Text
Unfailing Love
Today, I was reminded about God's love through the book of Isaiah 54:10,
Isaiah 54:10 NIV
[10] Though the mountains be shaken and the hills be removed, yet my unfailing love for you will not be shaken nor my covenant of peace be removed,” says the Lord, who has compassion on you.
Whatever circumstances I am facing right now, God's love for me (and you) will NEVER EVER FAIL. Because His compassion is overflowing to para maubos at mawala yun. Huhu
Lord, thank you. Huhu
1 note
·
View note
Text
Random WHAT IF
Someone posted about how bad she is at telling people what she feels. And I have this random what if.
What if you're not bad at telling people what you feel? What if it's them na nahihirapang intindihin tayo? What if, even though na we're not good at telling people what we feel we're wise showing people what we feel? Through our actions, gestures, facial expressions and more non verbal communication?
The point here is, we're not bad at telling people what we feel. We're just scared of what people might react when we tell them HONESTLY what we REALLY feel?
Just what if. A random what if.
1 note
·
View note
Text
Grabe anxiety ko pag kino-confront.
At first of the confrontation, mej tahimik ako. Trying to process kung ano yung concern nung other party. Tapos ako OO lang ganun. Then nung na process ko na yung concern. Teka lang. Bakit ako lang. Na bakit ako lang yung sinabihan? Ako lang ba yung ganito? Tapos pinakang kinakasama pa ng loob ko, in-open niya pa sa lahat. Na hindi ba pwedeng kausapin ako mag-isa kase ako lang naman yung concern? Tapos nung narealize ko na, na ngayon ko lang ginawa yun. Bakit ako lang yung nakita? Bakit ako lang yung napansin? Na parang saming lahat, ako lang yung ganun? Tapos may citation pa siya na tinanong niya muna yung kinikilala naming all knowing kung okay lang ba sabihin sakin, tapos nung umu-oo, tsaka sinabi sakin. Like, feeling ko talaga, pinagkaisahan na naman ako. Siguro kaya ganun yung response nung brain ko dahil familiar yung nangyayari. Warning warning warning ⚠️
Nasasaktan ako. Pinagkaisahan ako.
Para silang nagbotohan na, go sige sabihin mo na sa kanya yung concern NATIN.
1 note
·
View note
Text
Anong gagawin kapag pagod ka na?
May pagod kase na kayang ipahinga. May pagod na hindi natin alam kung paano maipapahinga. During my class, grabe na yung kaba ng dibdib ko. I thought it was just the usual pagod and the hyperventilation. Second subject, it was the usual. It was my anxiety calling. I did the breathing technique. It helped me naman. I tried to ignore it but failed. Until now, nahirapan akong huminga. Baka dahil puyat? Kakakape? Kaya naman the next day and the following days, hindi muna ako magkakape. Kagabi kase feeling ko mamamatay na ko. Blessed to wake up again today. Kelangan ih.
Tapos I listened to a podcast pala kanina. Tapos yung verse dun ay yung Psalms 23. It reminds me about Jesus being with me. Guilty ako. Kase parang nakakalimot na ko. Yung parang ang layo layo ko na para bumalik sa Kanya.
Ayun. Daming factors kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Hindi ko lang alam kung paano na naman idideal tong nararamdaman ko.
Ang sakit ng ulo ko. Hays.
3 notes
·
View notes
Text
Grabe gusto kong maglaho today. Nakakapagod. Ang daming gagawin. Ang daming dapat gawin. Nakakapagod. Napapagod na ko. I did not sign for this. Huhu
Pagod na ko. Lord help.
1 note
·
View note
Text
Pagod.
Nakakapagod. Iba pala nagagawa ng pagod. Pag yung pagod mo hindi mo kinakakitaan ng magandang resulta, papunta ka na sa pagkawala ng pake sa iba. Tapos pag nawalan ka na ng pake sa iba, tatamarin ka ng pansinin yung iba. Sa ngayon, napapagod na akong kumausap ng tao. Kaya naman simula ngayon ay tatahimik na lang ako. Babalik ako sa gedli. Kung wala kang pake sakin, wala na din akong pake sayo. Kase nakakapagod. At yung pagod nato ay hindi lang pagod. May sakit na pagod. Kaya paalam saking mapagpasensyang isip, hindi na tayo mapapagod.
Paalam.
1 note
·
View note
Text
Sino sakin?
Kapag malungkot at kelangan ng makakausap, sino ang pwede kong tawagan? O talagang nakatadhana akong maging mag-isa sa oras ng pangangailangan ko? Wala ba talagang para sakin kapag ako naman yung may kailangan ng makakausap? Wala ba talagang available kapag ako naman yung nahihirapan at nasasaktan? Di ko alam. Pero kinaya ko naman.
0 notes
Text
San lulugar?
Poy, this is a reminder na maging careful ka sa pagsasalita mo. You know how words can build or destroy people. When you're overwhelmed, breathe, think, acknowledge and process your emotions. Same thing when you're too happy or sad.
