Tumgik
ninyoito · 3 years
Text
Nailahad ang mahahalagang mga kaisipan na dapat nating malaman at pangyayari sa kasulukuyang panahon na dapat aksyunan. Ako din ay sumasang-ayon sa sinasabi mo na ang kalusugan mental ay dapat natin pahalagahan at alagaan dahil sa tingin ko’y mas mabilis itong sumuko kaysa sa ating pisikal na pangangatawan
Kalusugan ng Kaisipan ay Ingatan
Bakit nga ba importante nating pahalagahan at ingatan ang kalusugan ng ating kaisipan? Dahil kung ito’y mapapabayaan, maaring maapektuhan lang nito ang mga kilos at damdamin. Kung mapapabayaan lang natin ito, hindi imposibleng sa huli ay ating saktan ang ating sarili o sa kasamaan ay makasakit pa tayo ng iba. Pisikal man o mental.
Noon pa ‘man ay may mga tao ng depressed, hindi man natin ito nakikita pero nadyaan yan sa kanilang mga isipan at kinakain sila ng kalungkutan. Sa di inaasahan, dumating itong pandemyang ito, na mas dumami pa ang ang mga taong nakulong sa depresyon o kaya mas pinalala pa ang pinagdadaanan ng iba. Sa dahilan na, kulong sa bahay at walang sariwang hangin, malalayo sa mga kaibigan at dagdag pa ang mga problema sa bahay, mga taong namatayan ng kanilang minamahal at higit sa lahat ay pakiramdam mo ay mag isa ka nalang sa laban na ito. Lalo pa lamang nitong pinalala nang pagtutok sa virtual setup ng pagaaral na hindi sang ayon ang karamihan. Madaming nagpakamatay dahil sa pressure ng online class. Sunod-sunod na pagbibigay ng mga gawain at kakulangan sa oras ng pagtapos ng mga gawain. Dahil ang iba ay may iba pang gawain pagtapos ng klase tulad ng, paglilinis ng bahay at anumang gawaing bahay o kaya naman, pag aalaga o pagbantay sa kapatid. Sa huli ay maaring laging puyat ang mga estudyante makapag pasa lang ng mga nakatakdang gawain. Iba naman ay dumadaan sa pag kakaroon ng mental breakdown dahil sa hindi alam ang gagawin o kaya naman ay nahihirapan sa sitwasyon at walang mahingan ng tulong. Kaya karamihan dito ay hindi sumsang ayon sa setup na online class. May iilan na nakayanan malumpasan itong online class pero may iilan din na hindi. Kaya dapat maging mabait tayo sa isa’t isa dahil hindi natin alam ang kanilang mga pinagdadaanan, at alam natin na karamihan din sa atin ay nahihirapan sa paraan na ito kaya dapat tayo ay magtulungan.
Tumblr media
Ang kalusugan sa pagiisip ay kasinghalaga ng kalusugan pampisikal dahil hindi magiging maayos ang buhay natin kung di natin ito aalagaan. Maaring maging miserable ang ating buhay kung hahayaan natin ang ating mga kaisipan na masira o kaya’y masanay na mag isip ng kung ano anong mga bagay. Mahalagang lumapit tayo sa mga doktor upang matulungan natin ang ating sarili maka ahon at kumawala sa depresyon. At sa aking opinyon, pinaka magandang lunas ay maging kailangan lagi tayong maging bukas sa ating mga mahal sa buhay, lalo na sa ating mga magulang at magkwento sa kanila. Nakakatulong din ang pagsusulat upang doon maipahayag ang nararamdaman. Mahirap kalabanin ang ating sariling kaisipan kaya mahalagang may kaibigan tayong mapagkukwentuhan. Dapat tayo’y laging maging mabuti sa mga tao na pumapaligid sa atin, dahil hindi natin alam ang pinagdadaan ng iba.
36 notes · View notes
ninyoito · 3 years
Photo
Talaga namang ang mga leader nga ang dapat nangunguna at gumagabay lalo na sa ating mga ordinaryong mamamayan. Dapat rin kilalanin natin sila hindi lang sa kanilang mga nagawa, dapat rin ay kilalanin sila sa kanilang mga katangiang totoo!
Tumblr media
      Kasikatan o katangian, ano nga ba ang tamang kalidad ng isang lider?
