pagmayaharaya
pagmayaharaya
Quarantine Adventures
45 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
pagmayaharaya · 2 years ago
Text
Overwhelmed
Napakarami nangyari sa life ko, jusme. San ba ako magsisimula? Basta gusto ko lang naman mailabas at naipon, umapaw na. Yung nalulunod na ako sa impormasyon, sa pakiramdam, at sa pag-iisip. Ayoko lang siya bigla ibaon o itapon, gusto ko siyang maimmortalize o madigest kaya heto ako, titipik muli.
Lumalam na ang pandemya. Yung dating kinakatakutan ay bigla nalamang naging normal. 3 years ago, we are all fearing for our lives, naghoard ng mga pagkain, nagkagulo sa bakuna, naghugas at naglaba ng gulay lol iwas virus, nagkulong sa bahay at naging mapag-isa. Maraming tao ang mabilis na kumawala sa kanilang mga lungga pero ako, hindi muna.
May mga nakasamaan ng loob, may mga gatherings na hindi napuntahan, may mga kaibigan na hindi na naturture ang pagkakaibigan, daming nangyari. Ang bilis umusad ng mga bagay-bagay na looking back 3 years ago, gusto ko sana mas marami pa akong nagawa. Pero kasi diba pag takot ka sa buhay mo, parang ang goal mo nalang is to survive. Sino ba kasing nakakaalam?
May mga namatay, may ilang ilang beses nagkasakit, maging ako. Nagkaroon ng fear na liliit ang mundo pero kagaya ng pagmomoveon ng mga tao sa pandemya, nakalimutan ko din ang takot.
Pero alam mo? Hindi kasi siya isang araw ay hindi ka na takot. Sana naiproseso ko ito, mas naiaalis ko sa sistema ko kasi parang nagmamanifest sa ibang aspeto ng life or ibang outlet na feeling ko kung naproseso ko nuon at sinabi kong valid ang fear ko, dun siya tuluyang mawawala.
Okay lang ba na natakot ako nuon?
Sa tingin ko YES. May mga namatay e. Matanda na sila Mama at Papa baka mahawaan ko. Ayoko makahasel. Ayoko makapatay. So siguro naman, enough reasons na yun para majustify yung naging pagkukulong ko. Yung iba kasi pakiramdam ko hindi ako maintindihan. Pero bakit natin iimpose ang prinsipyo natin sa iba? Masama ba akong tao? OA ba ako? Hindi ko alam.
Then fast forward dumating na ang pinakahihintay ko. Makasama ang taong mahal ko. Ang bilis ng pangyayari. Tapos na ba talaga nun? Nakakamiss ang mga preparasyon. Ang dami "kung maibabalik ko lang moments" as regards sa mga pwedeng matipid, pwedeng nagawa pa or iniba sa program or suppliers etc. Pero isa ba siyang magandang alaala? Para siyang blur. LOL. Ganon ba talaga? But I married the love of my life and yun ang pinakamahalaga.
Fast forward. Dami natuklasan bout myself, about my physical health, etc.
0 notes
pagmayaharaya · 3 years ago
Text
Pili minus or plus T
Paano ba babalansehin ang hayaan ang isang bagay o gawan mo ng paraan? Kapag ba ginawan mo ng paraan ibig sabihin ba nun, pinipilit mo siya? Hanggang saan mo hahayaan? Ala nga naman kasing parang timang ka lang na walang gagawin. Alangan naman din na para kang timang na gagawin mo ang lahat kahit na hindi uubra.
So paano? 
Paano ang tamang timpla? Ano ang tamang formula? In the first place, may formula ba? E ano nga ba ang equation? May equation din ba o gawa gawa mo lang? o kailangan ata gawan ng equation.
Tunay ngang mahiwaga ang buhay.
Wala naman kasi talagang nakakaalam. Walang may alam. Kaya nga ba ang buhay ay dedicated sa “pag-alam” ng mga bagay? Yung tipong malalaman mo nalang as you go along, na “ay taena ganito pala!” or “ay paksyet, hindi ito!”. 
Handa ka bang alamin? or to paraphrase it... “Gusto mo bang alamin?”
