Tumgik
oropesakt-blog · 6 years
Text
Sining na may Bahid Natin
"Sadyang natuwa ang Maylikha"
Siguro naman ay pamilyado na tayo sa linya ng kantang ito. Tunay nga na natuwa ang Maylikha dahil sa dinarami -.rami ng biyayang mayroon tayo at ang ating bansa. Saan ka man mapadpad mayroong magagandang lugar na matatagpuan mapa lupa man yan o dagat ang mga taong nakakasalamuha, may iba't ibang talento at kakayahan na siguradong maipapamalas hindi lang dito sa loob ng bansa. Isa rin ang ating bansa sa kilalang nagbibigay o mapagkukuhaan ng mga hilaw na materyales kung kaya't, napakamaraming mga dayuhan ang nag aagaw-agawan sa teritoryo ng Pilipinas.
Ngunit bakit ganito ang nangyayari sa bansa natin? Patuloy na pagtaas ng bilihin, isa pa rin tayo sa mga mahihirap na bansa sa buong mundo at marami pang problema na kinahaharap natin ngayon.
Sa panahon natin ngayon at noong una pa ang ating sining ay walang pagkakakilanlan dahil hindi biro ang ating mga pinagdaanan,tila napagpasa- pasahan ng mga bansang mananakop kung kaya't ang ating nakaraan ay nakabase sa mga tradisyong nakagisnan o ipinamana nila sa atin.
Oo, kilala nga tao ng mga tao sa buong mundo pero ito ay panandalian lamang, sa mababaw na kadahilan o ang iba ay dahil nakakatagpo sila ng kasiyahan. Pero hindi natin makamit ang tunay nating mithiin, ito ay ang pagkakakilanlan natin sa ibang bansa sa malalim na aspeto.
Sa aking palagay, para makamit ito ang unang paraan ay ang pagtanggap at pagtangkilik sa sariling atin. Sa pamamaraang ito kahit saan man tayo mapunta kaya natin maipagmalaki na isa tayong Pilipino. Kahit na sa panahon ngayon na ang mga Pilipino raw ay mahilig o madaling maakit ang damdamin sa maraming bagay, matutunan lang natin na mahalin muna ang sariling atin bago ang iba ay paniguradong patuloy tayong uusbong.
2 notes · View notes