindi ka nag-aral para maging bobo at hindi ka nag-aral para mang-api ng mas mababa sa'yo. Hindi ka din nag-aral para may pambili ka ng Starbuck tapos ilalagay mo pa sa my day mo. Hindi ka nag aral para lang may pang boomerang ka sa instagram mo. Hindi ka din nag-aral para magkaroon ka ng madaming kaibigan. Nag-aaral tayo upang matuto ng tama at mamulat sa katotohanan na nangyayari sa ating paligid. Nawawala ang kahalagahan ng edukasyon sapagkat pabobo nang pabobo ang mga kabataan. Imbis na imulat ang mga mata sa katotohanan, mas pinipiling magdrama at magpost nang kung anu-ano sa social media. Hindi rin tayo nag-aral para maghanap ng ating kasintahan. Hindi kailangan lumandi kapag nag-aaral. Kung totoo tayong pag-asa ng bayan, bakit hindi natin simulan sa pag-aaral nang mabuti at maayos? Namatay si Rizal at iniwan niya ang katagang yan dahil tayo ay may mas magandang kinabukasan, tapos ang inaatupag niyo lang ay pakikipaglandian at pagpost ng kape sa instagram niyo? Sana pala hindi na lang din kayo nag-aral. Huwag kayong mag-alala, mabibili din namin 'yang mga kapeng pino-post niyo sa social media. Para sa akin, ako ay naiinis talaga sa nga ganu'ng tao. Lalo na kapag estudyante. Papasok lang sa klase, akala mo nakikinig, ayun pala para lang may ipambili ng kape o di kaya ay milktea. Masuwerte nga kayo na pinagkakagastusan kayo ng mga magulang niyo samantalang ang iba dyan ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Napakapalad ng mga kabataan ngayon dahil napakadaming teknolohiya na pwedeng ma-access ng isang estudyante, ang gagawin na lang nila ay mag-aaral nang maayos, tapos gagamitin niyo lang sa mga kagaguhan niyo? Edukasyon natin simula't sapul ay para lang sa iilan, matagal na panahon pa ganyan ang ating sistema. Kaya kung hindi niyo naman aayusin ang pag-aaral niyo, parang awa niyo na, huwag na lang kayo mag-aral. Edukasyon ay para ding kapangyarihan, iilan lang din ang nakakakuha. Kung edukado ka, mas makapangyarihan ka. Gamitin ang kapangyarihan ng edukasyon sa maayos na paraan. Gamitin ang edukasyon upang imulat sa katotohanan at realidad ang mga mag-aaral. Kung ito'y makapangyarihan, gamitin ito sa tamang paraan upang patalsikin ang mga kurakot at mga bobong namumuno da ating gobyerno. Bakit matatakot, kung edukado ka at mulat ka sa katotohanan na nangyayari sa iyong paligid. Kung edukasyon ay makapangyarihan, gamitin ito sa tama upang hindi lang iilang ang makakuha nito. Hindi mababago ang ating sistema kung walang ni isa sa loob ng sistema ang siyang magbabago nito.
0 notes
Text
Ingles-inglesin mo 'ko sa bayan ko punyeta ka!
Ang katagang yan ay nagmula sa ating bayaning si Heneral Antonio Luna, isang TUNAY na bayaning Pilipino na mas pinili ang bayan kaysa ang mga karangyaan at kayamanan na pwede mong matamo kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon. Hindi dahil sa hindi marunong mag ingles si Luna kung hindi ay ayaw nya ng kolonyal na lengguwahe dito sa ating bansa. Akala kasi ng marami na ang ingles ang susi sa kaunlaran ng ating bayan. Tignan mo itong mga hangal ito, kulang na lang tanggalan niyo ang bansa natin ng pagkakakilanlan sa mundo. Nakikiuso na naman tayo sa globalisasyon. Pinaghirapang itatag ni Pangulong Manuel Quezon ang wikang Filipino tapos tatanggalin nyo lang? Kung buhay man siya baka nakatikim na kayo ng sapak at tadyak sa kanya. Hindi mo naman masasabi na sa pagsasalita ng ingle ay uunlad dito ang Pinas. Tignan mo na lang ang Thailand, na tumanggi na gawing pangunahing wika ang ingles, isa silang maunlad na bansa. Tayo naman, naghihirap na, pilit pa ding tinatanggal ang wikang Filipino sa ating mga asignatura. Isa pa, dahil sa punyetang ingles na yan ay nagkakaroon ng diskriminasyon sa ating mga Pinoy. Kapag marunong kang mag-ingles, angat ka sa lipunan. Kapag naman di ka marunong magsalita at umintindi ng ingles, puta pagtatawanan ka pa tapos tingin sayo kargador. Iwas-iwasan natin ang pangungutya, hindi naman nakakaunlad 'yang kagaganyan niyo, mas lalo kayong nagiging hangal. Hindi mo kailangan sumabay sa uso na tipong may bagong damit ang iyong kaibigan na mamahalin tapos imported ay magpapabili ka na din. Parang wika din na purket madaming nagsasalita ng ingles ay dapat na din nating gawin na pangunahing wika ang ingles. Mga hangal talaga ang gobyerno natin, napakadaming problema ng bayan, ang pagtanggal sa asignaturang Filipino ang inaatupag. Kung makapangyarihan ang ating wika, bakit ito tinatanggal sa ating sistema? Dahil ba marami ang yaw nito? Dahil ba marami ang hindi marunong nito? Dahil ba ito ay hindi na sikat at dapat nang palitan? Hindi natin kailangan sumunod sa uso sa ibang bansa na ang kanilang wika ay ingles. Hindi din naman tayo mga kano na dapat ma gawin nating wika ay ingles. Ano bang pumasok sa kokote ng mga bobong gobyerno na ito na pati wika natin pinapakelaman? Ika nga ni Rizal, "kung sino man ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda." Nako po, mas masahol pa ang amoy ng gobyerno sa malansang isda. Hindi mareresolba ang kahirapan ng bansa sa pagtanggal ng ating pambansang wika. Sana pala hindi na ginawang pambansang wika ni Manuel L. Quezon ang wikang Filipino kung sa kasalukuyan at tatanggalin din ito. Intindihin na lang sana nila ang mga problemang dapat iresolba sa ating bansa kaysa pakialaman ang nanahimik nating wika. Walang magandang maidudulot ito sa ating bansa dahil matatanggalan tayo ng pagkakakilanlan. Habang patagal nang patagal ang panahon, nakakalimutan na natin ang importansya ng wika sa ating bansa. Ano nga ba ang wika? Paano nagsimula ang wika? Bakit kailangan ng wika? Dapat bang pahalagahan ang wika? Bago palitan ang ating wika, tanungin niyo muma ito sa inyong mga sarili para malaman niyo kung gaano kaimportante ang wika lalo na sa ating nga mahihirap na bansa.