Pero kasi hindi ba parang mabubuhay ka nalang sa pag-alam? What-if wala naman palang kailangang alamin? Paano kung ito na pala yun! E ano na, umikot kalang sa wala?
May mga bagay na ikaw ang magbibigay ng kahulugan, may mga bagay na sadya namang walang kahulugan. So paano mo sya lalaruin o ibabalanse? 
Pwede kayang lasapin nalang at wag isipin? Damhin ng hindi mo kinakailangang mag-isip? Ipagpasalamat ang nasa harap mo na ng hindi naka-abang sa mangyayari sa kinabukasan?
Mag-isa ako ngayon. Katahimikan, Gutom ako. Gusto ko kumain.
Di kaya iyan lang muna ang dapat ko tingnan hindi kung ano ang wala? walang kasama. walang pamilya. walang kaibigan. physically?
Hindi kaya kailangan ko lang magluto at kumain?
Hindi kaya kailangan ko lang maligo?
Tayo ang magdidikta kung ano ang wala sa atin. Tayo ang maglilista ano ang kulang, o me kulang nga ba talaga? 
Wala akong kasama. Pero buo pa ang pamilya ko. Healthy lahat.
Mag-isa ako. Pero may boypren ako na nagmamahal sakin.
Kailangan ko magluto. Yung iba walang mailuto.
Ang dami ko free time. Yung iba oras nalang ang binibilang at mamamatay na.
Kailangan ko maghugas ng plato. Yung iba dishwasher ang trabaho at umay na umay na.
0 notes
pagmayaharaya · 3 years ago
Text
Must have written something
Isang buwan na ang lumipas. Ambilis. Pero ngayon mas may grasp na ako ng bawat araw. Yung kahit dumaan siya, naramdaman ko siya. Dati kasi, dadaan lang. Pero ngayon, kahit dumaan, ramdam ko.
Enero. Eliminating, little by little, yung hindi importante. Mas nagsisikap na simplehan ang buhay, nagfofocus sa dapat at hindi sa gusto.
Nakapagtanggal na ako ng mga damit na ayoko at di nasusuot.
Nakaisip ng structure sa finances.
Mas naintindihan ang kasimplehan ng buhay at bagay bagay.
Being uncomfortable for 5 mins. Then flow.
Importance of sleep. Aba talagang nag 9hours.
Walang hearing so rejuvenated.
Hinarap ang takot sa SLEX.
Tumulong sa mga nangangailangan.
Wala ng FOMO. 
Ano kaya ang tema ng Pebrero ko.
Alam ko na:
Beat Procrastination.
0 notes
pagmayaharaya · 3 years ago
Text
Oh, hello there!
Chom beck 2 a beyautiful yu!
Many discoveries so far. Here are the outtakes!
-Discovered I am an empath. Cge ill test later if i shall pass or not.
-Conquering my fears, one step at a time.
-I really love mornings and coffee
-death is the ultimate equalizer. There’s nothing to fear, just live your life as meaningful as you can. Also, who knows what’s up there!
- be prepared for the the things you fear most. Di lang sapat mag-ingat.
- maging maagap. time lost, you can never bring it back.
- seize the first opportunity but use your intuition carefully
- you can find meaning in little things. in little moments.  in little successes. 
- you don’t have to save the world, you can just shed light to one’s life, in your little ways, in little moments.
- life is great.
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
Okay nabura..
So sabi ko nga, may dalawang uri ng pagmumuni-muni:
Compulsive-thinking reflection and reflection which seeks to understand.
Ang una ay paulit-ulit na pag-iisip ng mga bagay na wala namang kapararakan, wala kang nararating. Kumbaga, nagsasayang kalang ng oras, effort at energy. Yung mag-iisip ka lang para masabing may ginagawa ka, kaya it often results to a more anxious and fearful you. Ito yung ginawa kong “pagmumuni muni” noon. Kaya pala paulit ulit. LOL.
And second ay pag-iisip na ang layunin mo ay intindihin ang isang bagay. Yung mag-oobserba ka, hindi ka manghuhusga. Uunawain mo ang nararamdaman mo, hahalungkatin mo ang naipong damdamin at itratrace mo ang daan bakit naglead ka to a certain feeling. Ito yung pag-iisip na may structure, may purpose. And if successful, may maiintindihan mo at makikilala ang sarili mo.
