Text
-CENSORSH*P- sa larangan ng K-Pop
<4:30 ng umaga, sa aking kuwarto. Nagpaparinig na ang lecheng alarm. Sa totoo lang, ironic na ginagamit ko ang aking paboritong awitin bilang pananda ng isa pang “nakaeenganyong” araw sa unibersidad 🙄😢>
🎵GFriend (여자친구) - LOVE WHISPER (귀를 기울이면)🎵

AY NAKO GOOD MORNING TALAGA!
Nagmamadali ako makarating sa Ateneo para maka-review ako ng reading! “Summa Theologica” ni St.Thomas Aquinas
(Oo, si Santo Tomas, ‘yung patron ng UST! Sabi pa nga ni sir na dinukot ng Ateneo Philosophy Department bilang patron ito!)
Habang pinupukpok ko ang aking utak sa modes of understanding ni Aquinas, biglang dumating ang BEST-FRIEND-KO-SINCE-HIGH-SCHOOL na si Justin. Binabansagan ko siyang white-washed dahil tumatangkilik siya sa musika ni Taylor Swift (kaya siya ay isang SWIFTIE.) Kahapon nga lang, hindi siya mapatahimik tungkol sa MV ng Look What You Made Me Do
Subalit, galit na galit ito sa mga “BANJAY BANJAY NA K-PAPSH NA YANH 😡” (sa kanyang pananalita). Minsan, gusto ko siyang saksakin (ay nako talagaaaa), pero alam ko nambibiro lamang ito. Naiintindihan naman niya na matagal ko nang minahal ang K-Pop. Nagsimula ang LOVE AFFAIR ko with K-Pop noong ako’y nasa ika-limang baitang sa Ateneo Grade School. Ang taon ay 2007, isang dekada na ang nakalipas. Noong panahong iyon, tanyag ang awiting Nobody ng Wonder Girls sa Pilipinas, at napanood ko ito sa “makabagong” plataporma ng YouTube.

Naalala ko pa ang choreography nito at madalas ko sinayaw ito sa klase. Kung babalikan ko ang alaalang iyon, nasusuka ako sa pagkahiya. Dahil dito, HINDING-HINDI KO MAPAKIKINGGAN ANG NOBODY SA KASALUKUYAN 😳😳😳.
AT DITO NAGSIMULA ANG PAGTATANGKILIK KO SA AWITING KOREANO.
Fast-forward naman tayo sa 2012. Isa pang kantang K-Pop na maituturing essential sa pagpasimuno ng Hallyu Wave ay ang FANTASTIC BABY ng BIGBANG. Nahanap ko ang kanta dahil ipinakita ito ng aking kaibigang mahilig sa K-Pop, si AG! (Shoutout sa’yo AG! LUV THIS SONG OMG! 💖)
youtube
Gustong-gusto ‘to ng mga Filipino noon, at hanggang ngayon sapagkat napakikinggan ang awitin sa local na telebisyon katulad ng late night variety show na Banana Split (o “Banana Split” na kasalukuyang pinapalabas pagkatapos ng ASAP). Makikita sina Angelica Panganiban at John Prats na sumasayaw parang mga tanga pagkatapos mai-deliver ang punch line ng bawat joke habang pinatutugtog ang Fantastic Baby.

