Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
🔓🔖 UNLOCKED STORY
One year and a half na rin nakalipas simula ng sinubok ako ng tadhana. January 2018 up to May 2018, na-feel ko yung pain because of love. Sa almost 5 years in a relationship namin ng ex-boyfriend ko na na-feel ko kung paano talaga mag-mahal, masaktan, mag-habol, makasama yung taong nakuntento ka, yung halos na-experienced ko lahat as in. Bnlocked niya ako after niya mag-decide na i-end na talaga between sa’min kasi hindi na talaga kaya i-work since that was the second chance between sa’min noon. June 2017-September 2017 nag-break kami then after 3 months , nag-decide kami na maayos lahat samin kaso yun nga dumating na talaga kami sa hindi na talaga kaya i-work out.
Two days after break up gumawa ako ng dummy account para i-message siya pero dun ko na-discover na in a relationship na kaagad siya which nakapag-paguho ng mundo ko, kaya nag-apply ako sa isa sa Gov’t Services dun ko binaling lahat ng sakit ng naramdaman ko, sa araw-araw na pag-rreport humaharap ako sa iba’t-ibang tao na may ngiti (Napaka-hirap kasi kailangan ko itago na may dinadala ko problema) nag-reduce ako which nagkaroon ng big improvement talaga. Nag aapply ako noon na “Kaya ‘ko to, para makalimot ako lalayo ako” mala “Part of Me” nga naman ni Katy Perry.
Then ito na yung Month na halos nag-paguho lalo sa mundo ko May 2018 na-diagnosed ako with Enlargement Lymphnode (namagang kulani) in short. Almost 1 month and a half rin ako nagpabalik balik sa hospital for further tests. Hindi ko na alam saan ko huhugutin yung lakas ng loob ko na halos mapamura na ko na bakit ganito nagyayari sakin, naiwan na ko tapos nag-kasakit pa ‘ko. para lang din lumakas loob ng family ko, tuloy pa rin, pinapakita ko nun na kaya ko kahit hirap na hirap na ‘ko sa loob loob ko. After biopsy yung result na yung pinaka-nakakaba. Either benign or cancerous yung mass na nakadikit sa lymphnode ko. Yung immune system ko halos affected na. Hirap ako makakakain, andami ng gamot na pinapainom sakin pero ‘di madaan sa gamot para lumiit yung mass, hindi ko na maibuka yung bibig ko, halos mag-locked na yung jaws ko. Sa tuwing lulunok ako, hahawakan ko pa yung left neck ko para maalalayan lang yung pain. Hanggang sa ooperahan na ‘ko sabi ko “sana puntahan niya naman ako” nag-hope pa ako nun e, kaso yun nga mas kailangan ko mag-pakatatag kasi hindi na biro nangyayari sakin mas kailangan ko na unahin sarili ko.
Hindi ko makakalimutan yung makitang umiiyak and marinig yung parents ko habang kinakausap yung doctor na “Doc, thank you so much gising na anak namin. Maraming maraming salamat!” Naluha ako kaagad kasi ganun ako kamahal ng mga magulang ko na makita nilang pagkadilat ko. Almost 3 hours daw sila naghintay na magising ako after operation. 3 days din ako nag-stay sa hospital before ma-discharge. But hindi pa rin nag-tatapos yung hirap, napaka-gastos ng meds and sobrang naaabala ko na parents ko kahit na sinasabi nila sakin na okay lang mahalaga buhay pa rin daw ako.
Awa naman ng Dyos, Benign yung mass na nakuha sa left neck lymphnode ko. Because of that na-deny na rin ako sa inapplyan ko which pa jump-off na sana ko for training, nakakahinayang kaso need ko unahin safety ko. Napaka hirap yung may sinusunod na oras to take all of my meds, paaraw dito, paaraw dun para may vitamins yung katawan ko na ma-absorb.
One month and a half may follow up check-ups parin to see na rin yung na-operahan sakin til the stitch pulled out. Yung gustong-gusto ko lumabas during the month of July 2018 then sa gabi nag-iiyak ako nun na, wala ng tatanggap sakin kasi ganun yung case ko. But before ako mag-move onto another story Thankful ako sa mga ka-workmates, former classmates, friends and relatives ko na halos buhos yung prayers hanggang sa maka-recover ako. Kaya laban ulit!
Last week of July 2018 may nag-add sakin. A guy na familiar sakin, chineck ko yung account niya if tama ako ng pagkakatingin na mutual friend namin yung friend ko nung college. And confirmed, Inaccept ko siya since yun nga naririnig ko siya sa mga circle of friends ko na tinatawag nilang “Kuya” Nag-start yung conversation namin sa “Hi” and yun nag-message and inadd niya daw ako kasi na-curious siya sa middle name ko since hawig daw sa middle name din ng father niya. Baka daw magkamag-anak kami ganern. Nakausap ko siya as kalog. Tipong the following days na nagkaka-usap kami through messenger na akala mo ang tagal na naming mag-tropa o magkakilala kasi binabalahura ko lang siyang kausapin like kung paano ko makipag usap na kalog and makulit talaga which likas sakin e, yung murahan ganun. E ganun rin siya makipag-usap sakin kaya napasabiako na “nakahanap yata ko ng katapat ko mas baliw sakin”
Hanggat sa nakakausap ko na talaga siya, nakilala ko siya na applicant siya ng basta. Until na nagkaayaan kami na mag-meet, BUT BEFORE THAT nagtatanong na’ko sa mga friends ko about sakanya and I have a friend binalaan ako na “Bhe, distansya ka. Alam ko may girlfriend si kuya kaya ikaw para ‘di ka ma-issue alam muna gagawin mo” So, ako ni-limit ko sarili ko kasi ayaw ko makasira ng relationship, hanggang sakanya ko cnonfirm na kung may girlfriend siya sabi niya wala na matagal na. dun ako nagdecide na wala naman masama magkita kami and friendly out lang naman.
Yung month nayan, halos pa-heal palang ng bongga yung opera sakin so dahil sabik ako gumala ulit, Go go ako kay guy sa pag-aaya na umalis kami. Wala naman kami kaya oks lang, tska ang nakakatawa yung pag-aaya niya sakin lumabas. Tipong MANDATORY talaga magkita kami . hindi ka makaka-hindi kasi bigla siyang magsasabi na “Andito na ‘ko Dalian muna” bongga! Parang makokonsesnya ka during that time kasi umuulan tapos iindianin ko? Parang ang bad ko naman, kaya Go Go ako. Nag-church kami sa Baclaran, ang gandang bonding kasi first meet ko sa isang guy na halos hindi ko talaga kilala tapos dun kami nagpunta. Wala siyang kaalam alam nun na bagong opera ko, takot ako ma-judge and kaawaan kaya hindi ko sinabi na bagong opera ko.
Inakbayan niya ‘ko, then lumayo ako sabi ko “wag ka umakbay kasi baka may makakita satin ano pa isipin sa’tin” Naalala ko pa, kumain kami ng street foods, pucha tig sampo yung binili naming tapos sabi niya sa ale 10pesos lahat lahat nakuha namin magkasama na yung samin. E dapat 20pesos ibayad niya! HAHAHHAHA ang gago diba? Oopsss expression ko lang yan! Sinabi ko kasi sa sarili ko nun, bakit ako papa-akbay sa taong hindi ko naman totally close pa tska mahirap na baka nga naman may girlfriend magulat nalang ako may humablot ng buhok ko tapos sabunutan ako though short short hair na’ko kaya wala mahahablot HAHAHA.