Kagaya nyan, i sensed na kapag nag-all out ako ng isang araw, ang kapalit nun mga 3 days na pahiga higa at low energy. Kung compulsive thinking ang paiiralin ko, magiging harsh ako sa self ko kasi taena ang tamad ko naman sa 3 days na un. Pero kung yung isang uri ang pairalin ko, magegets ko bakit ako ganyan. Actually ginegets ko pa hanggang ngayon pero at least aware na ako diba?
Kailangan ko magets ang trigger. Physically pagod kasi ako e. So i should have taken mini breaks dun sa period ng pag-all out. 
So ayun guys and gals, mas maging matalino tayo sa pag-iisip. Hindi lang dapat isip ng isip. Isip with a structure and purpose dapat. Kasi sayang naman ang igugugol natin dito. :)
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
Takot
Nagtataka ako dahil may mga bagay na kinakatakutan ako noon na nawala at mga hindi ko kinakatakutan noon na siyang kinakatakutan ko ngayon.
FOMO and SAYING NO, ekis na. 
Napalitan ng takot sa driving at cross.
LOL.
Bakit nagrechannel ang fears? 
“While rechanneling always sounded like an interesting approach, it’s mindfulness that has become my go-to tool to combat fear. “
Pandemic hit us hard. It really changed me in ways na di ko akalain mangyayari sa sarili ko. I really feel self-secured. Yung alam ko yung boundaries, yung hanggang dito nalang. May tuldok. Hindi tulad noon na come what may, na para bang basura na ang nangyayari ay hindi pa ako aware. It really feels good to take care and really look after yourself, huh. 
So sabi diyan, okay lang irechannel ang fears. Pero the most important thing to do is feel the present moment.
Fear of driving- shokot ako sa picture sa mind ko na di maganda, mga takot ko nung may tumawid na baliw, na scared ako sa fast cars. Pero that is future. Wala pang ganon, walang ganon. So if ever I’d muster the courage to feel my presence on the road, go. So that is the cure. Just focus on the driving and just be present.
Fear to cross- saan? anuba madelaine anim na taon mo na yang ginagawa. it’s perfectionism and self-sabotage on the loose. I just have to be motherfcking present, makinig mabuti at magtiwala sa sarili ko. Present moment, Mads. Wala pa ang promulgation.
ANg yes, I can always trick my brain na:
queasiness is excitement.
Excited ako. Excited akong magdrive at mag-cross.
<3
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
Let’s see where it goes
Even two lines, one paragraph. With nothing in my mind but the sound of the keyboard and the buzz of the cars in an early morning grind.
I am still.
I thank God for the beauty and gift of life.
At 35, I learned how to stay firm with my principles and decisions, to understand my values and make peace with being physically alone at this time of pandemic.
I am unshaken.
I just need to find ways to minimize my fears, parang nagrechannel yung ibang energy and transmuted into fear.
But i’ll be more gentle with myself now.
After all, looking back, seeing my 34 year old self, may tahimik ang puso at isip ko ngayon. High five, self! :)
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
Dasal
Gusto kong malaman mo na ipinagdasal kita.
Yung sasabihin ko na hiniling kita, itong araw na ito. Ikaw. Tayo.
Imbes na sabihin nating “destiny”, o ang swerte natin, o pinili natin ang isat isa, diba mas masarap pakinggan na “Pinili Niya tayong maging tayo” o “Ikaw ang taong ipinagdasal ko”.
Dahil bagamat kontrolado natin ang ating mga damdamin, gusto kong isipin na mas may hihigit pa doon. Yung mas malalim na kabuluhan na hindi natin maipaliwanag.
Kaya naman ipagdadasal ko ikaw, ako at tayo. Yung dasal na “Thy will be done”, na “Lord, ikaw na ang bahala.”
Minsan hindi ko maunawaan ang katagang “In God’s perfect time”
Isinulat na nga ba ng Diyos ang ating kapalaran o isusulat palamang niya sa pamamagitan ng ating mga dasal.