JOKES ASIDE, kung titingnan ang music video ng Fantastic Baby bilang isang teksto ng Kulturang Popular, makikita sa subtext ng music video ang paraan ng pag-iisip ng kapanahunan nito.
Para maintindihan ang mga paraan ng pag-iisip, tumungo muna tayo sa mga imahen na pinepresenta sa MV. Ang konsepto ng SAUSSUREAN SIGN, more specifically ang SECOND-ORDER SIGNIFICATION (o ang connotative sign) ay mahalaga para sa pagsusuri ng mga imahen. Sa pagsusuri, makikita natin kung paano gumagalaw ang South Korean Media at Lipunan sa taong 2012.
1. Ang Kuwago o Owl
Sa unang frame pa lamang ng video, may makikitang kuwago na nakatayo sa isang street lamp. Sa literatura, ang kuwago ay isang signifier para sa kaalaman o knowledge.
Makalipas ng ilang segundo, makikita ang Kuwago na lumipad. Ang paglilipad ay isang signifier para sa pagpapalaya o liberasyon.
Kung iisiping magkasama, ang paglilipad ng Kuwago ay sumisimbolo sa PAGPAPALAYA NG KAALAMAN. Ang kahalagahan nito ay aking babalikan mamaya.
2. Ang Dalawang Panig
Dito, makikita natin na naglalaban ang dalawang panig. Isa rito ay ang pulisya, na collectively ay nagiging signifier para sa control at awtoridad.
Ang pangalawang panig ay mga indibidwal na nakasuot ng mga gas mask. Ang signified ng mga nakasuot ng gas mask ay rebelyon dahil common o ingrained na sa ating isipan ang imahen ng isang vandal na gumagawa ng graffiti sa pampublikong espasyo at madalas siya nagsusuot ng gas mask para hindi makalanghap ng kemikal mula sa spray paint.
Dito, makikita natin ang binary opposition ng CONTROL/REBELYON at ang kanilang pakikipaglaban isa’t isa.
3. Ang mga Kadena
Dito, makikita natin si Daesung (completely ignoring the fact he is shirtless OMG) na nakakadena sa pader. Bukod sa pulisya, ang estado ng pagkakadena ay isa pang signifier ng control.
Makikita rin natin na sinusubukan niyang makawala, at sa mga susunod na punto ay matutuklas natin kung ano kanyang tinatakasan.
4. Ang Iisang Denotative Sign
Makikita natin sa riot shield ng mga pulisya ang mga katagang
“STOP MUSIC”
“STOP SINGING”
Dito, inihahain na ng teksto ang problema na hinaharap sa kapanahunan ng pagkasulat ng Fantastic Baby. Ito ay ang ISYU NG CENSORSHIP sa South Korean Media, specifically K-Pop. Tingnan natin kung papaano malalapat sa CENSORSHIP ang mga tinukoy na imahen thusfar:
Ang pagpapalaya ng kaalaman sa imahen ng kuwago ay tumutukoy sa kagustuhan ng mga manunulat (na sina BIGBANG members G-Dragon, T.O.P, at ang producer na si Teddy) ibuwag ang sistema ng CENSORSHIP sa pamamagitan ng pagpapalaya ng nais nilang sabihin.
Ang binary opposition ng CONTROL/REBELYON ay kumakatawan sa paglaban ng mga radikal na artist katulad ng BIGBANG sa sistema ng CENSORSHIP.
Ang control sa imahen ng mga kadena ay tumutukoy sa kalikasan ng CENSORSHIP na pagiging limiting o hadlang sa creative process ng musika at ang karapatan ng freedom of speech.
Sa mga susunod na imahen, tingnan natin kung papaano naman nilalaban ng Fantastic Baby ang makapangyarihang sistema ng CENSORSHIP.
5. Ang Pagliyab
Dito, makikita ang isang road sign na naka “🚫” o naka cross-out ang logo ng mga rebelde, ang gas mask (na siyang sign ng rebelyon). Subalit, tinapunan ito ng molotov at ito’y lumiyab. Ang pagliyab na ito ay maaring maintindihan sa dalawang paraan:
Una, ang akto ng pagliyab sa tumututol na road sign ay signifier ng pagsisimula at pag-usbong ng rebelyon laban sa sistema ng CENSORSHIP.
Pangalawa, ang akto ay signifier sa mismong pagtutol sa sistemang ng CENSORSHIP.
6. Ang Obra at Rebolusyong Pranses
Makikita natin si T.O.P na nakasuot ng isang costume na remeniscent sa kasuotan ni Napoleon Bonaparte

Si Napoleon, higit sa pagiging emperor ng Pransiya, ay isa sa mga mahahalagang personalidad sa Rebolusyong Pranses dahil sa kaynang pagsugpo sa mga tumutol sa revolutionary government at pagiging mapangahas na pinuno sa larangan ng digmaan. Sa madaling salita, siya’y isang rebolusyonaryo.
Similarly, ang BIGBANG ay itinuturing mga rebolusyonaryo (self-imposed, of course).
Mahalaga rin ang pagpresenta kay T.O.P sa loob ng isang frame, possibly sa isang museo. Sinasabi naman nito na hindi lamang sila rebolusyonaryo, kundi mga obra maestra na rin. By extention, ang mga kanta nila ay mga obra maestra rin. Kung ilalapat sa CENSORSHIP, dapat makita ang musika bilang mga obra maestra imbis na mga bagay na kailangang ma-filter o pagsuspetsahan.
Sinasabi ng music video ng Fantastic Baby na ang BIGBANG ay mga rebolusyonaryo dahil hindi sila takot na maglahad ng mga saloobin tungkol sa CENSORSHIP. Sa halip na iwasan ang pagkasalungat sa sistema, sinusubukan nila ito. In a sense, rebolusyonaryo rin sila dahil pinapalaya nila ang saloobin ng mamamayan laban sa CENSORSHIP in the media.
Higit sa lahat, sila ay rebolusynaryo dahil nais nilang magpasimuno ng bagong sistema katulad ng mga literal na rebolusyonaryo sa kasaysayan ng mundo.
8. Ang Seksuwalisasyon
Isa sa mga nais tanggalin ng CENSORSHIP sa media ay ang kahit anong sekswal na representasyon: ng katawan, ng indibidwal, atbp.
Ang imahen nito ng paghahawak sa abs ni Seungri ay isang paraan na sabihing walang pakialam ang mga manunulat sa sistema ng kapangyarihang ito. Muli, sa halip na iwasan ang conflict, gumagawa ito ng skandalo para magparinig ng hinaing.
9. Ang Paggiba ng Kapaligiran
Sa imahen na ito, makikita si G-Dragon sa ibabaw ng ginigibang kapaligiran. Ang paggiba ng kapaligiran, kasama na ang mga imprastraktura katulad ng mga pader at bakod, ay maihahalintulad sa ninanais ng manunulat na magiba ang sistema ng CENSORSHIP.
10. Ang Pagtanggal ng Gas Mask
Mahalaga ang pagtanggal ng gas mask dahil kinakatawan nito ang inaasam na tagumpay ng mga manunulat laban sa CENSORSHIP, patungong KALAYAAN.
And true enough, ang problema ng CENSORSHIP sa K-Pop ay nanatiling isyu mula noon hanggang ngayon
Dito, makikita natin si Jay Park na LITERAL na sinensor dahil sa kanyang mga tattoo (also, isn’t he adorable HAHA 🐱). Naging common practice na ang pag-censor ng mga tattoo ng mga K-Pop Idols sa telebisyon.