Let this be a reminder na hindi palaging boboses. So starting today, you'll be more careful with your words.
Thanks!
1 note
·
View note
Text
Hey
I don't feel okay again. I don't know how to explain it but I will try.
This past few days, I'm feeling okay. I feel like I'm good or am I not? I'm not sure. But whenever I felt unsure, I'm trying to remind myself na okay lang hindi maging okay. Wala na kong gamot. Di ko alam paano ko ulit sisimulan. Pero mukha namang nagsisimula na ko. Ewan ko. Di ko na alam. Di ko na ma explain. Sinubukan ko naman. Pero eto. Huhu
0 notes
Text
Parang yun lang. Wag mo kaseng kaisipin. Nasa isip mo lang yun. Ang sensitive mo naman.
Pumili ka ng taong hindi iinvalidate yung nararamdaman mo.
0 notes
Text
When I don't like mornings
I don't know but there were days that I got up even though I don't want to. Days that I tried my best to be okay but my body couldn't sync with it well. Days were I always try to smile but my eyes won't do the same. Days when I felt like great but my mind says otherwise.
There were days I feel like lifting my double self. Heavy. And today is one of those days. I don't like it.
I don't want this feeling. I pray that it won't last long.
0 notes
Text
Relapse
Relapse implies that someone has recovered from an illness and slid back into a worse state.
Okay naman ako nitong mga nakaraang linggo. Okay yung pakiramdam ko. Kinakaya ko. Pinipilit kong kayanin kahit mahirap. Pinilipi kong pumunta ng Church. Magbasa ng Bible. Hanapin yung purpose ko. Maging isang mabuting guro. Maging isang mahusay na tagapakinig. Maging matatag at malakas.
Akala ko lang pala okay ako. Mukha lang pala akong okay. Pero ang totoo, may isang batang mahina na humihingi ng tulong sa puso ko. Pinili ko palang hindi pansinin kase nakakapagod. Pinili ko palang hindi kausapin kase parang paulit ulit lang. Dati naman kase kinaya ko. Pero bakit parang ang hina-hina ko kung kelan dapat mas matatag ako?
Relapses.
1 note
·
View note
Text
Lately I've been liking the rock music.
Actually I hate loud and hard music. Ang sakit sa taenga at ulo. Nakakarindi. Parang di ko maintindihan bakit ba gusto ng iba ng maingay na tugtugan. Pero parang nauunawaan ko na ngayon. Kapag pala nakikinig ka ng rock music tapos naka maximum volume pa, feeling ko wala akong ibang isipin. Walang ibang tao sa paligid ko. Walang ingay galing sa magulong mundo. Na sapat na yung isa lang yung maingay — yung tugtugan sa phone ko.
Nakakawala din pala ng pake sa mundo kapag maingay ang pinapakinggan mo pero may himig at tugtog na nakakapagpakalma ng isip ko.
0 notes
Text
Handa ka ba sa maririnig mo?
Siguro dapat na din natin i-normalize yung salitang 'ready ka ba?'. Kapag may nagtanong sayo ng 'kumusta?' Tapos hindi ka OKAY. Pwede bang ang sagot naman natin kapag handa na tayong mag open ay, 'handa ka ba sa maririnig mo?'
Marami kaseng nangungumusta, at yung lagi nating sagot kapag ayaw natin makipag-usap ay OKAY LANG. Pero what if, need na natin ng makakausap. Tapos may nagtanong satin ng kumusta, pwede bang reply-an natin ng READY KA BANG MARINIG?
Handa ka bang makinig yung matagal ko ng tinatagong bigat? Handa ka na bang malaman kung ano yung pinagdaanan ko nung nakaraang linggo? Handa ka bang marinig kung paano ako muntik ng mawala pero eto pinili kong huminga? Handa ka bang makinig sa mga salitang hindi ka pa pamilyar? Handa ka bang marinig yung bigat na never ko pang sinabi sa iba? Handa ka bang makita kung paano ako umiyak sa tuwing ako ay nag iisa? Handa ka bang makinig sa mga rany ko na kelan man hindi ko sinabi sa iba? Handa ka bang tanggapin kung ano yung malalaman mo na tungkol sakin?
Sa pangungumusta mo, handa ka ba sa maririnig mo? Kase alam mo, hindi lahat gustong marinig ang kwento mo. Hindi lahat maiintindihan kung ano yung pinagdadaanan mo. Hindi lahat alam kung gaano kahirap yung piliing bumangon araw araw kahit na nahihirapan ka na. Hindi lahat handang makita ka na umiiyak. Hindi lahat handa. Kaya baka pwedeng itanong muna natin kung handa ba sila para hindi madagdagan yung sakit na daladala mo noon pa.
Sana handa sila. Sana maging handa sila.
1 note
·
View note
Text
The helper.