Mabuti ang Diyos at nakikinig siya. Wala tayong alam, wag tayo masyado magmarunong. Puno ng misteryo ang buhay, wala talagang may alam. At dito pumapasok ang kalayaan natin na pumili ng paniniwalaan.
At gusto kong maniwala sa dasal.
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
E basta
So andito ako, kinocompel ang sariling magsulat ng kahit ano, palibhasa ilang araw ng walang structure ang buhay, phone dito, phone duon. Nakakaurat. Yung screentime ko e parang nabuhay nalang ako para magcellphone. Adiksyon talaga.
Kamusta ba ako? Minus the cellphone ay okay naman ako. Looking back, sobrang laki talaga ng inimprove ko. Eto ang ilan sa mga yun:
1. WHAT FOMO? 
May mga nangyayari sa paligid ko na Kebs lang kahit di ako maging parte non. Kapag sa tingin ko ay hindi okay sa mental health or physical health ko, kebs ako. Wala namang talagang mamimiss. E kasi hindi naman porke lumabas kayo for a dinner ay friends for life na kayo. Importante ang fun times pero iba pa din ang heart to heart times, yung dama mo yung tao malayo man siya o malapit, kasama mo man o hindi. Dama times are the best. Yung hindi lang simpleng pagkain ang pinagshasharean niyo, kundi yung nagkaintindihan nalang kayo ng tao sa anumang paraang ginawa niyo.
2. WHAT NARCISSISTS?
Sa buhay ko, may mga tao na ipinilit ko ang sarili ko or inisip ko lahat ng pwede ko gawin para magwork ang relationship namin, whether it be romantic or friendship. At ito yung mga tao who made me feel super bad about myself, yung iniisip ko tangina ano ba pwede kong gawin? Pero wala pala. It is what it is. May mga tao na sadyang hindi mo parehas ng values, ng paraan ng pagiisip at prinspiyo. And that’s perfectly okay. Natutunan ko na wag nalang ito/silang pansinin because it is an utter waste of time, as in. Ikot-ikot lang talaga. At sabay lang sa ikot ikot, sa “laro”. Laro kasi kailangan matalino ka. They have a pattern and dapat aware ka duon. Huwag magpapadala.
3. WHAT UNWIND UNWIND?
Hindi kailangan ng beach o ibang bansa para magrelax ka o unwind unwind or ika nga nila “kailangan mo yan for your mental health eme eme” Kahit asa banyo ka ay pwede ka magunwind. Walang pinipiling lugar. Ngayon, dito. Pwede akong huminga. Excuse lang natin yung relaxation by the beach or whatever. Dont get me wrong mahalaga ito, but for a different purpose, bonus nalang ang relaxation duon. Kunyari sa ibang bansa, nde unwind unwind un. You immerse yourself into a different culture, or expose yourself to new things pero bullshit ung relax relax na yan. Dahil pwede ka magunwind kahit nasa balkonahe ka lang, o nasa kama, nasa kusina. Nandito. Ngayon.
4. WHOSE ALONE?
Ems yang malungkot dahil mag-isa. Lahat tayo mag-isa no. Saksak natin yan sa mga kukote natin. Pag nagkasakit ka, naospital, mag-isa ka. Sa super duper intimate moments ng life mo ay mag-isa ka. At nasa kapalaran natin how to make the most out of our alone time. Dati iyak iyak pako sa pag-iisa physically but ngayong pandemic its the most fucking liberating thing. Actually ung fact na un ang pinakamaswerte, biruin mo less hasel sa pagiisip ng household contamination. There is always beauty in whatever situation we are in. Yakapin lamang natin ito.
Deym. What an entry. :)
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
I need to write something
Yes, push it baby. Thoughts should be written and understood. Kahit walang thoughts ay push pa din. Just glad that I had an almost 8 hour sleep. It felt really good knowing that I had a productive day and naibigay ko lahat ng pwedeng mabigay sa araw na yun. Napakahelpful talaga if mayroon kang personal statement. Kasi bigla nalang sya magpop up sa mind mo para iremind ka of the person you want to become.
Am i really in the habit of finding fault of other people?
