Tumgik
nicolelantoria · 3 years
Text
Edukasyon sa gitna ng pandemya.
Sa pag dating ng COVID-19 sa Pilipinas, naapektuhan lahat kabilang na rito ang edukasyon sa bansa. Naging mahirap ito sa mga paaralan, dahil lahat ay pinatigil ang mga klase ng ilang buwan, marami rin ang hindi natuloy kabilang na ang graduation ng ibang mga mag-aaral. 
Sa bagong pag implimenta ng gobyerno sa online learning, naging mahirap ito sa lahat, sa mga guro at pati na rin sakin na isang mag-aaral. Hindi ko alam kung ano ang aasahan, kung magiging epektibo ba ito at kung may matututunan ba ako dito. Noong una ay hindi ko rin alam kung itutuloy ko ba ang pag-aaral dahil sa taas pa rin ng matrikula kahit na ito ay online na lamang. 
Naging mahirap sa akin ang pag-aral sa bagong sistema na ito, ilang beses akong umiyak sa tambak ng mga gagawin, sa ibang lesson na hindi ko masundan, sa pressure na makakuha ng matataas na grado. Buti nalang at may mga naging kaibigan ako sa mga kaklase ko kahit na hindi ko pa sila nakikita. Tinutulungan nila ako tuwing may hindi ako maintindihan, mayroon din akong mga napag sasabihan ng mga problema ko sa pag-aaral. Tinulungan nila ako makapag adjust sa bagong sistema at environment. Naging malaking tulong din sa pag-aaral ko ang mga propesor na mahaba ang pasensya at naging maintindihin sakin at sa mga kapwa ko mag-aaral. Naging mahirap man ito nung una, nakayanan ko pa rin naman at patuloy ko itong kakayanin para sa pangarap. 
3 notes · View notes
nicolelantoria · 3 years
Text
Panibagong Yugto.
Para sa mga tao, ang pag diwang ng pasko at ang bagong taon ang isa sa mga pinakainaabangan ng mga taong dumating tuwing taon, ito ay naging tradisyon na sa buong mundo. Isa rin itong araw para makasama ang pamilya at makapag pahinga. Bukod sa mga regalo at paputok na inaabangan ng mga tao tuwing pasko at bagong taon, inaabangan din ito ng mga tao dahil ang bagong taon ay isa ring panibagong yugto para sa lahat. 
Dahil sa dumating na pandemya sa bansa, marami ang nag bago kabilang na rito ang pag gunita sa pasko at bagong taon. Maraming ipinagbawal, maraming kailangang sundin na health protocols, at lalong marami rin ang hindi nakapag diwang kasama ang mga mahal nila sa buhay. Isa ito sa pinakamalungkot at mahirap na taon, o ito na yata ang pinakamalungkot na pasko at bagong taon para sa karamihan. Marami ang namatay dahil sa pandemya, marami ang kailangan mag trabaho at mag sumikap para sa bansa at para sa buhay ng iba, marami rin ang hindi makauwi dahil bawal ang umalis ng bansa. 
Hindi ko man napagdiwang ang pasko at bagong taon sa paraan na lagi namin ito ipinagdidiwang, para sakin mas mahalaga pa rin na ligtas ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko man sila nakasama lahat kumain ng noche buena, hindi ko man sila nakasama na salubungin ang bagong taon, para sa akin ay mas ikakasaya ko nalang yun kesa na makita silang nasa ospital o may sakit. Naging simple lamang ang aming handaan sa bahay, walang masyadong tao, hindi rin masyado maingay pero ramdam ko pa rin ang saya. Sinalubong ko ang aking bagong taon na puno ng saya dahil sa wakas, matatapos na ang taon, taon na naging sobrang hirap para sa lahat. Sa wakas at nakayanan ko ang taon na ito na may maraming natutunan. Sana ay ngayong panibagong taon, maging maayos at bumalik na sa normal lahat. 
1 note · View note
nicolelantoria · 3 years
Text
Ang Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa COVID-19.