 Ano nga ba ang kahulugan ng lider, ang lider ay isang taong namumuno at nagpapalakad ng mga batas sa isang bansa. Sila ang sumisimbolo ng pagkakaisa at kapayapaan ng mga mamamayan sa kani-kanilang bansa. Kaya’t ang bawat bansa ay mayroong isang lider na tinatawag upang kanilang sundin, upang maisakatuparan ang kapayapaan sa kanilang lipunan. Ang trabaho ng isang lider ay hindi basta basta lamang, sa kadahilanang isang buong bansa ang nakaasa sa kanilang mga desisyon at mga patakaran, katulad sa Pilipinas, ang Pilipinaas ay isang demokratikong bansa na ang ibig sabihin ay, ang mga taong botante rito ay ang mayroong karapatang pumili ng kanilang nais na lider upang sila'y pamunuan sa pamamagitan ng pag-boto sa mga kandidato ng pagkapangulo sa ating bansa. Ang mga kwalipikasyon naman upang ang isang taong nag nanais na maging isang pangulo sa ating bansa ay; dapat pinanganak bilang isang Filipino, isang rehistradong botante, nakakabasa at nakakasulat, apat na pung taong gulang sa araw ng halalan, isang residente ng Pilipinas sa loob ng sampung taon bago mag-halalan.
 Sa pagiging demokratiko ng Pilipinas, karamihan ng mga tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa ating gobyerno ay mga taong iba-iba ang persepsyon, paniniwala, relihiyon, at iba pa, mula sa mga artista, atleta, doktor, abogado, at iba pa. Marami rito ang gumagamit ng “sugar-coated words” o sa tagalog mga matatamis na salita o pangako na kanilang sinasabi sa ating mga mamamayang Filipino upang sila'y iboto sa dadating na halalan, ngunit inililista na lamang sa tubig kapag sila'y nahalal na sa nais nilang puwesto. Kaya’t ngayong halalan ay kailangang buksan na ang mga mata ng ating kababayan, upang makita ang tamang katangian ng isang tunay na lider, hindi nang-iiwan, ginagawa ang karapat-dapat para sa bansang sinilangan, ‘di na sisilaw sa mga ginto’t pilak na matatangap balang araw, at higit sa lahat inuuna ang mabuting asal na mayroong makikinabang, hindi buwaya pagdating sa pera ng mga tao, kundi’t ginagamit ang pera ng mamamayan upang magpabuo ng mga iprastraktura na pakikinabangan ng mga susunod na henerasyon at magagamit sa kinabukasan ng ating bansa.  
 Ang isang lider ay hindi nang-iiwan ng kanilang kapwa sinasabayan ang pagbagsak at pag-angat ng bansa, pag desisyon ng tama upang magbenepisyo ang bansa, at ang taong naninirahan dito. Pagiging totoo sa sarili at sa bansa, pag pangako ng katotohanan at hindi paglista nito sa tubig pagdating ng panahong sila'y kinakailangang kumilos. Hindi nila ginagamit ang kanilang kasikatan upang magpasikat, 'di paggamit ng kanilang posisyon upang mang-abuso ng kanilang kapangyarihan. Hindi rin paggamit ng kasikatan upang tumakbo sa politika, kahit na ikaw'y wala pang karanasan pagdating sa pamumuno ng isang buong bansa, o kahit man lang pamumuno ng isang siyudad. Pagpili ng mga tamang desisyon, hindi binabara-bara ang pagdedesisyon na pupuwedeng makaapekto sa mga tao ng bansa, ang bansa mismo, ang katayuan ng ating bansa, at iba pang bagay na maaapektuhan kapag ang piniling desisyon ay ang mali. Syempre ay hindi maiiwasan ang pagpili ng maling desisyon ngunit, kailangan matuto ng isang lider mula sa kaniyang kamalian, at mula sa boses ng mga taong kaniyang pinamumunuan kailangan niyang maging isang matalinong lider na kayang matuto sa isang pagkakamali lamang at kayang patunayan ang kaniyang mga katangian sa sambayanan.
6 notes · View notes
ninyoito · 3 years
Photo
Dapat ngang tayo’y maging mapanuri at tiyak sa ating ibobotong candidato dahil sa atin rin ito babalik!
Tumblr media
                                      Sino Ba Ang Nararapat?