Amperfect mo teh? LOL. But to me, naiinis lang ako bakit ang dali sa iba na magpakita ng otherwise? Na yung madilim na sikreto nila ay parang naibaon na nila kaya wala ako right na isipin pa un. How can they hold themselves up at mamuhay ng normal? LOL.
May kanya kanya tayong sikretong malupit. Who am I to judge? Sabi ko nga kindness and compassion ang pinaka importanteng quality. Am I being compassionate kung ganito? Pero more importantly, am I being compassionate to myself if iisipin kong hindi ako compassionate sa iba? Labo e no.
Anyway, we secretly judge others, sure yan. Pero what do we do with it?
And there it is, the secret really is to translate judgment to curiousitY!
deymmmm.
Galing a. I have found a solution just by letting it all out. Nice!
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
How to?
Hi Lord,
Maybe the theme of my blog today leads me to you.
How to develop a relationship (again) with you Lord?
I feel scared and lazy.
I don’t want to confront my feelings and I guess I am just numbing everything around me, to feel safe perhaps.
How do I do this again Lord?
Hehe, alam ko ito ang unang hakbang pero gusto ko kasi masustain? So yes Lord, let’s talk. Let’s have a deep conversation.
Lord, susubukan ko po.
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
SIMPLEASE
Ang sarap ng pakiramdam na yung paligid mo ay malaking espasyo, makikita lamang ang mga bagay na kailangan, yung essentials at basics. 
Madalas nasisilaw tayo ng karangyaan ng mundo pero napakasarap lasapin ng kasimplehan ng buhay.
Puting pader.
Cabinet na may mailalagay pa.
Simbolismo na nasa harap at paligid mo lang ang mga bagay na kailangan mo. Kailangan natin na makuntento.
Simplehan lang natin ang buhay mga kapatid. Napakasarap huminga. Napakasarap damhin ang mga bagay na meron ka na.
Salamat sa kapayapaan sa aking puso. Salamat sa pakiramdam ko na ako ay sapat. Palagay ko ang kapaligiran mo ang sumasalamin sa nararamadaman ng isang tao. Alisin natin ang sukal, ang mga hindi importante at itira lamang ang kaluluwa. NAPASAKARAP HUMINGA.
Simplease.
Simplease.
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
koneknek
Thank you for today’s strength to connect with people. Masakit lang sa ulo ang too much fone at chat so i guess i have to dedicate a specific time lang to chat. cannot always be kalat kalat. otherwise itll be my life.
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
Time Check? Or just Self Check?
Ano nga ba ang iche-check lol
Ilang araw na naman ang lumipas at tila dumaan lang sa palad. Minsan nagigising nalang ako na hindi ko alam ang araw o kung anong petsa na ba? Pakiramdam ko nabubuhay ako para pumunta lang sa ending: makasama muli ang pamilya ko at mahal sa buhay at magkaroon ng normal na mundo.
Pero ilang beses ko na kasing sinasabi sa sarili ko ito e. Kada announcement ng ECQ/MCQ or GCQ, palagi ko sinasabi sa sarili ko na ito ang buhay NGAYON: Na hindi na ito pwedeng dumating sa future and I have to make the most out of the situation.
Pero paano nga ba magiging produktibo pa sa ganitong kahabang panahon na hindi mo nakikita at nahahawakan ang pamilya mo at mahal sa buhay? Motivation is a myth ika nga ng iba, to which i agree. Hindi talaga kailangan ng motivation or requirement sya para may gawin kang isang bagay. YOU. JUST. HAVE. TO DO. IT.
Sabi nga, “you’re not being overwhelmed, you’re lazy & disorganized”. This is somehow true for me. MASWERTE PA TAYO, sobra. Nakakahinga, may oxygen, buhay at malaya. So anong problema natin dude?
WE ARE OKAY. And I believe that what we have are anxious hearts. Kaya dapat natin na i-honor ang takot, ang anxieties para hindi lang siya naibabaon at napaparalisa tayo. 
1. I am anxious that time is running. Dalawang lockdown na ang nagdaan, my 34th and 35th birthday, pakingsyet 35 na ako ng ganon ganon lang? Time, where have you been! At ano ang magagawa natin sa pagtiktok ng orasan?
