Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ginawa habang papunta sa’yo.
Pinagisipan at iningatan.
Sana nakuha mo ang gusto kong iparating sa’yo mula sa pag-gawa ng listahan ng mga awitin hanggang sa kanilang mga mensahe. Lahat ng ito ay para sa’yo.
‘wag matakot magsimula muli, magiging maayos din ang lahat. At kapag naging maayos na, sasaya muli.
0 notes
Text
You've felt the pain You've felt the rain
I've been through heaven I've been through hell
And I went back, I'm now insane.
I know I'm not the first and you're not in thirst I also know you've been through the worst And trust me, I've felt it too.
Stop for a moment. Take a second and breathe. Everythings going to be alright. Maybe it doesn't seem right now But I promise you, it will.
You are fantastic. You are worthy. In tough times. I'm always here. Someone who cares about you. So don't worry, just keep ongoing I'll support you all the way.
Sometimes you'll fall, sometimes you'll fly I'm not saying that it's going to be easy and you won't cry But I know you are strong and I'm here reminding you to always try.
Through ups and downs Through thick and thins
I'm always here. I'll be patient and persevere.
0 notes
Text
H
Dumidilm na, tapos nanaman ang isang araw. Muli kong maaalala ang mga araw na tayo magkausap. Ang mga ngiti at kislap sa aking mga mata na wari’y maningning pa sa mga tala,
Sabay sa pagsapit ng dilim, ay ang lungkot pagka't wala ka sa aking piling. Ang araw na kay saya ay biglang napapawi sa oras na ako’y magisa sa aking paguwi
Sa pagpatak ng akin mga luha, iniisip ko kung ikaw ay magbabalik pa. Upang aking masabi ang mga bagay na gustong ilabas ng mga labi.
Kung ako’y pagbibigyan ng pagkakataon na ma-ipakita ang aking nadarama. Wala akong aaksayahing oras at sandali. Gagawin ko ang lahat, sa akin ka lang umuwi. Pero wala na, at tapos na. Ngayo'y nangangapa na lamang sa dilim Hindi alam kung ano ang gagawin
Ang bumangon at magsimula muli o saktan at tapusin ang sarili
0 notes
Text
E
Sa aking paghihintay, kapiling ko ang dalamhati, Mangangamba na baka hindi na kita makita at ako’y muling magdusa.
Kailan? Saan? At Paano? Mga tanong sa isipan Parang gulong ng sasakyan, na hindi alam kung saan ang kahihinatnatan.
Mata’y namamalagi sa iisang landas pilit makita ang iyong ka-anyoan. Nais madama ang iyong mga yakap At mahagkan ka.
Ngunit, 'di ka na ata dadating. Alam ko, kasalanan ko ang lahat. At alam ko, hindi ito sapat. Pero ikaw ay hihintayin parin.
Aasa pa rin, ika’y darating. Mananalanging ika’y makikita muli Iibiging tunay, ituturing na tangi at mamahlin, hanggang magpakailanman.
Pero mapagbiro ang panahon, ibibiga’y sa’yo at ngunit biglang kukunin Parang bulaklak sa hardin, tutubo at 'di tatagal malalanta’t mamatay rin
Parang musika minsa’y gusto ng lahat kapag naglaon malalaos at mabababaon sa limot Hindi naman sa hindi ko na nadiligan at naalagaan ang halaman. Hindi din naman sa mabilis ako magsawa sa musika. Alam ko, wala na akong magagawa. Kung hindi, tanggapin nalang 'to
7 notes
0 notes
Text
A
Subukan ko unti-unti bumalik sa pagsusulat. Madami na nangyari, mga mata'y minulat. Kaya pala masakit, nasa ilalim ng tubig-alat Totoo nga, isang iglap kaya mawala ang lahat. Pero 'wag mag-aalala, ikaw ay tao Nagkakamali at natututo Sa ganito, nalalaman natin na buhay pa tayo Kaya ngayon, simulan mo na magbago. Alam ko, mahirap magpatawad at makalimot At ang tiwala nagkaron na ng lumot At ito ako ngayon, sinusundot-sundot at pinapaikot Parang insekto na nakasapot Pero nasa isip ko lang pala na ako'y nakasapot Dahil ang totoo, ako'y isang uod na nakasupot Uod na nagkamali, pinilit lumaban at tumayo Para sa pagdating ng oras, kaya na lumipad at maging paru-paro
0 notes
Text
L
Sa mundong puno ng ingay at kaba Natuto akong mamuhay mag-isa Sa mundong puno ng gulo at kadiliman Natuto akong lawakan ang isipan. Hahayaan kitang pumasok Sa mundong nababalot ng usok Hanggang maabot mo ang rurok Ng buhay na nakakasulasok
Pumasok kahit walang kasiguraduhan Lumabas ng madaming kaalaman At dahil doon, walang sino man Ang pwede kang husgahan
Walang tao ang hahadlang Kundi sarili mo lang Kaya kumusta ka na? ' wag matakot na kaya mo na.
