nazsolomon
nazsolomon
LIVE HAPPY
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
nazsolomon · 3 years ago
Text
Kalayaan Namin
Noong bata ako ay palagi na lang akong sumusunod sa gusto ng aking mga magulang. Siyempre wala pa naman akong isip noong mga panahon na iyon. Ang nasa isip ko lang ay dapat akong sumunod. Minsan may reward kapag sumunod. Masaya ‘yun!
Ngunit nitong habang nagbibinata at nag kakaroon na ng isip, parang di naman lahat ng sabihin nila ay tama. Minsan mali din sila at kinokorek ko pa nga. Dahil dito ay nagkaroon na rin ako ng kamalayan na, “ Ahh, piwede palang humindi.”
Siyempre tatanstahin ko sila kung puwede. Dito na papasok ang “critical thinking o logical” na pag-iisip. Parang kasama na ata ito sa pagmature. Masasabi ko na papunta na ako sa pagiging malaya na mag isip at gawin ang gusto ko. Pero ngayon na nag-aaral pa ako at menor de edad pa, siyempre kung ano ang tama ay dapat sundin. 
Pede naman magdahilan, pero dapat makatwirang dahilan ito kasi alam nila kung ako ay nagsisinungaling lang. Balang araw naman pagkatapos ko siguro ng pag-aaral magiging malaya din ako. Sa ngayon, kailangan munang sumunod.
Para sa mga kabataang tulad ko. Anong masasabi niyo sa blog ko ngayon? Kayo din ba ay ganito rin?
2 notes · View notes