Hanggang sa napadalas na yung paglabas labas namin, sinasamahan ko siya mag-review since malapit na yung ano nila nun, COFFEE PROJECT Lake Front is the best place for us, NAKS! May us na, char wait! Since church nga yung nakasanayan naming puntahan, after church, dumeretso kami ng Lake front coffee project. While on our way, bigla niyang hinawakan yung kamay ko ng mahigpit habang nag-ddrive siya. TENGENE DUN KO NA NASABI NA, LORD! Sign na po ba ‘to? Or do I need to limit myself sa taong ‘to kasi baka maulit nanaman. So kahit kinikilig ako, sabi ko “Uy mag-drive ka!” until makarating kami sa coffee project since focus namin is mag-review siya mas pinag focus ko siya mag-sagot ng mga test then after nun ni-review ko siya sa mga answers niya kung consistent isasagot niya sakin. After namin mag-review bigla na napunta sa kalokohan usapan kung anu-ano na tipong tropang usapan, pero iniisip ko nun kailangan ko talagang ituon sarili ko sa kung ano dapat gusto ko mangyari sakin tipong sakin muna.
Hanggat sa napunta na usapan sakin about sa ex-boyfriend ko na 5 years, he asked everything. Napa heart to heart talk kami. Gusto ko umiyak habang nagkkwento sakanya pero sabi ko, bakit ako iiyak? Baka kaawaan lang ako tska baka masabihan ako na ang tanga tanga ko. Hanggat sa nabanggit ko na “ako? Kahit saan naman ako mapunta kasi gala talaga ko” then nag-biro siya na “Kaladkarin ka pala” patawa niya sinabi sakin yan. To be honest, yung biro niya na yun na-offend ako na ano ibig niya i-mean dun? Porke i agreed na lumabas kami kaladkarin na agad? So ayun nanahimik ako tumayo ako sa kinauupuan ko, napansin niya na bigla ako nanahimik and lumayo sa kinauupuan namin then bigla niya ko hinila, nilapit niya upuan ko sa upuan niya. Pinaupo niya ko sa upuan na itinabi niya sa tabi niya and bigla niya hinawakan yung kamay ko sabay kiss sa kamay ko. And I was SHOOKT! Napasabi ko sa isip ko “What is the meaning of this???!!!! Huy riza ano ‘to? Ano to? Anong ginagawa niya mygad! Kinikilig ako na ewan na natatakot kasi parang ang bilis naman yata teka!” So nagpupumiglas yung kamay ko tinatanggal ko sa pagkakawak niya, kaso mas hinihigpitan niya hawak sa kamay ko. The following days, kasi nga kung magkita na kami nun parang thrice a week? Then Sunday is church day namin. Sa Quiapo naman kami, after communion hinahawakan niya mahigpit yung kamay ko and bigla niyang sinabi na “Alam mo ba yung pinag-pray ko na pag binigay ka ni Lord sakin pahahalagahan kita higit pa sa ex mo, Oo higit sa ex mo” and after niya sabihin sakin yan sobrang kinilig ako na “Grabe! Grabe! Grabe! Lord siya na ba talaga? Please give me more signs” since hindi pa ganun ka-sobrang deep yung pagkakakilala naming hindi ko pinaparamdam sakanya na nasakanya na lahat ng tiwala ko kahit nagkikita kami, lumalabas. Bigla ulit siya humawak sa braso ko after naming mag-church then napasabi ako na “ang flirt mo!” which expression sakin and naging dating sakanya offended yung pagkakasabi ko.
Three days wala siyang paramdam sakin after namin mag church nung nasabihan ko siyang “flirt” And dun ko na-feel na “hala namimiss ko siya bakit ganun? Bakit hindi siya nag ggood morning sakin. So ayun naalala ko walang nagkahingian ng number namin ito pala story kaya nagkaka-communicate kami through text na. Pero style niya makuha number ko sa act niya na “Sis gisingin mo ko ha? Tawagan mo ‘ko Baka hindi ko marinig alarm ko.” So sabi ko “Ha? I-on mo dapat data mo para marinig mo call ko” Tapos bigla niya sinabi na “ay mahina net dito sa balur! Kaya tawagan mo nalang ako “ tapos ako naman si nauto? HAHAHAAHH too late ko napagtanto promise! “Paano naman kita matatawagn ? hindi ko alam number mo aber? So ayun na! KUHA NIYA NA NUMBER KO! HAHHAHHAHAHA.
So ayun na nga going back, sobrang namiss ko siya 3 days after ng pananahimik niya, so ako inisip ko na okay kahit miss ko siya wala naman kami pa kaya wala ko obligasyon na alamin kahit gusto ko alamin bakit di na siya nagparamdam. Kaya naging distant din ako. Bnlock ko siya, kasi naisip ko nun nako pa-fall lang to para di maulit, magiging distant ako sa taong alam muna. Kaya ayun, hanggat sa nag-message siya sa friend ko tinanong ano nangyari sakin, bakit siya naka-block. 3 days din lumipas tska ko lang siya kinausap hanggat sa nag-confess siya nan a na-fall na siya sakin ng tuluyan, na-mmiss niya na ‘ko. Ni-limit niya rin sarili niya nun kasi takot siya maging rebound. Na baka ‘di pa ‘ko tuluyang nakaka-move on sa ex-boyfriend ko tapos mag-iinvest siya ng feelings sakin. Hanggat hinayaan namin mga sarili namin umabot sa punto na iba na yung stage ng care namin, iba na yung pakikitungo namin sa isa’t-isa. HINDI niya ko tinanong kung pwede ba siya manligaw, LAHAT ACT! LAHAT hanggang sa pinaramdam niya sakin na GUSTONG GUSTO NIYA ‘KO MAKASAMA, GUSTO NIYA MAG-LEVEL UP YUNG KUNG SAAN KAMI, GUSTO NIYA ‘KO MAGING GIRLFRIEND. Hatid sundo, nalaman ko rin na bago pa kami magkamabutihan may nakakausap siya iba before sakin, and naging honest din ako sakanya na meron din ako nakakausap pero kausap lang ka-mate ko sa AF. Napasabi ako sa sarili ko na HE’S THE MAN! <3 Pinaramdam niya sakin na open na door ko sa lahat, sa sakit , sa love and excitement na mag-explore ulit sa love.
Napaka-gentleman and Sobrang simpleng tao niya yun ang pinaka na-inloved ako sakanya. SUPER DUPER SWEET. Yung ikkiss ako sa cheeks ko na tipong dilaan na buong mukha ko! YASSS Trueee yan, ang manyak ng dating pero dating sakin sweet bat ba! Gwapo naman kaya keri! HAAHHAHA char! Napaka family oriented mas lalo ako na-inloved sakanya. Naalala ko yung sign na nag YES na ko sakanya sa lahat ng pagpaparamdam niya sakin yung nag good bye kiss ako sakanya, BESH! Ang lambot ng lips! HAHAHHA
Pinakita niya sakin kung ano meron silang istado sa buhay, and tanggap ko yun! Hindi naman ako nag-mmatter sa ganun, mahalaga mahal ako and mahal ko din syempre and honest walang halong pag-ppretend. Yung kahit alam ko budgeted na yung money niya, PINAKA MASAYA SA FEELING KO, yung sinurprise niya ko dalhan sa baba ng building naming ng ZAGU and Chocolate flower <3 nakakakilig tska sweetssss I love it!!! Happy daw siya na Makita ako na nasiyahan ako sa simple niya naibigay sakin kahit ganun lang daw, for me it’s not LANG. LOVED YUN <3
Grabe siya kung mag-effort after reporting ang bilis niya makarating samin, kahit pagod pupunta at pupunta ditto samin.Tipong nililipad na. Kaya mas lalo ko siyang minahal kasi pinatunayan niya na mahal na mahal niya ‘ko. Pero syempre hindi palaging masaya, dumating sa punto na nagduda ako, what if maganda lang pakikitungo sakin? Natakot ako na baka gawin niya sakin yung ginawa sakin ng ex ko hanggat sa na-offend siya na,he give everything and lahat ginagawa niya naman para hindi ako mag-hesitate sa feelings ko towards him na hindi ako matakot na mag-commit ng tuluyan sakanya. Hanggat sa nag-decide siya na mag-in a relationship kami sa facebook which kinagulat ng lahat kahit ibang friends ko kasi hindi naman na ko gaanong nagkkwento about sakin. Just to prove na ako lang talaga and yung RIDES is the best bago mag-end yung year of 2018 and bago siya pumasok napaka dami na agad namin napuntahang lugar and nabuong mga memories. Mas lalo ko siyang minahal kaya sabi ko kahit kakakilala lang namin, sakanya ko naramdaman na SIYA NA TALAGA. Gusto ko na makasama to hanggang sa makuha yung career na gusto ko, Kahit ano man dumaan samin na hirap siya pa rin pipiliin ko.