0 notes
Text
Salamat sa lamat.
Thank you sa saglit na oras. Thank you sa lahat. Alis na muna ako. HAHA. Hindi na kinakaya ng sarili ko 'yung nararamdaman ko.
You can say sana straight to me na if you like ibang tao or like may iba kang inaantay or something like that. Hindi naman ako nakikipaglaro or something.
Madali lang naman mag antay if may inaantay. Pero if wala, mahirap. Kinakain ako ng sistema. I would also understand your decision kung merong iba.
I don't really mind. Okay lang naman sakin no hard feelings.
Pero if ganitong left out lang ako. Bumabalik 'yung traumas and everything.
Ang hirap. I'm all out. I'm more than willing to give you everything. I understand and acknowledge lahat ng pinagdadaanan mo and stuff. Tanggap kita pati si Bebi.
Ginawa ko na ngang anak din. Ready na maging role model and maging ama. Anyway, I'll drop nalang sooner or later 'yung gift ko kay Bebi and gift ko sa'yo.
On a random day siguro.
Anyway, sorry. Ginulo ko mundo mo. I just don't think na I deserve this kind of treatment when I'm not just willing pero doing everything for you. No hard feelings, hindi ako galit or anything. I'm just in a grief state.
Sorry kung ganito ako, and sorry kung hanggang dito nalang ako.
0 notes
Text
1:32am || 9/19
I feel so not myself at the moment. Not in a bad way, I just feel outside of my own life. Something good as same as being numb. Again, hindi ako galit. Wala din akong sinisisi dito. It's just me and my feelings. 'wag mong isipin sa sarili mo na may kasalanan ka and stuff. Lahat ng ginagawa,binibigay and pinapakita ko sa'yo ay genuinely from me na giving it to you. Wala kang need ibalik or something.
Ayun lang. See you when I see you.
0 notes
Text
Akala ko totoo na, malungkot ka lang pala.
Tumigil ako hindi dahil hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita. Bumitaw ako hindi dahil ayaw ko na sa'yo. Bumitaw ako dahil alam ko na mas 'yun 'yung tamang gawin. Kasi pag nilaban pa kita, masasaktan lang din ako lalo. Araw-araw kitang pinipili, araw-araw kitang nilalaban. Gustong-gusto ko ituloy. Pero alam ko, kahit anong laban ko. Hindi padin ako 'yung pipiliin mo. HIndi naman ako 'yung gusto mo.
Kaya kahit mahirap at masakit, mas pipiliin ko nalang tumigil at lumayo. Dahil ayun lang ang tanging paraan para maging malaya ka at masaya ka.
Siguro naman kahit sa saglit na oras, sa saglit na panahon, sa saglit na paguusap at sa saglit na paglalaro.
Naipakita ko sa’yo kung paano ka dapat tratuhin, kung ano ‘yung deserve mong treatment.
Pero wala, hindi na siguro ako ‘yung taong ‘yun. Sana kung sino man siya, tratuhin ka niya ng tama at ‘wag ka niyang pabayaan.
Pero ‘wag ka magaalala. Andito padin ako para sa’yo. Magmamahal nalang sa malayo. If kailangan mo ng kalaro, kausap, pagvent outan na andito lang ako. If need mo may iyakan, sandalan at takbuhan, nandito lang ako. Pero tanggap ko na hindi ako ‘yung gusto. Kaya ‘di na ako mangungulit. Kaya sinta, patawad.
0 notes