Sabi ni Sadhguru:
Time is slipping away. Though we cannot manage time itself, we can manage how we use it by investing our energy in what is most meaningful.
Wala daw tayo magagawa sa oras. Tuloy ang tiktok nyan. Tatanda tayo. Why get anxious sa fact na yan, hindi natin kontrol ang bawat usad ng kamay ng orasan. Ang pwede lang ntn kontrolin ay HOW. Paano natin susulitin ang oras? Paano nating magiging makabuluhan ang pananatili natin sa mundong ito? Duon tayo tumuon.
2. Wala na ako sa timeline. Ito yung lingering thought ko. PERO PERO. Fuck the timeline. Kaniyakaniya tayo ng timeline. And sino ba ako para ifit ko sa sarili kong timeline ang mga bagay bagay at ngumawa na parang sanggol kung hindi ito masunod. HINDI AKO NAG-IISA. Maaring may nauna, maaring may napaaga, maaring may sakto sa timeline at okay lang yun. Buhay nila yun. Bakit ako nakatingin sa buhay ng iba at ikukumpara ko yun sa buhay ko? 
I can always create a different narrative. Hindi ko kailangan sundin ang dikta ng lipunan. Hindi. JUST LET THINGS UNFOLD. Mas maganda na kusa itong mangyayari, mas maluwag, walang pwersahan. ALAMO YAN GHORL!!!
3. I am anxious that some of my days just slept away at wala akong nagawang matino.
But sabi nga sa article: – you’ll NEVER know where you might be now had you not “wasted your time”.
Walang nakakaalam kung magiging ibang tao ba tayo if that “wasted time” was put to good use? And also, is it “wasted time” nga ba na maituturing.
We can look at it differently, like its more of a “preparation time or prep time”. At walang saysay din kung iisipin mong nasayang. kasi walang sayang. wala.
THAT’S IT FOR NOW :)
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
Hello! Self-check please :)
Sabi na e, mainam talaga na isinusulat mo ang feelings mo kasi makakalimutan mo ito at pag binalikan mo, magugulat ka na parang siyet, ibang tao ba ang nagsulat nito?
Kamusta na ba ako?
Life goes on. Dumadaloy. Ang agos, patuloy. Minsan pakiramdam ko manhid ako, minsan pakiramdam ko, nagpapatay lang ako ng oras. Na para bang inaantay ko palagi magbukas dahil sa isip ko, mas makabuluhan ang bukas. Bukas kasi abogado ako, bukas kasi may ireresolve akong legal issue, bukas kasi tao ako. Unlike ngayon, physically alone, katwiran ko e wala namang makakakita?
Bakit ganon ang tao ano. Bakit hindi straight ang agos, bakit up and down, left and right, right and left, hindi fixed. Dapat kasabay ng agos, marunong akong sumabay.
Dahil sa totoo lang hindi pwedeng magpaanod anod o magpakatangay. Well minsan, nakakasorpresa din kung san ba patutungo ang agos. Ewan ko ba. Dapat ba magfloating ako o dapat lumangoy sa patutunguhan.
Tangina, ang tatag ko.
Isang taon na ang pandemya, mula March 17, 2020. Ang tatag ko. Bawat araw walang kasiguraduhan, pero kinakaya at nagpapakatatag.
So self-check? Okay pa ako. Okay na okay. Yun nga lang minsan mahirap gumalaw. Yung just do it na phrase ang isa yata sa pinakamahirap isabuhay. Bago ka dumating sa just, ang daming seremonyas.
Minsan nakakapagod ang thought na ganito. Pero buhay ako e. Mas masarap kung nanamnamin ko ang bawat hininga, ang bawat pagbangon sa bawat araw, bawat pagpikif ng mata. Kase putangina, diko alam hanggang kailan ako hihinga, babangon o pipikit na ba ng pangmatagalan.