Hanggat sa papasok na siya, dun ulit ako nasubok ng katatagan ng loob ko almost 6 months din hindi ko siya makikita, nakakawalang gana kumain nun na-diet ako! Kaya tuwang tuwa yung mama ko kasi maganda rin pala nalayo muna daw si dadie! Loka din mom ko nu?! HAHHAHA But kidding aside, gabi-gabi ako umiiyak nun. Bago pumasok si dadie nun sabi ko pag outside the tent sila mag- sleep isipin niya na ako yung star na nakikita niya, and ako din ganun din iisipin ko pag nakadungaw sa bintana namin na siya yung star na malapit sakin. Sounds corny pero yung mga araw at gabi dumadaan nun tinitignan ko yung stars and yung stars na nakikita and naabot ng paningin ko same kami ng nakikita.
Before siya magjump-off na-delayed na mens ko nun papasok na siya, kaya he expected na magkaka-baby na kami. December nakakapag-take life siya, kinukumusta niyako kumusta na tummy ko, kumusta na yung pagpapacheck-up ko, hindi pa ko makapag pacheck up kasi inisip ko baka delay lang talaga kasi kakaisip ko na rin sakanya and mej natatakot ako kasi baka bigla ako tawagan sa AF tapos preggy ako which inasam-asam ko work yun kaya halos ma-stress ako what if pregnant ako, ma-ggive up ko yung work na inasam asam ko. Pero dahil mahal ko siya, kung ipagkaloob na samin, madami pa naman work na pwede ko i-grab. Hanggat sa dumaan yung Birthday, Christmas and New Year na di man sakto sa mga holidays nayan inuupdate niya ‘ko, nag-ttake life siya para kumustahin ako super naiiyak ako kasi nag-eeffort siya na alamin ano lagay ko sa labas instead na sarili niya unahin muna dun.
Walang araw na hindi ako umiiyak noon, kasi hirap na hirap ako tanggapin na ang layo niya pero kailangan ko tatagan sarili ko kasi kailangan maganda ko paglabas niya! HAHAHHA sobrang miss na miss na miss ko siya kaya ‘pag Unknown number dali dali ko yang sasagutin kasi possible siya yung tumatawag. Kaya yung phone ko lagi lang nakakabit sakin and laging may load just incase biglang mag-text anytime may pang response if ever pwede mag-reply. Naiitindihan ko and I know yung limits sa ganyan since my dad and brother ganyan din ang profession kaya alam ko pakiramdam ng malayo sa loved one. Pag nammiss ko siya, ittext ko sila mama niya or chika with his sisters na halos napalapit na sakin, treated me as part of the family na rin kasi.
January 2019 I decided to go to OB-GYN kaso pnroblema ko nun na kanino ako papasama buti may nakilala ko na asawa ng kasamahan niya and willing na willing samahan ako. Kaya thankful ako sakanya kahit hindi kami close and magkakilala mismo talaga, sinamahan niya pa rin ako. Concern daw kasi siya sakin since applicant ako nun and panay jog ko baka daw may laman na tummy ko tapos panay jog pa ‘ko kaya ayun and hindi pa ako dinadatnan, but unfortunately after all the tests, trans v not yet pregnant pa ‘ko. Delayed lang talaga ko and because of too much stress kaya siguro na-delay mens ko. Yung pakiramdam ko nun nauna saya ko kasi “YES! Tuloy and almost near na ‘ko sa career na gusto ko kaso bigla ko naalala na halaaaaa maddisappoint si dadie L inaasahan niya na may Baby Margaux na kami. Sabik na siya Makita yung tummy ko na hindi na taba yung makikita niya.” Kaya hindi ko alam paano ko siya sasagutin pag tumawag siya, na wala pa kami baby.
And then nakilala ko yung friend niya na isa sa naging hingahan ko dito sa labas habang nasa loob siya. Isa din siya sa tumulong na magka-update ako sakanya, SOBRANG SAYA KO NA tumawag yang guy na friend niya sakin kasi yung reason ayan na nga, nung una ayaw ko sagutin kasi bakit nakikipag-video call? So nakadalawang tawag yata yun tsaka ko sinagot then bumungad si DADIE! OMG! MAH HEART! MAH HEART! As in nanginginig ako na tipong naluluha pa ako nung Makita ko ANG PAYAT NA NG DADIE KO! SHET! YEHEY! HAHAH Pero promise! Super thankful ako sa guy friend ni dadie kasi nakausap ko si dadie because of him.
Until we decided to meet (dadie’s guy friend nayan) for me to update everything since I don’t have any access any update na kay dadie. Hindi ko pa naiisip na gamitin I.D/access ko para mapuntahan si dadie niyan e, So sakanya muna ko umaasa nun sa guy friend ni dadie. Since bago pumasok si DADIE sinabi niya na sakin na “Kay Guy friend ka lumapit pag may kailangan ka dito sakin” since nagpaalam ako na sa friend ko nalang na uniformed personnel ako lalapit para madalaw ko siya or what. but he refused instead sa kakilala ko, kay guy friend nalang para daw sure. So, nag-meet kami ni guy friend niya and since important yung kailangan ko ipapaalam niya kay dadie since dinadalaw niya sa loob during that time, pinasabi ko na “Please sabihin mo sakin kapag ano magiging facial expression ni dadie ha? Wala pa baby Hindi pa ako pregnant (sabay pakita ng results ng tests) kahit ako na-ssad pero mas di ko alam magiging dating kay dadie baka ayawan niya nako? Inaasahan niya na as in asang asa na siya magkaka-anak na kami”
I dunno when is the following day? Or weeks after namin magkita ulit ni Guy friend ni dadie since galing siya kay dadie para ipaalam nga yung mga nasabi ko until nasabi ni guy na “Sad si dadie pero wag daw ako mag-alala” until naging kausap ko si guy sa messenger. I know may girlfriend siya BUT THE SADDEST thing, napaghinalaan ako, pinaghinalaan ako na may samin ng boyfriend niya. Hanggang sa naging distant ako kasi akala ko isa siya sa makaka-intindi ng situation ko during that time since she has been there yung feeling malayo sa mahal niya. Dumating sa punto na nagkunwari pa siya na siya si Guy friend ni dadie na akala niya hindi ko alam na siya yun, ginagawa akong gago na kahit ano piga o pilit niya paaminin ako na she’s using sweet words THE HECK! Girl, im trying to be distant even friends kami niyang boyfriend mo and she insisted everything has a meaning between of his boyfriend. She insisted in the said conversation na “Miss nakita” “send ka nga selfie” as in paulit-ulit niya ko pinapapasok na kahit anung gawin niya wala ako aaminin na “she’s hibang” Si DADIE ang pakay ko kaya ko kinakausap yang boyfriend mo that’s it. And the heck, si dadie ang boyfriend ko bakit yan pang boyfriend mo. HAYSSS stress! Nakakaloka na bakit pinipilit yung bagay na wala. That’s why I cut communicating with his boyfriend which dadie’s one of closest friend.