        Ang eleksyon ay isang paraan ng pagpili ng mga tao kung sino ang manunungkulan sa kanilang lugar. Bawat tao ay may karapatang bumoto ng kanilang nais maging pinuno sa kanilang lugar. Ang mga mamamayang nasa hustong gulang at rehistrado ang binibigyan ng pagkakataon para makaboto. Sa pagpili ng iboboto, kinakailangang suriin mabuti ang kakayahan at sinseridad ng manunungkulan. Dahil ang mga taong ating ihahalal ay siyang magiging susi para sa pag unlad ng ating bayan. Kaya kailangan na maging matalino sa pagpili at huwag hayaang bilhin ang ating boto. Hindi lamang ang tatakbo sa pagiging presidente ang dapat nating pag-isipan, bagama’t lahat ng ating iboboto, dahil lahat sila ay kailangan maging karapa’t dapat sa kanilang tinatakbuhang posisyon sa gobyerno.
         Sino nga ba ang karapat dapat? Ano nga ba ang mga katangian ng isang mabuting lider? Ang isang mabuting lider ay etikal, makatotohanan, mapagmalasakit, matalino at magaling. Mahalaga na natatangi ng isang lider ang mga ito upang maging maayos ang pamamalakad sa ating bansa.Malaki ang tungkulin ng lider sa gobyerno ng Pilipinas, hindi maaaring ang iang lider ay takot sa Diyos, malasakit, lakas ng loob ang baon sa politika. Lalo’t sa ating bansa na napakaraming ikinakaharap, korapsyon dito, patayan doon, mahinang ekonomiya at napakarami pang iba.      
          Sa paparating na eleksyon ngayong taon 2022, marami ang nagtatalo dahil dito. Bilang isang minor de edad ay hindi pa ako maaaring bumoto. Ngunit hindi ito dahilan upang ipagwalang bahala ko ang papalapit na eleksyon. Sa napapansin ko ay karamihan ng tao ay nabubulag sa mga sabi sabi ng kandidato na malayo naman sa realidad. Ang marami naman ay ipinagbebenta ang kanilang boto sapagkat kailangan nila ng pera, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang ipagwalangbahala ang sariling mo na boto dahil ang isang boto mo ay mahalaga para sa ating bayan.
7 notes · View notes
ninyoito · 3 years
Photo
Ako’y sang-ayon sapagkat tama ngang dapat tayo’y may pamantayan at sinusunod pag dating sa ating ginugustong maging pinuno, dapat hindi natin sila iniidolo at binibigyan pa ng pag puna.
Tumblr media
                                            Suriin ang Panig    Upang magkaroon ng isang maayos ng pinuno at maunlad na bansa na ating inaasam. Lahat ng ito ay nagsisimula sa atin sa pamamagitan ng pagiging mapanuri at pagiging matalino sa pag boto. Isipin muna naten ang nagawa ng bawat isang politioko o mga datus na kanilang naitala habang sila ay umuupo bilang isang politiko. Kilatisin din natin ang mga natapos, nagawa o naipatupad ng mga ito tsaka lamang mamili kung sino ang iyong iboboto. Importanteng wag mag padala sa mga sabi sabi o mga kwento ng iba upang mahulog ang loob nyo sa isang politiko o siraan sya upang wag siya iboto. mag saliksik muna ng mga impormasyon na makakatulong sayo na mas maboto ang tunay na karapat dapat. 
Isiping Mabuti kung ang iyong iboboto ay kaya makamit ang iyong ekspektasyon. Tignan Mabuti kung kaya nyang higitan pa ang nagawa ng lumipas na politiko. At ang pinaka importante sa lahat bomoto ng ayon sa iyong puso at isip. At wag ipasawalangbahala ang yung dignidad para sa pera. Wag mag pabayad sa iba kundi gamitin ang iyong nalalaman upang pagkakatiwalaan o piliin ang tatayo para satin. 
Dahil sa huli hindi sila ang magsisisi kundi tayo. Kaya habang darating pa lamang ang eleksyon importanteng suriin Mabuti ang bawat panig. At iboto ang karapatdapat iboto. At humiling na lamang ng magandang resulta galling sa kanila. Na sana’y makapagpabago sa kumunidad natin. At makamit o mahigitan ang mga ekspektasyon ng tao sakanila na masunod ang kanilang ipinangakong adbokasiya.
9 notes · View notes
ninyoito · 3 years
Text
PANDEMYA
Balik tanaw, noong ika-31 ng Disyembre taong 2019 ikinumpirma ang unang kaso ng coronavirus sa Wuhan, China, ito’y nag bigay takot and alerto sa buong mundo. Nag simula itong lumaganap at madaming naapektuhan lalo sa nasabing bansa, at ng ika-11 ng Marso nag simula idineklara  ang lumalaganap na virus tinatawag ngayong COVID-19. Sa panahon natin ngayon, tayo ay nasa ilalim ng isa sa pinakamalaking pandemya na naganap sa kasaysayan ng buong daigdig at ito ay ang impeksiyon ng Coronavirus 2019.
