Text
Kawalang kawala ka nanaman
Tila emosyon at isip mo'y naglalaban nanaman
Hindi mo gusto ang iyong nararamdaman
Ngunit bakit may kailangan kang malaman
Masakit isipin
Mula isip papuntang damdamin
Bumabalik na nakaraan
Sakit na ayaw mong maramdaman
Mahal mo, Oo.
Kaya masakit kasi mahal mo, Oo.
May 24, 2021 | 9:27 AM
0 notes
Text
Umagang Tulala
May 21, 2021 8:21 AM
Maagang nagising Maagang nag asikaso Maagang umasa Maagang nanahimik
Ang katahimikan ay nakahulma Nakahulma sa pigura Ang katahimikan tila'y nakakabingi Nakakabingi sa taong tulala
Maagang nagising Maagang nag asikaso Maagang umasa Maagang nanahimik
Panibagong araw sinimulan sa Umagang Tulala.
0 notes
Text
Susunod Na Kabanata
May 19 2021 1:59PM
Mainit na panahon Tila lahat ang nais ay makaahon Malamig na silid Komportableng gilid
Kaibigan, kamusta ka na? Nasaan ka na? Tila ang layo na naman ng iyong tinatanaw Hanggang ngayon hindi pa ba ganoon kalinaw?
Limang taon, limang buwan, limang araw Mukhang ikaw ay naliligaw Nasaan ka na ba dapat sa taong ito? Sa tingin mo ayun ang iyong gusto>
Kaibigan, ang panahon ay walang kasiguraduhan Baka bukas o sa makalawa walang takdang panahon Kailan? walang sino man ang nakakaalam Dadating ba ito sa panahon? Siya lamang ang nakakaalam
Ang utak ko ay tila isang karagatan na napakalawak Hindi matapos tapos ang nais ihayag Ang katawan ko ay nais ng isang malamig na silid Mamahinga at mag antay ng panibagong hilig
Kailan kaya? Kailan kaya dadating? Kailan kaya dadating ang pagkakataon? Kailan kaya dadating ang pagkakataong hinihintay?
Sa susunod na kabanata.
0 notes
Quote
Nilulunod ka man ng kaisipan ngunit huwag mong hayaan na patayin ka nito.
ApSC
0 notes
Text
Hindi ko na alam....
Hindi na alam.. Kinakain nanaman ng mga thoughts Gusto manatili sa lugar kung saan iiyak at iluluhod nalang
Wala na ba talaga pwedeng kausapin? Lahat nalang ba palayo? Lahat nalang ba walang pag-asa ang nakikita? Anong dapat gawin? Pinipilit na lumakad sa ayon Pinipilit na sumunod sa agos Agos na dadalhin sa walang hanggan Walang hanggan kung saan ang orihinal na destinasyon Ano ng lagay? Wag antayin na sumabog bigla ang masabing nagtimpi lang May mga dapat na gawin May mga responsibilidad na kasama sa paglago Kamusta na? Tila kay haba ng panahon na iyan Iiyak, isisigaw at iluluhod Paulit ulit na nais gawin Nakakapagod ng lumaban..........