Gumawa ko ng sarili kung way for I communicate personally kay Dadie, im so deperate na e kaya I used my I.D na. bahala na ano mangyari kahit makaladkad ko surname namin kahit dumating pa sa father ko pinag-gagawa ko na madalaw si dadie. So ayun, nung nakikita ko na siya and nakakapasok ako sa camp ng walang kahirap hirap dinadalaw ko na si dadie, kahit nga seconds or 1 minute masaya na ko basta mahawakan ko kamay niya, Makita and makitang ma-high morale siya. HANGGAT KAYA NG ORAS KO IBIBIGAY KO. Yun ang sinabi ko sa sarili ko. Mapawi manlang yung pagod niya sa loob, alam ko may mga consequences yung mga ganyang dalaw bahala na! Take nalang ng take siya naman yun e, char! Hanggat sa na-kwento ko even to his family na “Pinagselosan ako ng girlfriend ni guy friend niya that’s why ako na nakikita niya and lumayo nga ako sa friend ni dadie. Then napasabi si dadie na “grabe naman yun”
The following months February, March hindi ako napagod na Makita si dadie, masaya ako kahit saglit lang masayang masaya na’ko kahit bitin yung usap okay nayun. EXCITED ako kapag feeling ko may activity sila outside the center kasi inisip ko masulyapan ko lang happy me na ulit, buo na araw ko. Hanggat sa dumating na mga passes nila, MAS LALONG HAPPY NA mas nakakabitin. And Happy na rin nung nagka-phone na sila.Hinding hindi ko makalimutan yung journey ko as a sunod-sunod wherever trainees go. HAHHAHA well love ko and miss ko kaya gagawin ko lahat!
Ayan na Graduation na, me so excited! Nagawa na naming ulit yung mga bagay without time limits! Ang sarap sa pakiramdam after all the long months of waiting in game, kasama ko na ulit mahal ko. Yung pagllunch sasabayan ko siya para lang di niya maisip na nag-iisa siya. And andito ako to support him! Everything! Since I’m his MAMIE NEZ <3
July 2019 ito na the real world namin. Sabay na yung journey naming na nag-fforward, dito nag-start kami subukin ng relationship namin. By the end of month ng July napadalas yung pang aaway ko sakanya, sobrang mixed emotion na kasi nag-uunder go nanaman ako for another check-up half of the month of July,sinced tumaas blood pressure ko, madalas ako mahilo and napaka antukin ko which nakaka-ewan na nun. Kaya nagdecide na ko magpunta hospital. wala e ang gago ko lang kasi mainit ulo ko sakanya kahit effort na effort naman si dadie na puntahan ako dito samin and i-remind ako na maging careful ako sa mga tintake kung meds kasi isa yung pagtaas ng BP kapag pregnant nga so buti pa siya may alam, KASO! Parang may mali nga kaya nga halos negatron na’ko? Yung nakasanayan kung DADIE mej nag-iba yata, so kinimkim ko pero nung ‘di na ko nakatiis, cnonfront ko siya anong meron? Anong mali? May iba na bang family? Napapraning na’ko baka may iba hanggat sa pinuna ko na in everyday na bakit magttext sakin pag patulog nalang which napaka unusual hanggat sa sobrang galit ko umabot na ‘ko sa point nasabi ko na
“Ginamit mo lang ba ‘ko? Baka naman tama yung sinabi sakin ng ex-girlfriend mo na gagamitin mo lang talaga ko? Tapos ka na sa gusto mo sakin kaya ba ganito ka na sakin? hindi porke anjan ka na sa career mo gaganituhin muna ko? Alam mo sana hindi nalang ako nag-bigay ng time sayo noon sana mas nag-focus ako sa gusto ko! Ginive up ko yung gusto kung career kasi ayaw mo magkalayo tayo ng almost 3 years hindi mo kaya kasi napaka layo kung saan ako maddestino. Kung di kita nilaanan ng time sana rin nakapasa ako! Yung time na sakin nalang sana pero binigay ko sayo! Maghiwalay nalang talaga tayo! Ang sakit sakit na kasi!”
Then he respond “NAKAKABASTOS KANA! Sige mamie sabihin muna po lahat sakin! Ano pa ba? Sige! Lagi nalang way mo yung iwan ako! ” which natakot ako kasi yan yung first time na kahit not in person kami magkausap during that time intense yung pagkakasabi niya sakin and iba na-feel ko. And after niyan nag-sorry ako and I ask him “Mahal mo ba talaga ako?” “Mahal mo ko?” He replied “OO MAHAL KITA”
And Papasok na yung month of august! August 1, 2019, 11 o’clock in the evening sa pagkakaalala ko, He leaved a message which yung content is full of sweetness and reminder na anjan lang siya for us sa relationship namin and yung ginagawa namin is para sa future namin and he greeted with full of love kasi August 2,2019, 11th monthsary namin. By the way, august 1 took the pregnancy tests, POSITIVE. YES! Na-push na ‘ko kasi delay na ko and grabihan na yung signs even yung dad ko nagtanong sa mother ko “Buntis na ba yang si nez? Yung tyan niya halos lumalaki tapos panay tulog, tanungin mo nga!” So ayun yung mother ko na-urge na magtanong sakin so ako wala naman ako masagot kasi nung nagtanong siya hindi pa naman ako nagPPT. Dun nalang ako na-urged na mag-PT and super happy kasi magkaka-baby na kami. May baby margaux na kami. Tadaaaah August 2, 2019 sakto 11th monthsary, dun na siya nag-start na manlamig sakin. Tnry ko siya contactin pero off yung phone. Hanggang sa cnontact ko yung kasamahan niya sa B.Area yun tulog daw and deadbatt yung phone pero wala wala ko na-received na message na babatiin ulit ako :”( August 3,2019 Saturday, hinding hindi ko talaga makakalimutan ‘to araw na ito. SA TALA NG BUHAY KO ITO YUNG PINAKA HINDING HINDI KO MAKAKALIMUTAN. August 3 in the morning, na-contact ko na siya after so many times I called him. Nagkausap kami over the phone maayos naman pagkakausap namin in the first hour, to sum up nagkausap kami almost 2 hours and a half. Pero ramdam ko na mabigat loob niya sakin and Nag-sorry ako sa mga nabitawan kung salita sakanya. And I asked him “Dumating na ba sa punto na pabitaw ka na?” and he respond “Oo dumating na ko sa punto nayun, pero nung kausap ko yung isa sa kasamahan ko dito napasabi ako sa sarili ko na “kaya ko pa” alam mo yan na iba yung tama ko sayo alam mo kung gaano kita kamahal na mahal halos gawin ko lahat para lang patunayan sayo na ikaw lang talaga”
Then panay sorry pa rin ako, and nung malapit na matapos yung usapan naming over the phone sabi niya “sige na maglalaba muna ko and may pupuntahan ako”
So dahil gusto ko siya i-surprise and maabutan ko siya sa b.area nila, nagmadali ako makaalis samin kaso sa katangahan ko kakamadali ko, from 2nd floor down to 1st floor nalaglag ako, YES I’m aware na im pregnant but I dunno ilang months na since hindi pa ako nagpacheck after ko magPT nung August 1. Halos hindi na ako makatayo sa pagkakalaglag ko nun, hindi ko alam paano ngako nakatayo kahit dugo-dugo na tuhod ko pinilit ko sarili ko na kahit ang lakas ng ulan niyan push ako mapuntahan siya, maabutan siya. Kasi ganun ko kagusto mag-kaayos kami. Halos pag tinginan na ‘ko sa jeep kasi dali-dali ko pinupunasan yung tuhod ko na halos tumulo na yung dugo, sa lakas ng ulan kahit sobrang hapdi tinitiis ko. Hanggang sa sabihin ko “Dadie please see me here at Mercury Drug im waiting, willing to wait” No response, texted him siguro fifty times but no response yet. Until I call of one of his Kabaro na where is the exact location ng rent nila ayaw ko sana kaso need to see him for him to know na MAGIGING DADIE na siya J Mej nalito pa ngako saan dun yung area nila kasi nga halos pare-pareha color ng gate, one hour and a half