Tumblr media
Ang coronavirus ay isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng malubhang lagnat at posibleng malalang pagatake sa ating baga o sa respiratoryo. Bago maisagawa ang mga bakuna, ang pagsuot ng "face mask" at distansya ay nagsisilbing "new normal" para sa paglalaganap ng kooperasyon laban sa pandemya na naging karanasan natin sa kasalukuyan. Ang bawat bakuna ay naglalaman ng tinatawag na Antigen, ito'y isang maliit na sangkap na nagbibigay ng tugon sa ating imunidad. Ito'y maari maging isang buong mahinang mikroorganismo o tinatawag ding "disease-causing organism" upang matutunan ng ating pangangatawan ang daan sa paglaban ng virus na ito. Maari din ito maging isang maliit na porsiyento ng isang mikroorganismo upang sa gayon ang pokus ng buong mikroorganismo ay nakalaan para sa ibang sangkap ng nilalaman nito. Sa tulong ng mga eksperto at magagaling na siyentista ng iba't-ibang bansa, kasama na rin dito ang ating bansa sa pagsusuri ng sanhi ng virus na ito, ang mga bakuna kontra sa coronavirus ay nailantad at naikalat sa iba't ibang parte ng bansa at kontinente sa buong mundo.
Tumblr media
Simula sa unang araw ng lockdown ‘di ko na alam ang gagawin, maraming bagay sa gusto kong gawin na akin lang magagawa kung ako’y lumalabas o pumapasok sa aking eskwelahan. Napapaisip din ako sa mga posibleng mangyare sa mga susunod na araw at mga lungkot na dadalhin nito sa atin. Hindi nag tagal at bumalik na ang klase, nagkaroon ng bagong oportunidad upang matuto ang mag aral, ngunit ito’y kulang. Sa pag dating ng bagong Sistema at ibang klasing pag tuturo.
Tumblr media
21 notes · View notes
ninyoito · 3 years
Text
Napaka galing! Malinaw na napaliwanag ang pananaw ng manunulat tungkol sa ginawang blog.
COVID19: Edukasyon at ekonomiya sa panahon ng pandemya
Edukasyon, isa sa mga pangangailangan ng mga tao upang matuto at magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang bagay sa mundo. Sa panahon ng pandemya, hindi makakaila na maraming pagbabago sa sistema ang naranasan ng mga estudyante. Isa na rito ang pagpapalit plataporma ng mga eskwelahan mula sa face-to-face class sa ngayo’y distance learning. Ang pagbabagong ito ay labis na nakaapekto sa atin, lalo na sa mga pamilyang may problema sa pinansyal na pangangailangan.
Kasabay sa problemang pang-edukasyon na hinaharap natin ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng ating bansa. Dahil sa mga bagong patakarang inilunsad ng ating pamahalaan, marami sa ating mga produkto at serbisyo ang hindi tinatangkilik at nasasayang. Sa mga unang buwan ng pandemya, hinigpitan ng gobyerno ang paglabas ng mga Pilipino sa kani-kaniyang mga tahanan, at dahil dito ay humina ang pag-ikot ng kalakal sa ating bayan.
Bilang estudyante ngayong panahon ng pandemya, masasabi ko na hindi madaling sumabay sa mga pagbabagong ginagawa sa aming pag-aaral. Mayroong mga oras kinukulang ako sa kagamitan para sa iba’t ibang aktibidad na aming ginagawa. Naranasan din naming pamilya ang problema sa pinansyal na pangangailangan dahil may mga kailangan kaming bayaran na pangmatrikula.
7 notes · View notes
ninyoito · 3 years
Text
Napaka galing! Malinaw na napaliwanag ang pananaw ng manunulat tungkol sa ginawang blog.
COVID19: Edukasyon at ekonomiya sa panahon ng pandemya
Edukasyon, isa sa mga pangangailangan ng mga tao upang matuto at magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang bagay sa mundo. Sa panahon ng pandemya, hindi makakaila na maraming pagbabago sa sistema ang naranasan ng mga estudyante. Isa na rito ang pagpapalit plataporma ng mga eskwelahan mula sa face-to-face class sa ngayo’y distance learning. Ang pagbabagong ito ay labis na nakaapekto sa atin, lalo na sa mga pamilyang may problema sa pinansyal na pangangailangan.