Hindi ko alam kung paano uumpisahan. Paano ko ba sisimulan. Hindi ko alam kung mali ba na ganto ako? After kong malaman or mas maging aware sa kung anong nangyayari sakin mentally. Parang lahat na lang ng mga taong nakakasalamuha ko na pakiramdam ko may pinagdadaanan ay gusto kong tulungan. Parang lahat gusto kong abutin. Lahat gusto kong tulungan kahit kailangan ko din ng tulong. Kukumustahin ko kapag bigla kong naalala. Kase naniniwala ako na hindi ko lang sila basta naisip. Kundi nilagay sila ni Lord sa isip ko. Kaya parang kahit pagod na ako. Parang iniisip ko na may mas need nung comfort ko kesa isipin kong pagod ako. Bigat na bigat na bigat na ako. Pero kase hindi ko kayang bitiwan lahat. Hindi ko maisip na kapag sinukuan ko sila, baka mawala sila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yun. Kaya feeling ko, hanggat kaya ko or kahit di ko na kaya, kailangan kong kayanin para sa kanila. Kahit hindi naman nila hinihingi.
Iniisip ko din na, yun yung kailangan ko noon na hindi ko natanggap noon. At dahil mas alam ko na ngayon kung GAANO KAHIRAP, ako lang yung makakaintindi sa kanila. Lalo na sa sitwasyon nila.
Ang bigat bigat. Pero kelangan kong tatagan para sa mga taong gusto na rin bumitaw.
0 notes
Text
Alam mo ba na pagod na ko?
Syempre hindi. Pake mo ba? I've been chatting a lot of my friends lately. And I just realized AGAIN, na ganun pa din. Si nangungunusta but never kinamusta. Sanay naman na ako. Like, we are all busy. Lahat pagod. Lahat may pinagdadanan. Lahat may silent battles. Pero sobrang sad ng heart ko. Ang bigat. Hindi ko alam ano yung kulang. Ano ba yung dapat kong maramdaman. Pag iniisip ko, mas lalo akong nahihirapan. Para siyang nagkabuhol-buhol na yarn na hindi ko alam paano aayusin. Hindi ko alam san magsisimula. San makikita yung pinakang madaling paraan para maayos agad. Kakahanap ko. Mas lalong gumugulo. Mas lalong humihirap. Na pakiramdam ko paghumingi ako ng tulong, mas lalo akong maguguluhan.
Gusto kong may makausap. Pero hindi ko alam paano magsisimula. Saan magsisimula. May gusto akong marining pero hindi ko alam kung ano. May gusto akong maramdaman pero di ko malaman. Basta ang alam ko lang, napapagod na ko.
Napapagod na ko. Napapagod na kong magturo, gumising araw araw na ganun pa din yung nangyayari. Kinakabahan pa din ako sa tuwing magtuturo ako. Tapos pagkatapos ko magturo palaging may tanong sa puso ko na MAY NATUTUNAN KAYA SILA? MAY NA-CONTRIBUTE BA KONG ARAL SA KANILA.
Parang wala namang nakikinig. Parang wala lang naman ako. Parang wala naman silang pake. Wala akong kwentang guro. Wala akong silbi. Magaling lang akong magpanggap na may alam pero ang totoo. Wala talaga akong alam.
Ang hirap kapag nasanay kang i accommodate lahat. Para kaseng gusto ko lahat tulungan. Gusto ko lahat maramdaman nila na may nakikinig sa kanila. Pero parang kakapilit ko, nagiging pretentious na lang akon. Na parang masyado akong nangengeelam sa mga pinagdadaanan nila. Parang nanghihimasok na kumbaga.
Pero sa totoo lang, gusto ko lang naman ipaalam sa kanila na may nakikinig sa kanila. Na may taong handang makinig sa kanila. Ayaw ko kaseng dumating din sila sa ganitong point ng buhay nila. Hindi kase talaga part dapat ng pag grow natin. Kase iba to sa normal na pinagdadaanan ng normal na tao. HINDI NA TO NORMAL.
NORMAL BA NA ISIPIN KONG DAPAT MATAPOS NA LANG LAHAT? NORMAL BA NA ISIPIN KO ARAW ARAW NA HINDI NAMAN TALAGA AKO MAGALING. NORMAL BA YUNG PALAGI AKONG MAY NARIRINIG NA KAKAIBA SA ISIP KO? NORMAL BA YUNG PALAGI NA LANG AKONG NAWAWALA SA SARILI? NORMAL BA YUNG SA TWING MATUTULOG AKO ANG DAMING PUMASOK SA ISIP KO NA HINDI KO NA MAINTINDIHAN NA PARANG GUSTO MO NA LANG TAPUSIN LAHAT? KUNG GANTO ANG NORMAL AYAW KONG MAGING NORMAL. KUNG GANTO LANG DIN NAMAN. WAG NA LANG.
Nakakapagod. Napapagod na ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na ata kaya.
2 notes
·
View notes