ako nag-antay ng reply niya but already informed him na im around sa area nila nung papalabas na siya, I saw his facial expression looked disappointed na andun ako and I was liked “wag ko nalang sabihin hindi niya na siguro deserve na malaman na magkakaanak kami, kaya ko naman buhayin yung bata kahit kami lang ng family ko makaalam if ever iwanan niya ‘ko.” Hanggang sa nag-lunch kami and tahimik pa rin siya, and because of im pain from fell down sa stairs na hindi ko pinapaalam sakanya. nag-ppretend ako na im in pain because of our arguments. And sabi nya “itigil mo pag-iyak mob aka isipin nila inaano kita dito” Masakit sa loob ko yung pahintuin niya ko umiyak hindi niya alam halos halo halo na yung nararamdaman ko, na tipong nagkita kami pero hindi kami magkakaayos. Hanggat sa ihahatid niya nako sa sakayan, way pauwi samin. Ang tagal bago ako sumakay kasi kinukumbinsi ko sarili ko na sabihin sa kanya na “Dadie im pregnant na, magiging dadie ka na” but everytime na Makita ko yung facial expression niya na madaling madali na siya na bumalik sa area nila gusto ko na humagulgol pero pinipigilan ko and sinabi niya “Masakit na kasi ang sakit paulit ulit (turo sa dibdib niya and sa tenga) na bitawan moko sa tuwing di pagkakaunawaan natin. Takot ka kasing mawalan! Akala mo hindi ako nasasaktan?” Then sabi ko “takot ako mawalan hindi ba ikaw yung takot? kasi parang pasuko kana. ATTEMPT lang lahat ng mga yun sakin and never ko tinuluyang iwan ka!” then a minute after, he kissed my forehead and hugged me. Dun ko na sana babanggitin na “Dadie, daddy ka na” Pero mas lalo ako pinanghinaan
Habang papalayo na siyang naglalakad sumakay na ko and bumaba rin ako near sa street shortcut sa area nila, hanggat sa sinabi ko na “dadie labas ka pa-hug ako” wala siyang kamalay malay sasabihin ko na magiging daddy na siya. 10 minutes ago bago siya lumabas, pagkalabas niya nakita ko na disappointed siya na ako ulit na parang ang kulit ko. And nung sinabi ko yakapin niya ko, naramdaman ko na HINDI NIYA NA KAILANGAN MALAMAN talaga. Yayakapin ko siya pero pagtalikod ko this will be the last na makikita mo ‘ko, na I’m sorry but hindi mo makikita yung bata.
Hinang hina ako naglalakad, since napaka-lakas nanaman ng ulan nun, wala na ko pake kahit maligo na ko sa ulan, sa sobrang lutang ko naabot ako ng Quiapo church nun, maniwala kayo sa hindi inisip ko sa sarili ko iiyak ako hindi naman nila ko kilala hindi nila alam sakit na nararamdaman ko, umabot ako hanggang hapon sa church, halos mapatanong ako na “Bakit? Bakit nangyayari sakin to. SAAN AKO NAGKULANG?” hanggang sa pag-uwi akala ko mauubos na yung luha ko, umuwi ako ng iyak ako ng iyak, wala ko pake sa mga nririnig ko sa magulang ko napano ako kung ano man.
I ask one of my closest friend, “tingin mo sabihin ko pa ba sakanya na magiging daddy na siya? Kahit na mukhang ayaw na sakin? Saklap nu? Single mom ako. Hindi ko ma-imagine isip ko na magiging single mom ako na akala ko yung taong sasamahan ako mag-build ng family pero wala” and she respond “Yes, of course deserve and may karapatan siya malaman yan. Nasa usapan niyo nalang kung paano settlement sa bata” and dun ako nakapag decide na sabihin na sakanya over the phone through text. Pero wala ko natanggap na response a minute after I sent a message to him, nag rest room ako and then shookt ako. Full of blood cloth and nag-panic na ‘ko. Kasi paano magkakaroon ng ganun samantalang wala naman ako mens and im aware na im pregnant. So, I texted him agad na and nagtext siya sa Globe ko na “Smart, sagutin mo” meaning buksan ko yung smart na phone ko and sagutin ko tawag niya. And lumabas ako sa hallway, kasi ayaw ko malaman nila mama na ganun nangyayari na sakin, talked him over the phone. Until matapos yung usapan naming gusto ko sanang sabihin na “I need money”, kaso nahihiya ako kaya nag alibi ako na I lend already sa brother ko pang pa-check up since para ma-assure safety ng pregnancy ko and kinabukasan nun nag-punta na ko hospital. Inaantay ko siya na magkusa na sabihin na sasamahan niya ko, pero inisip ko hindi niya ko masasamahan since problemado siya that time financialy so ayaw ko sumabay and ubligahin siya kaya nagpasama ko sa friend ko.
AUGUST 4, 2019, confirmed I got miscarriage. Too much stress and dahil sa pagkakahulog ko kaya I lost a baby whom I will never know the gender of, never get to hold. Sobrang durog na durog puso ko during that time, paano halos mukhang gago ngako kasi sabi ko baka need ko pa second opinion baka mali lang yung doctor, ang nagawa nalang ng friend ko is yakapin ako niyan, gusto ko magmawala kaso inisip ko magwawala ako? Halos walang wala na lahat sakin. The untold story. Which hindi niya na malalaman pa, Icconfine ako niyan pero I signed a waiver na kung ano man mangyari sakin I agreed na wala silang pananagutan sakin. Hindi ako makapag-stay sa hospital kasi I don’t have enough money to stay and to get rest. Ayaw ko mag-lend ng money sa friend ko kasama since even siya she need money. WALANG ALAM PARENTS KO EVEN MY BROTHER na nagkaganyan ako, ayaw ko mag-alala sila na im almost teared down.and ayaw ko masira siya sa family ko ayaw ko mag-iba tingin sakanya.
Pinilit ko na makipag kita sakanya for him to know everything but he refused to know everything. Ilalabas ko na sa bag ko yung tests and waiver sana to prove na wala na talaga. He keeps on telling me during that time “wag nalang natin pag usapan” which lalo nagpaguho sa mundo ko.
Eventually malalaman ko na kaya distant siya dahil parin sa nabitawan ko salita sakanya. Inuna ko maayos kami kahit na halos duguin nako, not literally funny I used pads even don’t have mens. MATIGAS ULO KO e kahit pwede maging cause ng death ko yung pagpapaulan after miscarriage inuna ko parin kausapin siya. Almost breakdown in front of him while covering my face under my umbrella , pinapatigil niya ko but wala e sobrang sakit na nasabi ko na “bakit parang wala kang pakialam na nawalan tayo ng anak?” grabe naman pinagdudusa mo ko sa dahil sa nasabi ko?! Nag-sorry naman na’ko ano pa ba gusto mo? Kung walang katotohanan yung mga nabitawan ko salita why you keep acting like that! TO BE HONEST, What I really want and insulting about him nung nagtatalo kami, he keeps on listening but iilan yung lalabas sa bibig niya na response. Then following “uwi kana” hanggang sa nasabi niya rin sakin na “yan yan yan, hindi ko ma-reach ka negahan mo” After all of my interpretations sa act niya the past days til the day na I got miscarriage. Napaka-unpredictable, ako yung halos mabaliw sa kung paano niya ko pakitunguhan nan a halos sarili ko na masaktan ko na ENOUGH BA NA GAWIN NIYA SAKIN lahat ng yun dahil sa nabitawan kung mga salita?!!! Hindi ko pa rin siya tinigilan, sinuyo ko pa rin siya. MAHAL ko e, kaya hanggat kaya ko pa gumagawa ko paraan. Nagiging okay pero wala na yung dating dadie. Hanggat sa dumaan ng dumaan yung mga araw na nakakapikon na. Na may kami pa ba? Ask him many times if maghihiwalay na ba kami and ang bilis niya magsabi na “Hindi tayo maghihiwalay, tumigil ka nga sa ganyang pag iisip mo” Then sinasabi ko, pero bakit iba yung inaact mo!!!!!!!!