Kasabay sa problemang pang-edukasyon na hinaharap natin ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng ating bansa. Dahil sa mga bagong patakarang inilunsad ng ating pamahalaan, marami sa ating mga produkto at serbisyo ang hindi tinatangkilik at nasasayang. Sa mga unang buwan ng pandemya, hinigpitan ng gobyerno ang paglabas ng mga Pilipino sa kani-kaniyang mga tahanan, at dahil dito ay humina ang pag-ikot ng kalakal sa ating bayan.
Bilang estudyante ngayong panahon ng pandemya, masasabi ko na hindi madaling sumabay sa mga pagbabagong ginagawa sa aming pag-aaral. Mayroong mga oras kinukulang ako sa kagamitan para sa iba’t ibang aktibidad na aming ginagawa. Naranasan din naming pamilya ang problema sa pinansyal na pangangailangan dahil may mga kailangan kaming bayaran na pangmatrikula.
7 notes · View notes
ninyoito · 3 years
Text
Nais kong napagtanto  na may pag-asa sa bawat hamon naating kinakaharap.
BLOG # 1 PADAYON : Kahit anong kalagayan, ipagpatuloy ang buhay.
Tumblr media
Isang mapayapa at masayang araw sa lahat, Ako nga pala si Laurence Peter Sevilla isang mag-aaral mula sa St. James Academy ng Malabon. Nais kong gamitin ang aking boses upang magbigay ng kaalaman sa lahat. Di masama ang magbigay ng opinion, basta’t walang masamang intensyon at masasaktan. Ayon sa World Health Organization noong Disyembre 31, 2019 na kumpirma ang unang kaso ng coronavirus sa Wuhan, China na nagpaalarma sa buong mundo. Noong Marso 11,2020 idineklara nila na ang lumalaganap na sakit ay Coronavirus o mas tinatawag ngayong Covid-19, kaya ang ating bansa ay humaharap sa pandemya.
Tumblr media
Dahil sa 'di nating inaasahang panyayari, maraming tao ang nakaranas ng negatibo gaya ng pagkawala ng regular na trabaho, o kaya naman positibo gaya ng pagkakaroon ng sariling hanap buhay. Ako na bilang estudyante, ay nahirapan din dahil sa' di inaasahan na ang dating pagpasok sa paaralan ay naging bertuwal na lamang. Patong-patong na gawain ang ginagawa sa araw-araw ngunit sa kabila nito ako ay naging mahusay sa pag-aaral, dito nagsimula ang pagkakaroon ko ng parangal. Ito ang aking naging inspirasyon upang 'di sumuko sa pag-aaral at ituloy at tapusin ang aking pag-aaral. Sa kabila ng nararanasan nating pandemya naging matatag ako dahil sa dalawang taong naging karamay at katulong ko para makaraos sa Bertuwal na Klase sila ay si Angelynne at Stephanie. Sila ang nagbigay ng lakas ng loob at tumulong sakin sa paggawa ng mga gawain.
Tumblr media
Bukod doon, ang aking pananampalataya ay lalong naging matatag, dahil sa panahong ito nagkaroon ako ng mas malaking oras para sa sarili ko at sa Diyos, sa tingin ko lahat naman tayo. Marami akong nakilalang tao, naging inspirasyon ko sa paghuhubog ng bokasyon. Pero, inaamin ko hindi ito naging madali maraming pagkakataon din na ako ay nakalimot dahil sa Gawain, sa paglalaro, at marami pang iba. Pero dahil sa mga taong nakapaligid sa akin ako ay nanatiling matatag na magpatuloy sa buhay at huwag matakot harapin ang mga pagsubok. Naniniwala ako na sa bawat masama o mabuting epekto ng pandemyang ating parin nararanasan ay magbibigay sa atin ito ng mga aral.
Tumblr media
Hayaan ninyo ako na magiwan ng isang tanong sa inyo bilang pagninilay naging epekto sa atin ng pandemya na patuloy parin nating nararasan. Ano ang naging epekto sa iyo ng pandemya? Ilahad mo iyong sagot, opinion at kwento sa pamamagitan ng pagamit ng comment section sa ibaba. Ito ay para magbigay ng aral, inspirayon at lakas ng loob para lumaban gaano man ka sama o kabuti ang naging epekto ng pandemya. Salamat, nawa’y ating patuloy na ipagdasal ang paghilom ng mundo, paggaling ng mga may sakit lalo na ang lahat ng nahawaan ng Covid-19.
Tumblr media
28 notes · View notes