Sa musika, ang cover art ay isa pang sinesensor. Ang unang album nina G-Dragon at T.O.P na tinawag GD & TOP ay nirelease noong 2011 at gumamit ng ibang cover bago ito sinensor at ginawang puso

Ayan na po! Ang naunang cover ay may Playboy Bunny, na signifier ng kalaswaan sa mata ng gobyerno. Sapilitang iniba ito!
Ang single ng album na tinawag na “Knock Out” ay hindi pinayagan ma-broadcast sa telebisyon (”GD&TOP's "Knock Out" banned on KBS, MBC, & SBS“) Nakasabi sa artikulo na ito ay dahil gumamit ito ng slang, subalit hindi ba ganoon na ang norm sa Kanluraning musika?
Sinabi na nga ng isang netizen na kinuote sa artikulo; ang K-Drama ay maaring maglahad ng isyu katulad ng sexual abuse at ang mga tauhan ay gumagamit ng malalaswang salita. Ngunit, hindi pinapayagang mag-perform sina G-Dragon at T.O.P dahil gumagamit sila ng slang. Makikita rito ang kawalan ng katarungan sa sistema ng CENSORSHIP. Makikita rin ang kawalan ng freedom of expression dito.
Kaya talagang nangangailangan ng kampeon ang mga musikero na nais maipahayag ang kanilang sarili sa larangan ng K-Pop. GOD BLESS G-Dragon at BIGBANG dahil bilang isang Hallyu Wave group (isang grupo na malaki ang impluwensiya sa mga banyaga rin), binabandila nila ang genre ng K-Pop sa buong mundo. Bilang mga maimpluwensiya, sila ang dapat mag-spearhead ng rebolusyon sa K-Pop laban sa CENSORSHIP.
IN ALL HONESTY, minahal ko ang kantang Fantastic Baby hindi dahil sa subtext na tinatago ng music video, kundi dahil nagustuhan ko siya bilang awitin LAMANG. Ngunit, pagkatapos suriin ko ito nang mabuti, may natuklasan rin ako hinggil sa aking sarili; na ang aking mga kagustuhan at libangan, katulad ng K-Pop, ay may sinasabi tungkol sa sarili.
Halimbawa, masasabi kong radikal ako dahil higit sa pagtangkilik ko sa BIGBANG, mahilig rin ako sa mga kakaibang fashion, at makikita iyon sa aking mga punit-punit na pantalon, mga choker, at mga oversized sweater at jacket (pero hindi ko masyado sinusuot ngayon dahil tinatamad ako these days HAYYY).
Pero higit sa superficial na bagay katulad ng kasuotan, ako’y naniniwala rin sa pagrerespeto sa mga ideya at mga nais ipahayag ng ibang tao. Kaya naiinis ako kapag mayroong gustong mag-talk-over (hal. manslpaning) sa iba. Naiinis rin ako kapag hindi pinapahalagahan ang aking mga ideya sa isang group work.
At ganito ang pakiramdam ng mga manunulat ng tekstong sumasailalim sa sistema ng CENSORSHIP, awtor man ng nobela, tanyag na musikero man, o simpleng mamamayan katulad ko at katulad nating lahat. Sa katotohanan, the experience of CENSORSHIP is very much HUMAN and relatable.
Sa ganitong paraan nagiging makasaysayan ang musika, in particular, ang K-Pop para sa akin; dahil may sinasabi ito tungkol sa aking personal na paraan ng pag-iisip; dahil mali ang nosyon na tumatangkilik ka para tumangkilik lamang. Para sa akin, walang “art for art’s sake”. Mayroon itong kahulugan. Palagi itong makabuluhan. Nasa atin lamang ang pagtuklas ng ibig-sabihin nito.
0 notes