0 notes
Text
Nag-aral ka lang, matalino ka na agad?
Noong panahon pa man ng pananakop ng Kastila at Amerikano, ang ating edukasyon ay nagsisilbing panakip butas sa mga kamalian at karahasan na ipinaranas sa atin ng mga mananakop. Ang edukasyon din ang naging susi para sa kamalayan at pagharap sa katotohanan ng ating bansa. Ang edukasyon ay isang mabisa at malakas na sandata na kahit ang mga opisyal natin sa gobyerno ay takot dito. Marami din sa ating mga Pilipino na kahit nag-aaral ay hindi naman talaga edukado. Karamihan din ay puro porma lang at hindi naman talaga nag aaral nang mabuti. Sana naman ay ayusin natin ang ganitong kaisipan sana naman hindi tayo pabobo nang pabobo, iwasang maging kolonyal mag-isip, kaya nga tayo nag-aaral upang matuto ng tama at mali hindi yung palagi mong tinatangkilik ang mali at ayaw mong tumanggap ng tama at pilit kang lumalayo sa tama. Sobrang daming mali sa ating lipunan lalo na sa sistema sa edukasyon tapos dadagdag pa 'yang kabobohan mo. Isa rin sa mga mali sa sistema ng edukasyon ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga paaralan at estudyante. Isa ito sa mga ideological state apparatus. Kunware, kapag mayaman ka, malamang sa prestihiyosong paaralan o unibersidad ka nag-aaral. Kapag mahirap ka naman, sa mga public school ka nag-aaral. At dahil dun, madaming mga bobong mag-aaral ang nagdidiskrimina sa mga pampublikong paaralan. Mas maganda nga sa publi kung tutuusin kasi iskolar ka ng bayan ibig sabihin pinapag-aral ka ng gobyerno at ginagamit talaga ang talino mo. Kapag bobo ka naman at di mo makuha ang turo sa iyo ng pampublikong paaralan, kailangan mong magbayad ng mahal para kahit bobo ka, at kahit ang mga guro mk ay hindi iniintindi ang kabobohan mo, bayad naman sila. At dahil doon nagkaroon tayo ng pribadong mga paaralan. Huwag mong iisipin na porke't nasa magandang paaralan ka lang na may aircon ang klase nyo ay angat ka na sa pamumuhay. Maganda nga paaralan niyo, bobo ka naman tapo mali pa ang mga ideya na tinuturo sa inyo ng paaralan niyo, edi magsama kayo ng paaralan niyo na parehas ding bobo. Naranasan ko ito noong ako'y nasa pribadong paaralan at isa pa itong katolikong paaralan. Para sa akin, pangit ang masyadong relihiyoso sapagka't hindi ka naman ito masasalba. Magdasal ka man, nasa sa iyo pa din ang gawa. Napansin ko din na maraming nabubulag dahil sa kabobohan na tinuturo ng mga katolikong paaralan. Mayroon sa malapit sa aming ganyang uri ng paaralan, pero ang mga estudyante ay pawang mga tambay lang at mga siga pa, partida mga pari ang kasama nila sa paaralan. Mahirap simulan ang pagbabago kung marami ang ayaw nito. Mahirap magsulong ng pagbabago kung sila mismo ay panay ang pagtangkilik sa mga maling pamamaraan ng ating bobong gobyerno. Isa lang ang sigurado ako, na ang pagbabago ay pwede ding magsimula sa sarili mo. Sa simple at tamang edukasyon, pwede kang magsulong ng pagbabago at pwede kang makaimpluwensya sa mga tao. Sana ay mga ganito pa ding mga estduyanteng gusto ng pagbabago, hindi 'yung sinasabi ng bobo nating pangulo, kung hindi ay ang pagbabago na nagmumula sa ating sarili.
1 note
路
View note