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging matatag dahil kahit na sa dinami ng dinanas ng Pilipinas ay nakakaahon pa rin ang mga Pilipino. Sa mga bagyo na dumating, sa pagsabog ng bulkan at ngayong pandemya ay patuloy pa rin ang mga Pilipino sa pag sikap na makaahon. Kasabay ng mga problema ay nag susumikap pa rin sila na ipag patuloy ang kanilang buhay.
Sa aking pananaw, kung atin lamang agad na isinara ang ating bansa at pinag bawal muna ang pag lakbay ng mga taga ibang bansa ay paniguradong hindi magkakaroon ng kaso ng COVID-19. Hindi sana isinang walang bahala, dahil magiging malaking epekto ito sa bansa. Sana rin ay ginastos ang pondo ng bansa sa mga testing kit, na kung saan magiging isang malaking tulong para makita at malaman ang mga taong may virus. Hindi sana ito magiging problema para sa mga taong walang pera na pang gastos para sa testing kit. Sana rin ay binigyan ng dagdag na mga benepisyo ang mga health workers at front liners para hindi nalang sila mapilitan na umalis at sa iba mag serbisyo. Masyadong naging ignorante ang gobyerno at hindi pinakinggan ang mga gustong iparating ng mga Pilipino na nag dulot na hanggang ngayon hindi parin tayo nakakabangon.
Bilang isang mag-aaral ang aking maibabahagi ay ang pagiging mulat sa mga nangyayari sa bansa. Ako ay patuloy na tutulong kasama ang ibang mga Pilipino na maging maayos ang bansa na ito. Sa pagiging disiplinado na mag-aaral, magiging isang malaking tulong na ito sa bansa. Sa simpleng pag sunod natin sa mga protocols at safety guidelines, magiging isang malaking tulong na rin ito sa mga front liners. Hindi ka lamang nakaiwas sa virus, nakaambag ka na rin sa pag iwas na pag kalat ng virus.
1 note · View note
nicolelantoria · 3 years
Text
Ang Pag-diriwang ng 37th Founding Anniversary ng ALIAC na may temang: Keeping the Faith. ALIAC’s PAL-DAB* program flying high!
Noong Oktubre 15 at 16, 2020 ay pinagdiwang ng Air Link International Aviation College ang 37th Founding Anniversary ng ALIAC na may temang: Keeping the Faith. ALIAC’s PAL-DAB* program flying high! Dahil sa pandemya, ang pagdiriwang na ito ay naging iba kumpara sa nakasanayang tradisyon ng ALIAC, idinaraos ito gamit ang zoom app na kung saan ay virtual mong makakaharap ang mga taong kasali sa isang event.
Sinimulan ni Fr. Glenn Paul Gomez ang unang araw ng event noong Oktubre 15, 2020 sa isang Eucharistic Celebration. Sa opening celebration ng event ay ipinakita ang mga bidyo ng tradisyon na pag diriwang ng ALIAC ng kanilang Foundation Day. Sinundan ito ng State of the College Address ni Presidente Atty. Gomeriano V. Amurao. Pagkatapos nito ay saka na inilahad ang mga magiging aktibidad, mga komite at ang mga kalahok sa The Face of ALIAC. Sa unang araw ay naganap ang mga kumpetisyong technical competition, online bingo na para sa mga empleyado ng ALIAC, digital poster making, online poetry slam, filmmaking competition, photography competition, e-games competition at ang virtual battle of the bands. Nag tapos ang unang araw ng foundation day sa isang raffle mula sa management ng ALIAC.
Sa ikalawang araw ng event noong Oktubre 16, 2020 inumpisahan ito ng Zumba Session at raffle mula sa management ng ALIAC. Sa araw na ito ay ginanap ang kumpetisyon base sa tagisan ng talino, ang ALIYAHNIMUS: The ALIAC 2020 Quiz Bee’s search for strongest Link. Nahahati ito sa dalawang kategorya, ang basic education at ang college at saka nag paraffle ulit. Naganap din ang ALIAC Got Talent na nahahati sa contemporary dance competition, tiktok dance challenge, lip sync battle at ang ALIAC virtual star o ang singing idol.
