Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Sarap sa Jollibee




Sarap sa Jollibee Blog!
Maligayang pagdating sa “Sarap sa Jollibee!” Ito ang iyong pinakabagong destinasyon para sa mga rebyu at karanasan tungkol sa mga paborito at masarap na pagkain sa Jollibee. Dito sa “Sarap sa Jollibee”, aming layunin na ibahagi ang aming mga karanasan sa iba't ibang produkto at pagkain sa isa sa pinaka popular na fast food chains sa Pilipinas - ang Jollibee!
Noong nakaraang Linggo, nagpasya akong subukan ang Mix & Match nila at umorder kami ng Jolly Spaghetti na pinaresan ng coke float, ito kasi ang madalas hindi napapansin ng mga tao kaya sinubukan ko itong bigyan ng rebyu. 1pc chicken na may kasamang fries at coke. Ito kasi ang pinaka sikat na meal sa Jollibee kaya hindi na kami nakapag hinaty at inorder na namin. Sa unang kagat pa lamang, nasarapan ako sa lasa ng masarap na spaghetti at malutong na chicken ng Jollibee. Naalala ko ang luto ng mama ko kasi filipino style ang spaghetti nila, kasama ang malamig na coke at may masarap na ice cream sa ibabaw nito, talagang naging kumpletong kainan ito!
Para sa unang rebyu, tuklasin natin ang isa sa mga mura na mabibili sa Jollibee - mix and match ng Jollibee. Ito ay isa sa mga pagkain ng Jollibee na kilala dahil mura na masarap pa at talagang mabubusog ka pa.
Ngayon samahan nyo ako na bigyan ng rebyu ang pagkain ko.
- Timpla (5/5): Ang lasa ng Spaghetti ay hindi mawawala sa tradisyonal na masarap na lasa na hinahanap natin mula sa Jollibee. Bukod sa mura na ito mabubusog ka pa. Ang timpla ay sakto sa panlasa na hinahanap ng Filipino.
- Tekstura (4/5): Ang sauce na nasa spaghetti ay masarap, at mukhang pinaghandaan talaga ang proseso ng pagluto nito dahil nag bigay ito ng maganda at kaakit-akit sa mata na tekstura. Mapapansin na ang sauce sa ibabaw ng spaghetti ay may sangkap na hotdog, karne, at ham, sa ibabaw nito ay marami pang keso. Ngunit kung titingin sa coke float na nabili, mapapansin na puro yelo ang laman n’on, kaya kakaunti lamang ang maiinom.
- Serbisyo (4/5): Mabilis at maayos ang serbisyo, ngunit may kaunting pagka-antala sa pagtanggap ng order.
Sa susunod na rebyu, tuklasin naman natin ang pinaka sikat na meal sa Jollibee, ang classic chickenjoy meal. Kilala ito dahil ito ay may malutong na balat at masarap na laman ng manok.
- Timpla (5/5): Ang lasa ng Chickenjoy ay hindi mawawala sa tradisyonal na masarap na lasa na hinahanap natin mula sa Jollibee. Hindi masyadong maalat at hindi rin masyadong maasim - sakto lang sa panlasa!
- Tekstura (4/5): Ang balat ay napakalutong, at ang laman ng manok ay malambot at juicy. Ngunit sa ilang mga piraso, mayroong mga butil ng mantika na nararamdaman.
- Serbisyo (4/5): Mainit ang pagkain ngunit mahaba naman ang pila, pero okay na rin.
Sa kabuuan, ang Mix & Match ng Jollibee at classic chickenjoy meal ay isa sa mga must-try sa kanilang menu. Hindi lamang ito abot-kayang masarap, ngunit ito rin ay tiyak na mabubusog ka. Siguraduhin lamang na mag-ingat sa pagkain ng masustansyang pagkain at alalahanin ang balanse ng iyong pagkain. Tips sa pag order ng Mix & Match, kung nagmamadali kang sumubok ng spaghetti, mag take out ka, kung gusto mo naman ng mas madami ay mag dine-in ka. Kaya ano pang hinihintay mo…I-try mo na!
Abangan ang susunod na rebyu dito sa “Sarap sa Jollibee!” Hanggang sa susunod na kainan!
0 notes