August 12 ba yun ? nung end of Eidl Ftr. Na-push ako magpunta sa isa kung friend which based in Imus, Cavite. To vent out sa sobrang kailangan ko umiyak kahit ganun kalayo nag-punta ako. Napainom hanggang sa dumating na boyfriend niya napa-share na ko. And hindi ko na namalayan yung oras, almost late night na pala and aware ako na hindi ko na kayang umuwi kasi hilong-hilo na ‘ko. I called 2 friends of mine, pero both hindi sila available na sunduin ako. Hiyang hiya na ko sa friend ko nayun kasi halos oras na ng pahinga kaya nag-iiyak nako na paano ako makakauwi, and wala ako kamalay malay na nasa labas na nila si dadie. Which kinagulat ko na hindi naman siya tinawagan ko na sumundo para sunduin man ako. From Pateros to Imus,Cavite nilundag niya masundo ako.
And I felt, NAAWA nalang siya sakin, Ramdam ko na ayaw niya na sakin pero dahil sa feeling ko makokonsensya siya if ever may mangyari sakin. Hanggat sa pauwi na kami, iyak ako ng iyak habang naka-angkas. Inabutan na kami ng ulan around Las Pinas palang hanggat sa makarating na dito samin. Pagkababa ko, tinanong ko siya “Galit ka ba sakin?” And umiling siya. And napasabi na “umakyat ka na, magpahinga ka na” and tinanong ko ulit siya habang umiiyak nanaman ako “mahal mo pa ba ko?” and he respond “bakit ba lagi mo nalang knquestion yung pagmamahal ko sayo? Ano paghihinalaan mo nanaman ako?” and sabi ko nalang “Oo o hindi lang naman ang gusto ko sagot” and he replied “Oo mahal kita (habang nakatingin sa mga mata ko)” dun ko na hindi kinaya na masabi sakanya “Pero bakit ganito ka sakin? Hindi ko na alam apektado nako! Halos hindi na ko makapag focus as in hindi na. Hindi ko na magawang asikasuhin yung dapat pinaglalaanan ko ng pansin! AKO BA YUNG PROBLEMA MO! (habang dinuduro ko yung dibdib niya) please tell me! Ako ba ha? Ako ba!?” Then bigla niyang nasabi na “HINDI IKAW ANG PROBLEMA KO! May sakit si mama hindi ko na alam saan ko pa ilulugar sarili ko, gulong gulo na ko “ after niya msabi na hindi ako ang problema, gumuho yung mundo ko lalo na “HUH! AFTER 1 WEEK! NA HLOS KULITIN KO SIYA NA AKO BA PROBLEMA tapos hindi pala” Then napasabi na ko na “Dad, hindi ako namimili ng problemang pakikinggan sa buhay mo andito ako BAKIT HINDI MO SINABI SAKIN! TUTULUNGAN KITA KAHIT ANO MANGYARI! Wala nalang ba ko sayo? Nakakagulo na ba ko sayo? He respond “Sa nangyayari ngayon parang oo” and that was the last kita namin.
I beg for him to stay before pa mangyari yang scenario, I beg him to the point lumuhod ako sa harap niya , nagulat din ako sa sarili ko BAKIT KO GINAWA YUN! Nag-iwan ako ng embarrassment sa kanya, nung sinabi niya sakin “tumayo ka jan hindi ako dyos para luhuran mo” “Wag na wag mo ko pakikitaan ng kahinaan mo” --- For me it’s not weakness. Being true with my feelings is a sign of maturity. It’s an acknowledgement of my own feelings that I let it out to feel better. The outcome may not be taken positively in his side, but I wanted him to do know that in my part nakakagaan ng pakiramdam and conscience.
Then ask him personally “Bakit parang wala lang sayo nawalan tayo ng anak?” and he respond na biglang umiyak “Akala mo lang wala akong pakialam pero nasasaktan din ako, (he touched my face) and napasabi alam mo yan kung gaano ko kagusto magkaanak na tayo”
Two days after, nakita ko pa yung shared post niya sa my day niya about “Wag magpapadala sag alit para hindi makasakit ng damdamin ng ibang tao” and kinabukasan he sent a message sakto paalis ako pa-baguio. “Mahirap man isipin pero nakapag-decide ako na gusto ko na muna mag-focus sa career na meron ako. Magiging masaya ako kapag nakuha mo rin yung gusto mo career. Masaya ako nakabonding ko kayo ni Tita. ….” First sentence palang nung binabasa ko yang message niya, halos manginig na ‘ko, naisip ko “wala na nakikipag break na” Dahil I’m in a denial stage, inisip ko na pag disiya nagreply sa sasabihin ko walang wala na talaga I replied “I love you dadie, mahal na mahal kita” and he replied “Mahal din kita” and nag reply pa ko na nag uupdate ako sa ganap sakin. And nag update din siya after that HE CLEARED HIS NICKNAME sa conversation namin. And that was the end of convo namin.
I rant over my facebook account but the rant is all about pain, wala po ako sinirang puri or katauhan sa pag-rrant ko. Pag-uwi ko galing baguio two days after niya makipag-break, wala na yung in a relationship and nagpalit na siya ng DP.
Let me now share this to all of you for all you to know what was the real reason. Nabibingi na kasi yung iba because I remain silent for almost 2 and a half months. The first month of me and dadi’es break up. (Hindi ako mag ddrop ng name as usual in the first part palang ng story) may na-come up na issue which yan yung start na mas kinagulo na pagkatao ko. MAHIRAP MAN TANGGAPIN SA PART KO yung iwan niya ko, pero nirespeto ko yung gusto niyang mag-focus sa career niya? and hindi na maging part ng successful ng life niya, hindi ko na magawang i-beg siya kahit gusto ko pa. Pero sinabi ko na sa sarili ko, magmamakaawa ako tapos itataboy ulit ako? Masakit na yung ipamukha pa sakin na ayaw na ayaw na sakin na THAT WAS THE FIRST MATINDING AWAY pero sumuko na.
Until may issue na nacome up because of conversation. Which Month of MAY pa yung convo.
Between me and the guy friend. A conversation na instead sakin tinanong pero mas pinili niya sa ibang tao itanong which really offended sa part ko. HE HATES and I know kahit sino ayaw ma-compare. Nung time na may issue ako sakanya about sa babae I NEVER CONFRONTED THE GIRL if true or kung ano man. Siya mismo inaway ko, yas inaway ko pero the end of the day nagkaayos naman kami. Ganun lang, bakit sa ibang tao mo itatanong, YOU’RE THE ONE WHO WILL DECIDE IF MANINIWALA KA OR NOT SA ISASAGOT SAYO atleast you heard an answer sa person na dapat sumagot sa lahat ng questions mo.