0 notes
Text
July 15, 2020 12:59am
Ayun pumasok ako yesterday, kuha cheque tas encash deposit bayad bill grocery then sumama kila mother magdeliver then Uwi na. Naglaba kami ni sis. May bisita kaming pogis. Ayun tapos sobrang miss ko lang si bf hahaha haaaay
0 notes
Text
July 14, 2020 12:10am
Today is my rest day! Hehe wala lang, walang bago ang sarap kasi naulan sarap matulog humilata manuod ganern I love raining so much hehehe
Sa buong araw alam mo kung ano yung paulit ulit na tumatakbo sa isip ko? "Hindi muna ako magrereact" Hindi ko muna kakausapin si ate J hayaan ko nalang muna sanayin ang sarili haaay oo uuwi na sila sa province isasama niya yung dalawang bullymate ko nakakalungkot isipin alam mo yun ayaw ko nalang isipin kasi ayaw ko ding masaktan mas pipiliiin ko nalang manahimik cease the moment ika nga paano ako magpapaalam sa taong hindi ko alam kung naiintindhan nila kung bakit kailangan nilang umalis haaaay bakit ganun bakit? Let the will of God, ayan nalang nasasabi ko kapag naiisip ko yun. Masakit kung sa masakit pero ganun talaga tita lang naman haaay tita na nagpuyat at nagsakripisyo din naman sa kanila oh oh bawal umiyak hahaha
Lord, bakit ganun? Haaaaaaaay
Nandito nanaman ako sa kaisipan na bakit sila nangungumpisal.. Dati hindi ko maintindihan ngayon naiintindhan ko na. Iba talaga yung nagsasalita ka lang, nirerelease mo lang tapos walang judgement kasi oo nga nuh kadalasan sa mga taong wasak, lito, durog tenga at puso lang ang kailangan. No judgement at all ewan ko lang sa mga father out there if after nun pinaguusapan nila hahaha ako sa ngayon, hirap na kasi ako magtiwala kasi kahit pala yung taong kala mo mapagkakatiwalaan sa huli, sasabihin niya din sa iba and masakit with judgement sadly hnd mo madedefend sarili mo. Haha saya diba pero sa gayunman nangyari na yun totoo nga sabi ng Lord do not depend sa tao, kundi sa Lord padin. Wasak ka na, wawasakin ka pa nila hahaha
Kanina pala bago ako maglinis I checked my bf exgf fb account I dunno, I dunno if fear or what hahaha magkaworkmate sila, I trust my bf din naman pero I can't control his mind haha lalo na kapag magkakasama sila with friends ganern pero ayun nga paranoid lang siguro hahaha sa lahat ng ex niya isa siya sa chinicheck ko do I look so pathetic? Hahahahha burn! 🤣
And that's all for today. This is me EyesEE!😎
0 notes
Text
July 12, 2020, 11:40pm
Lord,
Hindi ko po maintindihan Spiritually dead na po ba ako? Kanina habang nasa byahe kami napapaisip ako ang dami next time ittype ko para matandaan ko po. Lord please help me I dunno kung ano po nangyayari sakin.
0 notes
Text
July 12, 2020, 11:14PM
Hello self,
Tonight I decided na ikwento sana lahat kay wibi pero hnd ata siya online I tried to pm her pero ayun no reply but it's ok.
But before that habang naliligo ako may iniisip ako well matagal ko na naman siya naisip "Bakit kailangan mangumpisal?" matagal ko na siyang naiisip sa mga pagkakataon na parang walang hindi ko masabi sa tao bakit hindi nalang kaya ako mangumpisal? Haha plus nung napanuod ko pa yung The Strangers yung nangumpisal si Anne Curtis nasabi niya duon lahat as in no filter and kitang kita ko sa kanya yung relief after nun, and gusto ko din maramdaman yun ang saya siguro nun nuh no judgement at all.
Today is Lord's Day ika nga. My bf dumalaw siya sa bahay namin after his work simula ng malipat yung sched niya morning na siyang dumadalaw sa bahay namin not like before afternoon then midnight. Ayun, gising na si sis so tatlo kami pero dahil no sleep ni sis bec of gfs duty natulog siya ulit kaming dalawa nalang ni bf sa baba. We kissed, we hugged, we cuddled and he touched luna after 2 mons but so minimal and that's a good practicing of his self-control but one added I touched his toot, he wanted it but I declined but he insisted again so kinurot ko haha. Kapag pumupunta siya sa bahay ganun lagi naming ginagawa lalo na kapag may pagkakataon na dalawa lang kami, sometime pag kay tao nakaw kiss ganun, or kapag nakatago bads. We do deeper talks also lalo na yung mga issues ganern may Inopen siya kanina pero wala ako sa focus kaya parang nakalimutan ko din haha but we love it, we love doing it always.