Paano nga ba sinusulit ang buhay? Sinusulit sya sa salitang “JUST DO IT”, ang tanong paano mag just do it? Walang sagot e. kasi kagaya nito, ginawa ko lang :)
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
Takot/Kapanatagan
Overwhelming yung nararamdaman kong takot. Gusto kong maisip san ba yun nagmumula? Yung takot gusto kong pangalanan. Tawagan natin siyang Thirdie. Grade 3 ako ng magsimulang mayanig ang mundo ko, so i guess, yun ang naging channel para maiba ang psyche ko.
-------------------
Woke up today feeling stable. LOL sa stable. Kahapon/ Kagabi kasi damang dama ko ang lungkot at gusto ko siyang unawain. Gusto ko siyang obserbahan. Basta ang sure ako, it comes and it goes at kapag umaatake na siya, kapit lang.
Alala ko yung pakiramdam na hindi ko macontain yung parang sasabog na feelings, like sabi ko nga gusto ko magwasak ng gamit, tumungga ng red horse, mang boxing ng bagay o tao. Sinusubukan ko namam magbreathe in breathe out as an immediate relief pero naooverpower ng utak ko na waepek yan waepek yan. Pero the fact na naging ako ngayon ng stable at may onting kapayapaan, isa lang talaga masasabi ko:
KAPIT LANG.
Kapit lang kasi huhupa din ang emosyon. Kapit lang kasi eventually, kung kilala mo at may tiwala ka sa sarili mo, nakakatiyak ka magiging panatag ka uli, at hindi mo kailangang masamain yung phase na nakakaramdam ka ng lungkot kasi normal yun. Sabi nga, bawat trigger or atake is an opportunity for you to heal. 
Kaya dapat sobrang maging aware ako. Paano ko kaya malalaman na ayan na umaatake na. Kailangan may gawin ako para mas maging aware sa emotions ko para alam ko paano kontrolin. Teka, research mode.
-----------------------
1. Gumawa daw ng listahan ng sitwasyon na alam mong matrigger ka. Para madisynthesiza ang “threat”.
2. Define anong uri ng threat--- emotional or physical and determine ang category niya.
3. AWARENESS SA symptoms, like mabigat chest, di makahinga etc and reduce the attack and calm myself. Understand the symptom.
4. ORIENT MYSELF kung anong oras ngayon, ano talaga ang nangyyari sa present moment. Pag may triggers kasi napupunta tayo sa nakaraan. 
5. if walang awareness, maiiisip natin na tayo ang trigger. Separate yourself from the trigger.
6. WHIM HOFF Breathing would be helpful.
7. Anything can be perceived as a threat can become a TRIGGER.
0 notes
pagmayaharaya · 4 years ago
Text
Journaling 101
Today is 12,668th day of my life. And in my countdown, God willing, I still have 11,000 days left (or more) before I finally leave earth.
Kakatakot ano.
At 34, and turning 35 four months from now, I realize I’ve got so many issues that I need to address. Sure ang daming positive changes, ang daming developments sa pagkatao ko pero andun at andun pa din ang issue na embedded na siguro sa pagkatao ko since childhood. At kailangan ko itong harapin kasi paulit ulit siyang umaatake, at palagi.. palagi pa ding masama sa pakiramdam na para bang hindi ko kontrolado ang mga reaksiyon ko sa mga nararamdaman ko.
So what the heck, susulat na lang ako ng susulat, hanggang sa #bekenemen maaddress ko head on ano ba ang mga dahilan ng triggers at paano ko to maiiwasan. After all, wala naman nakakaalam nito, tayong dalawa lang.
SO FOR THE SAKE OF REFLECTING AND ANALYZING MY REACTIONS, lets research on these:
1. What is my attachment style?
2. Ano ang common triggers at ano ang madalas kong reactions sa triggers?
3. Bakit nagkaroon ng trigger, anong root cause?
4. What are my fears?
5. Ano ang mga pwede kong gawin to have a healthy connection with myself?
Mahirap. Masakit. Pero need na harapin.
Gusto ko, balang araw, pag may sarili na akong pamilya ay mayroon kaming healthy family. At mangyayari lang yun kung ako mismo ay healthy, physically and emotionally.
Kahit sampung minuto bawat araw maglalaan ako ng oras sayo, para mas magkakilala pa tayo ng husto. 
Pinky swear.
0 notes