So ayun na nga, HE confronted my friend regarding the issue and pinabasa niya mismo ano pagkakaintindi ng friend ko sa conversation. Nasaktuhan naman na magkikita talaga kami ng friend ko nung nag-message sakanya si Dadie, ayun pinabasa sakin lahat ng friend ko mga pinagsasabi ni dadie about sakin and he highlighted sa part na halos pagkamalan niya kami ng guy friend niya na may samin nung guy friend niya and
“NAGAGO SIYA NASA LOOB PALANG DAW SIYA” “WAG MUNA PAGTAKPAN YUNG KAIBIGAN MO” “NAGSALITA NA SI GUY KAYA WAG NA KAYO MAG EXPLAIN” “LIBOG LANG PINA-IRAL NILANG DALAWA” --- lahat ng mga nababasa ko sa conversation nilang dlawa ng friend ko gusto ko balibagin lahat ng mga gamit na nasa harap ko during that time, na AFTER ALL! AFTER ALL! AS IN AFTER ALL, NG EFFORT at Kagustuhan ko makita siya, gaano ako kasabik na makita siya sa loob puntahan siya na tipong siya na nga yata nananawa sa mukha ko kakapunta dun tapos paghihinalaan ako. Halos yung laman ng conversation SIYA AT SIYA IBINIBIDA KO SA GUY FRIEND NIYA, na Damn! After all! Halos wala ko palya na puntahan siya na halos magkwento pa ko sa mother ko na magkikita kami ni guy friend niya dahil sa may sasabihing balita sakin and pag tumatawag siya and even ‘di online nag uupdate ako na nagkita kami ng guy friend niya kasi ayaw ko mapag-isipan ng masama kasi ang tao makita ka lang may kasamang iba, iba kaagad iisipin. PERO HALOS GUMUHO na pati sarili ko, maparatangan ako sa hindi ko naman ginawa. Maparatangan ako na “libog” I will attach the photos ng conversation namin ng guy. Since he cried in front of his kabaro and napasabi na “Hindi pre’ may ebidensya”
Yung nakaka-offend lang? YUNG MAY TATAWAG PA SAKIN TO CONFIRM IF IT’S TRUE? I answered a call from a sissy. Since naging closed naman kami kaya sinagot ko, Alam ko naman saan mapupunta yung mismong tanong and sabi ko kahit hindi pa siya nagtatanong pa “Oo wala na kami” but bigla niyang nasabi “Hindi sis, totoo ba na nanlalaki ka?” napamura ako and nasabi ko “Grabe naman yan sis! Sobra naman yang chismis nayan, paano niyo nasabi yan sakin?” she respond “Sis sabi kasi ng asawa ko iyak ng iyak si ano mo tapos may pumunta pa na lalaki tapos sabi lalaki mo daw yun. Sinabihan na nga pati ako ng asawa ko lumayo na sayo kasi baka magkaroon din daw ako ng iba” ng ganyang yung sinabi ko halos gusto ko sumigaw and mag-iiyak na nananahimik na ‘ko bakit ganyan pa kalala yung issue L sabi ko nalang “grabe naman halos manggalaiti ako pero ano pang magagawa ko? Yan ang kumalat. Gusto ko mag-explain pero naparatangan na ako e? May mababago pa ba ‘ko sa nabuong kwento?” and napasabi siya na “Oo sis kalat sa rent nila kasi iyak ng iyak si ano mo, may ebidensya daw siya e” and may last word is “ Sana mabasa niyo yung conversation para hindi one sided ang kwento”
after I received a calls from different people, I changed my phone number, nanahimik pa rin ako. Meron man ako nakakausap pero iilan. Yung taong akala ko tiwala sakin at hindi ako kayang husgahan pero siya mismo sumira sakin. GANUN NALANG BA TINGIN SAKIN? Ganun ba ko kababaw na babae? nakilala niya ko na halos hindi ko maibigay yung ako agad sakanya. Nakilala niya ko na hindi ako basta basta nagpapaakabay sakanya, ako pa mismo lumayo nung tingin ko na fnflirt ako na ganun dating sakin kahit hindi ganun gusto niya iparating. Kung lalandi ako? Bakit pa ‘ko mag-eeffort puntahan siya? Bakit ko pa aantayin? Sana dun palang naisip niya na.
BUT wla siyang narinig na explanation from me. I explained everything to my friend and relayed to him EVERYTHING what was my intention and talked about with his pointing out na highlighted conversation. Nagflashback sakin kung gaano kasakit yung feeling na salinkitkit ako, na akala ko wala ng issue between his ex girlfriend. During the time na andun kami sakanila, sobra ako nilamon ng kahihiyan ko na ano ba to pinasok ko, bakit pakiramdam ko ako nakasira ng relationship though he confirmed na almost 3 months na silang wala nun. BUT pinili ko parin maging mas matatag kami kahit na tingin ko malihim siya GO PARIN AKO.
I never expect na babalik siya after issue kasi sinarado niya isip niya sakin, MAS NANIWALA SIYA SA TAONG GALIT SAKIN. Naniwala siya sa taong pinilit yung bagay na wala naman. Halos nagpapaulit ulit sa tenga ko yung mga pingako niya na “Mamie, ako yung lalaking nakalaan sayo na iintindihin ka” “I-take lang natin yung problem na dadating satin a challenge” “Mahal na mahal kita mamie, ikaw lang! Can’t wait to have a baby with you”
Nag-suffer ako for almost 2 months, sa pagiging tahimik ko about this issue, nilapitan ko lang yung mga taong kaya akong i-handle. I kept on asking “mali ba nanahimik ako” and random yung opinions. Nag-attempt ako mag suicide, to the point hindi dahil sakanya, BUT BECAUSE OF THE SITUATION. Wala ako dapat aminin kasi wala naman talagang samin nung guy nayun, gabi gabi nilalamon ako nun na --- “basura ako” “tinapon na ngako naparang basura na wala ng pakinabang, hindi makaintindi” “inalis ako sa priority because I’m not that kind of girl na worth to handle” “got miscarriage” “tanga hindi nag iingat kaya nawalan ng anak” “masama ugali” “walang alam sa gawaing bahay” “nanlalaki daw” “libog lang pinairal” “manloloko” “nang gago”
BASAG NA BASAG AKO! I drunk a lot, natuto ako mag-inom simula na mag broken hearted ako kay Dadie. Iba yung sakit e, already told him umpisa palang “Once masaktan ako ulit hindi ko na alam kung kaya ko pa iovercome” Hindi ko alam paano ko pa bubuuin sarili ko ng mga oras nayan,hindi ko na makilala sarili ko
AND I HAVE A FRIEND NA HINDI MARUNONG MATULOG. Na hindi nagsawa sa paulit ulit ko pag vvent out, na hindi ako jinudge na halos umiyak nung mga araw na nagpapaalam na ‘ko. THANKFUL AKO SA GIRL na ‘to kasi hindi niya ko binitawan kahit umiiyak ako kahit kausap ko siya over the phone as in ‘di siya nag sasawa pigilan ako. na DESERVE KO PANG MAHALIN isa na daw siya dun.
Nakapag bigay na ko ng letters sa friends ko, already sent a message na please alagaan yung parents ko and be ate sa graduation ng kapatid ko kasi I cannot promise na I can stay longer here. Halos hindi na ako nakakakain, nagagalit ako na nagigising pa ako sa umaga, ayaw na ayaw ko na nakakarinig ng motor na halos katunog ng kanya, lulang lula ako. Dumating na nga sa point nun na Im at EDSA Taft na halos hindi ko na alam paano pa ako makakauwi agad agad kasi I saw same with his motorcycle model halos mag flashback sakin lahat. Kaya I called a friend na sunduin ako kaso hindi siya pwede kasi night shift siya kaya nag book nalang ako ng angkas, nakakatawa? Natatawa ka mabasa na ganito naging act ko, right? It’s okay if matatawa ka. BUT you need to be thankful because hindi nangyari sayo yung ganito na almost emotionally and physically downed. Napabayaan ko yung health and face ko na rin, nalosyang ako! Mygad! Na-tortured ko na sarili ko, inaccept ko na sarili ko na wala ng ibang tatanggap sakin kasi napamukha na ng iba sakin na ginawan ko siya ng masama BUT HINDI AKO GALIT AS IN HINDI AKO GALIT sakanya. Kahit na ganun ginawa niya sakin, LAHAT NG TAONG NAKAUSAP KO sila makakapagpatunay na LOVE pa rin nanaig sakin kasi from the start of arguments hindi ako nag –filter, wala ako nabanggit na pangit about sakanya. Issue lang naman e, HE TREATED ME LIKE A QUEEN bago pa kami subukin ng tadhana.