Besh, bakit gusto mong magconfess? Hahaha wala ayoko ng baggages pero ayun wala naman eh, madaming tao ang pwde pero may trust issue na kasi ako parang nakikita ko na yung mga possibilities. Ano nga ba kasi? Lahat, lahat gusto sabihin like etong parang may Chu Chu disability ako. Before pa maging kami ni bf may struggle na ko sa *mast...... biglaan naman kasi yun out of nowhere natuto ako tas nanuod pa ako ng mga videos why nakakaadik yun and legit not nakakaadik but hahanapin ng sistema mo, anytime. Then, mas natrigger nung nagkabf ako mej may experienced ayun 1st - 3rd based? Ayun dumating sa point na ayaw na namin pero ginagawa padin namin pero mas lessen nga lang dahan dahan mawala siya and Bumalik nalang sa right time. Naalala ko lang yung time na gusto ko na magkababy, magapabuntis nalang ako pero ayun hindi pa pwde and masisira trust ng parents namin pati wala ng reason para lokohin pa namin sila pangloloko kasi yun kaya ayun pigil pigil kahit gusto niya na kong iuwi haha. Ang dami ko ng sinsabi haha
Kwento ko pa today nagpick up then nagbenta kami ng bagnet and suka with father and mother. Ayun salamat sa Lord madami bumili sana more pa po! Thank you Lord. Pinahiram si mother ng bff niya ng puhanan, masaya and thankful kasi ayun talaga gusto ni ma eh kumita hehe and I'm so happy for her.
Lastly, gusto ko ulit pumunta si bf sa bahay tas cuddle lang haha I love him.
0 notes
Text
05|13|2020 4:13am
Done watching Season 2 of 13 reasons why.
Last night was not a good night, my thoughts killed me. Thinking of all my failures, wrong decisions and actions. It's like I don't know myself. I'm having a bad time for almost a year from painful heartbreak, family matters, burnout in work, feeling ineffective in the ministry, being blinded and deaf in God's manifestation, fighting alone? without your trusted bestfriends, everything is not good.
I decided to sleep and not think about it. Every pain, guilt, remorse, what ifs, why, how, who I feel like I'm drowning... I don't need anything or anybody...
Parang mali yung mga naging decision mo, kasama mo ba si Lord nung umoo ka? Whhhhhy it feels so painful and traumatic. I'm afraid to experience this despair thing... Baka maging ganun ako, kami? I'm so afraid. I'm thinking if this relationship was approved by God? Or just us. Our longing, our greatest desire.. To have that thing. Haaaaaay I hope I can think or pray more about it, not just I love him or we love each other.. But the Lord said it, God's approved it.
I don't want to say that I feel lost, because I was found by Him. My condition right now is I'm waiting and asking what do I need to do next, what do I need to do more? I dunno if this what they call adjustment period from adulting, to adult. More responsibility, and many things to consider. Haaaaaay
0 notes
Text