Ang mga nag-wagi sa mga patimpalak ng ALIAC:
Float Parade - Chino Catalino ng BSOA
Digital Poster Making - Chino Catalino ng BSOA
Online Poetry Slam - Jonahue Potenciano ng BSAE
Filmmaking Competition - "Hiraya Manawari" ng BSTM at BSOA
Photography Competition - Arriza Dumayag ng 12-Hope
E-games Tournament - Outlawz na kinabibilangan nila McDale Rosario, Renn Adrian Solomon, Gabriel Soledad, Yeechan Lee at Sendrick Vivar.
Virtual Battle of the Bands - Rush
Quiz Bee - Robi Jud Tumambo 12-Hope at Martin Sta. Maria ng BSAF
Contemporary Dance Challenge - Jan Alister Bayubay ng BSAF
Tiktok Dance Challenge - Karla Adolfo ng BSTM
Lip Sync Battle - Christine Jane Rodriguez ng BSAMT
ALIAC Virtual Star - Reyzette Dano ng BSAV
The Face of ALIAC 2020 - Angelo Mangune at Angelica Arinal
1 note · View note
nicolelantoria · 3 years
Text
Ang mga naganap na virtual seminar ng NSTP-CWTS sa gitna ng pandemya.
Nais ng NSTP-CWTS na maituloy padin ang mga seminar para sa mga mag-aaral ng ALIAC kahit na tayo ay nasa gitna ng pandemya, kaya ay gumawa sila ng paraan upang maituloy ito sa ligtas na paraan. Ang mga webinar na ito ay ginanap gamit ang zoom app na kung saan ay virtual mong makikita at makakausap ang mga tao.
Ang unang webinar sa unang semester ay naganap noong septyembre 19, 2020 na may pamagat na Scio: ALIAC Phoenix’s unyielding cognizance for environmental awareness. Ito ay pinangunahan ni Ginoong Manuel Dimalaluan isang renowned agriculturist galing sa department of agriculture. Layon ni Ginoong Manuel Dimalaluan na mag bahagi ng kanyang mga ideya sa hydroponics/aquaponics system at urban agriculture.
Ang ikalawang webinar sa unang semester ay ginanap noong oktubre 24, 2020 ito ay pinangunahan ni Ginoong Rodne Galicha isang executive director of living laudato si Philippines and isang environmentalist, and pangalawa naman na speaker ay si Dr. Ted Esguerra na isang disaster management expert resource. Layon ng webinar na ito na tayo ay maging handa at alerto sa mga disaster na kahit anong oras na pwedeng mangyari.
Ang unang webinar sa pangalawang semester ay may pamagat na Gender Laws ito ay pinangunahan ni Dr Gina Opiniano na isang propesor sa UST layon ng webinar na ito na maging mulat tayo at responsible at hind imaging ignorante pag dating sa mga kasarian at mga batas.
Ang pangalawang webinar sa pangalawang semester ay may pamagat na Servant Leadership: Strenghthening mental health and social skills through volunteerism. Ito ay pinangunahan ni Madonna Sundiam. Layon ng webinar na ito na tayo ay iencourage na maging mabuting ehemplo, na mapatibay ang mga kakayahan patungo sa pagiging lider.
1 note · View note
nicolelantoria · 3 years
Text
Online Poetry Slam Bilang Pag gunita ng ALIAC sa Buwan ng Wika.
Noong Agosto 29, 2020 ay ginunita ng ALIAC ang Buwan ng Wika sa isang patimpalak sa Spoken Word Poetry na may pamagat na “HILOM: Mga Piyesa ng Pag-asa at Pagbangon sa Panahon ng Pandemya.” Ang layon ng patimpalak na ito ay mapakita ang gilas at talino ng mga studyante ng ALIAC sa pag gamit ng wikang Filipino at ang pag angkop nila sa new normal ngayong pandemya. Ang mga nanalo sa patimpalak na ito ay sila Vanessa Bellen ng BSOA 1-1 na nakakuha ng ika-tatlong gantimpala, sunod naman ay si Roman Garcia ng BSAMT 1-1 na nakakuha ng ika-pangalawang gantimpala at sa unang gantimpala naman ay si Angelica Arinal na mula sa BSTM 1-1 na may piyesang pinamagatang “Paano ba Makakabalik Muli.”