I bought different kinds of medicines na pwede makapag pa-overdose sakin. Decided na ko na i-end up yung life ko dahil sa mga nangyari. Can’t imagine the whole month of August nabagsakan ako ng problema, kaya umuuwi ako sa bahay gabi na para tulog na sila pagkakauwi ko. Napasabi na nga rin ako na hindi na ‘ko mag attend ng classes ko and will not take the exam. Since I have my own room, free ako sa room ko. BUT biglang naglambing sakin mother ko,pumasok siya and niyakap niya ‘ko and panay kwento ng kung anu ano which naririndi ako kasi irritable nga ako during that time. Saw her eyes na gusto lumuha kaya dun ako nag decide na rin na I WILL NOT KILL MYSELF. Mahal ako ng family ko and sa mga taong patuloy ako minamahal kakayanin ko
Hanggat kaya ko mag-vent out sa mga taong willing pakinggan ako and hindi ako sasabihan na PAULIT ULIT KA NALANG I gave my trust to share the glimpse of my story. Sobrang sarap sa feeling na yung simpleng pangangamusta nakakagaan ng loob.
Binaling ko yung sadness ko sa pag-ttravel, Start with my solo travel in Baguio City. Sobrang saya hirap lang talaga mag-selfie. BUT wayback home nasa Pampanga na ‘ko, hindi ko na napigilang umiyak. Wala naman gaanong pasahero kaya free din umiyak! Char! Ayun nga naalala ko nanaman siya, kung gaano kasakit yung mga nangyari hanggang sa makauwi na ko wala na nasira na yung happiness na nagawa ko sa Baguio. Ang nakakasakit ng loob ko after ko mag post sa new facebook account ko ng pictures ko na nag solo travel ako? Yung masabihan ako na, “Wow! Pa travel travel nalang move on na agad agad ang galing” Hindi nila alam behind those smiles tinitiis ko na Makita ako ng iba na I’m happy kahit yun yung way ko na hanapin and buuin sarili ko. That’s why I lived in my Instagram account, already turned down my new account. Grabihan sa criticisms e, grabihan din yung i-update ako na --- “uy! Mukhang may iba na siya may binaggit na babae kaso hindi sure sino mukhang naka-move on naman na yung ex mo kaagad” “uy akala namin ikaw yung nasa my day niya sino yung kasama niya” ‘di ko kinaya! kaya halos pinili ko mawala sa mundo ng facebook and messenger. HINDI KO INENTENTION NA ALAMIN PA ganap sa buhay niya, pero ang sakit fresh pa pero yung sendan ako and sabihan ako ng mga ganyang bagay mas ‘di nakatulong sakin kaya di ko kinaya, lumayo ako sa mga taong mas makakapag-dagdag ng sama ng loob ko
And the following weeks I travelled to Antipolo and yung places na sana pupuntahan namin after Jariel’s Peak. Yun na pala yung last rides namin magkasama L Sabi ko pa naman sakanya nun, “Dad diba yung dp mo dati nasa jariels ka ? ayun yung time na dp mo na single ka na, see andito ka ngayon magppicture in a relationship and you’re with your soon to be wife in the rest of your life” ayunnnn,sad lang L yun na pala last ride.
Nag-message sakin yung ex-boyfriend kung 5 years, and sabi niya na he’s happy na malaman niya na I’M HAPPY WITH DADIE. Na sana alagaan ako, Lalo na nung nakita niya daw na naka-piggy back ride ako kay dadie. Nagkausap kami kasi nag-sorry siya sakin. Nasa message request message niya sakin which 3 days ago na pala tska ko lang na-open. Month of May 2019 after 1 year na, inamin niya sa sarili niya na niloko niya ko and karma is real daw sakanya and nagsisisi na iniwan ako. So ako sa isip ko nun bakit pa sinasabi yung mga ganyang salitaan , kloka! And sinabi niya kung magkakaroon lang ng another chance he will grab. BUT I shared kung gaano ko kamahal si dadie. Balibaliktarin MAS PIPILIIN KO PA RIN SI DADIE. Siya yung bumuo sakin. na AKALA NI DADIE mababa tingin ko sakanya, aminado ako na-compare ko siya kay ex nayan. Na-feel ni dadie kasi mas saludo ako sa naging act sakin ni 5years pero hindi niya alam na halos nainggit sakanya si ex kung 5years na siya halos proud na proud ko naiharap sa parents ko first met with my dad partida dun agad ng sleepover! Hahaha, samantalang siya daw sa 5 years naming never ko napakilala sa dad ko. basta proud ako na-kwento sa ex ko nayun na si DADIE NA TALAGA AND MASAYANG MASAYA NAKO. Kahit napasabi siya na, sana hindi ako pinakawalan. Im not sharing this para maipamukha na nakausap yang ex ko but the closure, check na check. No hard feelings and wala na dapat iexplain about samin kasi may kanya kanya na kaming love. Kaso yun nga, walaaaa naiwanan again ako.
Napaka dami ko pinagdaan the past 2 months and a half,sinubok ulit ako ng tadhana. Sinubok ako ng katatagan ko. Na halos i-end ko na sarili ko, pinili kung lumaban. TAPOS NA YUNG MGA ARAW na kinatakutan ko na baka hindi ko kayanin, na hindi ko maibuhos yung best ko. PERO I THANK TO OUR LORD, GOD! HE SAVED ME! Hindi niya ko hinayaan na malugmok. Nasasaktan ako, lumalapit ako sakanya, na akala ko impossible ng mag move forward ako. I’M TRULLY BLESSED, hindi ko namalayan na nag-hheal na yung heart ko kahit paunti-unti. Na-ssurvive ko pala yung mga araw na dumadaan sakin, na kahit in pain lumalaban ako harapin yung sakit na pinagdadaanan ko. Hindi ko masasabing wala na yung pain kasi may mga gabi na halos umiiyak pa rin ako, asawa na kasi yung tingin ko samin dalawa. Nakuntento ako sa kanya, Andaming nagulat na wala na kami napasabi na lang sakin na “Halos panoorin ko pa nga IG stories mo and my day na kung gaano ka kasaya na kasama siya, akala ko nga mag asawa na kayo e kasi mahal na mahal mo halatang kuntentong kuntento ka na” and napasabi nalang ako sa isip ko na “yes lahat yan totoo pero wala e naparatangan ako sa kung ano yung pagkakaintindi niya sa mga nabasa niya, madumi tingin niya sakin kaya kahit ano ganda ng pakikitungo ko sakanya dati wala na siyang makikitang maganda sakin” ….. MASAKIT PERO PATULOY AKO LUMALABAN. Hindi dahil sa nanahimik ako ibig sabihin guilty ako, wala na akong pakialam. BUT I preferred to have a self-preservation.
To my sissy friends, sorry kung mas pinili ko lumayo sainyo. Hope maintindihan niyo, wishing you all have much stronger family bond.
To my baby,Siguro hindi pa talaga para sakin ang pagiging momma to be. I LOVE YOU, kahit saglit naranasan ko na maging mommy.
-NEZ
1 note
·
View note