03|06|2020, Simbahan, 9:14am Nasa punto ka ng buhay mo na parang walang ng maayos sa lahat Sabi nga ng twitter “it’s kinda... like a mess!” Wala ka nalang nagawa kundi umiyak sa Panginoon at sabihin lahat sa Kanya ng walang filter. Umiiyak ka na parang bata na si Lord lang nakakaalam ng pagiyak mo nung mga panahon na iyon. Nilabas mo lahat ng sama ng loob mo, tampo mo, kabasagan mo, kadurugan mo sabay makikita mo sarili mo nakaluhod na nagmamakaawa. Sa lahat ng iyak na yun narinig mo yung boses Niya T_T “Alam mo, alam ko lahat ng sakit na nararamdaman mo.” “Alam ko yung sakit, pero alam mo anak ayun din yung nararamdaman ko sayo eh. Ang sama din ng loob ko, nasasaktan din ako” T_T Hinugot lahat ng iyak at luha mo sa katawan. Wala ka ng nagawa kundi humagulgol at magsorry sa Panginoon :’( Lahat ng sakit na nararamdaman mo, lahat ng sama ng loob HUHU ramdam na ramdam mo na alam Niya yun lahat. “Hindi ko nakikita yung mga kasalanan mo, alam mo kung saan ako nasaktan, sa pag-ibig mo Sakin..” HUHU lalong gumuho lahat Lord, nagmahal lang naman ako Anak, yung pag-ibig ko para SAyo hindi katulad ng pag-ibig nila sayo, hindi katulad ng pagibig na kaya nilang ibigay sayo.. Alam ko mahal mo sila selfless ganun kita nilikha anak, Selfless love kaya alam ko lahat all you concerns sa pamilya mo, kaibigan mo, sa mnistry mo, sa Church at sa taong mahal mo-Daniel alam Ko yun lahat. lahat ng naranasan mo pinayagan lang kita habag na galing sa Panginoon pero mas higit pa dun yung gusto Ko, yung nais Ko, kung gaano ka nila kamahal kung gaano ka niya kamahal mas higit Ako na araw araw gusto kita makausap para maranasan mo Ko.. mahal kita at hindi nagbabago yun” HUHUHUHU Pagmamahal mo para sa pamilya/magulang Pagmamahal mo sa ministry Pagmamahal mo sa mga kaibigan mo Pagmamahal mo sa Church Pagmamahal mo sa mga leaders Pagmamahal mo kay Daniel alam Ko yun lahat! Noon palang alam Ko na kung saan kayo pupunta. Yung feeling na tanungin ka ng Panginoon “Mahal mo ba talaga siya?” HUHUHU yung matagal mo ng inaantay sa Panginoon.. pagusapan niyo kung paano mo siya tinganan at kung paano siya tingnan ng Panginoon. :’( Sa huli Keep delighting yourself sa Akin.. Psa. 37:4 Take delight in the Lord, and he will give you your heart’s desires. *With big smile :’( HUHUHU And lastly, His sweet Word and encouragement.. 8 But you, O Lord, will be exalted forever. 9 Your enemies, Lord, will surely perish; all evildoers will be scattered. 10 But you have made me as strong as a wild ox. You have anointed me with the finest oil. 11 My eyes have seen the downfall of my enemies; my ears have heard the defeat of my wicked opponents. 12 But the godly will flourish like palm trees and grow strong like the cedars of Lebanon. Matagal mo ng nakuha ang attention Ko. :’( (Nahihinaan ka na ng loob sa set for Sunday dahil alam mong sobrang hindi ok yung puso mo, tapos etoooo! naging Word of God na siya ng setlist before sobrang mas malalim na revelation from the Lord ) Yes! He will be exalted forever. Forever and ever!!!!! All this seasons gusto ng Panginoon na patatagin at palakasin ka. Hindi ka nawala sa Kanya, You are anointed by His power, grace,mercy,Presence! Laban kapatid!!!! Solemn setlist from 1. Still 2. Jesus at the center to 1. Still 2. Waymaker 3. Alay ng pagsamba HUHUHUHU Thank you Loooord. :’(
0 notes
Quote
Kapag si Lord ang kumilos tatamaan ka talaga! SOLIDONG hindi mo makakalimutan.
