Tumgik
niicsblog · 2 years
Text
Dapat gawin ng mga kabataang tulad mo na magbubunga ng kabutihan
 Ang mga kabataan mayroong potensyal sa paggawa ng mga bagay-bagay na maaring makapagdulot ng kabutihan hindi lang sa kani-kanilang bahay, eskwelahan, kundi pati narin sa buong lipunan.   Mga dapat nating gawin bilang isang kabataang tulad mo na magbubunga ng kabutihan, tulad nalang ng pag-aaral ng mabuti, pag-respeto sa ating kapwa, at pangangalaga ng ating kalikasan. Ating makakamit ang ating minimithing pangarap sa buhay sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, sa pag-respeto sa ating kapwa at sa pangangalaga ng ating kalikasan ating napapanatili ang kagandahang ating natatanaw. Ang kabataang tulad ko ay dapat marunong tumanaw ng pasasalamat sa mga biyayang ating natatanggap sa buhay, tayo ay maging mabuting tao, magalang, matapat, at matulungin.
1 note · View note