1 note · View note
nicolelantoria · 3 years
Text
Scientia: Knowledge Hub 2021 ng ALIAC.
Noong Enero 28, 2021 ay ginanap ang seminar na Scientia: Knowledge Hub 2021 na may temang “Propelling Aviation Amidst the Pandemic through Innovation.”Ang seminar na ito ay ganap na naging tradisyon na, ito ay isang pormal na seminar na ginanap gamit ang zoom app. Layon nito na mag bahagi ng mga impormasyon tungkol sa aviation ngayong pandemya.
Sa umagang sesyon ay pinaunahan ito ni Pres. Atty. Gomeriano Amurao sa isang pambungad na mga puna, sinabayan rin ito ng isang virtual na exhibit na kung saan pinakita nila ang mga bidyo ng mga nakaraan na Scientia.
Sa sesyon ng unang plenary ay sinimulan ito ni Dr. Joel Joseph Marciano, Jr., siya ay isang director general of the Philippine space agency- PhilSA ngayon, at isang engineer, scientist at professor.
Sa pag simula ng break-out session ay inihiwalay ang mga studyante base sa mga kurso. Nahati ito sa dalawang grupo, sa unang grupo nandito ang CAF, BSOA, BSTM at ang kanilang tagapagsalita na sila Dr. Hernando Sly Salapare III at Capt. Patrick Raul Roa. Habang sa pangalawang grupo naman ay BSAMT, BSAV, BSAE at ang kanilang tagapag salita na si Dr. Melito Baccay at Engr. Camilo Dacanay.
Sa sesyon ng pangalawang plenary, nag bigay ng kanyang mga pananaw at kaalaman si Dr. Jayson Lo na isang awtor. Habang sa sesyon naman ng pangatlong plenary ay binigay ni Capt. Jessica Cox ang kanyang mga nakakainspire na karanasan sa pag abot ng kanyang pangarap na maging piloto.
Nag tapos ang seminar sa mga katibayan ng pagkilala sa mga tagapagsalita at sa paraffle ng management ng ALIAC.
1 note · View note
nicolelantoria · 3 years
Text
Panayam kay Bb. Delia Balondo: Ang New Normal sa Mga Guro.
Sa pag dating ng COVID-19, isa sa mga sobrang naapektuhan ay ang edukasyon. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang nahirapan kundi pati na rin  ang mga guro. Isa sa mga aking nakapanayam ay isang guro na nag tatrabaho sa isang paaralan sa Thailand na si Delia Balondo. Siya ay nag tuturo ng asignaturang Ingles sa Anuban Wat Pichai School Thailand, isa sa mga skwelahan na pag mamayari ng gobyerno ng Thailand. 
Ayon kay Bb. Delia, face to face learning pa rin ang sistema ng kanilang pag tuturo pero dahil sa pandemya may ibang pag babago ito,  tulad ng pag social distancing, at ang pag sanitize sa paaralan at pati ng mga tao. Kinakailangan din nila na mag suot ng face mask tuwing papasok sa paaralan, maaari lamang nila matanggal ito kapag sila ay mag tuturo na, sa mga mag aaral naman ay saka lang nila ito natatanggal tuwing sila ay kinakailangan na kumain. 
Kung ikukumpara ito noong wala pang pandemya ay nag susuot pa rin naman sila ng face mask, dahil sa polusyon na dulot ng mga sasakyan at iba pa pero ngayon ay kinakailangan na nila mag face mask dahil sa sakit na pwede nilang makuha. Kinakailangan na rin nila na laging mag alcohol at mag check ng kanilang temperatura. Ayon kay Bb. Delia, mabuti nalang at hindi sila masyado nahirapan mag adjust sa mga pag babago dahil matagal na nilang nagagawa ang pag suot ng facial mask at pag alcohol, ngunit ang naging pag subok lang ay ang pag panatili ng social distancing sa mga bata.   
Sa tingin ni Bb. Delia ay naging epektibo ang social distancing sa pag kalat ng virus kahit na sila ay naka face to face learning. Dahil sa pag sunod ng mga tao sa mga ipinatupad na mga panuntunin nabawasan ang pag bilis na pag kalat ng virus. 
2 notes · View notes