0 notes
Text
GABING MASAYA NGUNIT MAKASALANAN
Ang dating lalake na naging babae, not just babae but marupok na babae. 03|03|2020, Bahay (Nakakahiya diba sa bahay pa ng magulang mo!) May nangyari nanaman samin ngayong gabi Oo, nanaman. Paulit ulit na nangyayari Paulit ulit na tinitigil Paulit ulit din binabalikan Bakit nga ba? Noong una para kang papatayin ng konsensya mo pero ngayon parang ikaw na ang pumapatay sa konsensya mo Anong nangyari? Mukhang kasalanan? ay hindi kasalanan pala. Kristiyano kayo, OO pareho kayong Kristiyano! Bakit paulit ulit? Anong pagkakamali pa nag inaantay niyong gawin para matuto lang kayo? "Gusto lang kita makalimot saglit" Yang mga kataga na napa-Oo ka nalang Oo nga nu sa oras na iyon wala kang ibang iniisip Masaya, masarap, masakit pero sa huli paano pag nahuli kami? Tila isang pader ang magigiba kung sakaling magkataon Paano kung magpabuntis ka nalang para ayun katulad ng sinasabi nila panibagong buhay Buhay na haha galing sa pagkakamali Bakit ganun? Bakit nagpapatuloy? Bakit patuloy tuloy na ginugusto mo? Bakit? Choose to be pure before your marriage, eh anyare? Lahat nagsisimula sa kaisipan. Kaya nga diba sabi nila dapat maayos ang pagiiisip mo HAHA Anyare? Palag pa? Masaya? Hanggang kailan ang saya na yan? HAHA ano punong puno ka pa ba ng konsensya o wala ka ng konsensya? Bakit? Paano? Kaya pa? Aantayin ko ang susunod na kabanata Kung may maisusulat ka pa tungkol sa Gabing masaya ngunit masakalanan.
0 notes
Text
PROSESO
Isang tulala na binibini na tila lumakbay ang kaisipan 03|04|2020, Simbahan, 11:08 AM Bakit patuloy akong nagkakaganito Mukhang ok, parang ok naman Bakit nararansan ko ito ng paulit ulit na parang konti konti akong pinapatay habang tumatagal mas ginugusto ko na mamatay Anong kamatayan ba ang nais matamo Kamatayang Espiritual o kamatayng Pisikal? Bakit ang hirap mainitindihan at ipaliwanag ng nararamdaman ko? Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang mga palaisipan na dati'y dumadaan lang Bakit ganun ganun? Ako lang ba ang nakakaranas ng ganito Duguan sugatan na hindi ko makita ang tunay na dahilan Duguan sugatan sa isang tabi na hindi alam kung paano magagamot ang tila sugat na unti unting pumapatay sa buhay mong kaisipan Bakit? Bakit kailangan umabot sa ganito? Bakit kailngan maranasan mo ito ng paulit ulit na tila kamatayan lamang ang katapusan Kristyano ka, oo pero bakit puno ng kadiliman at kasalanan iyang katawan mong lupa? Kristyano ka, oo pero bakit puno ng kadiliman at kasalanan iyang kaisipan na dapat puro salita Niya lang ang laman? Teka, puro salita Niya dapat? Ano na nga ba ang nangyayari sayo? Masaya, malungkot, tuliro, parang halos lahat ng tao kinagagalitan mo lalo na yung boss. Bakit tila puro galit at paghihinagpis ang laman niyan? Bakit hinahanapan mo sila ng mga bagay na dapat ayun din ang inaayos mo sayo? Bakit? Dahil ba naghahayag sila sa pulpito pero hindi mo makita ito sa kanila? Sino ka para sabihin yun sa kanila? Bakit sila lang ang pwedeng maging banal at parang walang kasalanan? Bakit? Ang sarap isipin na tila masaya ang mundo, masaya ang buhay Kristyano,,,, Pero nasan na ko? Tunay pa ba akong nasa piling ng Manglilikha? o tila isang tupa na naliligaw at naghahanap ng masisilungan? Anong nangyayari?
0 notes
Text
:) silly bully lay thee
I am 26 yrs old, chubby, short, fair skin, shoulder length hair. We are 6 in the family i am the youngest. I have one sister in-law and two nice niece. I am working in our Home Church as an full-time admin staff and pastors secretary. I love music, i love to sing, and i super love to dance actually it’s my first love but i need it to let go. My Top 5 comfort food 1. Ice cream 2. Fries 3. Milk tea 4. Coffee Float 5. Chocolate My Top 5 Favorite food 1. Fried Chicken 2. My mother’s best spaghetti 3. Hot dog 4. Fried Chicken 5. Fried Chicken
0 notes
Video
youtube
Lord i offer my life to You Everything I’ve been through Use it for Your glory :’(
0 notes