Tumgik
pangkat5 · 4 years
Text
Timeline
Timeline patungkol sa mahahalagang pangyayari sa wika at kasaysayan sa ilalim ng pananakop ng mga banyaga - Pangkat 5
Mga miyembro:Mercolita, Dunton, Batislaon, Adornado, Cusi, Abellon, Firmacion, Cabangon, Mirafuentes, Reportoso, Benig.
1521-1565: Ang pagsakop ng mga kastila sa Pilipinas
Tumblr media
Noong 1521, Ang manlalakbay na si Fernao de Magalhaes, kilala bilang Ferdinand Magellan, ay dumating sa bansang Pilipinas at inangkin niya ito bilang isang kolonya ng Espanya. Si Ferdinand Magellan ay nakipag-kaibigan kay Rajah Humabon. Inatasan ni Rajah Humabon na makipag-negosasyon si Magellan kay Lapu-Lapu upang sumunod si Lapu-Lapu sa mga gustong ipaggawa sa kaya ni Rajah Humabon. Ngunit, umayaw si Lapu-Lapu sa utos ni Rajah Humabon kung kaya't noong pag sugod nila Magellan kasama ang mga taga Espanya ay napatay si Magellan ni Lapu-Lapu. 
1565: 
Tumblr media
Pagkalipas ng 44 na taon ay nasakop muli ang pilipinas ng Espanya. Si Miguel Lopez de Legaspi na ang pinuno ng armada ng mga barko, nagtagal ito ng 333 taon at dito nagsimula ang pagbabago ng ating mga wika.
1634: Philip II of Spain
Tumblr media
Marso 2, 1634, inutos muli ni Haring Felipe II ang patungkol sa pagtuturo ng wikang kasitila sa ating mga katutubo ngunit hindi ito naging matagumpay kung kaya't naglagda si Carlos II ng isang dekrito at nagtakda rin sya ng parusa para sa mga lalabag dito. 
1898: Ang pagsakop ng mga amerikano sa Pilipinas
Tumblr media
Panahon ng pagdaong ng mga amerikano, Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at Kastila. Nagapi ng mga Amerikano ang mga kastila kaya opisyal na naging malaya ang mga Pilipino mula sa Kastila.
1901: Pagdating ng mga Thomasites
Tumblr media
Dumating mga Thomasites na nagsilbing mga guro ng mga Pilipino noon.Tinuruan nila tayo mag salita ng ingles at Nagkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino na makapag-aral na pinagkait sa kanila ng mga Kastila. 
1935: Naboto bilang presidente si Manuel L.Quezon at naghahanda para sa kalayaan ng pilipinas
Dahil sa pananakop ng mga Amerikano, nagkaroon ng malaking pagbabago sa wika ng mga Pilipino. Nagsimula na ding umusbong ang wikang Ingles na sa bansa natin. Kung titignan pang-5 ang Pilipinas sa mga bansang kayang makapagsalita ng Ingles. Malaki din ang impluwensya ng Ingles dahil nagagamit natin ito sa mga pang araw-araw na usapan, mga literatura, at pagtuturo.
1941: Pagsakop ng mga hapon sa Pilipinas
Tumblr media
Panahon ng WW II, kung saan sinakop ng mga Hapones ang bansang Pilipinas. Naging malaya ang mga Pilipino na gamitin ang kanilang sariling wika. Ngunit, kontrolado pa rin ng mga Hapones ang mga Pilipino pagdating sa kalakaran. sa panahong ito, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng wikang ingles at namamayagpag ang wikang tagalog subalit ipinagbabawal parin ang paggamit ng mga libro o aklat.
1945:  Ipinahayag ni General Mcarthur ang paglaya ng mga pilipino sa mga hapones. Sa tulong mga Amerikano, nagkaroon na ng kalayaan mga Pilipino na pamahalaan ang sarili nilang bansa.
2 notes · View notes